Chapter 7: Jack

2483 Words
Pagmulat ng mata ko, agad rumehistro ang mukha ni Darren. Payapa siya habang natutulog. Nakapikit na para bang walang inaalala sa mundong pareho naming ginagalawan. Tahimik na tipong walang iniisip na kalokohan. Kung ako ang tatanungin, marami pa pala akong hindi nalalaman sa kanya. Ngayon ko lang napatunayan na hagga't hindi mo nakakasama ng matagal ang isang tao, hindi mo sila makikilala ng lubusan. Habang kumakain kami kagabi, nalaman kong hindi pala siya mahilig sa spicy foods. Namali kasi ang ibinigay sa kanyang chicken. Hindi naman talaga halata na maanghang ang ibinigay dahil walang spicy power na makikita sa manok. Nang isubo niya ito, agad siyang naubo at hindi masyadong makahinga. Galit na galit siya nang sabihin niya ang nangyari. Allergic daw siya doon kaya ayaw niya sa maaanghang. Hindi ko naman siya masisisi. Kung ako man ang nasa lugar niya, baka ibinato ko pa sa waiter ang manok na iyon. Pagdating naman sa kwarto, napansin kong hindi siya nagtatanggal ng medyas bago matulog. Pero ang pinaka-worse sa lahat ay tinatanggal naman niya ang damit pang-itaas. Kahit malakas ang aircon, nakuha niyang umidlip nang walang damit! Agad naman siyang nagtakip ng kumot para raw hindi ako maasiwa. Napaisip ako sa ginawa niya. Hindi niya rin ako nakuhang asarin dahil high class ang hotel na pinuntahan namin. Karaniwan niya kasing ginagawa ay pinamumukha ang mga bagay na noon ko pa lang nakita o pangyayaring naranasan. Pero iba siya kagabi. Hindi nga siya ngumingiti pero pansin kong iniiwasan niya talaga akong inisin. Tahimik siya at hindi ako binabara. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Parang gusto ko tuloy siyang makilala nang mabuti. Naigtad ako nang maalalang ang lapit lang niya sa akin. Dumilat ang mga mata niyang halatang galing sa malalim na pagkakaidlip. Nang ibukas niya ito ay agad siyang tumingin sa akin kasabay ng isang matamis na ngiti. "Good morning," halata sa boses niya ang bagong gising. I was fanning by his breath. Tipong mas gugustuhin ko pang tumapat na lang maghapon doon dahil malamig at mabango kaysa sa ikot ng electric fan o sa inilalabas na hangin ng aircon. Hinapit niya ako upang mas lumapit sa kanya. For your information, magkatabi kami sa kama pero may nakahating unan sa gitna namin. Huwag na rin po kayong magtanong kung paano ako nakalapit. Aamin na ako. Ako ang nagtanggal ng unan kanina kasi feeling ko hindi sya makahiga ng maayos. Naawa lang ako. wala na pong iba. Ngayon ko lang napagtanto na nakahilig ako sa dibdib niya at nakaunan sa braso niya habang nakapalupot ang mga iyon sa katawan ko. In just a snap I was literally near him. Nakapagtatakang hindi ako nagulat sa ginagawa niya. Para bang sanay na sanay ako na palagi kaming ganito kaya kabisado ko na ang pwesto kung saan ako naroroon. Pakiramdam ko nga ay saktong-sakto kami sa kurba ng katawan ng bawat isa. Perpekto ang hugis. Na para kaming tubig at container. Hulmang-hulma. Unti-unti ay lumalapit siya sa akin. Mukhang alam ko na ang gagawin niya. Si Darren Khen Montero Chua 'yan, e. Ang taong hayuk sa paghalik na kung saan siya magaling. Aarte pa ba ako? Kahit sabihin ng isip ko na huwag kong gawin ang gustong mangyari ni Darren, ang katawan ko naman ang may problema. Ewan ko ba. Pero sa bawat lapit niya sa akin, katawan ko naman ang hindi ko mapigilan. Para kaming electrons and protons, na-aatract sa isa't-isa para makagawa ng electric current. Kuryente na naglilikha ng isang mapusok at nakakabaliw na resulta. Kung ano man ang nangyayari sa akin, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, hindi tama itong ginagawa ko. Pero bakit ganoon? Masarap ba talaga ang bawal? Maya-maya'y napapikit na lamang ako nang dumampi ang mga labi niya sa akin. Malambot at makinis na parang mansanas. Sakto sa mga kurba ng akin. He started nibbling my upper lip. Too slow and I was craving for more. Pero nahinto sa ere ang mga labi ko. Napagtanto ko ang epekto ng electricity. Naisip ko lang, kung ihahambing kami sa isa't-isa, para kaming conductor at resistor. He was the the first one, and I was the latter one, respectively. Theory of electricity-- inversely proportional ang conductor na ginagamit para makalikha ng kuryente at resistor naman na nagpapahina rito. Habang tumataas ang resistor, humihina ang flow ng kuryente. Ako lang ang makakapagpahina sa kanya. Ako ang makakapangit ng daloy ng kuryente niya. Naalala ko rin ang sinabi ng professor namin sa Basic Electrical Engineering. "Because our bodies are mostly made of water, electricity can travel through us easily. That's the reason why grown-ups warns us to stay away from high voltage sites and not to stick our fingers in wall plugs. Parang pag-ibig. Kapag hinayaan mong dumaloy sa buong katawan at sistema mo, maaari ka lang masaktan at kung minsan ay nakamamatay emotionally." Biro niya noon dahil may isang kaklase kami na kaka-break lang sa boyfriend nito. Kaya mas pipiliin kong maging resistor kaysa maging copper wire na susuportahan pa ang conductor sa pagproduce ng kuryente. Electric current na kapag sumobra at masyadong nag-init, maaaring parehong masira. Maaring parehong mawasak. Maybe you don't get my point. Inihambing ko pa kasi sa Electrical-thingy ang pinagsasasabi ko. Ginawa ko lang mas komplikado ang pagpapaliwanag. Pero isa lang ang malinaw. Hindi pwede itong ginagawa namin. I should start my job-- hurting his feelings. I can feel his tension. Alam ko may gusto syang sabihin ngunit dahil nga si Darren sya, hindi niya masabi. Sa kilos niya na lang pinapakita. Maybe this is crazy, but i can feel it. Gusto niya ako. Maybe we can also benefit from it. Ibibigay ko ang gusto nya habang sa huli ipapatikim ko ang karma niya. Nakarinig ako ng ilang hikbi. Parang umiiyak pero parang hindi naman. Masayang tawa nga ang naririnig ko, sa totoo lang. Minabuti kong ibukas ang mga mata ko at iniikot sa paligid. Bumagsak ang tinging iyon sa nakangising si Darren na nakaupo sa isa pang kama. Bakas sa mga mata niya ang saya dahil na rin nanunubig iyon. Dumaan ang tingin ko sa polo niyang nakabukas. Nakasilip doon ang korte ng tatlong abs at ang ilang hibla ng balahibong may bakas ng pawis. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. "Who the hell are you kissing, princess?" Tumaas ang isang kilay niya. Doon ko lang napagtanto na nakanguso ako. Tuwid na tuwid at nakatuon sa kanya. "You can even ask me, darling. I am very capable for doing that duty," he said looking at my eyes. So straight. Full of honesty. Umismid ako sabay ayos ng higa. Tumalikod ako sa kanya para matakpan ang pagkapahiya ko. That was so embarrasing! Tumigil na pala siya. Ako naman itong si tanga nagke-crave pa. Nakakahiya para sa lahi ng mga Guevarra! Ugh! I hate the fact that I really want it. What's happening to me? I closed my eyes. I don't have the guts to take a respond. I exhaled the warm breath circling my body. I was too distracted by his presence. His scent and eyes were too deceiving. I am the resistor and he is the conductor. We can never be capable to assure each other. This must end. Darren is a Chua. He belongs to the riches and bed of roses. I, Gianne is just a simple girl with nothing to be proud of. I am just nothing. Bakit ko ba kasi naramdaman bigla ito? Itong pagbilis ng puso, pagkabalisa at pagkalito sa tuwing nakikita ko si Darren. Kahit malaman ko lang 'yung nandyan siya sa paligid ko, hindi na ako mapakali. I shouldn't feel this way. I should not act like a teenager. I am not that one anymore. Bente-dos anyos n ako. Hindi na dapat ako nagpapadala sa nararamdaman ko. Utak ang unang kailangang gamitin, hindi ang puso. "What are you thinking?" he asked after a long pause. I felt sweetness all over his voice. I decided not to respond. I was so frustrated. Maybe stop talking to him was the only way to also stop my stress. Naging iba ang takbo ng lahat. Bakit siya nagiging ganito? He should remember that I was the low class he used to call, he used to bully. "Just leave me alone," gusto ko munang matahimik. "No." "Please, Darren. I don't want to talk to you. Maybe I should stop talking to you. Or rather you should stop talking to me. In the first place, hindi mo dapat ako dinala dito. Hindi dapat ako sumama sa'yo. Hindi mo dapat ako pinangungunahan sa mga desisyon ko. Ayokong mag-board exam. Wala kang karapatan na gumawa ng hakbang para sa kung ano mang gusto ko. Paulit-ulit na lang ba tayo?" Was I being mean? Hindi ko alam. Ito siguro 'yung paraan para layuan niya ako. Hindi ko alam na ganito 'yung magiging epekto kapag kami lang dalawa. Na unti-unti akong mababaliw at pakiramdam ko kapag nagpatuloy ito, hindi na ako makakaalpas pa. Hindi ako makakawala. "It's just a board exam. Pinagdadaanan lahat ng Engineering graduates iyon. Ako nga pinagdaanan ko rin yan." Naramdaman kong tumayo siya. "Hindi mo kasi naiintindihan.Matalino ka naman kasi." Hindi lang naman kasi iyon ang iniisip ko. Kapag nagpatuloy akong lumapit sa kanya, baka sa huli pagsisihan ko lang. Nevermind. Stick to the plan, Gianne. Speaking of board exam, hindi naman kinokonsidera iyon sa ibang bansa. Mag-eexam pa rin ng Civil Service para magtrabaho doon. Sayang lang kung mag-aaral pa ako sa board exam. Pangalawa, natatakot akong baka bumagsak ako. Nakakapanghinayang ang effort na sasayangin ko sa limang buwan. "I'll help you. I'll help you to pass the board. I'll help you to easy love me". He was intently looking to my eyes. Napabalikwas ako ng upo sa kama. Gulat at pagkabigla ang namutawi sa mga mata ko. He surely know how to surprise me. "Anong sabi mo?" What did he say? My mind will explode any minute. "Sometimes you have to trust others especially the ones that want to prove things that they learned their lessons. That the table was already turned around." He was so serious. Kitang-kita ko iyon sa pagkunot ng noo niya. "No. 'Yung huli mong sinabi. Ano nga ulit un?" And at that moment I can feel his breath under my skin again. I felt that tingling sensation. "I love you, Engr. Guevarra. I will do everything in my power to make you mine". He kissed me passionately leading this to something I really don't know. And the smartest thing I did was to kiss back at him.  I must take the lead, not him. Kaya ikaw puso, huwag ka munang umepal. Kailangan ko pang makaganti sa kanya at patunayang hindi niya ako makukuha sa pagbabago niyang ito. Ikaw utak, pagbutihan mo ang pagpaplano para maungusan natin si Darren. Ako ang resistor. Ako ang magpapahina sa good conductor na si Darren Khen Montero Chua. I admit. Attracted na ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi ko gagawin ang plinano ko. Dapat kong patunayan ang sarili ko. Kailangan kong bumawi sa pananakit niya sa akin. Mahaba pa itong kwentong ito. Hindi magtatapos nang hindi ko napapabagsak si Darren Khen Montero Chua. The best way to take revenge is to know his actions. Read what's in his mind and distract him from everything that he will do. I stopped him because if not, I don't know where it will take us. I am the resistor. "Darren," I called him. We were still hugging. "Di'ba dapat nanliligaw ka muna bago mo ko hinahalikan?" I smiled. Well that's reall true. Natatawa ako dahil nauna ang kiss bago ang yes. His face got softed. "Of course. Anything for you". He kissed me lastly and he stood up. He went straight to the bathroom door to take a shower. Nakahinga ako ng maluwag. One point, Gianne. After just fifteen minutes... "Darren, your phone". I knocked on the door Narinig ko ang pagpatay ng shower at maya-maya lang ay lumabas siya. Wet hair, wet body, wet everywhere! Nakatapis lang siya ng towel! Fuck! How can I make my move if he will be this so handsome and hot? "What?" he seriously asked. Lumunok ako. Pinipilit ibahin ang atmosphere. But he's damn so yummy! Argh. I hate it. Akala ko ba hindi ko na papansinin ang pintig ng dibdib ko? Sa salita lang talaga ako magaling. "I- ano..." I trailed off. Yeah, that's right Gianne. Ipakita mong apektado ka. "Do you want to join me inside?" he sounds amused. Innocent in his face but full of greens in his mind. I know you, Darren. You're acting like it's nothing. "Ofcourse...!" f**k you, Gianne. "N-Not!" Muntik ko pang hindi nabanggit iyon. My gosh. How am I supposed to win this thing. Pumanatag ang dibdib ko nang sumara na ang pinto ng comfort room. That was one hell of a mistake! Next time hindi ko na siya tatawagin kapag nasa loob siya ng CR. I should handle this. I should be in focus. Go Gianne! Break Darren's confidence! Make him experience how to make mistakes. I'll make him regret that he saw me again. Natigilan ako sa pagkumbinsi ko sa sarili nang marinig ang isang kanta. Jack when we were younger we hung out We were inseparable But now jack you stole my thunder Like my girl became my nemesis He might be Mr. popularity but I wouldn’t wanna change a thing about me Uh oh oh don’t take this as jealousy, Just cause you’re with him and not me Wait! Ringtone ko 'yun ah. Agad kong hinagilap ang cellphone sa bag ko pero hindi ko makita. Inangat ko rin ang unan at kumot pero wala rin doon. He drinks daniels at the bar, Drives his daddy’s jaguar. Rocking clothes with wills on the tag Girl he’s all up on your face Wanna put him in his place But right now I'd rather be Jack Saying look can’t you see He’s a d**k compared to me You should know he ain't really all that I still need you in my world But he's got you as his girl And that's why I'd rather be Jack Bumukas ang comfort room at niluwa niyon si Darren. Nakasuot na ang damit niya na sinuot kahapon. Pero ang ikinagulat ko ay nang makitang hawak niya ang phone ko. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang tawag. "I told you not to call her in that name," halatang nainis siya. "She's with me, Engr. Valdez. My girlfriend is with me. Don't disturb us." And he hung up the phone. Ibinaba niya iyon sa table na katabi lang niya. "Why he got your number and why I don't have yours?" ganoon pa rin ang tono niya. Naghahalo ang inis at pagkairita. Why so immature Darren? "And why did you just call me girlfriend? Sinagot na ba kita?" First things first.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD