Sa plaza ako pumunta may lugar naman doon ang puwedeng makainan. Kaysa roon ako magtigil sa bahay ni Jaxon. Baka makilala pa ako nito. Hindi pa ito ang oras para makilala niya ako. Pagdating sa plaza ay ka agad akong naupo sa upuang bato at inilagay ko ang aking plato sa lamesa na gawa sa bato. May tubig din akong dala-dala dahil bumili na lamang ako sa tindahan. Nang tumingin ako sa plato na naglalaman ng mga pagkain ay muli akong natakam. Kahit may mga tao rito sa plaza ay agad akong lumapang. Nakalibre ako ng umagahan ko. Ang dami ko pa lang kinuha na ulam. Busog- busog ako nito. “Ate, pahingi po ng pagkain saka kanina po ako ginugutom.” Agad akong napalingon sa batang nagsalita sa aking tabi. Bumugad sa aking harap ang isang bata na marumi at punit-punit ang damit. Ang balak ko sana

