Agad kong ikiniling ang aking leeg nang makita kong wala ng malay ang mag-ina. Bukas na ‘yan magigising. Pariho ang ugali nila, ah. Mag-ina nga sila. Hindi na kailangan ang DNA test. Dali-dali akong lumapit kay itay at agad ko itong inalalayan para makaupo sa papag. Agad kong ginamot ang sugat ng aking ama. Alam kong kahoy ang pinaghampas dito. Nakita ko pa kasi ang kahoy na ginamit at may bakas ng dugo. Nang magamot ko ang sugat nito ay sinabi kong magpahinga na ito. Si Paterna naman ay binuhat ni Jalo papunta sa kwarto nito. Hinintay ko munang matulog ang mga tao rito sa bahay bago ako umalis. Nang sumapit ang ilang sandali at mga tulog na ang mga tao ay nagmamadali na akong umalis dito. Mabilis akong pumunta sa dilim at agad na naglambitin sa mga puno. Kahit madilim ang buong paligi

