Agad kong kinuha ang aking baril. Baka kasi may pumasok pa rito sa loob. Hindi ko puwedeng pabayaan ng mga sanggol na ito. Kailangan ligtas sila bago dumating sina Boss Zach. Maingat akong humakbang papalapit sa pinto. NGUNIT mabilis akong umiwas nang makita ko ang pagsuntok sana sa aking mukha. Gigil kong binaril ang leeg nito, hanggang sa tuloy-tuloy itong bumagsak sa sahig. Bigla akong nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang mga private helicopter na dumating. Mas mabilis ang dating nina boss Zach. Nang sumilip ako sa pinto at nakita ko na ang mg tauhan ni boss Zach. Apat na private helicopter ang dala-dala nito. Nang makita naman ako ni boss Zach ay dali-dali itong lumapit sa akin. Agad ko itong isinama sa loob ng kwarto silid. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito dahil sa mga

