Dalawang araw ang nagdaan mula nang magkaroon ako ng sugat sa akin noo. Nang tingnan ko sa salamin ay malapit nang maghilom dahil sa gamot na aking iniinom na gawang secret Weapon Ng Bansa. Nilagyan ko muna ng maliit na benda. Lalo at aalis ako para makipagkita kay Bederto. Ngunit dadaan muna ako sa flower shop para bumili ng mga bulaklak na ipapadala ko kay Governor Jaxon. Tiyak na high blood na ito sa akin. Ilang bulaklak na rin pinadala ko sa aroganteng Governor. Kaya nakakatiyak ako na baka sakalin na ako nito oras na makita ako. Ang sarap kasi nitong asarin, sapagkat pikon na pikon. Muli akong tiningnan ang aking itsura sa harap ng salamin. Nang makita kong maganda na ako ay agad na rin akong umalis. Ngunit hindi ko pa rin kinalilimutan ang aking facemask. Isang simpleng dress ang

