Inabot na kami ng dilim sa daan. Ang sabi ni Darren, maghotel na lang muna kami. Pero hanggang ngayon wala kaming makita na pwedeng tulugan. Sinasabi ko na nga ba, e. Napakakulit kasi ng lahi ng taong ito.
Pero mas minabuti kong huwag na magsalita at hayaan na lang ang gusto niya. Masyado akong maraming iniisip. Hindi pa kayang i-absorb ng utak ko ang lahat ng sinabi ni Darren. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat. Bangungot, pala.
Napapanis na ang laway ko sa hindi pagkibo. Kung ito naman kasing lalaki na 'to ang kasama ko at magsasalita pa ng hindi ayos, aba, talagang tatahimik na lang ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at headset para sana magpatugtog mag-isa. Nakakaboring naman kasi.
Ipapasak ko na sana sa tainga ko ang earpiece nang magsalita si Darren. For the first time simula nang umalis kami sa Shakey's, ngayon pa lang siya nagsalita.
"Loudspeaker," he said.
Kumunot naman ang noo ko sabay tingin sa kanya. Diretso lang kasi ang tingin niya sa daan.
"I said, put it in louspeaker." May inis sa boses niya. Ano pa bang bago sa ugali niya?
In-on ko ang button para sa lumakas ang tunog ng phone ko pati na rin ang volume ay tinaasan ko. Mabuti na rin siguro iyon para hindi kami antukin sa daan at nang maalis kahit papaano ang awkward feeling.
Inilagay ko sa dashboard ang phone ko. Naka-shuffle naman iyon.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang kanta. Wherever you are by 5 Seconds of Summer. Tahimik lang akong nakikinig. Favorite ko kasi sila at pati na The Vamps. Sa Youtube lang sila parehas sumikat at talaga nasubaybayan ko kung paano sila nakilala.
Napansin kong nagta-tap ng kamay sa steering wheel si Darren. Tila sinasabayan ang tyempo ng kanta. Napaisip tuloy ako kung kilala niya ang bandang tumutugtog sa phone ko.
Habang ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ay hinihimig nang tahimik ang tono.
Maya-maya ay pumatak ang maliliit na butil ng tubig mula sa labas. Umuulan.
Natapos ang kanta nang wala pa rin kaming kibuan ni Darren.
Heartbreak Girl ang sumunod sa playlist ko. Kanta pa rin ng 5 Seconds of Summer. I wonder why two consecutive songs are both from 5SOS.
Natahimik pa rin ako habang tumutugtog ang kanta.
The moment na napalingon ako sa katabi ko ay nang marinig siyang kumakanta ng mahina. Pero sapat lang para marinig ko ang maganda niyang tinig. Kumabog sa kaba ang dibdib ko. Malagkit na pawis ang yumapos sa noo ko at malamig na kamay ang itinago ko sa gilid ng upuan. f**k! Kahawig ng boses niya si Luke Hemmings!
This feeling again. Kapag may bago akong nakikita sa pagkatao ni Darren na sa tingin ko ay interesting, nagiging ganito na ako sa kanya. Nangyari ito nang halikan niya ako sa office niya. Palagi ko nang nakikita ang maliliit na expression na mukha niya-- pagngiti, pagkunot ng noo, pagsimangot. Halos lahat bago sa paningin ko. Noon kasi hindi ko siya makitaan ng ganoon. Dahil na rin siguro sa kapag iniinis niya ako, sa iba ko tinutuon ang atensyon. Pero kasi ngayon, hindi ko magawa iyon kaya nakikita ko na ang lahat.
Alam ko rin naman na maganda ang boses niya. May banda siya noon sa Baliuag University at tinitilian siya ng mga babae sa oras na bumuka ang bibig niya. Pero iba pala ang pakiramdam kapag malapit lang siya. Para tuloy ako ang kinakantahan niya.
"I dedicate this song to you. The one who never sees the truth. That I can take away your hurt. Heartbreak girl. Hold you tight straight through the daylight, I'm right here when you gonna realize that I'm your cure. Heartbreak girl"
Pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng The Oriental Legazpi. Pinatay ang engine ng sasakyan. Tumingin siya sa akin diretso sa mga mata ko.
"Heartbreak girl," he sang the last words of the songs. Akapela. Walang tugtog kaya rinig na rinig ko ang boses niya.
Yes, I will be his heartbreak girl.