Fier's POV
"Aayyy nakooo~ nakalimutan ko pala yung popcorn ko. Sandali lang", tumango na lang kami kay Airice.
"Bilisan mo. Malapit ng mag-start yung game", paalala ni Zendaya at tumango lang si Airice at mabilis na tumakbo papunta doon sa labas.
Nandito kami ngayon sa basketball court dahil ngayon ang laban nung mga boys. Alam nyo bang naiinis ako sa kanila? Zend-Fey-Jaz-Tania-Airice-Ako-Hera. Yan ang seating arrangement namin.
After one century, abo na ang mga buto namin nito, nandito na rin si Airice.
Umupo na siya sa tabi ko at nakipag-daldalan kay Tania. -_- Ang galing!!!! Pa-party tayo!!! Kaya nga ako masaya nung nandito na siya para may makausap ako, kaso tignan mo naman oh. Nakikipag-chikahan sa iba. Ang tahimik kasi ng babaeng si Hera ehh. Daldalin ko kaya? Wahahahaha, good idea! Para naman mahawa.
Humarap ako kay Hera.
"Hera ^_^"
"-_-"
"Naiinip ka na ba?"
"-_-"
"Ako kasi, oo eh. Sa tingin mo sino ang mananalo?"
"-_-"
"Para sa akin, Luminea ang mananalo"
"-_-"
"Sa iyo? Sino?"
"-_-"
"Sigurado akong Luminea ang mananalo"
"-_-"
"Napanood mo ba yung practice nila Hero?"
"-_-"
"Ako kasi hindi ehh"
"-_-"
Parang kinakausap ko lang ang sarili ko nito o kaya naman, hangin ang kausap ko. Tumigil na ako kakadaldal. Ako pa ata ang nahawa sa katahimikan nitong babaeng ito.
Maya-maya lang, nagsimula na ang laro.
"Waahhh!!! Ang gwapo nilang lahat." Tama ka dyan ate.
"Hero!! Akin ka na lang"
Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagsama ng tingin ni Jaz doon sa babaeng sumigaw. Oh~oh~
"Edi sa iyo na. Isaksak mo pa sa baga mo ehh. Psh", sigaw ni Jaz doon sa babae at binalik ang tingin sa court. Nakatingin na pala sila sa amin.
Nakita ko naman ang pagngiti ni Hero. I smell something meaty, guys.
"Jackson!!! Dito ka na lang sa puso ko"
"Bwiset", bulong ni Zendaya pero narinig namin.
"Dylan, why so hot?"
"Syempre may araw", ang galing mamilosopo ni Fey ahh.
"Benjamin!!! Mahal na mahal kita~"
"Tss. Bakit so corny?", natawa naman ako kay Tania sa sinabi niya.
"Xaaaiii!!! Marry meee"
"Edi pakasalan mo. Psh", wahahaha, pati pala itong si Airice.
"Karlooosss, will you be my boyfriend?"
-_- "Magb-break din kayo sa 23!", sigaw ko.
"Jared, anakan mo ak~"
*BBBOOOGGGSSSHHHH*
Napatingin kami sa sumabog. O.O Yung upuan na katabi nung huling sumigaw. Napakalakas ng sabog at yung babae dinala sa clinic.
Napatingin kaming anim kay HERA.
Tinignan nya lang kami ng inosente at nagtaas ng kilay. "What?", psh, alam kong siya ang may gawa nun. Masyadong defensive si Hera.
"Wala naman", nakangiting sabi ni Zendaya at nagsiayos na kami ng upo. Totoo na ito. Start na talaga ng game.
Nasa Luminea ang bola at nakay Xai iyon. Pinasa niya kay Dylan na pinasa naman kay Karlos.
Agad na drinibol ni Karlos ang bola at pinasa kay Jared pero sa tingin ko wrong move yun. 2 ang nakabantay sa kanya kaya inikutan niya ang mga yun at pinasok ang bola sa ring. Saan pa ba ipapasok ang bola? Di ba sa ring?
——————————————————————————————
4th Quarter na at nasa Nachtea naman ang bola. 87-100 yung score. At tambak kami.
Kaninang 3rd Quarter ay nagpa-sub sina Hero at Dylan. Sina Jackson at Benjamin naman ang pumalit sa kanila.
Tambak kami. TAMBAK.
Di nga namin alam kung bakit ehh. Basta base sa panonood ko, hindi nagsh-shoot ang mga bola nina Karlos at Jared.
Ipapasa pa lang sana nung taga-Nachtea ang bola ng maagaw iyon ni Xai. Agad naman niya yung pinasa kay Karlos na nakatingin O.O sa akin?
He mouthed 'cheer me'
"Hoy babae icheer mo na", sabay na sabi ng mga kaibigan ko maliban kay Hera.
-_- Oo na, oo na. Icheer na nga ehh.
"HOY KARLOS VEN!!!! ISHOOT MO YANG BOLA KUNDI SUSUNUGIN KITA", sigaw ko. Grabe naman yung iba kung makatingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang death glares malamang naghihingalo na ako dito.
Ngumiti lang sa akin si Karlos at shinoot ang bola. Yun oh, 3 points.
Maya-maya lang 98-100 na ang score. Hindi na nakapuntos pa ang Nachtea dahil laging napupunta sa Luminea ang bola.
Ngayon naman nasa Nachtea na ang bola at last 15 seconds na lang.
Agad na nakuha ni Jackson ang bola galing sa Nachtea at pinasa kay Xai na pinasa naman kay Jared. Agad napahinto si Jared at tinignan ang bola.
"Bakit sya tumigil?"
"Last Ten seconds na lang"
"Oh my, 8 seconds na lang"
"Ishoot mo na. 5 seconds na lang ang natira"
"My gahd 3 seconds na lang. Ishoot mo na"
"KYLE!!! ISHOOT MO BA ANG BOLA O TATAYO KA NALANG DYAN? PA DI MO YAN NASHOOT PAPATAYIN KITA", ang lalas nung Hera ahh.
Agad na napatingin sa amin yung mga babae na malalandi. Agad gumawa si Hera ng elemental darts at pinabulusok yun papunta sa mga babaeng malalandi.
Ang brutal ni Hera alam nyo ba yun? Ngumiti lang si Jared kay Hera at nagthumbs up na ikina-roll eyes ni Hera.
Agad namang shinoot ni Jared ang bola.
101-100 ang score at panalo kami.
"Whhhooo Panalo tayo"
"Luminea For The Win"
"Galing nila"
"IDOL"
"POWER!!!"
Nung maging konti na lang ang mga tao dito agad kaming nagsi-babaan para icongratulate sina Karlos.
Pagbaba namin kita kong naghubad sila ng pangitaas nila. Owshems! That pandesla! Hmmmm! Love it!
"Huy Fier! Ayos ka lang?", agad na inayos ko ang ekspresyo ko nang magsalita si Fey.
"Huh? Oo, ayos lang ako. Super ayos. Great nga eh. Wonderful! Amazing! Hehehehe", sabi ko na ikinakunot ng noo ni Fey.
Hindi ko na lamang pinansin ang nagtatakang tingin niya at binaling sa iba ang tingin ko.
"Oy, tignan mo Fey oh, ang gwapo nun", sabi ko habang nakaturo sa lalaking naglalakad sa hallway.
"Si Ace yan kaklase natin", sagot naman ni Fey.
"Ah Ace, gwapo siya huh", sabi ko.
"Sinong gwapo?", napatingin naman ako kay Karlos na nagsalita. "Ahh si Ace daw, gwapo sabi ni Fier", sabi naman ni Zendaya. Mukhang naririnig ata nito yung pinaguusapan namin ni Fey.
"You mean Ace? Our classmate? Well, he's kinda cute", sabi naman ni Hera at tumabi sa akin na nakatingin din kay Ace. Nang maramdaman ng lalaki na nakatingin kami, agad itong tumingin kay Hera at ngumiti. He also mouthed 'Let's meet, Hera andg Fier' bago siya umalis.
Nagulat ako na kilala niya pala ako pero siguro ay dahil din iyon kay Hera na kilala din niya.
"Tsk. Mas gwapo pa ako dyan eh", rinig kong bulong ni Jared kahit na masyadong malakas at rinig naming lahat. Yep, bulong yun.
"Mas gwapo si Ace sa inyo, okay?", sabi ni Jaz na sinangayunan naman ni Airice. "That's right! He's really cute"
Rinig ko ang pagpatay pundi ng mga ilaw sa buong gym. Napatingin naman ako kay Xai na alam kong may kagagawan noon. Kita ko ang masamang tingin niya kay Ace na nakaalis na ganun din kay Airice bago padabog na umalis.
"Lagot ka Airice, ginalit mo", sabi ni Jackson.
"Huh? Wala naman akong ginawang masama ah", takang sabi ni Airice ngunit sinundan din si Xai.
"Let's go, Fier. May kailangan pa tayong puntahan, remember?", sabi sa akin ni Hera nana ikinatango ko lang. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat bago sabay na umalis kasama ni Hera.