(JAXON’S POV) SUNOD-SUNOD kong ininom ang alak na nasa bote. Panay rin ang kontak ko sa number ni Suzi, ngunit hindi ko pa rin siya matawagan. Nasaan na naman kaya ang babaeng ‘yon! Saan na naman kaya ito nagsuot ngayon? Ang sarap nitong itali sa ibabaw ng kama. Daig pa nito si Dora Explorer. Palagi ko na lang hinahanap any babaeng 'yon. Nang tumingin ako kay Iker ngayon ay bagong pasok dito sa mini bar na nandito sa loob ng bahay ko. “Ano’ng balita, nahanap mo ba si Suzi? Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap o nakikita, walang paramdam ang babaeng ‘yon sa akin!” gigil na sabi ko. “Pasensiya na po, Governor. Ngunit hindi ko makita si Ms. Suzi. Nagpunta na rin po ako sa lunsod, ngunit wala rin po si Ms. Suzi roon. Naisip ko ay baka nagbakasyon sa ibang bansa kaya po hindi natin ma

