Pumikit ako ng mariin. Inaanalisang mabuti ang gulong pinasok ko. Kasabay niyon ang isang buntong hininga. Malalim at malakas para kahit papaano ay mawala ang pagdadalawang isip ko.
"You want me to be your girlfriend?" I asked disoriented. Masyado yata akong nabigla. Kay hirap i-process ng isip ko ang mungkahi niya. Ni paghandaan na sasabihin niyang ito ay hindi ko nagawa. I thought the things he said while talking to Kuya Pier when we were in Bicol was all a joke. Pero bakit mukhang hindi na yata ngayon?
"Yes. I want you to be my girlfriend for one night."
Seriously, I don't know what to say. I feel so overwhelmed. May part ng pagkatao ko na natutuwa sa sinabi ni Darren pero half niyon ang hindi makapaniwala. Kung papansinin kasi ang kilos niya, tila hindi ganoon ang ipinaparating nito...
Pero ano? Teka nga. "For one night? Pwede bang diretsuhin mo na ako." Lumapit ako sa kanya para marinig nang malinaw ang lahat nang sasabihin niya. Lahat ng kasiyahan sa dibdib ko ay biglang napalis. Disappointment was written all over my face. Hindi ko alam kung pansin niya iyon pero nakaramdam ako ng lungkot.
Hindi naman big deal ang pagbabagong ipinapakita niya simula nang magkita ulit kaming dalawa. And I guess, my heart shouldn't be threatened. Kung ano man ang dahilan kung bakit ko nararamdaman ito, wala pa akong ideya. Hindi ko masasabing nahuhulog na ako sa kanya dahil alam kong mahal na mahal ko pa rin si Lewie. He was always been my love of my life even I knew that we can't be together. I know that I was just alone and Darren has been there to fulfill that desire. Lewie. I can't think of any name but him. I missed him so much. But we can't be together.
"I need your help to pretend to be my girlfriend. Just for a night." Pain was evident in his face.
"Bakit nga? Gusto ko muna marinig ang dahilan mo," nabalik ako sa realidad nang kabahan ako sa sinabi niya. Para bang may mali. Hindi ko alam.
"It's all because of my mom. He wants me to get married already." Umikot siya at bumalik sa inupuan kanina. Dumikwatro ulit siya at dinipa sa sandalan ang mga braso.
"And?"
"And she want to bid me in her party as if I am a piece meat in markets," halata sa boses niya ang inis.
Bigla ay napabungisngis ako ng mahina na siyang ikinaismid niya. Sinong hindi matatawa sa sinabi niya? At the age of 22, his mom wants him to have a family already? Ang alam ko sa mga magulang, as much as possible, ayaw nilang nahihiwalay ang mga anak sa kanila. Her mom was really something.
"And I need your damn help to make her believe that I found one. So she'll stop dragging me into something... I don't know what to call that term." He hissed under his breath. Frustration was written all over his face.
That was my first time seeing him frustrated and a little bit of scared. I know, natatakot siya sa pwedeng mangyari. I find it so amusing. Marunong rin pala siyang matakot at kabahan. Napangiti ako sa isip ko.
"So what makes you believe that I'll help you?" I crossed my arms against my chest.
"Well, aside from that I know you'll never fall in love with me..." he stood again. Tinutulay ang daan papunta sa akin. "I found something that might be the key for you to help me." He was in front of me.
Natigilan ako sa sinabi niya. Did he really think that I will never fall in love with him? Seriously, Darren. I was already attracted to you!
Nakatingala lang ako sa kanya habang mahigpit ang hawak ng walis tambo sa mga palad ko. Nang matitigan ko ang mga mata niya, nanikip ang tiyan ko, umakyat ang lamig sa batok ko at ang hawak ko sa walis tambo ay unti-unting lumuwag.
When he held my face, I flinched. Mainit ang mga palad niya at nagdadagdag iyon ng init sa katawan ko pati ang malakas na kabog ng dibdib ko. Inilapit niya ang mukha sa akin. Our lips were inches away from each other. Small distance desire.
And with just one snap, little by little, I felt his hidden agenda. Slow but firm. Passionate but naughty.
I did not fight back. I was flew by this urge rooting all over my body-- my system. I could sensed that this was wrong but why my body didn't know how to react?
I closed my eyes, feeling his lips onto mine.
Sinisigaw ng isip ko na itulak ko siya pero nang hapitin niya ako at hawakan ang leeg ko upang itaas lalo ang mukha ko, wala na akong nagawa kundi ang tumugon na lang sa bawat bitiw ng mga halik niya.
He started nibbling my lower lip, leaving painful soars but still bearable. It just brought tenderness. His lips were so sweet-- like a candy. Hindi nakakaumay, hindi nakakasawa. Na kahit ilang tikim ang gawin ko, walang pinagbabago ang lasa. Ganoon pa rin. Mas tumatagal, mas sumasarap.
Then suddenly he drew me back. I was astonished by his touch. Naglalakbay pa ang isip ko nang ilayo niya ang mga labi sa akin. Kita sa mga mata ko ang pagtutol sa ginawa niya.
He smirked. "Next week, Saturday. I'll pick you up at 8 in the evening. Wear something formal. It should be black."
Kumunot ang noo ko. Ganoon pa rin ang posisyon naming dalawa. Ni paghakbang ng mga binti ko ay tila tinakasan ako. Hindi ako makagalaw ng nais ko. Sa halik na iyon, parang kinuha lahat ni Darren ang lakas ko.
"I told you, I know something that might be the key. And this is the key. Kung gusto mo naman na totohanin nalang natin ito, that won't be a problem. I'm dead serious about you. And I want to make it up to all the hurt I brought to you," That husky voice. Damn! It makes me weak. And he downward his head again meeting my lips for the nth time.
Pumilig ako. And that explains everything why I am here waiting for Darren to pick me up. Pinasadahan ko ang sarili sa salaming singtaas ko. Traydor talaga itong puso ko. Ang sabi ng utak ko mabuti ito para makaganti, pero bakit itong lintik na puso ko sobrang saya sa mga narinig ko. Am I falling for him? Isang buntong hininga na lamang ang naisagot ko sa sarili.
I was wearing black off shoulder-straight long gown with silver sequence, pearl earrings and necklace, silver watch, and redded four inches stelleto. I put light make-up-- combination of white and gray eye shadow, but with stunning full red lipstick. Nag-clip ako sa gilid ng tainga sa kanan ang halos kalahati ng buhok ko and I just let the others flow over my left shoulder. I curled it with big rounds. Nagdala lang ako ng maliit na silver bag para sa pang-retouch, house keys,tissue, cellphone at ilang piraso ng Mentos candy. Acidic kasi ako kaya kailangan ko ng candy para hindi ko ibalik lahat ng kinain ko. Kapag naman nalipasan, inaatake ako ng Gastritis. Iyon ay isang sakit sa sikmura na kapag sobrang acid ang na-intake-- softdrinks o alcohol drinks-- namimilipit sa sakit at parang estatwa na hindi makagalaw.
Bumuntong hininga ako. Pumasok na naman ako sa isang gulong hindi ko alam kung paano lulusutan. Kung tumakas na lang kaya ako? Kung sabihin kong sumakit ang tiyan ko at hindi na makakasama? Kung magpanggap akong may sakit? LBM kaya?
Marahas akong umiling. Tiningnan kong muli ang sarili matapos niyon. Aatras pa ba ako kung ganito na ang itsura ko? Nakabihis na ako. Handa na para magpanggap.
Gumulantang sa buong sistema ko ang apat na sunud-sunod na doorbell sa pinto.
Mula sa kwarto ay agad akong tumalima para buksan ang pinto.
As if the sun passed by me the moment I opened the door. Nagsiawitan ang mga buto ko, umalon ang dugo ko, kuminang ang mga mata ko at naging sensitive ang brain cells ko.
He was so handsome!
"'Yung laway mo tumutulo," pinahiran niya ng tissue paper ang gilid ng bibig.
Makaraan lang ang ilang segundo ay nilagpasan niya ako.
"Where's your water? I need cold." Iniwan niya ako sa tapat ng pinto na nakatulala, nakadikit pa rin ang tissue paper na idinikit niya sa gilid ng bibig ko.
I closed my eyes and imagined that I was just doing this for a pride. Dahil sa nangyari noong nakaraang linggo dito sa bahay ko, nang sagutin ko ang bawat halik niya, pakiramdam ko ang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Ito lang ang magiging way para maibalik ang pride ko, na kaya kong gawin kung ano ang sinabi niya. At papakita kong mapapahiya siya na ako ang hiningan niya ng tulong.
"Let's go." He slipped his hands against mine. He dragged me out of the house. Siya na mismo ang nag-lock niyon mula sa loob. Mabuti na lamang pala na inilagay ko na ang susi sa bag ko, kundi ay baka hindi ako makapapasok mamaya.
Tahimik akong pumasok sa loob ng Alpha Romeo niya. Mas okay na sigurong tumahimik ako para makapag-isip kung anong gagawin ko mamaya. Paraan ko na rin ito para hindi ko mapansin kung gaano ka-perpekto ang pigura ni Darren. He was wearing a black three suit with red hanky at his pocket in left chest. Naka-gel din ang buhok niya na medyo spikey at maigsi na clean cut sa magkaparehong gilid sa gawi ng mga tainga niya.
Kung tutuusin, hindi bagay ang suot ko sa kanya. Mukha lang akong mucha-cha dahil dito.
"Who did your make-up?" tanong niya.
Bahagya pa akong nagulat sa tanong niya. "Just me," kunot noong sagot ko. But when realization stroke, unti-unting gumuhit ang maliit na pakurbang itaas na iyon sa mga labi ko. Napangiti ako. May mahinang hikbi ng tuwa ang napakawalan ko. He did checked me out.
"And why are you laughing?" may inis ang tinig niya.
"Why are you asking about my make-up? Gusto mo rin ba?" I joked.
"Are you playing around with me?" Nagalit ang dragon.
"I was just asking." Kibit balikat kong sagot.
"Then, I am offended." Pinasibad na niya ang sasakyan.
Tahimik lang ako habang tinatahak ang Makati Shangri La Event Hall. At first, hindi ako makapaniwala na doon gaganapin ang party nila Darren. I was so shocked! Ganoon pala sila kayaman para ma-afford ang isang high class event hall sa buong Pilipinas.
"Huwag kang magsasalita kapag nakita na natin si Mommy. Ako na ang bahala sa lahat. All you have to do is always hold my hand. Stay with me, no matter what." Utos niya.
Bakit pakiramdam ko may iba pang meaning ang sinabi ni Darren. With the way he said that, it seems he was referring to something else.
Pinakalma ko ang sarili. Itinuon na lang ang tingin sa daan at pinag-isipan kung ano ang tamang gawin.
Pumasok kami sa isang building kung saan ang ilalim ay paradahan ng mga sasakyan. Nang makakuha ng parking space ay pinatay na niya ang engine.
"Stay close to me," he said looking intently into my eyes.
Wala sa loob akong tumango. What am I doing?
He stormed out of the car and went beside me. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makalabas. I smiled with the gentleness he showed. Instead na ilagay ang kamay ko sa braso niya, he held my hand and entwined with his.
My heart skipped a beat. One second, he was acting so cold, then another second, here we were, holding hands as if we belonged with each other.
"Wait," Pareho kaming napahinto dahil sa ginawa ko. It was so frustrating. Paano kung ipahiya ako ng Mommy niya dahil hindi naman ako maganda? Paano kung dahil may gusto na siyang ibang napili para sa anak niya, ipa-assassinate niya ako? Argh! Ito ang resulta ng palaging pagbabasa ng kung anu-ano.
"Princess," itinaas niya ang mukha ko. He cupped my face with his right hand. "Don't get nervous. Nahahawa ako, e. Stay calm. Just hold my hand. Don't let it go." He kissed my forehead.
Oh my God! What are we doing?!
I stepped back. Dahil doon, naalis ang pagkakahawak ni Darren sa mukha ko. I can't read his expression. Masyado akong oblivious sa nararamdaman ko kaya mas napapahalagahan ko iyon kaysa sa mga nakikita ng mga mata ko at dapat isipin ko.
"Let's go." He said.
After the beep of elevator, tinahak namin ang mahabang hallway kung saan nandoon ang party nila Darren.
Dalawang hagdan ang nakapaikot at magkakunekta. Para silang kambal. Sa gitna niyon ay may isang fountain na naglalabas ng chocolates. Chocolate fountain. Sa paligid ng fountain na iyon, may mga snakcs tulad ng iba't-ibang chips, Stick-O at marshmallows. Name it. Nandoon na yata lahat.
Sa paligid ay puno ng lamesa. It was colored by cream and yellow gold curtains. Kompleto ang bawat kubyertos sa ibabaw nito. Ang mga baso ay nakataob sa gilid ng mga plato kasama ang napkins.
Marami na ang taong nag-iikot-ikot sa event hall. Nakasuot ng mga pinakamagagarang damit na mayroon sila pati alahas na sinlalaki ng mga perlas ng labibe mula sa ilalim ng dagat.
Maririnig ang pinagkukwentuhan ng lahat-- business, pinag-aralan ng mga anak, lugar na mga napuntahan at kung ganoon ka-successful ang event na nagaganap.
"You're cold," he said.
I looked into his eyes with a major disbelief in my eyes. "Sinong hindi lalamigin at kakabahan sa ganitong party?" Pinasadahan kong muli ang lugar. Hindi ko alam na ganito kaimpluwensya ang pamilya nila. Alam ko mayaman sila, pero hindi ganito. "First time ko kasi ito." Nahiya ako. Oo na. Hindi naman kasi kami mayaman para makapunta sa ganitong lugar.
"I'm happy that this is your first time," he smiled.
Oh damn! Darren smiled to me for the first time in this night. A real smile!
"Darren!" masayang sigaw ng babae na siyang naging dahilan ng pagbitaw ng pag-uusap ng mga mata namin ni Darren.
"Mommy!" balik sigaw ni Darren. Sumikip ang hawak niya sa kamay ko. Hinila niya iyon kaya nagkadikit ang mga balikat namin.
"Hi, honey." Bati nito sa anak.
"Is Dad here?"
"Yes, dear. Nandyan lang siya sa paligid." Lumipat ang tingin niya sa akin. 'Yung tipong hinahalungkat ang ilalim ng isang baul.
"Ma, I would like you to meet, Gianne. My girlfriend."
Lumunok ako bago ngumiti. "Kamusta po, Mrs. Chua?" naghalo ang takot at kaba sa ngiting iyon.
Nakatitig lang siya habang inaanalisang mabuti ang mukha ko. Pero isang ngiti ang sumilay sa mukha niya.
"Don't call me Mrs. Chua. Start calling me Mama Judy." binalingan niya ang anak. "My God Khen-khen. You didn't tell me that your girlfriend is this hot!" His mom laughed out loud.
Grabe! Wa-poise!
"I know," Darren looked at me and winked.
I'm drooled!
"Hahanapin lang namin si Dad." Hinatak na ako ni Darren paalis sa Mommy niya sa halatang kinikilig pa.
"I guess, my Mom likes you already." May nakapaskil na ngiti sa labi niya.
"Huwag mo na akong bolahin. Kinakabahan na nga ako, e." Tutol ko.
"Why? You looked so hot tonight."
"f**k you." Grabe. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
"Same to you." Nakangiti pa rin siya nang tingnan ko. Buwisit na ito, ah! Marunong nang sumagot.
"Are you playing around?" Nainis ako bigla.
"I was just paying the favor." Nakikipagbiro na siya.
Ang tagal naman naging mahanap ang Daddy niya. Ang dami naman kasi talagang tao dito. Pakiramdam ko maso-suffocate na ako.
"Dad!" sabi ni Darren nang mahigip ng mata niya ang Daddy niya.
"Darren, my son."
Lumipat naman kami ni Darren. Pero sa oras na huminto ang mga paa ko sa paglalakad, nagkatama ang paningin namin ng lalaking iyon. Nakasuot rin siya ng black three suit na siyang nagpatingkad ng kaputian niya. He has that same smile that every girl would drool in. Katulad pa rin siya ng dati. Walang itinapon ang nakaraan.
Ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. 'Yung malakas na kabog ng dibdib ko, pamamawis ng noo ko at panununo ng lalamunan at mga mata ko. Walang pinagbago.
Hindi ko nakuhang magsalita. Pakiramdam ko, ito ang una naming pagkikita matapos ang apat na taong nawalay siya sa akin.
Lewie.
Hindi ko na alam ang nangyayari. Ang nakikita na lang ng mga mata ko ay siya. Kinuha niya ang free hand ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Nice meeting you again, Cinderella." he said. Nakaugaliang itawag niya sa akin. Cinderella.
Katulad ng nakaraan, nahulog na naman ang puso ko sa kanya.
Pero bakit ganito? Nasasaktan ako. Lalo pa nang makita ko si Darren sa gilid. Nagkabitaw na ang mga kamay namin at bahagyang malayo siya sa akin. My head as spinning. Lewie was here. Darren has that angry look. And here I was, still inlove with this man holding my hand.
---
LadyMicadel @ 2020
---