Hera's POV
I woke up early. Di ko alam kung bakit ako maagang nagising ngayon. 5:00 am pa lang naman.
*grrooowwll*
Oh, yung halimaw ko sa tyan gutom na. Ano bang magandang lutuin ngayon?
Bumangon na ako sa kama at inayos iyon. Ginawa ko na rin ang morning rituals ko at naligo. Pumunta na ako sa kusina para tignan kung may maluluto ba ako. Pero bago pa ako makarating sa kusina, napansin ko ang dalawang box na nasa tapat ng pinto ng kwarto ko. Ganun din sa kwarto ni Fier.
I opened it like nothing happened. At nakita ko ang limang pares ng school uniforms for girls. White sya. Ito na ata ang school uniforms namin.
Binuksan ko rin ang sa pangalawa at nakita ko ang isang spell book, wand, bracelet, at isang sulat.
Binasa ko naman ang nasa sulat.
Hello Hera dear. This is your HM. Nakalimutan kong ibigay sa inyo ang mga gamit at uniform nyo kaya pinadala ko na lang. Yung uniform nyo ay sakto na for 1 whole week. Yung spell book and wand naman ay para sa inyong witchcraft/wizardy class. And yung bracelet ay magsisilbing contact gadget nyo. Pindutin nyo lang yung red button at lalabas na sa hologram ang mga contact list nyo. Wag kang mag-alala, nandyan na ang contact ng nga magiging classmates mo, me, your teachers and clinic staffs. Pindutin mo naman ang blue button kung gusto mong paliitin ang isang bagay at mapupunta na iyon sa bracelet. Kaya hindi nyo na kailangan ng bag. Pindutin nyo naman ang gold button para ilabas ang kahit na anong nakuha nyong bagay na inilagay nyo na dyan. Makikita nyo sa hologram ang mga bagay na nakuha nyo. I remind you, bagay lang ang pwede. Sige,bye na.
Ibang klase talaga dito. Nung last na punta ko dito hindi naman ganito.
Pumasok na ulit ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Sinuot ko na ang uniform ko.
Well, bagay naman sa akin. Sinuot ko na rin ang bracelet at pinindot ang blue button para makuha ang wand at spell book ko. Pony tail lang ang ginawa ko. Napansin kong ang bilis humaba ng buhok ko. Kakapagupit ko pa lang last week ng hanggang shoulder at ngayon nasa bandang dibdib na sya. Pumunta na ako sa kusina para ituloy ang pagluluto ko.
*******
Fier's POV
Ang bango nun ha. Parang luto ni Hera. WHAT??!!! Luto ni Hera?
Bumangon na ako sa kama at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos, lumabas na ako. Paglabas ko natabig ko ang isang box. Box???
*******
Airice's POV
Tumingin ako sa salamin with a smile.
Mygawd, buti na lang maganda pa rin ako kahit bagong gising. Hahahaha. Bumangon na ako sa kama at ginawa ang morning rituals ko. Naligo na rin ako at nagbihis ng uniform.
Speaking of uniform. May uniform na ba sina Hera at Fier? Oh diba, we're close na agad kahit na bago pa lang sila dito at cold silang dalawa sa amin.
Siguro nabigay na ni HM Sandy yun sa kanila. Kinuha ko na ang bracelet ko at sinuot. Tumingin ulit ako sa salamin. ^_^ Ang ganda ko talaga.
Pagkalabas ko sa kwarto, chineck ko muna kung tulog pa silang lahat. Ako kasi ang unang nagigising sa aming dalawa ni Tania. Pero dahil may kasama na kami, di ko alam kung ako pa rin ba.
Nakabukas ang kwarto ni Fier, at pagpasok ko wala ng tao. Gising na ata.
Yung kay Hera naman nakalock. Wala pa naman akong x-ray vision. Si Jared lang ang may ganun.
Pumunta naman ako sa kwarto ni Tania, nakabukas yung sa kanya at walang tao sa loob.
Bago toh ah, Sya ang unang nagising kaysa sa akin. Ang daming first time ngayong araw na ito ah.
First time ako may naging bagong kaibigan after 5 years.
First time akong may inalalang ibang tao maliban kay Tania.
First time ding maunang magising ni Tania kaysa sa akin.
And First Time ding mag-aaral dito ang mga transferees.
Pagpunta ko sa Dining area, nakita ko silang lahat doon na kumakain.
"Magandang morning Airice"- Tania.
"Sino nagluto?" -ako.
Tinuro naman nila si Hera na nagtaas lang ng kilay.
"Why?"- gosh, ang lamig ng boses nya.
"U-u-uh-uhm, ikaw pala ang nagluto. He-he-he", awkward kong sabi. Umupo na ako sa tabi ni Tania.
"Nga pala, bakit sobra ang upuan dito? Di ba dalawa lang kayo?", tanong ni Fier habang sumusubo ng bacon.
Bacon, hotdog,itlog,kanin at coffee ang agahan namin. Si Hera ang nagprepare sabi nila.
"Yung mga friends namin kasi is staying here lagi kaya sobra ang chairs. They also kain and tulog dito. Pero sa living room sila always nagsleep. Later pakilala namin kayo in them", alam nyo na kung sino.
"Huh? Medyo di ko gets", sabi ni Fier. Di ko lang narinig yung binulong nya. Pero nakita kong ngumiti si Hera.
NGUMITI???!!!
"WAAAHHH!!! Nagsmile is Hera/NAGSMILE SI HERA!!!" sabay pa talaga kami ni conyo girl magsalita. Napatingin naman si Fier kay Hera.
"Oh, First time in a million years yun ahh", sabi ni Fier kahit hindi nya nakita yun. First time?? Ang daming first time sa araw na ito.
*******
Hera's POV
"Tsk, bakit sobrang tagal ng babaeng yun?", -Fier.
"I don't know. Ganyan na yan simula pa pagkabata namin", -Airice.
Hinihintay pa namin si Tania. Mga 15 minutes na kami dito at ang sabi nya lang sa amin, magbibihis muna sya.
"Oh nandito na pala sya", Airice said.
"Sorry, Hero just tawag me so that is the dahilan why ako late", Tania.
Nagkatinginan kami ni Fier. But I gave her my famous smirk. Wala lang trip ko lang.
"Halika na nga, late na tayo", Fier.
Lumabas na kami ng dorm at napansin kong halos lahat ng mga babae nakatingin sa akin, I mean sa amin.
"Who are they?"
"Bago ba sila dito?"
"I didn't see them here in academy"
"Bakit nila kasama ang dalawang prinsesa?"
"Nakita ko silang lumabas sa dorm ng mga prinsesa"
"Close ba sila?"
"Malamang magkalapit sila oh. Parang wala na ngang space sa pagitan nila ehh"
Ang galing mambara but syempre mas magaling ako. Well, mahangin ba? Sorry.
Pagkalabas namin ng girls dorm building, nakita ko na agad ang 4 na lalaking na nakabantay lang sa tabi ng pinto ng main building. Parang may hinihintay sila. But the one who's in the center of them is the one that got my attention. Familiar ang mukha nya but nevermind, hindi naman ata sya mahalaga kaya wag ko na lang alalahanin.
Bago pa kami makapasok nakita na agad kami ng 4 na lalaki at lumapit agad sila sa amin.
"Hi Airice, sino sila?", the one with blue hair.
"Oh, they are the transferees. Dormmates namin sila", Airice.
Pansin kong titig na titig yung may white hair kay Airice. I smell something fragrant. It's my perfume, bigay ni mommy.
"Nga pala, Jared Kyle Carson. Prince of Ability Kingdom" sabi nung lalaking familiar. Jared? Sounds familiar din.
I just gave him a cold gaze.
"Benjamin Lerouge, Prince of Land Kingdom"
"Jackson Chen, Prince of Aqua Kingdom"
"Karlos Ven, Prince of Aria Kingdom"
Binigyan lang namin ni Fier sila ng cold stare.
"Di nyo sinabing may pagkaXai, Hero, Jaz at Ace pala ang mga ito. They are all cold. But I think mas malala yung nasa dulo", bubulong na nga lang yung rinig na rinig ko pa.
Yung bumulong ay yung Jackson kay Airice. This two are really close I think.
Magsasalita na sana si Tania ng biglang may dumamba sa kanya ng yakap. I think it will hurt her a lot.
"Taaanniiaa!!! Hi Guysss!!!", a girl said.
Naghello naman sa kanya itong mga ksama namin. Wala lang kaming imik dito ni Fier.
Napunta naman yung tingin nya sa amin.
"Oh,kayo ba yung transferee? ^__^", she asked. Tumango na lang kami.
"Zendaya Jules nga pala, Princess of Electro Kingdom"
"Fierlline Hell Cades"
Bigla naman akong siniko ni Fier. Tss, alam ko naman kung anong ibig sabihin nya ehh. Kailangan pa talagang maniko?
"Heralyn Gwynneth Apostle"
Tumango na lang sila. Maya-maya lang narinig na namin yung bell.
"Oh, bell na", Benjamin said.
Tumingin naman silang lahat sa amin.
"We are your classmates", sabi namin ni Fier ng sabay.
"Yun pala ehh, edi sabay sabay na tayo", sabi naman ni Kyle. Kyle na lang mas trip ko yun keysa sa Jared. Mahirap bigkasin.
Pumasok na kami sa main hall. Pero ang nga mata ng mga taong nakakasalubong namin ay nasa amin dalawa ni Fier.
Di pa rin sila makaget-over sa pagiging bago namin dito at pagiging close namin sa mga royal magicians.
Pumasok na kami sa room. Umupo na sila sa kani-kanilang seats kaya naghanap na rin kami ni Fier ng sa amin.
Sakto namang nasa likod ang mga sobrang upuan. Mga 10 pa yung sobra ehh kaya pinili ko na lang yung nasa malapit sa bintana at katabi ko naman si Fier.
Nasa harapan ko si Kyle si Jackson naman ang katapat ni Fier. Katabi ni Jackson si Zendaya then Tania then Benjamin then Airice at Karlos.
Pumasok naman ang isang babaeng nasa mid30's.
"Goodmorning Special class"
"Goodmorning Ms.Wilson", sabi ng mga kaklase ko maliban sa amin ni Fier. Di namin yan kilala ehh. Absent kami sa first day diba?
Napatingin naman sa amin si Ms.Wilson.
"Oh, we have transferees here. Please introduce yourself"
Tumayo na kaming dalawa ni Fier at nagpakilala.
"Fierlline Hell Cades, 17 years old"
"Heralyn Gwynneth Apostle, 17"
Uupo na sana kami ng biglang may nagtanong na kaklase namin.
"What is your magic?"
Nagkatinginan kami ni Fier. At sabay na sinagot ang nagtanong.
"Confidential"
Tumango na lang yung babaeng nagtanong. Pansin kong nakakunot noo yung mga royals. Tss, malalaman nyo rin kung sino kami but not now. May kailangan pa kaming gawin na importante.
*******
Karlos' POV
Confidential? May magic bang ganun? Parang wala naman ahh.
Ayt, Karlos Ven nga pala, ang pinakagwapong prince ng aria kingdom. Wahahaha. Air is my magic.
Puro tungkol lang sa history ng academy at ng Luminea Kingdom ang tinuturo ni Ms. Wilson. Alam naman na yan ng lahat dito. Ewan ko lang kung alam ng mga transferees yung tungkol dyan.
30 lang kaming nandito. At dahil dakilang gwapo ako, kilala ko silang lahat.
Yung nagtanong kung ano ang magic nung transferees ay si Dylan. Thunder ang magic nya. Sya ang isa sa pinakamalakas na elites.
Sina Hero (Dragon Summoner), Ace (Card Manipulator), Jaz (Emotion Controller), Shea (Mirror Controller), Fey, (Paper Controller), Sofia (Metal Controller), Austin (Energy Controller), and Dylan ang Pinakamakapangyarihang elites dito sa academy. Wala dito sina Ace, Hero at Jaz dahil may mission pa sila.
Kung magtatanong kayo kung close kami? Aba, syempre naman......... Hindi. De joke lang, close kami lalong lalo na kay Hero. Pero syempre ako pa rin ang pinakagwapo sa amin. Walang aangal, ang umangal kakabagin.
"That's all for today goodbye class", yun lang ang naintindihan ko sa tinuro ng last teacher namin before lunch break na si Mr. Tan. Puro mga herbs and iba pang medicines ang tinuturo nya. Ang boring.
Lumabas na ang mga kaklase namin at kaming mga elites at royals na lang ang natira, kasama pala namin itong dalawang transferee na natutulog na. Mga walang modo, natutulog sa gitna ng klase. Bakit kaya hindi sila napansin ni Mr.Tan?
Ginising ko na ang dalawa dahil hindi lang ako isang dakilang gwapo, dakilang mabait rin ako.
"Hoy kayo gising na", sabi ko habang sinusundot ang pisngi nilang dalawa.
Bagit parang may nakatingin sa aking pares ng mata na parang papatayin na ako.
Lumingon ako sa mga elites at royals na seryosong nag-uusap. Wala namang nakatibgin sa gwapo kong likod ahh.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa dalawang transferee.
F**k, parang mamamatay na ako sa mga tingin nila sa akin. Ako na nga lang ang nag-iisang gwapo, mawawala pa ako.
Yung mata ni Fier naging b****y red and yung kay Hera naman ay violet.
Pinikit ko ulit ang mata ko at dinilat pero pagdilat ko. °__°
Tulog ulit yung dalawa. Ano yun?