Nanlilisik ang mga mata ko habang naghihintay kay Aguda. Talagang kumukulo ang aking dugo kay Vecal Lordes. Hayop! Talagang sa akin niya ibinato ang lahat ng mga kasalanan niya rito sa Sta. Yanara. Napatingin naman ako sa pinto ng bahay na inuupahan ko nang pumasok si Aguda. Sinabi nitong nasa kotse ko na raw ang gasolina. Bigla tuloy akong napangisi. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko upang magpalit ng damit. Agad kong kinuha ang aking dalawang baril para ilagay sa likuran ko. Kinuha ko rin ang aking kutsilyo at ganoon din ang mga karayom. Pagkatapos ay agad na akong lumabas ng kwarto ko. Pagdating sa sala ay nakita ko si Aguda. Sinabi ko rito na tuloy-tuloy lamang nito ang pagsunod-sunod kay Madam Fire Red. Ito kasi ang next target ko. Kailangan ko pang alamin ang totoo kong kasa

