Chapter 8: Drool

2546 Words
"Fine. Go to him." I saw his eyes become so serious. Emotionless, na tipong isa akong pintor at isa siyang modelong iguguhit ko. Inihagis niya sa kama ang phone ko at matapos ay pumasok muli siya sa CR. Ano bang mayroon sa Comfort Room? Bakit ba kanina pa siya pabalik-balik sa loob? Nakakairita, ah! Hindi ko na talaga kaya ang ugali niya. I need to confront him. “Darren!” Kinatok ko nang malakas ang pinto ng comfort room kung saan siya nagtatago. “Buksan mo ang pinto! Darren! Mag-usap nga tayo!” Ilang ulit ko pang kinalabog ang pinto hanggang sa ika-anim kong katok ay bumukas ito ng maluwag. Niluwa nito si Darren na bukas ang mga bitones ng Polo shirt at pawis na pawis. Tanaw ko ang maliliit na balahibong nakadapa sa dibdib niya. Namumula rin ang mukha at tainga niya. Damn hot! Bago pa man ako makakilos sa pagdating niya ay agad niyang hinapit ang kanang braso ko. His eyes was so fierce. Tipong gusto ko nalang pumikit para hindi ko makita ang mga mata niya. Nakakatakot. Nakakanginig ng tuhod. He hurriedly met my lips. Walang sabi-sabi. Hindi ko nagawang umalma. Sakop na sakop niya iyon na parang sabik na sabik. Inipit niya sa magkabilang tagiliran niya ang mga braso ko and he cupped my face. Ni paghinga nga ay parang nakalimutan na naming dalawa. Pinilit kong kumawala. Sinusubukan kong humakbang paatras para lumuwag ang pag-ipit niya at makatakas ako, pero sa bawat usad ko ay siya ring hakbang niya paabante. Hanggang sa may matigas akong nausaran. Agad akong nahulog. Dahil nga magkadikit ang katawan naming dalawa ni Darren, nahulog rin siya. And now I am lying on the bed with Darren on my top. He continued what was he doing-- kissing me and savoring that moment. Nakadagan siya sa akin kaya mas lalo akong hindi makagalaw. Sa laki niyang ito, sinong babaeng kasing liit-- 5'11 siya, samantalang hanggang 5'5 lang ako-- ang makakawala sa kanya? And I just hate it that everytime na magkakadikit ang mga labi namin, para akong ginayuma na walang magawa. He was forcing me to open my mouth. He was so eager of doing so. Pakiramdam ko mapupunit na ang bibig ko! f**k! Hindi ko namalayan na humihigpit ang hawak ko sa kanya at tipong inilalapit ko pa ang sarili kanya. Nag-umpisahang magbagsakan ang mga luhang hindi ko na naman kayang pigilan. Paulit-ulit na lang akong umiiyak. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko ma-gets kung bakit kami nagkakaganito. He's Darren Khen Montero Chua. Why the hell on earth do I have to see him again? Tapos ganito lang ang gagawin niya sa akin? Para saan ang kiss bago kami nakarating ng Bicol? 'Yung mga tingin niya? 'Yung mga sinabi niya kanina lang? Anong ibig sabihin ng lahat ng iyon? At ngayon, itong ginagawa niya.  He's into you, Gianne. That tiny voice echoed in my head. Sinabi naman niya, hindi ba? Habang abala ang isip ko sa pag-iisip at ang mga mata ko sa pag-iyak, tumigil siyang hingal na hingal. Tahimik lang akong humihikbi. Hindi ko nakuhang kumilos. Masakit ang mga labi ko pati ang katawan ko. Gulung-gulo ako kung bakit nauwi sa ganito ang lahat. "f**k," he said more to himself. Bumangon siya at naupo sa gilid ko. Nakatukod lang ang noo niya sa palad. Nakayuko. Dahan-dahan akong bumangon at naupo. Inayos kong mabuti ang damit kong nagusot. Nang bumalik sa akin lahat ng mga nangyari, umusad ako palayo kay Darren. Na siya namang tingin agad niya sa ginawa ko. Kita ko sa mga mata niya ang disappointment at pagsisisi. "I hate you," bulong ko sabay pahid ng mga luha sa mata ko. Ilang beses ko na ba siyang iniyakan simula nang makilala ko siya? Ilang beses kong kinumbinsi ang darili na darating ang panahon na magbabago siya at magiging magkaibigan pa rin kami kahit nagkaroon na ito ng gap noon pa man? Hindi pa naman ako nawawalan ang pag-asa na baka maiba ang ihip ng hangin. Lahat naman ng tao may chance na magbago. "I know," ngumiti siya ng mapait. "I know but now, I can't just love you from afar". It left me astounded. "I hate you to the highest level, Darren. I don't know what's in your mind. But why are you doing this to me?" Isang hikbi na naman ang kumawala sa bibig ko. Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko naman magawa. -- "Baliw siya," napailing ako. Nagngingitngit ang panga ko habang kinukwento kay Patricia lahat ng hinanakit ko sa nakaraang linggo na kasama si Darren. Naibagsak ko ang tinidor sa plato. Umuwi ako ng Baliwag para kumuha pa ng ilang gamit. Katulad ng mga libro ko na ginamit noong nag-aaral pa. Kakailanganin ko kasi iyon lalo na 'yung formulas. I still need to study para naman hindi ako magkamali sa computations. Mahirap na. Sabi nga ng professor namin sa Basic Environmental Engineering, maraming buhay ang maaring manganib kapag pumalpak ang building na tinatayo namin. Unlike ang mga doktor, isang pasyente lang ang mawawala. We are the creator and also the destroyer. Ayon nga. After ng Bicol 'adventure' kuno namin, bumalik kami agad sa Manila. 'Yung fact na inubos ko ang halos tatlong araw na kasama siya, pero lahat ng mga nangyari ay gawa-gawa lang pala niya. Did you just imagine how angry I was? Damn. Naghabulan pa kami sa opisina niya nang sabihin iyon sa akin. And I really hate that when he smirks, nawawala 'yung galit ko sa kanya. Okay. First, plano niya talaga ang pagpunta sa Bicol. Natupad iyon. Second, wala siyang balak na mag-aral sa Bicol, dahil third, hindi siya ang may hawak ng project doon. So, bakit siya mag-i-stay at mag-aaral doon kung marami namang school sa Manila? In short, pumunta siya dahil gusto lang niya at para daw ma-solo ako. Nagtagumpay siya sa huling binanggit ko. Napapangiti na naman ako. Iba rin pala dumiskarte si Darren. "Bakit ba sinama ka pa niya sa Bicol kung gusto lang niyang gumala? Hindi kaya ginawa niya lang iyon para ma-solo ka?" may intrigerang ngiti ang nakapaskil sa labi ni Patricia-- she's my cousin with my mother's. Anak siya ni Tita Violeta na sumunod kay Mama. Bunso ang mommy ni Patricia. Nag-aaral siya sa Baliuag University sa kursong Tourism. Parang best friend ko na ang babaeng ito. Pero isang bagay lang ang hindi niya dapat malaman ngayon-- ang nangyayari sa akin at kay Darren. At tama siya ng hinala. But no one will have to know about this. Especially my family. Ni nangyare nga sa akin noong college hindi ko talaga naikwento dahil ayokong mag-alala sila. Natigilan ako. Bumalik lahat ang mga nangyari sa Bicol. Huminga ako nang marahas. "Asa ka naman." Pagtanggi ko para hindi mahalata ni Patricia na may nangyari nga. I mean, not literally may nangyari. It's just kissing was not proper. Sa traditional pa rin naniniwala ang pamilya ko. Sumubo ako ng pagkain-- Sizzling Sisig with Egg at Java Rice. Tumambay muna kasi sa PapaMix malapit sa Saint Mary's Colleges. Masarap kasi ang Sizzlings nila dito kaya binabalik-balikan ko talaga. "Wala ka nang magagawa. Nangyari na, e. Isa pa mukha namang nag-enjoy ka. How was the trip?" Sa inis ko, tinabig ko ang kamay ni Patricia at dinikit din sa Sizzling plate. Fair enough, huh? "Ano ba? Dahil ba sa kilig iyan kaya nagiging sadista ka? Grabe ha." Hinimas-himas niya ang kamay. Natahimik ako. The real kiss and so on. Ako yata marahil ang baliw. Naalala ko na naman kasi ang mga nangyari. It's been two days pero simula nang umuwi ako sa probinsya, siya palagi ang nasa isip ko. Pilit kong sinisiksik sa isip ko na kiss lang naman iyon. No big deal. It's just a simple kiss. Sana. Pero dahil umamin sya, mas lalong nagkaroon ng meaning ang isang simpleng kiss. "Di'ba hate mo siya? Bakit ka nakikipaglapit pa sa kanya? Sa company niya pa talaga ikaw nagtatrabaho ngayon. Anong drama iyan?" Pagmamaldita ni Patricia, Totoo nga na nasa lahi namin ito. "Dahil lang naman sa trabaho iyon. Isa pa, nandoon si Kuya Pier. Siya ang nagpasok sa akin sa company nila Darren. Nakakahiya nang tumanggi. Sabihin na rin nating desperada na ako para makapasa 'yung requirements ko sa pag-a-abroad. Mahirap na ang buhay. Kung dito lang ako sa Pilipinas, walang mangyayari sa akin," paliwanag ko. Pero ngayon, ano nga ba ang dahilan ng pag-stay ko sa company niya? Dahil pa nga ba talaga kay Kuya Pier, sa sahod, o dahil kay Darren. "Then, pagtiisan mo ang ugali ni Chuables. Yummy naman siya kaya okay lang. At least pinapansin ka niya. Marami nga dyan head over heels sa kanya pero wala siyang care. Be happy!" Iyon talaga ang tawag ni Patricia kay Darren. Kilala niya kasi ito kahit pa mas ahead kami sa kanya ng dalawang taon. Sa pamilya namin, si Patricia lang ang nakakaalam dahil na rin sa sam school kame umaattend. Mas mabuting walang siyang alam sa nangyari sa Bicol. Masyado na rin iyong personal. "But you know what 'couz, naisip ko lang. Di'ba gusto mong gumanti sa kanya?" Tumango naman ako bilang sagot. "Then, make him fall for you." Nabulunan ako dahil kasalukuyang lumalagok ako ng Gatorade ng mga oras na iyon. "What?" I said disoriented. "Make him fall for you. Then, kapag nahulog na siya sa'yo, break his heart. Use the mind and not the heart, couz. Behind man's success is a woman. Behind man's drudgery is also a woman. Trust me." She mischievously smiled while wiggling her brows. That what she said caught my attention. Sumandal ako sa upuan. Iyan ang plano ko. Kaso kaya ba ng kunsensya ko? Haaayyy ** After weekends, bumalik na ako ng Pasay. Iniuwi ko muna sa Village Town ang mga gamit ko para maiayos ko na ang dadalin bukas. Nakakapagod ang byahe dahil Lunes ako lumuwas. Bahagyang traffic at maraming tao ang naghahabol ng oras para sa trabaho habang ang ilan namang mga estudyante ay may pasok na. Nagco-commute lang ako kaya naman halos kabisado ko na ang Manila. Nang makapasok ako sa pinto ay nilapag ko sa mesa ang malaking bag na puno ng damit -- kinuha ko na kasi halos lahat ng gamit ko-- kasama na mga mabibigat na libro. Hindi pa man lang ako nakakaupo ay narinig kong nag-ring ang phone ko. Agad ko namang sinagot nang makita na si Kuya Pier ang tumatawag. "Hello kuya kong pogi," sagot ko sa kabilang linya. "Hello," that cold and serious voice. He was not Kuya Pier. Halata ang pagkairita sa boses niya. Isang salita lang pero alam ko na kung anong itsura niya sa mga oras na ito. "Why you're not picking up your phone?" "Who's this? Why you're using Kuya Pier's number?" kunwari ay hindi ko pa siya kilala. But hell, sa tono pa lang ng boses niya, alam kong si Darren ang kausap ko. "I tried to call you many times. Pero nang number ni Engr. Valdez ang ginamit ko sinagot mo naman agad. Nananadya ka ba?" Wow! It seems na bad mood siya. "Ano bang problema mo?" tanong ko na lang. Bukas pa naman ang start ng project ni Kuya Pier, ah. Anong dinadrama ni Darren? He hissed under his breath. Rinig na rinig ko iyon. Feeling ko tuloy galit sa mundo ang lalaking ito. Palagi na lang masama ang timpla. Minsan ngang nasa mood, pinagtitripan naman ang ibang tao. Alam ko na. Kulang siya sa buwan noong pinanganak. Tumango tango ako sa naisip kong iyon.Baka kaya sya ganyan. "Where are you?" pag-iiba niya ng topic. "Why would I tell you?" As if my voice sounded I didn't care at all. Pero at the back of my mind, nagtataka na ako kung bakit niya tinatanong. Isa pa, itong humuhumirantadong kabog sa dibdib ko. Para bang ngayon lang ulit kumislot ito at nag-pump ulit. Hinahanap niya ba ako? Naaalala niya kaya ang nangyari sa Bicol? Na-mimiss niya kaya ako? Damn. Ano ba itong iniisip ko? "Just tell me where you are." His voice was so firm. Halatang nagpipigil ng galit. Hindi ko naman maintindihan kung bakit siya ganoon. "Boss lang kita Darren. Hindi kita asawa o tatay ko. Bukas pa ang start ng trabaho ko kaya sa tingin ko hindi mo na kailangan pang malaman iyon." At saka ko siya binabaan. See? He was so unreasonable. Bakit hindi niya na lang sabihin ang dahilan ng pagtawag niya? Baka naman kailangan ka niya ngayon? Don't be so assuming. Baka masaktan ka lang, Gianne. Si Darren Khen Montero Chua iyon. Hindi isang simpleng lalaki na umaaligid sa'yo Bumuntong hininga ako at saka naupo sa sofa. Pinalis ang nangungulit na isipin sa sistema ko. Naisipan kong kalikutin ang phone ko. I found ten missed calls from the time na bumabyahe ako. Unknown number. The thing that people should know about me is that, I don't usually use or show my phone when I'm in the middle of the trip. Hindi ko tinitingnan kung may tumatawag ba o nagtetext. Kay Darren kayang number ito? I busied myself putting things into order. Wala akong pakialam kung anong gawin ni Darren. May dahilan naman ako para hindi siya kausapin. Nilagay ko na lang sa bookshelves lahat ng mga libro at sa kabinet naman ang mga damit na dala ko. I'm a sneakers and t-shirt girl. Nagde-dress lang ako occassionally. Pero most of the time, ganoon lang ang suot ko. Like today, naka-high cut ako na rubber shoes at skinny jeans, Patrick Starfish printed T-shirt lang ang suot ko. Fashionable naman ako sa bag na dala ko. Back bag lagi ang dala ko pero parang mas mabigat pa ang mga keychains and pins na nakakabit doon. Kapag kasi may nakikita akong cute stuffs na maididikit ko sa mga bag ko, bumibili talaga ako. I'm not that kikay girl, 'cause I like funky clothes especially in color blue. By the way, my interior design for my house is colored with blue. I have cute stuffs like Hello Kitty, Bugs Bunny, Turtles, Penguins and Dolphins-- which I loved the most! Sabihin niyo nang para akong bata, pero ilan iyan sa mga kinasisiyahan ko. Everytime na tititigan ko sila, nawawala ang stress ko. Pero mawala lahat ng pagmumuni-muni ko sa loob ng bahay nang tatlong door bell ang sunud-sunod na tunog. Nagtatakang tumayo ako sa sofa at tinulay ang daan papuntang main door. And again, nagdoor bell na naman ng magkakasunod ang nasa labas. Nakakunot kong binuksan ang pinto. May screen naman sa labas ng pinto kaya okay lang kung buksan ko ito kahit hindi pa nasisilip ang tao sa loob. Wala naman akong inaasahang bisita sa pagkakaalala ko. "Darren?!" wala sa loob kong sigaw. How did he know that I'm here? "Hi there girlfriend," he waved his hand as in saying a real hello. He flushed an exquisite smile that every girl would drool. Girlfriend? Is he really serious?! "But you know what 'couz, naisip ko lang. Di'ba gusto mong gumanti sa kanya? Then, make him fall for you. Behind man's success is a woman. Behind man's drudgery is also a woman." Patricia said. Hindi ko pa alam kung seryoso si Darren sa ginagawa niyang ito, pero ako, alam ko na kung paano makakaganti. He'll drool over me and he will never wishes to stay alive without me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD