Pagdating sa bahay ko ay agad kong ginamot ang sagut ko. Daplis lang pala ito. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa sa akin. Bakit hindi ko magawan gumanti kay Vanesay? Sinaktan na nga niya ako. May Gosh. Hindi ko puwedeng pairalin ang pagiging mabuting anak ko? Teka tama ba 'yon? Mabuting anak nga ba ako? Bigla ko tuloy nahila ang aking buhok. Mayamaya pa’y dali-daling pumasok si Aguda rito sa kwarto ko. Agad nitong tinanong ang aking lagay. Nakita ko nga kanina ang pag-aalala nito nang makita akong may dugo at tama ng bala. “Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin, Aguda. . . Galit ako sa aking tunay na ina. Ngunit bakit hindi ko magawan gumanti sa kanya nang saktan niya ako. Kung tutuusin ay isang karayom na may lason lang ang katapat niya

