Movie Marathon

1087 Words
Airice's POV Agad kaming tumayo at hinarap sina Hera at Fier. "Hello", sabi ko at nag-hi sa kanila. Sinamaan lang nila ako ng tingin, pati sina Tania. Nakakatakot sila. Sinabi nila sa amin na gusto daw nilang pumunta sa dorm. Aba malay ko kung anong gagawin nila dito. Mukhang tatambay na naman ang mga loko. So, nandito kami ngayon sa dorm namin. Kumpleto kaming magbabarkada dito. Sina Hera at Fier ay kinakausap ngayon ni Hero. -_- May hindi sila sinasabi sa amin. Ramdam ko yun. Huhuhuhu, pagtatraydor na ba yun? "Ibig sabihin, Fire ang kapangayarihan ni Fier at Elemental naman ang kay Hera? Eh bakit kaya ni Hera magteleport?", tanong ni Jared. "May telepathy at mind reading din siyang kaya", singit ko. "Tama, yun din", sang-ayon ni Jared. Nagkibit-balikat lang sila. "Ramdam nyo ba na parang may tinatago silang tatlo sa atin?", tanong ni Xai. Tumango kaming lahat. "Ilang taon na nating kaibigan si Hero pero hindi natin siya kilala ng buo. Di nga natin alam na may kapatid pala siya at pinsan maliban kay Xai", sabi ni Dylan. "Pero naging childhood friend naman natin sina Hera at Fier", singit ni Jackson. "Kayo lang, hindi kami kasali ni Dylan", sagot ni Jaz. Sinamaan na lang sya ng tingin ni Jackson. Pero inirapan niya lang ito. "Tapos na ba kayong pag-usapan kami?", napatingin kami sa nag-salita. Si Fier, kasama niya sina Hera at Hero. Narinig kaya nila ang pinag-uusapan namin? 'Malamang, magtatanong ba yan ng 'tapos na ba kayong pag-usapan kami?' kung hindi nila narnig?' 'Tama ka dyan isip' Nababaliw na ako. Pati ang puso at isip ko nagsasalita na. -_- "Hehehe, tapos na kayong mag-usap?", napatingin ako kay Benjamin. "Is it hindi obvious?", hanudaw???? Tissue!!!! Tisue!!!! Kailangan ko ng tissue!!!! Dumudugo na ang ilong ko ng dahil sa babaeng ito!!!! Kailan ba tutuwid ang dila nito? 'Baka hindi na iyan tumuwid' 'Baluktot na kasi yun since birth' Tumigil na kayong dalawa!! Pinapatunay nyo lang na nababaliw na ako ehh. Ang puso't isip ko ay may sarili na ring bibig. "Uhm, ano, uhm. Movie marathon na lang tayo mga kaibigan. Ang awkward ng atmosphere ehh", sabi naman ni Fey. "Sige, magandang ideya iyan. Para naman makapanood na ulit ang gwapong si ako ng movie", pati ba naman sa pag-sang-ayon, kailangan pang banggitin na gwapo sya? Kaya bumabagyo ehh "Sige. Anong movie?", tanong ni Hero. Pansin ko lang ahh. Parang nag-iba ata yung pinag-uusapan namin? Kanina tungkol kaynina Hera, ngayon tungkol naman sa pekikulang papanoorin. 'Hindi naman kasi kailangan na paulit-ulit o pare-parehas ang pinag-uusapan. Kailangan iba-iba' 'Tama ka dyan puso. Ang galing mo talagang magbigay ng payo' Kayo na naman? Kailan ba kayo titigil? Sa mga nagbabasa nito. Hindi po ako baliw. Inuulit ko, hindi po ako baliw. "Emoji Movie/EMOJI!!!", sabay na sabi nina Jackson at Zendaya. Nagkatinginan sila at unang umiwas su Jackson. Namula ehh. Yun ba yung tinatawag na blush? "Fantasy na lang/Descendants", sina Dylan at Fey naman ang sabay na nagsalita. Nagkatinginan sila at nagsimula na silang mag-away. Fantasy rin naman ang Descendants, bakit pa sila nag-aaway? "Love Story/Romance", sabay na sabi nina Tania at Benjamin. "Mystery/Mystery", sabay naman na ani nina Fier at Karlos. Bakit lagi na lang sabay? Hulaan ko, susunod dyan sina Hero at Jaz. "Musical/Camp Rock." Oh diba? Tama ako. Tama. 'Syempre hindi ka mali' 'Ang talino mo talaga isip' Hayys, noong mga nakaraang POV ko, wala naman kayo. Bakit ngayon lang kayo lumitaw? 'Tulog pa ako nun' 'Nag-iisip pa ako nun. Concentrate kumbaga' Haayys, nababaliw na nga ata ako. "Action/Action", ohmaygawd!!!! Tumingin ako kay Xai, O.O Ng-ngumiti siya sa akin? NGUMITI SYA SA AKIN!!!! WWHHAAAA!!!! *nahimatay* *nangisay* *patay* Umiwas ako ng tingin. Gosh, namumula ako. Nag-blush ako. Why so gwapo? Kamukha mo na nga yung idol kong gwapo doon sa mortal world na si Jungkook. Huhuhuhu, bakit kasi 1 buwan lang yung mission ko noon? Hindi tuloy ako naka-attend ng concert nyo ng BTS. Whaaaaa!!! ******* Third Person's POV "Horror", sabi ni Jared. Napatingin naman sa kanya ang lahat maliban kaynina Hera at kay Airice na may sariling mundo. 'Bakit wala syang kasabay magsalita?', yan ang nasa isip nila. "Annabelle Creation", sabi naman ni Hera. Sa kanya naman napatingin ang lahat maliban ulit kay Airice na hindi maka-move-on sa kanyang idol na si Jungkook na kamukha ni Xai. "S-si-sige yun na lang", sabi ni Fey at naghanda na para sa nakakatakot na papanoorin nila. Nagsikuha na sila ng mga pantakip nila. Mga baliw ata sila dahil manonood sila habang nakatakip ang mata. Agad namang nilapitan ni Fier si Airice na parang baliw dahil kanina pa ngumingiti at umiiyak ng mag-isa. ******* Airice's POV WWWHHHAAAAAAAAAAA!!!!! *POINK* Sinamaan ko ng tingin si Fier na binatukan ako. "Ano ba?", inis kong sabi sa kanya. Kita naman nyang nag-momoment ako dito ehh tapos mang-iistorbo siya. "Manonood ka ba o magpapaka-timang ka na lang dyan?", huhuhuhu, ang harsh niya. Porket kamukha niya si Jendeuki magiging kasing savage rin niya ang ugali niya. Kawawa naman ako. Huhuhu. "Oo na, manonood na", sabi ko at padabog na tumabi kay Tania. Nandoon kasi ako sa dulo kanina at wala akong katabi, as in wala. Iniisip ata nilang nababaliw na ako. 'Bakit hindi ba?', sabay na sabi ng puso at isip ko. Okay, baliw na nga ako. ******* Hera's POV "MOMMY AYAW KO NA!!!", sabi ni Jackson. -_- Bakla ata toh. "P*******a, Wag ka dyan dumaan", Dylan said. "Umalis na kayo dyan!", Benjamin told the character on tv. "Nandyan na sya sa likod mo!", ani naman ni Karlos  "Wag ka dyan!!! F**k!! Sabing wag ka dyan ehh", sigaw naman ni kuya. -_- Sige, lakasan nyo pa yung sigaw nyo. Maririnig nila kayo. "Wahahahaha! Ang pangit ni Annabelle. Kamukha ni Xai", natatakot ba toh? Parang di naman ehh. Inasar pa nga ng loko si Xai diba? "Lol, mas kamukha mo nga yan ehh", hanggang sa nag-asaran na sina Kyle at Xai. Rinig ko naman ng hilik ng mga babae. Tulog na ehh. Ako na lang ata gising sa aming mga babae. -1 hour later- "Zzzzzzzzzzzzzzz", -_- Knock out na silang lahat. Mga bubuyog. Sina Tania at Benjamin ay magkayakap. Si Airice naman ay nakatulog sa hita ni Xai. Si Dylan naman ay nakapatong na ang paa sa ulo ni Karlos. Si Fey naman ay nasa itaas na ni Dylan. Nahulog ata ito galing sa sofa. Si Fier naman ay nakahiga sa dibdib ni Karlos. Si Hero naman ay nakasandal ang ulo kay Xai. At si Jaz naman ay nakahiga sa lap ni Hero. Sina Zendaya naman at Jackson ay nakasandal sa sofa. Sila lang ata ang may magandang pwesto para sa akin. At si Jared? Nakapatong yung ulo sa hita ko. Tss. Nandito kasi ako sa sofa, nakaupo. Dahan-dahan kong tinanggal yung ulo nya sa hita ko. Mas gusto ko pa ngang itapon na lang ito ehh. Buti na lang may konting bait pa sa puso ko. Kinuha ko na ang camera ko at kinunan sila ng picture. Pam-black mail rin ito. Inayos ko na yung damit ko at lumabas na ng dorm. Sa library muna ulit ako tatambay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD