Pero hindi ko hahayaan na matamaan ako ng kutsilyo sa aking mukhang maganda. Kahit masakit ang aking katawan ay pinilit kong iwasan ang kutsilyo. Kasabay nang pagpihit ko pakaliwa ng suot kong singsing. Mayamaya pa’y kitang-kita ko ang pagtalsik ng lalaki habang nag-aapoy ang katawan nito. Bigla akong napatingin sa suot kong ring. Hindi ito basta-basta singsing lamang. Ito ngayon ang bagong labas ng singsing ng secret weapon ng bansa. Mas delikado ito at talagang nakakamatay oras na gamitin. Nagmamadali akong lumapit sa tatlong babaeng bulag ngayon ay nakadapa sa lupa. Kailangan na naming umalis dito dahil sasabog na ang mga bomba na inilagay ko sa loob ng bahay ni Madam Devora. Kahit masakit ang aking katawan dahil sa mga sugat ko lalo na sa balikat ko na alam kong malalim ay pinili

