Light

1683 Words
Jared POV I'm Jared Kyle Carson, 18. Prince of Ability Kingdom. Gwapo? Naman. Mabait? Syempre naman, magpapakilala ba ako kung hindi. Sexy? Maglalaway kayo pagnakita nyo ang sexy and gorgeous body ko. Friendly? Hindi masyado, puro mga gago at malalandi ang halos lahat ng estydyante dito ehh. Wag nyong masamain ang sinabi ko ahh, I'm just stating the fact. Napatingin ako kay Hera na nasa tapat ko ngayon. Why do I have this feeling na kilala ko sya? Alam nyo ba yung feeling na kilala nyo ang isang tao pero di nyo matandaan kung saan, paano, kailan, bakit kayo nagkakilala. At hindi nyo rin alam ang pangalan nya? Ang g**o ko ba? Ehh ganun ang nararamdaman ko ehh. Wala na kayong pake. Nasabi ko na bang dalawa lang kaming nandito sa table dahil yung iba naming kasama ay unorder at hinila pa nila si Fier na ayaw sumama. Hindi naman nila nahila si Hera dahil nung tinitigan nya lang kanina sila, napaka-cold and emotionless. Kaya umalis na lang sila. Hindi naman nila ako mapapasamang umorder dahil never pa yun nangyari, minsan nagteteleport na lang ako kung saan-saan o di kaya binoblock mail sila dahil nababasa ko isip nila. Speaking of mind reading, kanina pa ako nagtataka kung bakit hindi ko mabasa ang isip ng babaeng kaharap ko at ng kaibigan niya. Lahat ng isip ng tao ay nababasa ko maliban na lang kung alam nyang magblock ng isip. Sa pagkaka-alam ko, wizard at witches lang ang nakakagawa nun. At kahit mind reader ka rin, hindi mo mababasa ang isip ko dahil lahat ng mind readers, marunong magblock. "You know that straring is rude?", cold nyang sabi. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. I don't know how to describe this feeling but nakakahiya. Ano bang nangyatari sa akin? This is not me! Kailan pa ako nahiya sa isang babae? At kay Hera pa. Kanina pa ako nawawala sa sarili simula ng makita ko sya na papalapit sa pwesto namin kanina kasabay sina Airice before class. At nung nalaman ko na cold siya at mysterious I find it more interesting to know her more. Napabalik na lang ako sa wisyo ng biglang may umupo sa tabi ko. Tss, nandito na pala sila. "Oh ayan na yung order mo. Mauubos mo ba talaga yan?", tignan mo tong si Jackson, kahit kailan walang bilib sa akin. Partida, kaibigan ko na yan since birth. Nginisian ko lang siya. "Ako pa ba?", sabi ko at kinain ang unang pagkain na nasa tray ko. Napanganga naman sya ng makita nyang isang lamon ko lang yung binili nyang cheesecake. Kasalanan ko bang ang liit lang nung cheesecake na binili nya? "Hoy, kanina pa kita tinatawag" Napatingin naman ako dito sa katabi ko. Si Jackson, ano na naman ba? Nagpatuloy lang kami sa pagkain. 10 cheesecake, 3 lasagna at 1 apple juice ang inorder ko. Hahaha, ang sarap nga ng kain ko ehh. Naunahan ko pa sila. Maya-maya lang nakarinig kami ng pagsabog mula sa field. Buti na lang tapos na kaming kumain lahat. Pinateleport ko silang lahat sa field at syempre kasama ako. Nakita namin ang isang white dragon na nagwawala. Ang pinakamakapangyarihang, Light Dragon ang nagwawala. Galit na galit sya at parang isang leon. Pero nung tumingin sya kay Hera naging maamo ang mukha nya. "What are you doing Light?", tanong nya sa dragon. Sa pagkakaalam ko hindi nakakausap ang dragon. Pero yung boses nya na nagpatayo sa mga balahibo ko. Ang lamig. Lahat napanganga even me ng maging tao ang dragon. Okay, aaminin kong gwapo sya pero mas gwapo ako, I think.    "Madam paumanhin po. Hindi ko lang po mapigilan ang sarili ko ng pakawalan nila ako. Kinulong po nila ako ng matagal at ngayon lang po ako nakawala", sabi nya. Madam? Bakit madam? "Sino ang nagkulong sa iyo?", tanong nya. Emotionless at cold pa rin ang mukha at boses nya. "Di ko sila kilala, pero yung boses nila pamilyar but I don't know kung saan ko narinig", tumango na lang si Hera at yung dragon na tinawag ni Hera na Light na naging tao ay naging necklace naman. Ibang klase ang dami nyang gamit ahh. Baka weapon din pala yan. Naglakad si Hera papalapit doon at sinuot ang necklace. Bagay sa kanya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong kami-kami lang ang nandito. Royals, Hera, Fier, HM Sandy, HM Zach at ang mga elites at yung mga kaibigan naming galing sa mision. Wait, elites? °__° B-bumalik na sila? Nakakunot noo naman akong tinignan nung katabi ko na si Benjamin at tinignan din ang tinitigan ko. "G-guys? Waahhhh!!!! Nagbalik na kayo" -__- Isa pa ito, ako lang ata ang matino sa aming mga lalaki ehh. ****** Benjamim POV "G-guys? Waahhhh!!!! Nagbalik na kayo", sigaw ko sa tuwa. Tumingin naman yung mga kasama namin dito sa tinitignan ko. Ngumiti lang sa kanila sina Jaz at Hero pero si Xai, walang ekspresyon. Si Xai lang ang kasama nilang royalty sa mission. Siya ang prinsipe ng Nachtea Kingdom. Ang tinatawag na Dark Prince, pero hindi nama siya masama, sa katunayan, siya pa nga ata ang pinakamabait sa amin. Lumapit naman kaming lahat sa kanila. "How's the mission?", sabay na tanong ng dalawang HM. "Uyy, sabay kami ni myloves magtanong", parang batang asar ni HM Zach kay HM Sandy pero inirapan lang sya nito. "Success po", sabi ni Jaz. Tumango naman yung dalawang HM. "Nga pala, may mga transferees dito", sabi ni Jackson at hinanap ang transferees. "We're here", sabi naman ng isang boses sa likod namin. "Hera? Fier?", tanong ni Hero. "Hi Hero", bati ni Fier. No espression naman si Hera. "Magkakilala kayo?", tanong ni Airice. "Is it hindi obvious?", sarcastic na tanong nitong katabi ko. Alam nyo na kung sino. Di ko nga maintindihan yung sinabi ehh, kahit na pagkapanganak pa lang namin magkaibigan na kami. "I'm his twin sister", cold na sabi ni Hera. "TWIN SISTER???!!!", sigaw naming lahat. Yes lahat. Lahat kaming nandito. Pati na ang mga yelo. "Ba't di namin alam na may kapatid ka Hero? For cheese's sake, twin sister pa", tanong ni Jared. Galit na sya nyan? Sino bang hindi magagalit ehh magbestfriends yan mga yan ehh along with Xai tapos hindi nila alam na may kapatid pala itong si Hero. "Sorry naman. Nakilala nyo na sya dati, ewan ko na lang kung natatandaan nyo pa", sabi ni Hero na nakapag-pagulo sa isip namin. Tinitigan naming maigi si Hera at Fier. They are too familiar. Di ko lang matandaan kung saan ko sila nakita "Kyle!!! Huhuhu, nadapa ako. *sob* my feet hurts", sabi ng isang batang babae. "Sshhh, tahan na. Galos lang yan. Benjamin!! Pakitawag si nanny, gamutin natin si Gwen", tawag sa akin ng batang si Jared na parang nag-aalala. Gwen? Tinitigan ko ulit si Fier. "Benjamin, nasaan si Xai?", tanong sa akin ng isang batang babae. "I'm here, Hell", tawag ng batang si Xai. Agad namang tumakbo si Hell papalapit kay Xai. "Hell, madapa ka", sigaw ko. Ngumiti lang sya sa akin. Hell? Gwen? "Kayo si Hell at Gwen?", tanong ko. Nasa akin naman silang lahat nakatingin na para bang di makapaniwala sa sinabi ko. "Kami nga yun. Hahaha, di ko man lang natandaang nanggaling ako dito. 10 years ago pa kasi yun. Kanina lang namin dalawa ni Hera nalaman habang natutulog kami", natatawang sabi ni Fier. "Nasaan na yung makulit at masayahing mga bata na yun? Bakit naging cold na?", tanong ni Xai. Nakatingin lang sya kay Fier na para bang sinusuri ito. "Sorry man but it's confidential", sagot ni Hera. Ito talaga ang pinakanagbago. Dati napakamasayahin na para bang mapupunit na yung bibig sa kakangiti pero ngayon, ni isang half smile di magawa. Tumingin naman kaming lahat kay Hero na para bang humihingi ng sagot sa tanong ni Xai. "Wala akong alam dyan. 7 years na ang nakaraan nung huli ko silang nakita kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila", sabi ni Hero. "Paano yun nangyari? Nagkahiwalay kayo?", tanong ni Fey. Pati toh nakikisawsaw na rin sa usapan. Di naman nya alam ang nangyari. "Uhm, sabihin na nating ganun na nga. Nalaman ko ang tungkol sa kapangyarihan ko, 5 years old pa lang ako, ganun din silang dalawa", sabay tingin kaynina Hera at Fier. "But 10 years ago, may nagtangkang kumuha sa akin kaya napilitan ang nga magulang ko na iwan ako dito sa academy", paliwanag nya. "Pumunta sina Hera at Fier sa mortal world at doon sila nagtraining. And, hindi ko alam na ngayon sila babalik. Maniwala kayo sa akin", paliwanag nya. "Special Class, may pasok pa bukas. Bukas nyo na yan pag-usapan", sabi ni HM Sandy. Tumango na lang kami at isa-isang nagsialisan naman ang mga tao dito. "Kayo? Di pa ba kayo aalis?", tanong ni Airice. Nagbuntong hininga na lang kami at pumunta na sa dorm namin. Kailangan pang magprocess ng utak ko sa rebelasyong ito. Oh wow, lalim nun ha. ******* Airice POV "Hera? Pwede ba kitang maka-usap?", napatingin ako kay Hero. Sya yung nagtanong. "Aba! Porke't magkapatid kayo ipapaubaya ko na sya sa iyo, nagkakamali ka!", sigaw ko sa kanya. Nagtaka naman sila sa sinabi ko. "Hehehe, sorry po. Napanood ko lang yun, ginaya ko lang. Sige Hero, humayo na kayo ng kapatid mo. Sya lang ba kailangan mo? Di mo ba kukunin si Fier?", awkward kong sabi. "Hahahaha, si Hera lang", sabi nya at hinila si Hera. Tinignan ko lang sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. "Hey babae, ano are you sabi abo-" "Kyyyaaahhh!!!!! Ang gwapo talaga ni Hero. Gosh, kaya pala maganda si Hera dahil may pinagmanahan. Ano kayang itsura ng mga magulang nila noh? Kamukha ba sya ni Brad Pitt? May pagka-Angelina Jolie ba yung mommy nila? Or worst, baka may baby brother o sister pa sila. Kyaaahhh!!! Ano kayang itsura nila" "Di ko alam na pinagnanasaan mo pala ang pinsan ko", natatawang sabi ni Fier. Gosh, nandito pa pala sya. Nakakahiya. Pero hanudaw? Pinsan? "P-pinsan?", tanong naming dalawa ni Tania. Nakalimutan kong sabihin na kaming tatlo na lang ang nandito. "Yes pinsan. Magkapatid ang nanay namin. Nakalimutan kong sabihin", sabi ni Fier. "And wala ng baby brother or sister silang dalawa. Sila lang ang mga anak ni tita at tito", natatawang sabi ni Fier. Nagpout naman ako doon. Sayang. Akala ko pa naman meron. "Hey Fier-babae. Akala me cold you? Why your iba suddenly?", uhm-ano daw? Tumingin naman sa akin si Fier na nagtatanong kung anong sinabi. Nagkibit-balikat lang ako. "What is your question again?", nalilitong tanong ni Fier. "I sabi, why you are naging bipolar. Dati ikaw cold, now your hindi", Ahhh, medyo gets ko na sinasabi nitong conyong toh. "Ahhh, hindi lang ako cold in private or pagsure na akong mapag-kakatiwalaan ko yung tao", sabi nya sabay ngiti. Ang ganda nung ngiti nya nakakatunaw. Paano pa kaya pag si Hera ang ngumiti? Baka tunaw na ako. Huhuhuhuhu, bakit ba ang gaganda ng lahi nila? Bakit yung sa amin hindi? Bakit ako lang ang maganda sa angkan namin? Why? Why oh why? Huhuhuhuhu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD