Agad akong napatingin sa lalaki at babaeng dumating duto sa Fuentebella’s Hospital. Napapalibutan sila ng mga lalaking may dala-dalang baril at mga mukhang mga bodyguard sila. Kitang-kita ko rin ang mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa beywang ng isang babaeng maganda. Mukhang suplado ang dating ng lalaki. Pero sa nakikita ko ay mahal na mahal ng lalaki ang asawa nito. Bigla akong kinabahan nang lumingon sa aking gawi ang lalaki. Nakasuot ito ng shade. Pero nakakunot ang noo nito. Lalong kumabog ang aking dibdib nang lumapit sa akin ang mag-asawa. Bigla tuloy akong napatungo. “May kamag-anak ka rito na kailangan gamotin?” tanong ng babae sa akin. “Opo, Ma’am. Ang Mama ko po,” anas ko habang nakayuko. Hindi ka agad nagsalita ang mag-asawa. Ngunit may inabot sa aking calling card ang

