Tumikhim siya at biglang ngumiti—isang mapang-asar at nakakakilig na ngiti.
“Relax. Nagtatanong lang naman ako. Mukhang tense na tense ka diyan. But don't worry naalala ko na nasa ilalim ng unan, ‘di ba?” tanong nito sabay kindat sa akin.
Lalong namula ang pisngi ko. Hindi ko na alam kung saan ko ipapaling ang tingin ko. Gusto ko nang lamunin ako ng kama. Pero imbes na magalit, umupo siya sa tabi ko. Napalunok ako. Mukhang hindi naman niya naalala bagkus nakita niyang tinago ko ito.
“Alam mo, Suzi. maganda ka pala sa malapitan. Kaso ang bata mo pa!” tila may ibig sabihin amg mga katagang ’yon. Pero mas lamang ang inis ko.
‘Bata?’ gusto kong ipagsigawan sa kanya na hindi na ako bata. Saka 17 years old na ako. . Kung alam lang niyang patay na patay ako sa kanya.
‘Halikan kita riyan. Tingnan natin kung bata pa ba ako sa paningin mo!’ bulong ko sa kawalan. Biglang nawala ang kaba ko kanina at mabilis na palitan ng inis.
“What did you say? Ano ang binubulong mo?” tanong niya at inilapit ang kanyang mukha habang diriktang nakatingin sa akin.
Tumingin siya sa akin, mas malapit na ngayon. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga at ang bango ng kanyang pabango na tila mas nakakabighani kapag malapitan.
“W-wala po! Wala naman akong binubulong,”
“Talaga? Paano kung narinig ko?” bulong nito sa aking punong tainga na ikinalaki ng aking mga mat.
Napakagat ako sa labi. Hindi ako makasagot. Puno ng kaba ang dibdib ko. Gusto ko mang magtapat, pero…
Biglang bumukas ang pinto.
“Suzi! Nandito ka pala! Kanina ka pa hinahanap ng mama mo!” saad ni ate Mel.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako sa kama at katabi ko si Jaxon. Pasimple akong napangiwi nang
nahuli sa akto. Tahimik ang buong silid sa loob ng ilang segundo. Nanlalaki rin ang mga ni ate Mel.
“Diyos ko po, Suzi! Anong ginagawa mo sa kwarto ni sir?!” Muling palatak ng babae.
“A- ate Mel! Hindi po ito—hindi po ganoon—hindi po ito inaakala n’yo!” halos magkasalubong ang kilay ko sa kaba. Nagmamadali akong tumayo habang si Sir Jaxon ay natawa lang sa eksena.
“Aling Mely, okay lang po. Wala naman pong masama. Masipag lang talaga itong si Suzi. Nagliligpit lang siya kama ko.”
“Susmaryosep kang bata ka. bumaba ka na nga. May ipapagawa pa ang mama mo sa 'yo.” Napapailing si ate Mel habang hinahatak ako palabas. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto, narinig ko pa ang huling sinabi ni Sir Jaxon.
“Little brat!”
Pagkalabas namin sa loob ng silid ni Sir Jaxon hindi pa rin binibitawan ang aking mga kamay ni aling Mely. Saka hindi ko iyon alintana dahil parang wala sa sariling lumalakad ang mga paa ko. Para akong lumulutang. Kahit ilang beses akong kinalabit ni Ate Mel sa braso habang bumubulong ng sermon ay ni isa ay wala akong narinig. Ang nasa isip ko lang ay ang ngiti ni Sir Jaxon… ang kanyang pabango… at syempre, ang kanyang brief na muntik ko nang naangkin. At ngayon lang nag-sink in sa aking isipan ang kanyang sinasabi sa akin kanina na maganda ako dahil napangungunahan iyon ng inis kanina dahil sa pagtawag sa akin na bata.
‘Pero putik, late reaction na yata itong kilig ko. Malaglag na yata itong aking panty.’
Ngunit bigla akong napangiwi sa sakit nang hinigpitan pa lalo ni Ate Mel ang pagkakahawak niya sa akin.
“T-teka lang, Ate Mel. Dahan-dahan naman po,” reklamo ko kay ate Mel. Nasasaktan kasi ako sa paraan ng paghatak niya sa akin. Baka naramdaman niyang lutang ako habang hawak niya.
“Suzi, magsabi ka sa akin ng totoo? Wala ba talagang ginagawang masama sa iyo si Sir Jaxon?” tila paniniguradong tanong ni Ate Mel. Mabilis akong umiling bilang pagsang-ayon. . Totoo naman talagang walang ginagawang masama siya sa akin. Baka ako pa ang may gagawin sa kanya kung nagkataon. Napahagikhik ako sa aking naiisip.
“Ikaw babae umayos ka! Hindi nakakatawa ang naabutan ko kanina. Kung malaman ito ng iyong ina baka malilintikan ka pa. Nakakahiya, lalo na kay Donya Clemente,” nakasimangot na tugon ni Ate Mel. Niyakap ko siya. . Si Ate Mel ang isa mga kasama ni mama. Sobrang close din namin sa isa't isa pero hindi ko ikini-kwento sa kanya na may nararamdaman ako kay Sir Jaxon kaya naiintindihan kong bakit siya umasta nang ganito. Ang kapakanan ko lang naman ang kanilang iniisip.
“Alam ko naman po ’yon, Ate Mel. Pero totoong wala naman pong ginawang masama si Sir Jaxon sa akin. Nagkataon lang na naabutan niya akong naglilinis,” lambing ko sa kanya.
“Hmp, ikaw talaga. Dinadaan mo ako sa ganiyan. Porke't parang anak na ang turing ko sa ’yo mag-asawa!" sermon ulit ng babae. Totoong parang anak na ang l trato sa akin nila kaya ipinagsasalamat ko iyon.
“Hindi naman po sa ganiyan, Ate Mel.. Nagsabi lang din naman ako ng totoo. At saka, ate. Huwag mo na itong ipapaalam kay Mama. Alam mo naman ’yon ang OA,” dugtong ko pa.
“Okay, sige na. Kanina ka pa hinahanap ng mama. Tulungan mo siya maghanda ng mesa dahil kakain na ang mga amo natin. Dito pa ako sa may terrace tatapusin ko lang ang ginagawa ko." Napapangiti ako sa aking narinig sabay yakap na naman kay ate Mel. Akmang tatalikod na ako nang muli akong tawagin ni ate Mel.
“Suzi! May sasabihin lang ako sa 'yo. Sana makinig ka sa akin. Bata ka pa! Hindi naman lingid sa kaalaman kong may crush ka 'yan kay Sir Jaxon. Huwag kang magpadalos-dalos masyaso ka pang bata para sa ganiyan. At sana huwag mong ipagkanulo ang iyong sarili dahil lang sa nararamdaman mo. Sa ngayon hindi ka pa sigurado kung pagmamahal ba 'yan o infantuation lang. Huwag mong gawing mundo ang lalaki bagkus magsikap kang mabuti para makapagtapos ka sa pag-aaral!" seryosomg saad ni Ate. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ko naman sinabi sa kanya na may gusto ako kay Sir Jaxon pero bkit niya nalaman si Ate Kris kaya?
’Kainis naman si Ate Kris, eh. Sabi kong sekreto lang namim 'yon!’ nagpapadyak ako dahil sa inis kay Ate Kris.
“Oo, huwag mong isipin na sinasabi iyon ni Kris sa akin," biglang sani ng babae. At mukhang nahulaan ni Ate Mel ang aking naiisip.
“Bakit hindi ba ate Mel?” nakanguso kong tanong sa kanya.
“Walang sinasabi si Ate Kris mo sa akin. Matanda na ako Suzi, alam ko na ang mga crush na 'yan lalo na sa ganyang edad. At kahit hindi mo sabihin halata namang lagkit ang tingin mo kay Sir Jaxon. Kaya huwag ka ng mainis kay Ate Kris mo dahil wala siyang kasalanan.”
Napakurot ako sa aking daliri bahagya akong nahiya kay ate Mel. Baka isipin nito na malandi na ako. Kay bata-bata ko ay kumikering-king na.
“Huwag po kayong mag-aalala, Ate Mel. Hindi po ako gagawa ng mga bagay na pagsisihin ko sa huli.”
“Mabuti naman kung gano'n. Sige na bumalik ka na sa kusina. Baka malalagot ka na talaga sa mama mo dahil sa sobrang tagal mong bumalik.''
Tuluyan na akong umalis sa harapan ni Ate Mel. Nagmamadaling bumaba ng hagdan ngunit nasa ikalawang palapag pa lang ako narinig ko na ang malakas na tawanan nang tao sa sala. Tanaw-tanaw ko si Donya Clemente ang ina ni Sir Jaxon na may kasamang babae. Pero parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan nang makarating ako sa may sala.
“Oh, My Gosh…” ‘yon lang ang nasambit ko.
Nakapako ang tingin ko sa isang babae na nakaupo sa magarang sofa. Kausap nito si Donya Clemente —ang mama ni Sir Jaxon. Magaan ang kanilang usapan, nagtatawanan pa nga. Pero hindi ‘yun ang pumupukaw ng atensyon ko—kundi ang mismong babae.
Isa siyang modelo. Hindi ‘yung tipong i********: lang, kundi ‘yung tipong mapapaisip ka kung bakit hindi siya nasa billboard ng shampoo o bikini brand. Matangkad siya—siguro nasa 5’8—maliit ang mukha.