Author: This will be the last chapter I am going to post here. I will post the rest of my stories at Wattpad.com under the username of @LadyMicadel. Para po sa mga gustong mapagpatuloy ang pagbabasa, doon po tayo magkita kita. Keep safe. Enjoy reading ❤️❤️
-----
"What do you want?" I plainly asked. If ever may gawin na naman siyang hindi maganda, nakahanda ang walis-tambo ko na hawak. Really, Gianne. You don't want to be surprised?
Pumilig ako. Hell no! Napasimangot tuloy ako. Tinatraydor din ako ng sub-conscious mind ko.
"Why the hell you have broom with you?" iritado rin niyang tanong. Nakasandal siya sa sofa habang nakadikwatro ang mga hita. Prenteng-prente siya sa pag-upo na para bang bahay niya rin ito.
Ako naman ay nakaupo sa handle ng isa pang sofa sa harap niya. May nakapagitan na small glass table sa gitna naming dalawa. Yes, pinapasok ko siya sa loob ng bahay ko.
Lalo akong sumimangot nang pasadahan ng tingin ang pigura niya. He's wearing his usual navy blue polo paired with light blue neck tie. Actually, he took off his shoes, leaving only his black socks. Kaya ayan, pinasuot ko sa kanya ang blue Hello Kitty kong home slipper, which really turned me on. Honestly, second person pa lang siya na pinagsusuot ko ng ganoong tsinelas na sumang-ayon. Most of men I knew didn't like that idea. What should be ashamed of? It looked cute!
Hindi ko maialis ang tingin sa kanya. Para talaga siyang modelo sa drawing class at ako ang guguhit sa kanyang perpektong hugis. The ways he sits, he can actually intimidate someone by not knowing it. Ang sungit niya talagang tingnan. Ang mga mata niya ay parang nanunubok at nakahanda sa anumang pwedeng makita sa paligid. He seems alert and attentive.
Okay. Stop there, Gianne. You were taking it seriously and you were obvious that you were checking him out.
Damn! This is the first time for a long time that I checked someone's appearance and it's rooting against my nerves.
"Iba na ang handa." Sinabi ko na lang. I just added that line para alam niya ang pwedeng mangyari sa kanya sa oras na gumawa na naman siya ng kalokohan. And also to change my own atmosphere. I was drifted away by my thoughts. Hindi alam ng kaharap kong ito na kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko.
Ganoon ba talaga iyon? Kapag may pinaplanong masama, hinahabol ng konsensya?
But I was alerted by the way he stared at me. Something that I never used to see in him. Seryoso at para bang binabasa ang kaluluwa ko. Sounds corny, pero ganoon ang tingin niya. Para bang may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sa kanya. Everytime I was looking to his eyes, I feel something weird. Iba-iba ang emotions na pinapakita nito.
Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Pilit inaalis ang bumagabag na iyon sa dibdib ko.
Iniikot na lang niya sa buong kabahayan ang mga mata.
"Sino nagdesign ng bahay mo?" he asked intently pero sa paligid naman siya nakatingin. Kahit papaano ay nawala ang weird feeling na iyon. Pinagmasdan ko na lang siya.Para bang sinasaliksik mabuti ang mga materyales na ginamit-- kung gaano kapulido at kadetalyado.
"Si Papa ang nagpagawa ng bahay pero ako sa interior. Noong lumipat ako dito, bahay lang talaga siya. Walang pintura o mga gamit," I explained. Pero agad akong natigilan. As if we're friends with the way we exchanged conversations.
"How many days did you finished doing this?" tumayo siya at nilibot ang paligid.
With the way he stands, pakiramdam ko ay business itong pinag-uusapan naming dalawa. Na parang nasa isa kaming project at ako ang engineer niya na tinatanong kung anong magiging plano sa pagtatayo ng building.
Ngayon ko lang nakita si Darren sa ganitong side niya. 'Yung walang halong panloloko sa mga tingin at ngiti niya. Seryoso pala siya kapag sa field na ng Engineering ang pinag-uusapan.
"I think 3 weeks ko ring pininturahan ito. Kita naman sa labas na hindi pa tapos. 'Yung kusina ko wala bang decors and tiles." Nanatili akong nakaupo habang hawak ang dapat hawakan. I should be careful everytime he's around.
"Ikaw lang lahat ang gumawa?" I felt amusement with the way he asked.
Tumango lang ako. Ano namang nakaka-amuse doon? I maybe small pero kaya ko namang magpintura kahit ako lang mag-isa. Para saan pa ang pinag-aralan ko kung sa sarili kong bahay hindi ko ma-apply.
Lumapit siya sa mga pader at sinalat iyon. Napansin ko siyang tumangu-tango na kinataas ng kilay ko.
"Anong ngiti iyan?" naaasiwa ako sa mga ikinikilos niya.
"If you need a helping hand, I can do you a favor. I can finish your house with just one glimpse of your eye," he proudly said.
As if rin ang lalaking ito, e. Para namang magagawa niya iyon. Really. Masyado kasi akong maarte sa bahay. May plano pa nga ako na mag-landscaping design sa harap ng bahay para magmukhang maginhawa. Iba pa rin kasi kapag may involved na mga halaman. Pero sa ngayon tatapusin ko muna ang loob ng bahay.
Pininturahan ko pa lamang kasi ito ng pastel blue ang pader at white naman ang baseboard. May second floor ito kaya naman ganoon din sa taas. Ang hagdan naman may blue-grey carpet upang mas lumutang ang kulay nito. May asul sa sofa at glass table sa gitna nito na mayroong plastic tulips na kulay asul din. I am literally obsessed to blue.
"Anong kapalit?" I thought about it so many times. Walang taong gustong tumulong na bukal talaga sa loob. Wala ng libre sa panahon ngayon. And if it was a real help without pay or not asking for a return, then that person do care about you.
"Nothing in particular." Ngumiti siya.
I know that smile. Pilit pero hindi seryoso. Pilyong ngiti. Pailalim. Pero bakit parang may kumukurot sa tiyan ko? Sumagot na ako bago ko pa bigyan na naman ng meaning ang basa ko sa mga reaksyon niya.
And that second, a flashback came to life again. This time a person said that same line before but in a very sweet tone. A very sweet tone that it took me damn years to forget. But I guess I will never forget that person. "Nothing in particular". Bumuntong hininga ako.
"Hey.. Are you okay?"
Nagulat ako sa biglang paghawak ni Darren sa balikat ko. I felt security with the way he hold.
Tumango na lang ako. And right there and then, I was totally drifted by my real thoughts. That person took my first kiss and I will never regret that. Kahit sabihin kong tanggap ko ang nanyari-- iniwan niya ako-- masakit pa rin pala. I really do care about him at alam kong ganoon din siya sa akin.
Sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Kahit na paghirapan mo, kung hindi para sa'yo, hindi para sa'yo.
Tama rin ang sinabi ni Darren noon. Kung hindi pwede, huwag na ipilit pa. Masasaktan lang. May mga bagay talaga na dapat pakawalan kahit mahirap. Hindi lahat ng happy endings ay nagkakasama ang mga nagmamahalan. Minsan mas sasaya nila kapag pinakawalan ang isa't-isa.
I composed myself again. I remember him again. Pinalis ko sa isip ang alalahanin. I should not think him.
"Are you sick?" tanong ni Darren. Nakalimutan kong nandito nga pala siya. Nilapitan niya pa ako lalo at tumalungko sa harap ko.
I felt the heat. Nandito na naman ang kaba sa dibdib ko sa tuwing kaharap siya. Isama pa na palagi akong napapatingin sa mga labi niya. Maybe blessing in disguised ang pagdating ni Darren kahit noong college kami dahil nakakalimutan kong mag-isip ng tungkol sa personal issues ko. Napangiti ako sa kanya.
"What's happening to you? Have you eaten your lunch?" Pag-aalala niya. Kung alam mo lang Darren na ibang tao ang naiisip ko, baka magalit ka na naman.
Lalo akong nangiti. Umiling ako.
"It seems you're not in the mood. What's in your mind?" he asked intently. I felt his eagerness to know what's bothering me.
"Ano ka? f*******:?" pagbibiro ko para naiwasan ang tanong niya. Tumayo ako agad at didiretso na sana sa kusina nang matigilan ako dahil sa sinabi niya.
"You're asking me about my favor, right?" Steady lang ang boses niya. Hindi ko tuloy mahulaan kung seryoso na siya o bibiruin lang ako.
Humarap ako sa kanya para makita ang ekspresyon ng mukha niya. Then, I saw how serious he was.
"I want you to be my girlfriend."