"Gusto mo bang pumasok muna sa bahay?" matamlay kong tanong.
Matapos kong tumahan, hinatid na ako ni Darren sa bahay. Tahimik lang kami sa buong byahe. Ang totoo niyan, umuulan pa nga kanina nang nilandas na namin ang daan pauwi. Nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko. Kaya habang pumapatak ang tubig mula sa langit, sinasabayan nito ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Ayokong makita ako ni Darren na mahina. Ayokong magmukha akong kawawa.
"Crying is not an excuse of your weaknesses. It is a sign of being strong because you can show your feelings without minding what other people will might say."
Naalala ko 'yung sinabi ni Darren habang patuloy ako sa pag-iyak. He surely know what words should say. Gumaan ang loob ko sa sinabi niya kaya naman unti-unti akong tumahan.
"Sige," walang kagatuy-gatoy niyang sabi sabay pasok sa loob. Nauna pa nga siya kaysa sa akin, e.
I know I also have guilty feeling inside me. Hindi ko nagampanan ang planong pagpapanggap ko bilang girlfriend niya. Kahit naman hindi niya ako pinilit, parang may responsibility pa rin akong tapusin ang napag-usapan naming dalawa.I am a man of word.
"Ano gusto mong kainin? Alam kong hindi ka nakakain sa party kanina." Naghanap ako sa freezer ng puwedeng mailuto kahit 'yung mga mapiprito lang.
"Anything," sagot niya lang.
Isang malakas na kulog ang narinig namin sa labas at matalim na kidlat ang naaninag sa bintana. Kasabay niyon ang sabay-sabay na pagkundap ng mga ilaw sa bahay ko. Wala pa sigurong dalawang segundo ay tuluyan na itong namatay. Napasigaw ako dahil doon. Malaki ang takot ko ganitong klaseng panahon.
Nangatog ako at napaupo na lang sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod ko.
"Gianne! Gianne!" nangibabaw ang tawag na iyon.
Isang yakap mula sa kawalan ang lumapat sa likod ko. Unti-unti akong siniil sa dibdib niya. Saktong-sakto. Para kaming hinulma sa isa't-isa.
"My god, Gianne." Rinig ko ang malakas na tahip ng dibdib niya. Puno ng takot at kaba.
Nang marinig ko ang boses ni Darren, nag-umpisa na namang umagos ang mga luha sa mata ko. Nanghina ako bigla.
Bakit ba puro na lang iyak ang ginawa ko sa araw na ito? Nakakapagod pala.
"Hush. I'm here," he assured me. Tinulungan niya akong tumayo at pinaupo sa sofa. "Stay here."
Agad ko siyang pinigilan sa kamay nang umalis siya sa inuupuan naming dalawa.
"Saan ka pupunta?" Natatakot talaga akong mag-isa lalo na sa ganitong panahon. I am Astraphobic. When my mom and dad used to be naggers at each other, naiiwan ako sa bahay. Nanghuhuli kasi si Mama para mapatunayang may kinalolokohan si Papa. Kaya madalas wala sila sa bahay at ako lang mag-isa. Then one time, umulan ng sobrang lakas na may kasamang pagkulog at pagkidlat. When the storm stroke, wala akong nakapitan para aluin ako. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, kapag masama ang panahon, nagtatago ako sa ilalim ng mesa, kama o sa loob ng closet. Ngayon lang ako naging ganito ulit. Akala ko sanay na 'yung katawan at isip ko habang lumalaki.
Siguro kasi, sa mga nangyari ngayong araw, pakiramdam ko mag-isa na naman ako. Naiwang walang kasama at kakampi.
The moment I realized that happy endings' not forever was when my Lolo Pedring died from Lung Cancer. He left my Lola Wendy in misery. And when my Dad left us for another woman.
Lewie was always been there to protect me and made me feel special. Pero bakit siya iniwan rin ako? Lahat na lang ba ng mga taong nakapaligid sa akin ay magpapaalam? Maari ba'ng hindi na lang ako masaktan? Nakakapagod. Umaasa ako. Nagdadasal na hindi na mauulit pa ang nakaraan. Pero ito ngayon si Lewie. For almost four years of being together, he did not choose me. Akala ko...
"Come here." Itinayo ako ni Darren. He held my hand as if he was not intent of letting it go. At that very moment, I wished he was Lewie.
Sabay kaming naglakad sa kusina habang kaagapay ang flash light ng phone niya para sa ilaw naming dalawa.
Pinaupo niya ako sa stool bar malapit sa gas stove. Matapos masigurong na okay lang ako dahil humina na ang malalakas na tunog mula sa labas, naghanap na siya ng puwedeng mailuto. Hawak ko ang cellphone niya habang tinatanglawan siya.
Kumuha siya ng hotdog at ilang itlog. Binati niya ang tatlong itlog sa mangkok at hiniwa ang apat na hotdog ng maliliit. Nagpa-init na siya ng kawali. Inabot niya ang mantika sa taas at ibinuhos ito. Tinidor ang ginamit niya sa pagluluto. Una niyang pinirito ang hotdog. Isinunod ang itlog kasabay ng mga pirasong una niyang pinirito na hotdog. Naging makulay tuloy ito kaya ang gandang tingnan.
Pagkatapos ay nagpirito pa siya ng mga apat na hotdog. Kumuha siya ng kanin sa rice cooker. Natira ko iyon kaninang tanghali. Sinangag niya iyon at nilagyan ng toyo.
Tahimik lang niyang tinapos ang lahat ng iyon. Nagsalansan na siya ng mga plato at kubyertos. Dinala sa dining table. Bumalik para sa mga baso at inumin.
"Let's eat," tawag niya nang hindi lumilingon sa akin. Abala kasi siya sa pag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng mesa.
Ngayon lang may nagluto sa akin bukod kay Mama. Hindi rin ako madalas kumain dito sa bahay dahil wala rin naman akong kasabay. At least sa restaurant, magkakahiwalay nga ang tao, nakakasabay ko silang kumain kahit papaano. Marunong naman ako magluto. Tinuruan ako ni Mama noong High School at College. Pero talagang tinatamad ako kapag mag-isa lang.
Pagbaba ko sa table ng stool bar, napayuko agad ako nang isang malakas na kulog na naman ang gumulantang sa sistema ko. 'Yung kulog na parang lumilindol. Ganoon kalakas.
"I'm here," pang-aalo agad ni Darren. Nasa bisig na niya agad ako.
Inaya niya ako sa dining table. Pinaupo niya ako sa harap niya at nilagyan pa ng ulam, kanin at tubig sa baso. I was like a princess.
"Hindi mo naman kailangang gawin ito," pagtukoy ko sa pagsisilbi niya.
"I'm just paying the favor," simple niyang pahayag. Walang tingin-tingin. "Wala ka bang kandila dito?" pag-iiba niya ng topic.
"Nasa tabi ng poon sa kwarto ko."
"I'll get it." Tumayo agad siya.
Bakit pakiramdam ko, uneasy siya sa pagkilos niya? O, baka naman imagination ko lang.
"I'll come with you."
Dalawa kaming pumanik sa taas para marating ang pinto ng kwarto ko.
Ganoon pa rin ang suot naming dalawa. Nagtanggal lang ako ng sapatos at ganoon din siya. Suot naman niya ang Hello Kitty blue home slippers na pinahiram ko sa kanya noon. Pumasok na kami sa kwarto ko at nilandas ang daan papunta sa estante kung saan nakapatong ang replika ng imahen ng Nuestra Seniora Dela Paz Y Buen Viaje. Panata ko na kasi ang pumunta doon kapag unang Martes ng Mayo kasama si Mama. Dati buo pa ang pamilya namin, pero ngayon wala na iyon. Sa panaginip na lang siguro kami mabubuo.
Nang matagpuan ang kandila sa gilid ng estante, lumabas na kaming dalawa. Ako pa rin ang may hawak ng cellphone niya.
Nag-umpisa na kaming kumain nang sindihan ni Darren ang kandila at maupo.
Kinain ko na ang pagkaing nilagay niya sa plato ko. Infairness naman sa luto niya. Fluffy 'yung magkakaluto sa itlog na pinakapaborito ko sa lahat na style ng itlog. Masarap kasing kainin ito kapag hindi gaanong luto.
"He made you cry. That bastard". He hissed under his breathe.
"Don't call him like that. Hindi mo naman siya kilala ng lubos," kahit nasaktan ako, nakuha ko pa rin siyang ipaganggol. Dahil alam kong mabuti talagang tao si Lewie at ayokong ako pa ang maging dahilan ng hindi niya pag-abot sa mga pangarap niya. I onced forget him. Magagawa ko pa rin naman iyon.
Hindi ko masyadong maaninag ang reaksyon ni Darren sa sinabi ko pero alam kong nakasimangot siya dahil sa bigat ng buntong hininga niya. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Walang ginawang masama si Lewie. Napakabuti niya sa akin. May pagkakataon lang talaga na hindi lahat ay makukuha ng isang tao. Sabi nga, if it will meant to be, it will meant to be. Kung ito ang kapalaran namin ni Lewie, wala kaming magagawa kung hindi sundin ang tadhana.
"Did you loved him?" diretso sa mata kong tanong niya.
I looked him in the eye. Ngumiti ako ng mapait. Hanggang ngayon naman. Gusto ko sanang isagot pero nagkuli ako.
"Oo naman. Naging malaki siyang parte ng buhay ko." Kumirot ang puso ko. Mahal ko naman talaga siya. Pero ganoon nga siguro talaga. 'Yung taong mahal mo, hindi ka naman mahal. O maaaring mahal niyo ang isa't-isa ngunit may pagkakataon talaga sa buhay natin ang pagsubok. Kahit gaano mo pa ipaglaban ang isang bagay, kung hindi ito ang itinadhana para sa iyo, hindi ito mapupunta sayo. Ngunit sa kabilang banda, isang leskyon naman ang ibibigay nito sa iyo.
Tama nga ang sabi ni Patricia noon sa akin nang iwan siya ng long time boyfriend niya. Hindi naman talaga totoo ang happy endings. Kasi walang forever. Walang happily ever after. Kung hindi mamatay ang isa, iiwan ka niya habang buhay ka pa.
I've witnessed it before. As I've said. Si Lolo at Papa ang examples. At sa mga oras ngayon, si Lewie and sunod sa kanila.
Ang hirap magtiwala. Ang hirap na yatang sumugal. Pero isa lang ang malinaw, kapag nagmahal dapat alam mong may posibilidad kang masaktan. Dapat handa. Hindi naman kasi talaga maiiwasan. No pain, no gain. Malalaman mo lang na nagmamahal ka, kung nasasaktan ka.
Pinilit kong ubusin ang ibinigay ni Darren sa akin. Kahit gutom ako, parang ayaw ko namang kumain. Nakakawala ng gana.
"You'll forget him," parang spell na sinabi ni Darren. A command, not just a statement. An obligation I should follow.
Hindi ako nakasagot. Maybe yes, maybe no. Lewie gave the world I wouldn't mind to forget. Parang isang mundo na kami lang ang nag-e-exist. Nang mga panahon na nalaman niyang umalis na si Papa sa bahay, nandyan siya para damayan ako. Hindi siya nagdalawang isip na pagaanin ang loob ko. Nang mga oras na tinatamad na ako mag-aral, siya ang palaging sumusuporta at tumutulong sa akin. My past with him was not just a puppy love or something less than that. He was more than a good friend. More than a brother. He was my everything, until he left for seminary. I accepted that. Wala naman akong magagawa. He wanted to find his own path and I gave him the free will to choose. And now, he chose to be with the great man who created us and everything in this world. I just wanted to be happy for him, dahil alam kong hindi niya ito pagsisisihan.
"He'll regret he broke your heart," Darren stated out of the blue.
And that heart of mine bit so fast. As if I was racing in a track and field marathon. My chest become uneasy. It brought shivers all over my body.
Umiwas ako ng tingin. Please. But will you do that, Darren. I really wanted to take away this pain, but I don't know how.
Nagulat na lang ako nang tumayo siya at nasa harap ko na siya. Ganoon pa rin ang panahon. Malakas ang kulog pero hindi na ganoon ang hangin at ulan.
Kinuha niya ang phone niya at kinatikot iyon. Nang ibaba niya ito sa gilid ng mesa ay isang kanta ang umalingawngaw. Bahagyang natakpan nito ang maingay na tunog mula sa labas.
"Can I have this dance with you?" nilahad niya ang kamay sa harap ko.
There's something in your eyes,
It holds a big surprise,
It made me realize how much I adore you.
Nangatog ang tuhod ko dahil sa ginawa niya. Para bang alam ko na ang gagawin dahil sinagot ko ang ginawa niya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya at pagtayo. Hindi ko alam. Marahil siguro sa indayog ng tugtog kaya ako napasunod.
I hold you in my arms,
I'll keep you out of harm,
I'll always have the charm and love I have for you.
Iginaya niya ang kamay ko sa batok niya at hinapit naman niya ang baiwang ko. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero agad akong umiwas.
You're my crush,
Can't you see the way I blush,
Nag-umpisang humakbang ang mga paa namin. Kaliwa, kanan, kaliwa at kanan ulit. Patagilid ang mga hakbang. May indayog ang musika kaya bahagyang umuugoy na kaming dalawa. Parang nilalaro namin ang bawat beat ng tugtog.
but I don't want to rush things with you my love,
You're all I think of,
Truly sent from above.
Hinapit ako lalo ni Darren. Niyakap na niya ako ng tuluyan habang hinihimno ang himig ng kanta. Rinig na rinig ko iyon dahil nakatapat ang bibig niya sa tainga ko. Naamoy kong tila nakainom siya ng alak ngunit mas lumalaban ang amoy ng pabango niya sa ilong ko.
Wala na akong ibang naririnig kung hindi ang pintig na lang ng puso ko at ang mga paru-parong naglalaro sa sikmura ko.
Girl I get butterflies when I look into your eyes,
Girl, I get butterflies, yea I,
I get so weak when I hear you speak,
Girl, I get so weak,
I get butterflies.
"He lost the most important person in this world. He'll regret this," bulong niya sa akin.
Nakiliti naman ako sa ginawa niya kaya bahagya akong lumayo na siyang ikinagulat niya. Umiling akong sa una niyang sinabi. "Don't do something you'll regret sooner". Ngunit kasabay niyon ay napangiti ako sabay sabing, "Sorry. Nakiliti kasi ako." Pagtukoy ko sa paglayo ng kahagya sa kanya.
Niyakap niya akong muli. "Don't do that again,"
Tumango ako. Hahayaan ko mulang magpanggap ako na hindi nag-iisa at maging masaya. Puwede ko bang gamitin si Darren kahit ngayong gabi lang? Maaari ko bang gawing si Lewie si Darren? Itong kayakap ko at kasama?
Tila kumislot ang loob ng tiyan ko. May kung anong bagay ang naglalaro sa sikmura ko at inaamin kong hindi ako mapakali dahil doon.
Rumehistro sa akin ang kanta. Butterflies. Paru-parong naglalaro sa tiyan ko. Kinikiliti ako at hindi mapalagay. Spell na siyang idinulot nito kung kaya napunta kami sa ganitong sitwasyon ni Darren.
Oh I love the way you smile,
It's got me going wild. I never imagined having this feeling.
Patuloy lang kami sa paghakbang. Naikot na namin ang buong dining room dahil sumusunod lang naman ako sa ikot ni Darren. Mabuti nga ay hindi ko natatapakan ang paa niya.
From the way you flip you hair,
To the glances that you share,
Pinili kong huwag kumawala sa yakap niya. Sa mga bisig niya, pakiramdam ko protektado ako. Hindi ako nangangambang sa susunod na mga araw ay mawawala ito. Dahil hindi naman talaga ito puwedeng magtagal. Hanggang ngayong gabi lang. Bukas, wala na.
And the loving way you care,
Has my heart hit the ceiling.
Naulinigan kong lumalakas ang boses niya na pakanta na.
"You're my crush. Can't you see the way I blush. But I don't want to rush things too quick with you. You're my baby boo, Oh darling I love you." Sinabayan niya ang linya sa kanya.
Pakiramdam ko ay para sa akin ang mga linyang iyon. Na para bang sa akin niya kinakanta at sinasabi ang ibig iparating nito.
Girl I get butterflies when I look into your eyes,
Girl, I get butterflies, yea I,
I get so weak when I hear you speak,
Girl, I get so weak,
I get butterflies.
Tumitig siya sa akin habang nakangiti. Nananaginip lang ba ako o sadyang may kurbang paitaas ang nakapaskil sa mukha ng isang Darren Khen Montero Chua?
Yumakap siyang muli na mahigpit na kaysa dati.
I get butterflies.
Butterflies, butterflies.
"I get so weak when I'm with you. What are you doing to me? Huh? Gianne?" He asked me but seems not waiting for my answer.
What are you doing to me also, Darren?
"Use me, Gianne. This is the only least I can do for you. Use me to forget him," pakiusap niya na pabulong sa tainga ko.
Pinilit kong kumawala sa yakap niya upang intindihin ang gusto niyang iparating ngunit hindi niya ako hinayaan. Gusto kong makita ang mukha niya kung seryoso pa siya.
"Darren..." nang hindi ko talaga siya mapilit na pakawalan ako ay minabuti kong huwag na lamang lumaban pa.
"Use me, Gianne." He pleaded
Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam. Basta gusto kong umiyak. Gusto kong pakawalan ang naninikip sa dibdib ko. Gusto kong iiyak na lahat ngayon.
Sana ganoon lang kadali para sa akin ito, Darren. Magmamahal na lang ako ng isang tulad mo. Sasaya naman ako sa'yo, hindi ba? Papasayahin mo naman ako?
"I will make you happy," sagot niya na parang nabasa ang tanong sa isipan ko.
___
Lady Micadel @ 2020
___