May Gatas Pa Sa Labi

1503 Words
“Bilisan mo na puntahan si Kris. At pagkatapos bumalik ka rito para matapos ko na ito. Baka dumating na sila sir Jaxon at hindi pa ako tapos rito sa ginagawa ko,’’ saad ni Mama. Hindi na ako nag-aksaya ang oras buhat sa aking narinig kaagad akong lumabas ng kusina at patakbong umakyat ng hagdan papuntang ikatlong palapag. Kahit lumaki ang butas ng aking ilong dahil sa aking pagtakbo hindi ko ito alintana. Hawak ang aking dibdib nang sa wakas na sa ikatlong palapag na ako. Sobrang hingal na hingal ako. Bakit ba kasi nasa pinakataas ng bahay ang silid ni Sir Jaxon? Ngunit tuluyang nawawala ang aking pagod nang hawak ko na ang door knob. “Sorry, mama. Hindi naman talaga si Ate Kris ang pinunta ko kundi si Jaxon my love.’’ Ubod tamis kong ngiti habang sinasabi ang mga katagang ‘yon sa kawalan. Pero siyempre totoo ko ring nami-miss si ate Kris para ko na rin siyang kapatid at siyempre love na love ko siya lalo na at siya lang ang may alam sa kalokohan ko. Pagbukas ko ng pintuan kaagad sumalubong sa akin ang malamlam na ilaw sa kanyang silid. Medyo kalat pa ang ibabaw ng kama, senyales na hindi pa nalinis ni ate Kris. Kaagad kong sinarado ang pintuan. Mariing kong ipinikit ang aking mga mata ang dinadama ang lamig ng aircon. Naaamoy ko pa ang kanyang pabango na naiwan sa loob. Ngunit nakalipas ang ilang Segundo ka agad din akong napayakap sa aking sarili dahil sobrang lamig sa loob nang silid ni sir Jaxon. Puno ng excitement ang aking dibdib nang kunin ko ang ginawang cards at chococolates sa loob ng aking bulsa medyo natataranta pa akong may lukot sa badlang dulo nang card. ‘Hay, Naku talaga Suzi, kahit kalian ang tanga mo. Hindi mo man lang iniingatan ang card!’ nagpapadyak pa ako dahil sa sobrang inis ko sa aking sarili. Ang tanga-tanga kasi, ano lang ang sasabihin ni Jaxon my love kapag nakita niya may lukot ang card? Pero kaagad akong huminga ng malalim. “Breath in breath out. Dapat kalma ka lang Suzi, okay? Masisira ang magaganda mong mode.’’ saad ko sa aking sarili. Muli akong ngumiti ng matamis at naglalakad pa kending-kending na tila sumasali ako sa patimpalak ng Miss Universe habang papalapit sa bed side table ng mahal ko. Kaagad kong binuksan ang mini drawer. Napapangiti ako dahil nakita ko ang mga ibang bagay na lihim na binigay ko sa kanya. Hindi man lang ito nawala o tinapon niya. Impit akong napatili at pinong lumundag dahil sa tuwa dahil sa isiping nagustuhan niya pinapahalagahan nito ang mga bigay ko. ‘Ibig sabihin ba may gusto rin siya sa akin’?’ Oh, my God! Parang himatayin na ako dahil sa aking naiisip. ‘Yong sulyapan nga lang niya ako para na akong maiihi sa aking panty. Paano pa kaya kung mahalin na niya ako?’ “Gaga! Huwag kang assumera, baka hindi niya ‘yan nakita!’’ napairap akos kawalan nang biglang sumabat ang nega kong isipan. Pero bahala siya, kahit sa ganitong bagay sobrang masaya na ako. Dinala ko muna sa aking labi ang chocolate at card at hinagkan ng matamis. At buong ingat kong inilagay sa loob ng drawer pero bago pa sinisigurado kong makikita niya ito. Ito ang unang tatambad sa kanya kapag buksan na niya ang drawer. Bagi pa man ako lumabas ng silid niligpit ko muna ang mga kalat sa kanyang computer table, sahig at pinagdadampot ang kanyang mga damit na nagkalat. Pakanta-kanta pa ako habang ginagawa ko ‘yon. Ngunit napatili ako nang napagtanto kung hindi pala short o t-shirt ang aking hawak. ‘To the O, to the M and to the G! Ano to brief?’ Kakaiba kasi ang hitsura para, may butas sa gitna. “Ay, naku, brief nga?” malakas kong bulalas habang lumalaki ang aking mga mata. Kaagad akong napatakip sa aking bibig baka may ibang makakarinig. Tinakpan ko ang aking mga mata, kahit patay na patay ako kay Jaxon my love nahihiya pa rin ako makakakita ng ganitong bagay lalo pag-aari ng lalaking mahal mo. Pero kaagad nagliwanag ang aking mukha at umiral na naman ang aking kapilyuhan. Tinaggal ko ang aking kamay na nakatabon sa aking mukha. Nagpalinga-linga ako sa paligid at sinigurado ko munang walang makakita sa aking gagawin. Lalo na si mama baka mapapatay niya ako kapag nakita niya ako sa aking gagawin. Nang wala akong nakita dahan-dahan kong inilapit sa aking ilong ang brief ni Jaxon my love sa aking ilong. “Wow! Ang bango naman parang hindi amoy lalaki’’ anas ko sa aking sarili. Marahan akong humiga sa kanyang kama habang na natiling na sa ilong ang kanyang brief. Mas lalo akong nalulunod sa kilig nang maamoy ko ang kanyang unan. Niyakap ko ito ng mahigpit at dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata. Ini-imagine kong magkatabi kaming humiga dalawa habang yakap naming ang isa’t isa. ‘’Hay, ang sarap siguro sa pakiramdam na nakukulong sa yakap ng mahal mo?’’ wika ko habang nakapikit ang mga mata. Napahagikgik pa ako sa isiping hahalikan niya ako at kung daks ba ang kanya? Siguro naman noh? Minsan ko na siyang nakita na tanging boxer ang suot at masasabi kong sobrang laki. “Ang harot mo, Suzi! Ang bata-bata mo pa! May gatas ka pa sa labi ngunit ganyan na ang nasa isip mo!’’ Kaagad akong napailing-iling tama nga mukhang napa sobra ako. Kahit naman sobrang mahal ko siya pero nasa isip ko pa rin si mama. Kailangan kong makapagtapos para mabigyan ng magandang buhay at para maging karapatdapat ako kay Jaxon my love. Ngunit tigil ang aking pagday dreaming nang tila may taong nakatitig sa akin. Pero sigurado naman akong ako lang mag-isa rito sa loob ng kwarto ni Sir Jaxon. Ngunit napatigil ako sa aking pagday dreaming nang biglang may tumimhim. “Ahem!” Napabalingwas ako ng bangon dahil sa aking narinig. Sa sobrang taranta ay muntik ko nang ihampas ang unan sa aking mukha, pero huli na ang lahat. Nang itaas ko ang aking paningin, halos maputla ako sa gulat. Nakatayo sa may pintuan si Sir Jaxon—may suot na grey na hoodie at pajama. Nakasandal sa hamba nang pintuan. Nasa ilalim ng bulsa ang kanyang kanang kamay. Samantalang ang kanyang kaliwang kamay ang pinanghahawak sa kanyang cellphone. “Suzi… why are you here inside my room?” Pakiramdam ko ano mang oras mawawalan n ako nang ulirat. Nanlalamig ang aking buong katawan lalo pa at na natiling nakabukas ang aircon. Mas lalo nagwawala ang aking dibdib nang mapansin ko ang blangkong expressions ng kanyang mukha. Hindi ko malaman kung galit ba siya o hindi? Mas lalong nagwawala ang aking kalooban nang nagsimula itong naglalakad papalapit sa aking kinarooonan. Napakagat ako sa labi habang mabilis na tinatago ang brief sa likod ng unan. Napaawang ang aking bibig pero walang salitang lumalabas. Pambihira! Bakit ba kasi hindi ko sinara ang lock ng pinto? At bakit ba kasi ako nagpa-dala sa harot ng imahinasyon ko? “Ehh… ahmm… kasi po… hinahanap ko si Ate Kris! T-tama, hinahanap ko nga siya. K-kasi tutulungan ko siyang maglinis. Hahaha!” Pilit kong tawa, pero parang kinikiliti ang kaluluwa ko sa hiya. Pero hindi siya naniniwala sa aking palusot dahil nakita ko ang pagtaas sa sulok ng kanyang mga labi. Gusto kong kumaripas nang takbo palabas ngunit tila namanhid ang mga binti pati na ang aking katawan. Lalo pa at ilang hakbang na lang ang kanyang layo sa aking kinaroroonan. “Oh, really? Then, why are you lying on my bed?” tanong niya na tila nawalan ako ng dila. Daig ko pa ang nakalunok ng malaking bola. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko alam kung paano lulusotan ang kagagahan kong ito?!" “Ah - eh, a-ano kasi sir Jaxon. S-sinubukan ko lang naman kung malambot ba? A-alam mo na wala kasi ito sa amin! At totoo nga no, sobrang lambot!” Napapalakpak kong tugon daig ko pa ang baliw sa aking ginagawa. Ako nagtanong, ako rin ang sumagot. Hindi ko alam kung kumbinsido ba siya sa palusot ko dahil hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin na para bang ini-scan ang buong pagkatao ko. Para tuloy akong nililitson sa init ng kanyang mga mata. At hindi lang ang sulok ng kanyang labi ang tumaas maging ang kanyang kilay din. Napaatras ako nang bahagya pero tumigil din sa gilid ng kama nang isang dipa na lang ang pagitan namin. Pigil hininga ang aking ginagawa nang nabaling ang kanyang paningin sa drawer at hinawakan ito. May halo kaba at excitement kung ano ang kanyang reaction kapag nakikita niya ang bago kung binigay ngunit tila dismasyado ako nang muling bumaling ito sa akin. “Ahm, Suzi… nakita mo ba ang pula kong brief? Naiwan ko lang ito kanina." Pakiramdam ko ay biglang may humampas sa akin ng isang kahon ng posporo. Namilog ang aking mga mata. Napa-atras pa ako at parang gustong manlambot ang tuhod ko. “Ha?! W-wala po akong alam d’yan, sir. Promise!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD