Mariin kong kinagat ang aking labi. Ang sarap sipain ng lalaking nasa ilalim ng table. Nang tumingin ako sa mukha ni Harere ay napansin kong nakakunot ang noo nito at alam kong nagtataka ito. Pinilit kong umalis sa aking pwesto upang mabitawan ako ni Jaxon. Iiling-iling na lamang tuloy ako sa kalokohan ng lalaki. Agad akong lumapit kay Harere. Kailangan nitong maniwala na ayos lamang ako. Nang lumabas ang babae ay roon lamang ako nakahinga ng maluwag. Agad kong ini-lock ang pinto. Nang humarap ako ay nakita kong umalis na sa ilalim ng table si Governor Jaxon. Nakaupo na ito sa swivel chair ko. Seryosong nakatingin sa akin habang panay ang himas sa ibaba ng chin nito. Pakiramdam ko takam na takam ito sa akin. “Lumabas ka na, Mr. Governor. Akyat bahay ang ginagawa mo, puwede kitang ipaku

