Reason

1421 Words
Fier's POV 1 month na ang nakaraan nung rebelasyong iyon. Nalaman na rin ng iba ang koneksyon ko kaynina Hera at Hero. Maraming nangyari sa 1 buwan na yun. Naging mas close kami sa isa't-isa. Naging kaibigan na rin namin ang nga elites at royals. Yung iba naming kaklase naiinggit pero yung iba masaya. Masasabi kong naipakita ko na sa kanila ang makulit na side ko at hindi na nila nakikita ang cold side ko, minsan na lang. Pero si Hera? Ayun, di pa rin nagbabago. Sa pagkaka-alam ko, may malalim na dahilan ng pagiging cold ni Hera. Una medyo pa lang naman. Yun yung time na nagkahiwalay sila ni Hero but yung 2nd is the worst. Flashback "Line, hurry. We are now late in our first class", tawag sa akin ni mommy-este Hera pala. Manonose-bleed talaga ako sa babaeng ito. English ng english wala naman kami sa america. "Yes, madam", I said while laughing. I pack my things and go to the sala. Nakita ko naman si Hera na nagbabasa. "Are you ready?", ngumiti na lang ako sa tanong nya. Pumunta na kami sa kotse. Sya sa driver seat at ako naman sa passenger seat. 14 years old na kami. 1st year highschool. Yes, 1st year pa lang namin toh. As you can see, independent na kami. 12 years old pa lang kami nung magsimula kaming magkaroon ng responsibilities sa sarili namin. 1 beses lang kasi sa isang buwan umuuwi ang magulang namin dahil kadalasan may mission sila. Mission, reagarding sa mga magical stuffs and etchetera. I have a power too not only one nor two but three.  "Hey, lady. We are now here", paalala ni Hera sa akin. Tumango na lang ako at nag-ayos bago bumaba ng kotse. All their eyes are looking at us. Sino ba namang hindi, ehh ang gaganda namin. And, isa rin kaming transferee dito sa school na toh. I read the name of my school. 'Grayson Academy' Nice name but the hell I care. Kailangan lang namin makatapos sa eskwelahang ito. Nagsimula na kaming maglakad pero hindi pa rin naaalis ang tingin nila sa amin. Maya-maya lang may nakabangga kay Hera. A guy, I mean a jerk. "Uhm", nauutal na sabi nung lalaki na para bang namangha sa kagandahan at kaseksihan ni Hera. Paano ba namang hindi ehh bagay na bagay sa kanya yung uniform ng academy na ito. Red knee socks, black 1 inch school shoes, red blouse with gray lining and black skirt na 3 inches above the knees. Ganun din yung akin. "S-so-sorry", sabi nung lalaki at tumakbo paalis. Nagsimula naman ang bulungan. "Gosh, nagsorry si Clark?" "Nabingi ba ako?" "Ang silent-type-guy na si Clark ay nagsorry sa isang transferee?" "Bully si Clark right? And hindi ko pa sya narinig na nagsorry, bakit nung nakabanggaan nya lang tong transferee nagsorry agad?" Hinila na ako ni Hera paalis, sa mga nagbubulungan na iyon. "Thanks Hera", sabi ko. Tumango naman sya sa akin. Maya-maya lang binuksan na namin ang pintuan ng room namin. "Mind introducing yourself in front, ladies?" tanong nung teacher namin. Mga nasa 30's na ata ang isang toh. Nagpakilala na kami. "Fierlline Cades", boring kong sabi. Wala naman kasing pogi sa room na toh. Landi ko ba? HAHAHAHAHHA "Heralyn Apostle", boring rin na sabi nitong katabi ko. Naging tahimik ang buong klase and nung narealize nilang wala na kaming idudugtong doon, nagsalita yung prof. "Maghanap na kayo ng mauupuan nyo", sabi nung prof.  Nakita naman namin ang magandang pwesto sa likod kaya doon na kami umupo. Pumasok naman ang isang lalaki. Sya yung nakabangga kay Hera kanina. "Mr. Grayson, why are you late?", galit na tanong nung teacher.  Nagkibit-balikat lang yung lalaki. Nilibot nya yung paningin nya at huminto naman yun sa amin. Pumunta na sya sa upuan na nasa tapat ni Hera at doon umupo. Naging tahimik ang klase. Maya-maya lang lunch break na namin. Tumayo yung lalaki at at nagpakilala sa amin. "Clark nga pala", sabi nya at umalis. Bakit kaya ang hilig magwalk-out nung lalaking iyon? Pagkatapos ng ilang araw, masasabi kong naging close kami ni Clark pero mas close sila ni Hera. Nalaman kong sya pala ang may-ari ng school na toh. End Of Flashback Putsa, yung first meeting pa yung nakwento ko. Wait, fast forward natin. Baka mag-break na at hindi pa ako natapos sa pagkukuwento. Ang boring kasi kaya magrereminisence na lang ako. Flashback Months, yes, months na ang nakalipas simula nung magkakilala kami ni Clark. And alam nyo bang boyfriend na ni Hera si Clark? Bumalik na rin ang dating Hera na masayahin. Alam naman nina tita ang tungkol dito. So it means, legal sila. Masaya daw sila para kay Hera. 8th monthsary na nila ngayon. And naghahanda na si Hera para sa surprise nya para kay Clark. "Fier!!! Okay na ba ito?", diba? Nag-iba na sya. Hindi na ako manonosebleed nito. "Wag yan ito na lang. Infinity ring", sabi ko sa kanya at tinuro ang singsing. "Pangkasal naman yan ehh. *pout*" "Para matali na kayo sa isa't isa", sabi ko sabay tawa. Maya-maya lang may tumawag kay Hera. "Hello?.........WHAT?!.....Where is he now?........Who did this?......With Line........THE HECK! NO!", yan yung sinabi nya. Naging cold sya at nataranta nung sumigaw sya ng 'what' "What happened?", I asked. "Clark is in hospital. He just found in the forest, unconscious.", she said na natataranta. Nagteleport kami papunta sa ospital na sinasabi ni Hera. Buti na lang walang tao sa shop na yun. Napadpad kami sa girl's cr. Buti na lang din walang tao dito. Lumabas na kami at pumunta sa ER. ER? Bakit ER? Lumapit sa amin ang tita ni Clark. "I'm so glad your here. Clark need you", she said. Lumabas naman ang doctor. "Uhm, sorry mam but he's dead. Excuse me", hindi na namin mapigilang maluha. Lalong-lalo na sina Hera at yung tita ni Clark. "Bakit *sob* po ba sya *sob* nandun sa forest?", naiiyak niyang tanong. "I don't know. He lost 5 days ago. Hindi ko lang nasabi sa iyo dahil ayaw kitang mag-alala and and *sob* nakita na lang daw sya sa forest duguan", hindi na napigilan ng tita ni Clark at umiyak na sya. End Of Flashback Now you know kung anong nangyari. Dahil dun mas lumala ang pagiging cold ni Hera pero ngayong sa 100% na pagiging cold naging 80% na lang. Hahahaha. "Ms. Cades, Are you with us?", napatingin naman ako sa matandang hukluban na nasa harapan ko ngayon. Tumango na lang ako sa kanya. Nakalimutan kong maglagay ng illusion at barrier para hindi nila malamang nakatunganga lang ako. Ibang klase talaga pagmay powers ka. Hahahaha. "MS. CADES! GO TO THE DETENTION NOW!" Patay! Mabilis akong lumabas ng classroom. Narinig ko pa yung tawanan nung mga kaklase namin lalo na yung boses ni Xai na parang nang-aasar pa habang tumatawa. Pesteng lalaki yan. Mapapatay ko talaga yan. Saan na ako pupunta ngayon? Sabi nung matandang hukluban detention daw ehh di ko naman alam kung saan yung detention.  *Ggrrrrrrr* Tyan ko po yun. Mukhang cafeteria ako ngayun ha. Mabubusog na naman ako. Whahahaha. Dumiretso na kami ng gutom kong tyan sa cafeteria at bumili ng makakain. Ilang minuto lang ang nakalipas ay paubos ko na ang lahat ng kinakain ko. Patapos na akong kumain ng magsimulang dumami yung tao dito sa cafeteria. Gusto ko ng tahimik. Gusto ko ng tahimik na buhay!! Gaahhhdd, ang ingay nila. "Waahhh!!! Si Ms. Fier yan diba?" "Oo sya nga" "Ang ganda nya" Yes, I know that. May lumapit naman sa aking dalawang babae. -_- Mukhang nakulangan sa tela. Ang kakapal pa ng make-up. "Sorry, walang birthday party dito. Hindi namin kailangan ng clown", I said, coldly and serious. Pero halata mo sa mukha ko na matatawa na ako. "What did you said b***h?", ohhh, galit na sya nyan? "Uhm, kinakausap mo ba yung sarili mo?", inosente kong sabi na mas nakapag-painis sa kanya. Sasampalin na sana nya ako pero nagpalabas agad ako ng Fire Flame. O.O ganyan yung itsura nung mga nandito. Ngayon lang ba sila nakakita ng Fire Flame? Tss. -_- "F-fi-re is y-you-r power?", -_- bobo ba tong babaeng toh? Oh bulag lang? Di ba nya nakikita yung nasa kamay ko? Tss, maka-alis na nga lang dito. Naglakad na ako palabas ng cafeteria at iniwan silang tulala. Di pa rin makarecover. ******* Hera's POV "Guys? Naramdaman nyo ba yun?", tanong ni Jared. "Ang lakas", sabi ni Airice "Kanino galing yun?", tanong ni Benjamin. Kay Fier galing ang enerhiya na nararamdaman nila. Paano ko nalaman? Kasi alam ko. Maya-maya lang bigla ng nawala yung enerhiya at biglang pumasok sa room si Fier. "What did you do?", tanong ko gamit ang telepathy. "May babaeng nakulangan sa tela na muntik na akong ibully. Self defense lang ang ginawa ko Hera", tumango na lang ako. "Nga pala. Di pa ba kayo nagugutom?", tanong ni Karlos at Jackson. Umiling lang silang lahat. Kami na lang ang natira dito sa classroom. Yung iba nasa cafeteriana. "Nga pala, diba pinsan mo Hero si Xai?", biglang tanong ni Jared. At agad tinakpan ni Hero ang bibig nya. Pero huli na sya. "WHAT? Pinsan mo si Xai?", paulit-ulit? Kasasabi lang diba? Ang unli nitong si Benjamin. Madaldal ba ako? Ganun talaga kapag maganda. Madaldal ako 'pag POV ko, pero kapag nagsasalita ako o base sa kilos ko, seryoso at medyo cold ako. Di pa ata ako nakarecover dun sa nangyari. Sa nangyari kay Clark. "Chill lang mga dre", natatawang sabi ni Jared ng makatanggal nya ang kamay ni Hero na nakatakip sa bibig nya. Tinignan lang sya ng masama ni Xai pero umiling na lang. Ang seryoso din ng isang toh. "So Xai, Ano is your connection kay Fier?", dudugo talaga ilong mo 'pagkasama nyo toh. "Pinsan ko si Xai sa Father side, pinsan ko naman si Fier sa mother side", sabat ni Hero. "Hindi ikaw ang kinakausap", sabi ni Jaz. "Bakit? Ikaw ba ang kinakausap ko?", nakangising sabi ni Hero pero umirap lang si Jaz. "Yes, may pag-asa pa ako", boses yun ni Airice ha. "Anong pag-asa ang sinasabi mo?", tanong ko sa kanya na nakapag-pagulat sa kanya. "Oh, Airice bakit parang nakakita ka ng multo?", tanong ni Xai. Joker din pala ang isang toh. Bipolar lang?  Bagay talaga sila ni Airice. Mga Bipolar. Hindi malaman kung nababaliw ba sila dahil paiba-iba ang mood nila o sadyang abnormal lang talaga sila. "Uhm, wala naman", namumulang sbi ni Airice at tinignan ako. "Paano mo nabasa isip ko?", tanong nya. "Dahil binasa ko", sabi ko at nagkibit-balikat. Maya-maya lang biglang tumunog ang mga bracelet namin. Sabay naman namin yun binuksan. "Announcement?", tanong ni Fier. "Baka para sa Sports Fest na naman yan na ang boring", sabi ni Karlos. "Pumunta na tayo dun, baka hinahanap na nila tayo", biglang sabi ni Dylan. Agad naman kaming pinateleport ni Jared papuntang Hall. -_- Kaya ko namang magteleport mag-isa ehh. Pagdating namin doon may naka-assigned na agad na upuan para sa amin. Doon na kami nag-siupo. Nasa kanan ko si Fier at sa kaliwa konaman si Hero. Katabi ni Fier sina Karlos, Ben, at Dylan. Habang kay Hero naman sina Xai, Airice, Tania at Jaz. Sigurado akong ang saya na ni Airice nyan. Agad dumating si HM Sandy at HM Zach na laging nakabuntot sa kanya. Ano bang status ng dalawang HM na toh? "Hello Students" masiglang bati ni HM Zach pero inagaw ni HM Sandy ang mic sa kanya. "Good morning Students, I officially open the Sports Fest today. Pwede na kayong pumili ng mga sasalihan nyo. Nasa mga bracelets nyo na ang schedule. Sige, yun lang. Bye.", sabi nya at umalis na. Sumunod naman sa kanya si HM Zach. Para namang alagad ni HM Sandy si HM Zach. Nagsialisan na rin ang mga students. "Gutom na ako. Sabi ko kasi sa inyo dapat kumain muna tayo", sabi ni Karlos. "Wala kang sinabi", sabat naman ni Fier. "Ang boring naman", sabi ni Dylan. "Di mo pa nga tinitignan yung bracelet mo kung anong schedule, naboboringan ka na agad", biglang sabi ni Fey na kakarating lang. Kasama nya kasi yung ibang mga classmates namin kaya hindi namin sya kasabay. "Paano mo nasabi yan?", tanong ni Hero. Nagkibit-balikat lang si Fey at nauna ng umalis. Nagkatinginan sila pero napatingin sila kay Tania na biglang sumigaw. "WWWHHHHAAAAA!!!! This is masaya", sabi nya na para bang nababaliw. "What do you mean?", tanong ni Benjamin. "Tignan you kasi sa mga bracelets nyo", sabi nya habang nakangiti. Isa-isa naman nilang tinignan yung mga bracelets nila. Ako? Wala nakaupo lang at tinitignan sila. Alam ko naman kung ano yan ehh. Kanina ko pa kasi nabuksan yung akin. Bago pa magannounce si HM. Diba nila alam ang salitang hack? "Woah! Pupunta dito yung Nachtea Academy", sabi ni Jared na nakatanggap naman ng batok sa akin. "Yung mga students lang", sabi ko at nagpout naman sya. Yuck. "Ganun na rin yun", sabi nya. Umirap na lang ako at iniwan sila doon. Nagteleport na lang kasi ako. Nakanganga nga sila nung nakita nila akong biglang nawala ehh. Naboboring na ako doon. Saan naman ba ako pwedeng pumunta? Hmmm, library na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD