Pagdating sa bahay na inuupahan ko ay nakita ko agad si baby Shea. Tuwang-tuwa itong lumapit sa akin. At para bang ako ng Ina nito. Natatawa tuloy ako na binuhat ko ang bata. Napansin kong ang bigat- bigat na ito. Mabilog na rin ang mukha ng bata. Ang sarap na tuloy lamasan nito. Kaya naman gigil kong pinisil ang mukha nito. Panay lang ang tawa ng bata. Muli ko itong ibinaba lalo at may kailangan kaming pag-usapan ni Aguda. Agad namang lumapit si baby Shea kay Manang Makayla. Ito na kasi ang nag-aalaga sa bata. Pabagsak akong naupo sa sofa. May pinakitang video sa akin ni Aguda. “Hindi ko alam kung maniniwala ka, Ms. Suzi. Ngunit ang sapa ngayon dito sa Sta. Yanara ay halos wala ng tubig. Tingnan mo ito, Ms. Suzi.” Sabay pakita ng cellphone nito sa akin na may video. Agad kong tiningn

