I crossed my arms against my chest. Wala akong balak tumayo sa inuupuan ko. Wala rin akong pakialam kung magalit siya. Who cares?
"Let's get something to eat," he ordered.
Matalim ko siyang tinitigan. How the hell I joined him with his craziness? Hindi ko alam na sa Bicol kami pupunta! At ngayon ay nasa gitna kami ng byahe na wala man lang dala kahit ano?
"What?" he defensively asked.
"What-what-in mo iyang mukha mo. Nag-iisip ka ba o dahil sa sobrang talino mo, simpleng bagay hindi mo madiskartehan?!"
Sumisigaw na talaga ako dito sa loob ng sasakyan niya at wala akong pakialam kung anong gawin niya pagkatapos kong ilabas ang sama ng loob ko.
"I told you that we will be enrolling in Bicol review centers" May inis sa boses niya.
"Do you know how long we'll going to travel? From Makati to Bicol is almost 500 kilometers away! Almost 7 hours na diretsong byahe! Pero for sure mga 10 hours ang byahe dahil may stop overs tayo. Paano kung unconditioned ang sasakyan mo? Aabutin tayo ng 13 hours?! Did you study that basics in Engineering o kahit tiningnan man lang ang mapa?!"
I have the right to feel this. Talaga bang matalino ang lalaking kausap ko ngayon? My gosh! He's not being practical.
Sa tingin ko ay pulang-pula na ako sa sobrang galit. Hindi ko kasi talaga mapigilan. Kapag hindi ko nilabas ang nasa dibdib ko, malamang iiyak na naman ako. Ganoon ako kapag punung-puno. Ano namang sense ang pag-iyak sa nangyayari ngayon? Wala, di ba? Kaya tanggapin niya lahat ng hinanakit ko.
"I know that." Dumiretso ang tingin siya sa harap.
Nasa parking kami ng Chowking. Isang oras na kaming bumabyahe na walang hinto kaya naman sumasakit na ang katawan ko. Mabilis naman dahil walang traffic pero hindi kasi maalis ang asar ko sa kanya kaya kahit na tahimik siya at walang ginagawa, mas lalo akong naiinis.
Nag-withdraw siya sa malapit na BDO ATM at saka kami pumunta dito.
"At sana tumawag ka na lang sa school para magpa-reserve. Pwede naman siguro iyon. At bakit ba kasi doon pa? Hindi mo man lang muna ako tinanong. Ako dapat nagdedesisyon ng mga ganitong bagay. Hindi ikaw." I hissed under my breathe.
Pero hindi niya ako pinakinggan.
"Let's go." Lumabas siya mula sa loob ng kotse at hindi na ako inintay. Agad siyang pumasok sa loob ng restaurant. Pansin kong para siyang lutang o nababalisa. Halata kasi sa kilos niya. Parang wala naman dito ang isip niya.
Kahit pagiging gentleman nakalimutan na rin niya dahil sa angkin niyang galing at talino? Wow! How great!
Padabog akong lumabas ng sasakyan niya at sinundan siya. Nakaupo siya malapit sa glass window ng fast food kaya tanaw niya ang Alpha Romeo sa harap.
Bumuntong hininga ako bago maupo sa tapat niya. Inalis ko lahat ng inis ko at sama ng loob. Ano pa bang gagawin ko? Nandirito na kami, e. Aarte pa ba ako? Hindi ko nga alam pabalik ng Manila galing Laguna.
Pumikit ako ng mariin katulad ng madalas kong gawin kapag hindi ko makontrol ang emosyon ko. I need to do this. I must be in control to myself.
"Darren," I called him, still eyes closed.
"What?" Alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi pa rin ako dumilat.
"Why did you bring me here? Hindi mo ba alam na ayoko sa lahat ay pinangungunahan ako?" Madiin kong pahayag. Pilit kong pinipigilan ang sarili dahil sa inis ko. Ayoko namang mag-eskandalo dito. Naturingan pang limang taon ako sa kolehiyo pero kung makaasta ako parang ugali ng nasa elementary. Edukada akong tao. Alam ko kung anong ugali ang dapat ilabas lalo na kung ganito karaming tao ang nasa paligid.
Ibinukas ko ang mga mata ko. Nagkatama ang mga paningin namin. And the same shiver flew around my whole system again. Hindi ko maitatangging wala siyang karisma. Para sa akin, hindi naman siya kagwapuhan-- na tipong walang kapantay. I'm sure may mas gwapo pa sa kanya. Like Kuya Pier, mas may itsura talaga siya kaysa kay Darren. Pero iba talaga ang dating ng lalaking ito. Kapag tinitigan siyang mabuti, naghahalo ang good and evil side sa mukha niya. May time na parang anghel siya at may time na mukha siyang bad guy. Ewan ko ba. Kung anu-ano na naman ang nakikita ko sa lalaking ito.
Again, bumuntong hininga ako. Pinakawalan ang mainit sa hanging bumabalot sa katawan ko. I need to cool down. I must shake that mind off.
"I've researched that already," simple niyang salita. Nakatuon na ngayon sa menu list sa taas ng counter ang mga mata niya.
Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi ng baliw na lalaking ito?
"Hindi ka fictional character kaya huwag kang pa-mysterious effect. Hindi bagay sa'yo. Alam mo, gayahin mo na lang 'yung mga ugali ng characters ni Nicholas Sparks. Baka matuwa pa ako." Inirapan ko siya kahit alam kong hindi siya nakatingin.
Narinig ko na lang ng malalim niyang buntong-hininga. "What do you want to eat?"
"Ikaw na bahalang umorder. Hindi ako mahilig kumain sa Chowking. Ang bagal nilang mag-serve," pumangalumbaba ako at tumingin sa labas. Kahit papaano kasi ay nawala na ang inis ko dahil nasabi ko na ang nasa loob ko. Gumaan ito at sa tingin ko...
Nagulat ako nang tumayo si Darren at agad hinatak ang braso ko.
"O, saan tayo pupunta?" nakakabigla naman siya.
"I thought you don't like here? Let's eat somewhere else. I don't want to ruin this date." Kinayag niya ako sa labas ng Chowking Junction at sumakay ulit sa loob ng Alpha Romeo. Pinaandar niya agad iyon.
Nag-U turn siya at ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng Shakey's. Matutuwa na sana ako pero bakit ibinalik pa niya? Sana dumiretso na lang kami ng daan. Sigurado namang may makikita kami na kainan. Kahit carenderia lang ayos na, e. Ang arte ng kasama ko. Ang mahal kaya sa Shakey's! Pero guilty pleasure ko ang restaurant na ito. Kahit paubos na ang allowance ko, nag-sa-save pa rin ako ng pera para makabili.
Pumupunta pa talaga ako sa branch ng Shakey's sa Pulilan Bulacan.
Have I mentioned that Darren and I used to study in Baliuag University?
Nakatira talaga ako sa Bulacan pero nang grumaduate ako ng College ay kinuha ako ni Daddy at pinatira sa isang Village town sa Pasay. Iyon na raw ang graduation gift niya sa akin since hindi niya nagampanan ang maging isang ama habang lumalaki ako.
I have a broken family. May mga kapatid ako sa ama. While, my mom chose to have a simple life with me. Hindi siya nag-asawa nang iwan kami ni Daddy. Ako lang daw sa buhay niya ay sapat na. Naiwan siya sa Bulacan para alagaan ang nag-iisa kong Lola Wendy.
Of course, that words made my heart melt. Sino ba namang anak ang gustong maging sakit sa ulo ng mga magulang nila lalo na kung single parent lang ang umaagapay, di ba?
Maybe, studying hard as ever-- kahit na hindi naman ako matalino-- was the only exchange I could pay for all the hardships she had while I was growing. Ngayon na may trabaho na ako, panahon na para bumawi. Ganoon naman ang role ng mga anak, di ba? Mahalin at arugain ang mga magulang ang main goal. Bonus na lang talaga ang makapagbigay ng extra happiness sa kanila-- physical and security needs.
Habang naghihintay kami ng order, minabuti kong huwag na lang umimik. I busied myself playing Angry Gran in my phone. Nakakatuwa kasi ang larong ito. Naninipa pa ng Punky Guys, which makes me laugh everytime Granny kicks them all.
While playing, may isang word na rumehistro sa isip ko. Date.
Pi-nause ko ang Angry Gran at saka tinitigan ang nakangising si Darren na nakatingin din sa phone niya. Edi, siya na may Iphone 11 pro max.
Hindi ko alam pero nahawa ako sa ngiti niya. May inis na namuo pero mas matimbang ang saya. Ang weird.
I remembered him saying that he didn't want to ruin this date. Sino ba nagsabing nag-de-date kami?
Agad kong pinalis ang nararamdamang iyon. Natutuwa ba ako na sinabi niyang date itong ginagawa namin? At bakit nakapaskil ang magandang ngiti sa mga labi niya?
Napatingin ako sa pakurbang hugis na iyon sa mukha niya. I can feel the heat. The same temperature I felt when I saw him in their company's cafeteria. At sa ganoong minuto ng buhay ko, naisip ko kung gaano kalambot ang mga iyon. Kung gaano siya kagaling humalik. Kung paano niya sinakop ang buong pagkatao ko.
Fuck! What am I thinking?
Gianne, don't make decision or even do something you might regret. Darren is different. Hindi kayo isang character sa libro na the-more-you-hate-the-more-you-love-story. Nasa reality ka kung saan ang isang tulad mo ay hindi maari sa isang tulad niya. Pilit ng isip ko.
Ipinilig ko ang ulo ko. Tama nga naman. Nasa totoong mundo ako. Wala sa libro. Wala sa Maala-ala Mo Kaya o Magpakailanman. Wala sa teleserye o Asianovela. Sa totoong mundo, ang mayaman ay para sa mayaman. Ang mahirap ay para sa mahirap. Ang magaling ay para sa magaling.
Ngumiti ako nang mapait. Pero kasabay niyon ang isang pakiramdam na parang sinipa ang dibdib ko. I don't know. I felt pain. Sakit na hindi naman makikita sa mukha. Pain na sa puso nanggagaling. Pain na feeling ko broken hearted ako. Reality kills nga naman talaga. Mas mabuting isampal na ang katotohanan kaysa naman mabuhay sa panaginip at kasinungalingan.
"This is not a date, Darren. Kaya mo lang ako kasama ngayon ay dahil sa ginusto mo ito. Hindi ko ito gusto. Isa pa, you shouldn't say those things sa taong low class. Makipag-date ka lang sa mga taong kauri at kaugali mo. Huwag mo akong isama sa larong ito Darre Khen. Hindi ako pinanganak kahapon. Hindi ako pinanganak para lokohin. Mas lalong hindi ako pinanganak para lang paglaruan mo at hamakin ulit. Iba na ako Darren. Patuloy mo akong binabago kaya patuloy akong lalaban sa'yo." Sinabi ko iyon nang hindi makatingin.
And it was like a que nang biglang pumagitna sa amin ang waiter dala-dala ang inorder namin. Isa-isa nitong nilapag ang pasta, pizza at lasagna sa harap namin kasama ang isang pitsel na Ice Tea Lemon. Big meal! Alas dos na ng hapon kaya ramdam ko na talaga ang gutom.
Inabala ko na ang sarili ko sa pag-aasikaso sa sarili. Kumain ako hanggang sa mabusog. Hindi ko na ininda kung nakatingin si Darren o kung anong ginagawa niya bukod sa pagsubo. Ayoko na. Napapagod na ang isip ko. Nagulo na naman ang buhay ko dahil sa kanya. Can he just leave me alone? Pwede ba iyon?
"You're talking nonsense. Kahit anong sabihin mo, nakadikit lang ako sa'yo. Walang pwedeng mag-may-ari sa'yo Engr. Guevarra. Ang akin ay akin. Walang pwedeng umangkin. Remember that." Then he smiled.
I was just looking at him the whole time he's delivering his speech. My jaw dropped. And the breath taking smile! My heart suddenly fell on the ground. At patuloy akong kinakain ng kalupaan. Parang bumukas ang langit at nagsiawitan ang mga anghel na may hawak na lira at lumilipad sa himpapawid.
Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Nandoon ang kaba, saya at pati lungkot. Is this a confession?
Pumikit ako sabay iling. "Hindi. Ayoko." Ito ang tama. Masyado akong nabibigla sa mga pangyayari. Ito ang karaniwan kong gawain. Ang i-deny kung anong nakikita at naririnig ko.
Nang iangat ko ang ulo ko, bumungad sa akin ang kunot niyang noo. Lungkot o galit ang makikinita sa mga mata niya. Nakakapangilabot ang pagkuyom ng kamao niya kasabay ang pag-iwas niya ng tingin.
Did I make a wrong move? I just said what's on my mind and not in my heart. I think that's the worse.
--
LadyMicade @ 2020