Hero's POV
O.O Ganyan mga itsura nila nung nagteleport si Hera.
"Kanina kinausap nya ako sa isip, ngayon naman nagteleport sya. Ano ba talagang kapangyarihan niya?", biglang sabi ni Airice.
Napatingin naman sa kanya ang lahat. "KINAUSAP KA NYA SA ISIP?", sigaw ba yun o tanong? Sabay-sabay pa sila nyan ha.
Tumango lang si Airice. Agad naman nila kaming tinignan ni Fier. "Bakit?", sabay naming tanong.
"May alam ba kayo tungkol sa kapangyarihan nya?", tanong ni Jared. Masyadong affected tong isang toh.
"Ewan/Don't care"
Napakunot noo naman silang lahat. "Di mo alam? Ehh kapatid mo sya diba?", tanong ni Xai.
"Wala ako sa posisyon para sabihin yun", paliwanag ko.
"Maghanda na lang tayo para sa Sports Fest. Tss", biglang sabi ni Fier.
Agad namang nawala yung tensyon sa paligid at nagsimula na silang magdaldalan. At syempre ang dakilang si Jared ang nangunguna. Madaldal yan ehh. Bakla amp.
Kasabay ko naman si Xai. Kaibigan ko sina Jared at Xai pero konti pa lang ang nalalaman nila sa akin. Pero ako, araw-araw nilang buhay ay alam ko.
Kasalanan ko bang bawal?
"You three are too mysterious", bulong sa akin ni Xai pero awkward na ngiti lang binigay ko sa kanya.
Bipolar din tong isang toh ehh. Kanina nung pinagalitan nung matandang teacher namin sa Math si Fier, wagas kung tumawa. Tapos nung nagteleport si Hera ang seryoso. Ano ba talaga character nito?
"Tss, marami pa akong di alam sa inyo. Pati sina Tita at Tito di ko na rin nakikita", sina Mommy at Daddy yung ibig nyang sabihin.
Tahimik lang ulit ako. Wala naman akong sasabihin ehh. Nakarating na kami sa registration booth ng basketball. Sinundan lang namin sina Jared kaya napunta kami dito.
"Ikaw na Benjamin ang magparegister sa amin. Sulat mo kaming lahat ng lalaki ahh", sabi ni Karlos at tinulak si Benjamin papasok ng booth.
"Kayo? Anong sports kukunin nyo?", tanong ko.
"Volleyball sa aming dalawa ni Hera", sagot ni Fier.
"Badminton sa akin", ani ni Airice.
"Swimming yung mine", sagot ni Tania.
"Girl Basketball yung sa amin ni Jaz", dugtong naman ni Zendaya.
Paiba-iba pala sila. Kaming mga lalaki lang ang nasa iisang sports which is Basketball.
"Goodluck", sabi ni Xai
"Maghahanda na kami", sabi ni Jaz. Tumango na lang kami.
Nasialisan na yung mga babae at kami na lang na mga lalaki ang nandito.
"Nagugutom na talaga ako. Punta na kasi tayo ng cafeteria", sabi ni Dylan.
Kanina pa yan puro pagkain kaya pinagbigyan na namin sya. Pagkalabas ni Benjamin sa booth, pumunta na agad kami sa cafeteria. Pero pagdating namin doon isang duguang babae na may black rose sa dibdib ang nakita namin.
*******
Gina's POV
Nandito ako ngayon sa library nang mapansin kong may taong papunta dito. Inayos ko ang tayo ko at sinalubong ang taong iyon.
"Namiss kita. Whaaaa", sabi ko at hinug sya pero hindi man lang nya ako hinug pabalik.
Allergic ata sa yakap toh. "Any information about them?", tanong nya.
"Marami na silang nakukuhang Lumineans at Nachteans para sa experiment nila. May plano ka na ba? Magkakaroon na ba ng action? Sali mo naman ako", hindi kasi niya ako sinasali sa mga ganyan. Siya lang mag-isa ang sumasabak sa action 'pag meron. Ang daya.
"Hindi pa ngayon", sabi niya. Maya-maya ay naging violet ang mata niya. Huhuhuhuhu, nakakatakot sya pag ganyan yung mata niya. Ang creepy kasi ehh.
Nagiging violet ang mata niya kapag may masamang mangyayari/nangyari o may pangitain siya para sa future.
Maya-maya lang bumalik na yung mata niya sa dating kulay. "Anong nangyari?", tanong ko. "Cafeteria", matipid na sagot niya.
Hinawakan nya ang kamay ko at naramdaman kong naka-invisible na kami at nasa cafeteria na. Ang dami talagang kapangyarihan nito, talo pa si Jared.
"Black Rose", yun agad ang nasabi ko nang makita ko ang duguang babae.
"I think they are already here", sabi ko sa kanya.
"Obviously", boom bara! Grabe sya, nakaka-hurt talaga ng feelings 'pag sya ang nagsasalita.
Try ko kayang tapalan yung bibig nya para hindi sya makapagsalita.
Napatingin ako sa kanya. Ang sama ng tingin nya sa akin. Sigurado akong binasa niya isip ko.
Ngumiti na lang ako sa kanya ng tipid. Nakakatakot talaga ang isang ito 'pag galit. Huhuhuhu. Tumingin ulit ako doon sa duguang babae. Haaayyy, mukhang bagong investigation na naman ang gagawin ko. Gawd, ang dami ko ng gagawin. Pwedeng break muna?
********
Fier's POV
Sports Fest na ngayon. Di nga sana matutuloy toh dahil sa nangyari doon sa babaeng duguan 3 days ago. Pero kita nyo naman, natuloy di ba?
Lumabas na ako sa kwarto ko at nakasalubong ko si Hera. Kami lang ang nandito sa dorm ngayon dahil mamaya pa mag-start ang volleybal game namin laban sa Nachtea Academy.
Sila ang makakalaban namin. Nagkaroon ng elimination nung mga nakaraang araw at syempre, nakapasok kami. Kaya kasama kami sa maglalaro mamaya.
Sina Jaz at Zendaya ay nasa girl basketball at syempre, panalo sila.
Si Tania naman na nasa swimming at si Airice na nasa badminton ay ngayon ang laban.
Yung mga lalaki naman ay minsan na lang namin nakikita dahil araw-araw silang may practice sa basketball.
"Bakit ganun? Bakit bumagay sa iyo yung jersey? Tapos sa akin hindi?", tanong ko pagkakita ko kay Hera. Ang daya naman kasi ehh.
"Tss, bumagay din sa iyo", sabi nya at nauna ng maglakad. Oh may gash.
Tumakbo naman ako para sundan sya. Ang laki kasi ng hakbang parang hindi babae.
"Talaga? Bagay sa akin?", tanong ko. Malay mo joke lang yung sinabi nya. Mabuti na yung sigurado.
Tumango lang sya at naglakad na. Ganun na rin ginawa ko.
******
Hero's POV
"Break muna", sabi ni coach.
Agad naman kaming pumunta sa bench para magpahinga. "Ano na kayang nangyari doon sa laban nina Airice at Tania?", tanong ni Jared.
"Ngayon laban ni Tania?", gulat na tanong ni Benjamin. "Ngayon ang laban NILA", sabi ni Dylan.
"Napaghahalataan ka Ben ha", natatawang sabi ni Jackson.
Namula naman si Benjamin. "Nag-blush sya", asar ko.
Agad naman akong sinamaan ng tingin ng abnoy. Wahahahaha, in love na sya. "In love ka na Benjamin! Wahahaha, at sa conyo queen pa!", sabi ni Karlos. "Naiintindihan mo ba yung sinasabi nun?", seryosong tanong ni Xai.
"Oo naman. Ang dali-dali lang kayang intindihin", proud na sabi ni Benjamin.
"Oh my Benjamin. Why ikaw so pangit? Wahahahaha", panggagaya ni Jared.
Natawa naman kami doon. Abnormal talaga tong isang toh.
"Hoy hindi ako pangit. Ang gwapo ko kaya", may mas hahangin pa pala kay Karlos.
"Gwapo your face. Ako ang pinaka-gwapo dito", sabi naman ni Jackson. Pati ba naman ito makikisali?
"Alam naman ng lahat kung sino ang pinakagwapo kaya wag na kayong mag-away dyan. Wala pang nakaka-agaw ng pwesto ko bilang PINAKA-gorgeous and handsome man living", agad namang bumagyo at sinasabi ko sa inyo. Mas malala pa ito sa Yolanda.
"Hayy, nako. Ang corny ng joke mo Karlos", pambabara ni Dylan. Inirapan lang sya ni Karlos. Bakla amp.
Napatingin naman ako kay Jared. Tumahimik ata ang isang toh.
"Anong problema mo? Tahimik ka ata?", tanong ko kay Jared. Napunta naman sa amin ang tingin nila.
"Naisip ko lang. Bakit kaya may black rose doon sa dibdib nung namatay na babae?", tanong nya.
Black rose? Alam na ba ni Hera ang tungkol dito? Tss, wala naman atang hindi alam ang babaeng yun.
"Baka props nung pumatay?", sabi ni Dylan.
"Bakit black rose? Pwede namang red o pink rose", out of nowhere na sabi ni Jared.
"Anong magagawa mo ehh yun yung gusto nung pumatay", sabi ni Karlos.
"Bakit parang nakita ko na yung ganitong pangyayari dati?", biglang sabi ni Xai.
"Huh?", tanong naming lahat.
"4 years ago. Yung mga panahong sabay-sabay na namatay ang mga lolo at lola nating mga royalties at hindi pa alam kung kasama ba sa namatay ang magulang ng namumuno sa Fire Kingdom ngayon", paliwanag ni Xai.
"Ahhh, oo, naalala ko. At sa lahat ng mga namatay, laging may nakikitang black rose sa paligid ng bangkay", sabi ni Benjamin.
"Ehh bakit isang black rose lang ang nakita natin?", tanong ni Jackson.
"Baka naubusan sila ng stock?", biro ko. Pero tignan mo, wala man lang tumawa at sabay-sabay pa nila akong binigyan ng death glare.
Kung nakamamatay lang ang death glare, 6 times na akong patay.
"Okay, tapos na ang break. Practice na ulit tayo", napatingin kami sa kakapasok pa lang sa gym. Si coach.
Nagsimula na ulit kaming magpractice.
*******
Airice's POV
Whhhooo~whooo~whooo~ Panalo ako. Pero syempre joke lang yun. Actually talo ako. Huhuhuhuhu.
Ang lakas kasi ng smash nung kalaban ko. Sigurado akong taga-ability kingdom yun at strength ang ability.
Mahigpit na i***********l ang pag-gamit ng kapangyarihan sa sports fest pero yung babaeng clown na nakalaban ko gumamit. Ang daya niya. Huhuhuhu.
"You are hindi makamove-on in your pagkatalo. Tanggapin you na lang", itong conyo na ito hindi man lang naniwala na gumamit ng kapangyarihan yung kalaban ko kanina. Naturingang bestfriend ko tapos hindi maniniwala sa akin. Huhuhuhu, ang sakit nun.
"Huhuhuhu, totoo naman na nandaya sya ehh. Huhuhu", inirapan nya lang ako. Kaibigan ko ba talaga toh?
"Andyan na sina Hera at Fier", sabi nya.
Tumigil na ako sa pag-iyak at tumingin doon sa court.
Nandito kami ngayon sa volleyball court. Panonoorin namin ang laban nina Hera at Fier.
Hindi sila nakapunta doon sa laban namin kanina ni Tania dahil naghahanda sila. Kaya sina Jaz, Zendaya at Fey na lang ang nanood sa amin.
Minsan lang sumasama sa amin si Fey dahil isa sya sa council dito sa academy. Sya ang head council kaya marami syang paper works na ginagawa. Bawat section kasi ay kailangan na may representative para sa council at si Fey ang representative ng Special Class at dahil nasa Special Class sya, sya ang pinili na maging head council.
Bago magsimula ang laban, dumating na yung tatlo. O.O May dala silang nga pagkain. Whaaaa. Buti na lang. Magtatanghali na at hindi pa ako nakakakain.
Umupo si Zendaya sa kaliwa ko at sina Fey at Jaz naman sa kanan ni Tania.
"Para kanino yung popcorn?", tanong ko. Nagkibit-balikat lang si Zendaya. "Pwedeng akin na lang?", tanong ko. Um-oo naman sya kaya kinuha ko na yung popcorn.
Maya-maya lang nagsimula na yung laban. Ang ganda nung uniform ha.
Yung uniform/jersey nina Hera ay blue na may white lining, ganun din sa shorts. Yubg shorts naman ay 5 inches above the knee. May jacket din sila, yung iba sinuot nila pero yung kaynina Hera at Fier ay tinali lang nila sa bewang nila.
Isa lang masasabi ko sa suot nila. Ang HOT. Bagay na bagay sa kanila.
Hindi sila nakamake-up. Natural lang yung sa kanila pero yung mga kasamahan nila ay nakalight make-up.
Yung mga taga-Nachtea naman, parang clown. Hindi pala 'parang', clown talaga sila. Kamukha nga nila si McDonald ehh. Kanta tayo ng 'Old McDonald had a farm, iihh~ayyy~ihh~ayyy~ohh' Ang ganda talaga ng naisip ko. Wahahahaha.
Nagsimula na ang laro at ang unang mag-serve ay ang Nachtea Academy.
Si clown number 1 ay sinerve na at masasabi kong okay naman. Hindi sobra, hindi rin kulang. Tama lang.
Napunta naman iyon ka Fier at inispike nya at O.O. Ang bilis nung bola at hindi ko na makita.
Ramdam kong wala syang ginamit na kapangyarihan at tanging lakas lang nya ang ginamit nya. -_- Di ko pa pala alam kapangyarihan nila ni Hera.
Yun na nga, dahil doon sa spike na yun hindi nasalo ng kalaban ang bola at nakapuntos ang Luminea Academy.
—————————
Nasa Set 3 na at 19-6 ang score.
Set 1: 20-5
Set 2: 20-4
At syempre tambak ang kalaban. Wahahahaha, Unang maka-20 points kasi sa isang quarter at unang maka-3 sets na panalo naman sa buong game.
Iniisip kp nga na baka pinagbibigyan lang nina Hera ang kalaban sa mga score nila para hindi malugi.
Gaya kanina, ang Nachtea ang mag-serve at dahil masyadong mabait si Hera hindi niya sinalo ang bola na papunta sa kanya kaya ang Nachtea ang may puntos pero tambak pa rin sila. Wahahahaha.
Ang harsh ni Hera.
Si Fier ngayon ang mag-serve at pinakita na naman nya ang napaka-bilis nyang spike. Kaya ayun angending, kami ang panalo. Sa so rang bilis kasi ng bola hindi nasalo ng kalaban.
Kawawa naman, wahahaha. Grabe, parang baliw na ako kakatawa sa isip.
Tumayo na kami at pumunta kaynina Hera at Fier na nagpapahinga sa bench. Pero bago kami makapunta doon, naunahan na kami ng mga clown ng Nachtea Academy.
Na-hurt ata feelings nila dahil sa pagkatalo nila. Reresbak pa sana sina Tania, Jaz at Zendaya pero pinigilan ko sila.
"Manood muna tayo", sabi ko. Tumango naman sila kahit nag-aalinlangan sila.
Kami-kami na lang ang tao dito kaya madali kaming nakahanap ng magandang pwesto para makita at marinig sila.
"Hey B***h", grabe sya. Poker face na tinignan sya nina Hera at Fier.
"Are you pertaining to yourself?", boom bara. Wahahaha, nice Hera, nice.
"Diba salamin yun?", tanong nama ni Fier na painosente. Wahahaha, ang epic na ng mukha nung mga clown.
Dahil hindi na makatiis si clown number 2 sinampal na nya si Hera. At si clown number 3 naman kay Fier. Pero bago pa nila magawa yun. O.O
Nagpalabas ng Fire Flame si Fier sa kamay niya at elemental ball naman ang kay Hera.
Nagsitakbuhan na yung mga clown sa gulat at syempre takot.
"Tss, alam kong nakita nyo yun. Lumabas na kayo sa pinagtataguan nyo", seryoso at cold na sabi ni Hera.
K-ka-mi ba ang s-sinasbihan nya? Nagkatinginan kaming tatlo.
"Paktay"