Nakatingin ako sa mga batang nakaharap ko sa pagkain. Masaya na sila kahit kamoteng kahoy at saging lang ang nakalagay sa hapagkainan. Ngunit para sa akin ay hindi sapat 'yon. Mahalaga pa rin ay kanina.. Napatingin ako sa Ginang at nakita kong dinudurong nito ang kamoteng kahoy. Mukhang ipapakain nito sa batang may sakit. Mayamaya pa’y agad nag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong si Aguda. Sinabi nitong malapit na raw siya. Agad akong tumayo para lumabas ng bahay. Mayamaya pa’y may humintong kotse sa tapat ko. Dali-daling lumabas ng kotse sina Harere at Aguda upang dalhin sa loob ng bahay ang mga pagkain na galing sa isang restaurant. May pizza at dunkin donuts din akong pinabili. Pagkatapos ay agad na inabot sa akin ni Harere ang dalawang paper bag. “Mag-iingat ka rito, Ms. Suzi. Pa

