(Madam Devora’s Pov) Nagising ako dahil sa tahimik ang buong paligid. Agad kong iminulat ang aking mga mata. Puro puti ang aking nakikita. Patay na kaya ako? Ang aking natatandaan ay humingi ako ng tulong sa isang babaeng nakasuot ng maskara. Pagkatapos noon ay nawalan ako ng malay tao. Balak ko sanang bumangon nang makita kong may posas ako sa pulsuhan ko. Kumunot tuloy ang aking noo. Hinuli ba ako ng pulis? Mayamaya pa’y bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng may suot ng facemask. Biglang kumunot ang aking noo. Hindi ako puwedeng magkamali. Ang babaeng ito ay ang pinakitang drawing sa akin ng tauhan ko. Siya ang kumuha kay Pinunong Asmel. “Sino ka? Bakit mo ako iniligtas?” sunod-sunod na tanong ko rito. Bigla itong nawala. “Dapat mag-thank you ka sa akin dahil iniligtas kita,

