Chapter 4: Crazy

2366 Words
I don't know why I'm here. I still can't believe that he blackmailed me by just kissing the hell out of me. Is that the main reason why he did that? Gusto ko siyang saktan. The mere fact that he did all those things to me again, I felt like humiliated. We crossed paths again. And like the old times, makakasama ko na naman siya. Naalala ko kasi ang sinabi ni Kuya Pier sa akin noong isang araw na unang beses akong pumunta sa company ni Darren. Pauwi na ako noon at hinatid niya sa sakayan ng Jeep. "I-grab mo na 'yung opportunity. Hindi madaling nakakita ng trabaho ngayon na hindi na pinansin ang transcript mo. Doon pa lang laglag ka na. Lima o anim na tres lang ang kino-consider nila sa pagkuha ng empleyado, pero ikaw nakapasok ng walang kahirap-hirap. Para sa'yo rin naman ito, baby bunso. Isa pa, tandaan mo, hindi ka pa board exam passer. Iyon pa lang sana naisip mo na," he explained. Nakatitig lang ako sa kanya. Noong una, hindi niya talaga ako mapilit. Pinagtakhan ko pa siya kung bakit pursigido siya sa pagpayag sa akin. But, in the end, siya pa rin ang nanalo. Napagpasiyahan kong ipagpatuloy na lang ang pagtatrabaho dito. Mag-iinarte pa ba ako? Nabalita ko na kay Mama, e. Ayoko siyang ma-disappoint. Isa pa, isang buong araw ko ring pinag-isipan ito kahapon. Wala naman sigurong mawawala kung ita-try ko. 'Yung tungkol naman kay Darren, sa tingin ko hindi ko na lang siya papansinin. Sanay naman na ako sa mga ginagawa niya. At dapat ko na rin sigurong ipakita sa kanya na may ibubuga ako sa larangang ito. Kakatok na sana ako sa pinto ni Darren nang mapahinto ako dahil may narinig akong sigawan mula sa loob. Hindi naman totally sigaw na ubod lakas. Bahagyang matunog lang ang mga binibitawan nilang pahayag. Hindi naman siguro iyon ang secretary ni Darren dahil nasa labas ito sa pinakaunang pinto na papasok sa mismong opisina ni Darren at siya pang nagpapasok sa akin. Dumiretso na raw ako dahil alam nito na dadating ako. Hindi naman sa nakikitsismis ako sa usapan ng mga nasa loob pero dahil nga malakas ang mga boses nila at hindi naman soundproof ang kwarto, naririnig ko ang pinag-uusapan nila. And I guess, alam ko kung sino ang mga nasa loob. "Hindi siya sa'yo, Darren. Hindi siya pagmamay-ari ng kahit na sino." Sa tingin ko ay boses ni Kuya Pier iyon. "I don't care, Engr. Valdez. When I say mine, is mine alone. And no one can take it back." That was Darren. "And please, stop calling her that f*****g name you used to call her before. She's not a little girl anymore." "Why? Are you jealous?" may himig ng pag-aasar sa boses ni Kuya Pier. Doon ko na napagdesisyunang kumatok. Nangilabot ako sa paraan ng pag-uusap nila. Tila naghahamunan. Hindi ko alam kung sino o ano ang topic nila pero ang malinaw lang sa akin ay kung hindi pa ako pumagitna, makakasaksi ako ng WWE Championship. Hindi ko na hinintay na magsalita ang mga nasa loob. Senyales naman na siguro na tumigil sila sa pagtatalo. "Baby bunso," agad lumapit si Kuya Pier. "Kanina ka pa nasa labas?" "Hindi, kuya. Kakarating ko lang," pagsisinungaling ko sabay ngiti. Nakakahiya naman kasi na malaman nilang nakiki-esyoso ako sa pag-uusap nila. "Nakapag-decide ka na?" tanong niya ulit. "Yes, Kuya. Kaya rin ako nandito." "So, what's new?" singit ni Darren na ngayon ay nakatayo na. Humarap ako sa kanya at lumapit. "I've decided to work here." Pansin kong umaliwalas ang mukha niya. Kung kanina nakasimangot siya nang pumasok ako, ngayon naman ang sarap niyang kuhanan ng litatro dahil once in a blue moon ko lang makita ang ganoon niyang ekspresyon. Nakakapanibago. "That's good," may saya sa boses niya pero hindi niya nakuhang ngumiti. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko madali kong mabasa ang mga expression ni Darren habang tinititigan ko siya. "Alam ko namang hindi ka tatanggi sa offer ko. But may I remind you that we have rules here. Company rules and my rules. And at this very moment, you can't call Engr. Valdez by just Kuya Pier or any sweet names you used to call him. Here, you'll call him Engr. Valdez, and that is my rule." He smirked. Pumunta siya sa harap ng desk niya at sumandal doon. Nakapaskil ang ngiting-tagumpay sa mukha niya. Hindi ko alam pero nairita ako. Para bang nang-iinis at pilit lang. "And may I add. You, Engr Valdez. Stop calling her, what was that? Baby bunso? It sounds gross. Start calling her Engr. Guevarra. Not that cheap endearment you have on her." Mukha talaga siyang nandidiri sa itsura niya. And all these things sounds like a mess on him? Ang cute kaya ng baby bunso. Ako lang ang tinatawag ni Kuya Pier ng ganoon kaya pakiramdam ko special ako sa kanya. Ang killjoy talaga nitong si Darren. Pati iyon pinakikialamanan pa. "You're inside my company for work and business," he added. Napahagikgik ng mahina si Kuya Pier. Pero halatang pinipigilan lang niya talaga. Hindi ko naman masisisi si Kuya Pier dahil nakakatawa ang gusto ni Darren. Pati ba naman ang tawagan namin? "And when you failed, Gianne, I'll give you punishment that you won't forget," then, he licked her lips. Napatingin ako doon at nalunok. Nag-init ang pisngi ko. Kahit ilang araw na ang nakalipas, nandoon pa rin ung kaba. Pero bakit na-excite ako sa punishment na 'yun? Kumislot ang loob ng dibdib ko sa patuloy na pagtitig ni Darren. Wait, sa labi ko ba siya nakatingin? Tumahip ang dibdib ko. I shouldn't feel this way! Hindi dapat ako nag-iisip ng mga malulumot na bagay kasama ang hunghang na si Darren! Umiwas ako ng tingin. Nakakapanibago itong nararamdaman ko. Naranasan ko naman na ang halikan noong High School pa, pero kung makaasta ako parang first kiss 'yung binigay ni Darren noong isang araw. Bumuntong hininga ako sabay pikit nang mariin. Madalas kong gawin iyon kapag nauubos ang pasensya ko o kaya naman ay sobra akong kinakabahan. "Look, Engr. Chua. I came here for a job. And thanks for offering me one. But that doesn't mean that you can do whatever you want to do to me. Hindi na ako katulad ng dati, Darren. Hindi na ako magpapaapi sa'yo. Maramdaman ko lang na kung tratuhin mo ako ay katulad ng dati, aalis ako dito sa kumpanya mo," I said looking at his eyes the whole time. He look surprised and shocked. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko ang mga bagay na iyon. Pero ilang segundo lang ay naiba na naman ang expression niya. His poker face again. Hindi ba siya marunong ngumiti man lang o pumuri ng tao? Ang sama talaga ng ugali niya. Para bang hirap siyang makisalamuha sa iba samantalang head tuner naman talaga ang itsura niya at attention hooker ang talino niya. Sana man lang kahit papaano ay maging mabait siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi katulad ng pinapakita niya ngayon. Kaya maraming takot na lumapit sa kanya dahil napakasungit niya noon pa mang nag-aaral kami sa college. 'Yung ibalik man lang niya ang attention na ibinibigay sa kanya ng tao ay malaking appreciation na iyon para sa iba. Pero iba talaga siya. Kakaibang-kakaiba. "Kung wala ka nang kailangan sa akin, lalabas na ako. Kay Kuya Pier na lang ako magpapaturo ng dapat gawin. Siya naman ang kasama ko sa project na papasukan ko, hindi ba?" I was so ready to walk out when I heard him say something I can't accept. "No, darling. You'll going with me in Bicol. No Kuya Pier, no other 'close friend'. Just you and me." He quoted the word close friend. I almost fell on the floor, but not literally. Is he serious? What the hell is going on? My heart jumped out against my rib cage. "You can't just bring her there, Darren. Hindi pa well trained si Baby- I mean, si Engr. Guevarra." Kuya Pier hesitated. "No. I've already made plans, Engr. Valdez. Just Gianne and I. Magdadala lang ako ng ilang safety officers and foreman para sa estimation. Two engineers are enough." "You're not being reasonable Darren. Hindi pa kayo..." Hindi na naituloy ni Kuya Pier ang sasabihin niya dahil hinatak na ako ni Darren palabas ng opisina niya. Kayag-kayag niya lang ako habang ako naman ay nagpapadala lang. Nakaramdam ako ng mainit na hanging umangos papunta sa ulunan ko. Sinakop nito ang buong katawan ko. Pinagpapawisan ako kasabay ang malakas na kabog ng dibdib. Ang mas ikinataka ko ay para akong nagayuma na sumusunod lang sa gusto niyang puntahan. Nang maamoy ko kasi ang panlalaking Lacoste niyang perfume, sinakop niyon ang buong pang-amoy ko at naging immune sa iba pang amoy sa paligid. Nakakabaliw. Parang isang spell na kusa akong lumakad at nagpadala sa nais niya marating. Huminto kami ni Darren sa parking lot sa mismong kotse na naka-park sa harap ko. Alpha Romeo ang tatak nito na kulay itim. Mamahalin ang ganitong klaseng sasakyan. "Get in," utos niya nang lumipat siya sa kabilang pinto ng kotse. May pinindot niya sa parang controller at tumunog ang sasakyan. Alarm siguro iyon. Kumunot ang kilay ko at ganoon din siya. Bakit naman ganito ang expression ng mukha niya samantalang ako ang dapat magtaka kung bakit niya ko dinala dito? "Why would I?" I bravely asked. "'Coz I say so," he briefly answered. Naiirita na ako sa pinakikita niyang ugali. Ayan na naman siya sa pansarili niyang kagustuhan. Sasabihin lang naman niya kung saan kami pupunta pero kung makautos akala mo asawa ako. Oh my gosh! Did I just imagine that? f**k! I really hate it when he's near me. Nawawala ako sa sarili. "Hindi ako sasama sa'yo. Mamaya niyan kung ano na naman ang gawin mo." I crossed my arms. I may looked like a brat, but who cares? "Don't be so ridiculous. I will never make any move unless you tell me so." He winked! And by just a grimaced wink of an eye, he's already infront of me. Holding me so close, fanning his breath against my face, looking intently into my eyes. So fierce. So uncontrolled. "Darren, don't." Hindi ko man lang maigalaw ng maayos ang bibig ko. Even just two words were so hard for me. "No one ever say don't to me, baby" In just a snap, he already claimed my lips. Full. Agressive. So hot. So intense. Nangingilo ako. Pakiramdam ko ay nais kong sumuka pero hindi ko magawa dahil nakakagaan sa feeling ang ginagawa ni Darren. Hindi ko alam ang totoo kong nadarama. Sweet. Tenderness. And some sort of spicyness. I doubt na pagkatapos nito ay magagalit ako sa kanya. Dahil gusto ko itong nangyayaring ito. Iba sa damdamin. But when realization stroke, I immediately pushed him away. Sinadya kong tapakan ang paa niya sabay sinabunutan siya. Talagang tinangtang ko ang ulo niya dahil sa sobrang inis! "Ouch!" he complained. Dapat lang sa kanya 'yan! Nakaramdam ako ng sakit sa labi kaya binitawan ko si Darren at sinalat iyon. Nang tingnan ko ang kamay ko, may bahagyang kulay pula. May dugo! "How dare you!" Siraulo talaga. Sinugatan pa ako dahil sa kabastusan niya. Susugurin ko na sana siya pero humakbang siya paatras. May nakapaskil na maliwanag na ngiti sa mga labi niya. Bahagya pa ngang mapupula. You know, friction. "I like that soar on your lips. It suits you. I am so proud that I did that. Maybe I should do it often," he smirked. But why the heck he looked so handsome? Sasapatusin ko na talaga ang lalaking ito. Nakakaasar! "But maybe next time. We should really go somewhere." Naging seryoso ang tingin niya. Pumamulsa siya at pinakatitigan ako. Nahiya naman ako sa ginawa niya. Bakit ba siya ganito? Bakit kung makapagsalita siya ngayon parang wala siyang kalokohang ginawa kanina lang? Ano bang problema ng lalaking ito?! Ano ito, biruan lang sa kanya? Na kapag gusto niya akong halikan, gagawin niya? Tinatawag niyang low class ang hinalikan niya kanina lang. At ako iyon! Kung maliitin niya ako ay ganoon na lang pero bakit pinag-aaksayahan niyang idampi ang mga labi niya sa akin? Hindi ba dapat humanap siya ng katulad niyang matalino, kasing yaman at maganda? Hindi ako ang para sa kanya. Napayuko ako sa isiping iyon. Bakit ba kung mag-isip ako parang gusto ko siya? Bakit ganito 'yung feeling? Bakit kahit kaunti ay nasasaktan ako na parang pinaglalaruan niya lang ako? Hindi ako isang babaeng lokohin. Gusto kong umiyak. Ito na naman ang feeling na 'to. Palagi na lang bumabalik. Paulit-ulit na lang ba? Palagi na lang ba akong mangangako na tatalunin ko siya pero ang totoo, hindi ko naman talaga kaya? Low class ako. Isang babaeng walang binatbat at kahit kailan ay hindi niya papansinin. Bakit ba nasasaktan ako? Kiss lang naman iyon, di ba? Kiss na mahalaga sa lahat ng babae. Pero kinuha lang ng isang walang kwentang lalaki. "Okay, fine. I'm sorry." Naiangat ko ang ulo ko. Did I hear it right? "I didn't mean anything. I was just longing for that kiss," he sincerely said. Longing for that kiss? What the hell was he saying? Kumunot ang noo ko. "Fine. I won't do it again. But please, sumama ka muna sa akin." Was he pleading? Bumuntong hininga ako sabay pasok sa loob ng kotse niya. Kung saan man niya ako dadalhin, hindi ko pa alam. Pero 'yung keyword lang na narinig ko ang nakapagpagaan ng loob ko. Sorry. Pero kumirot pa rin ang dibdib ko nang maalala ang sinabi niya. I still believe that when someone kisses, it should be precious. Sa taong mahalaga at mahal lang dapat ginagawa iyon. Hindi basta-basta. Hindi dahil wala lang. Dapat may dahilan. Dapat nagmamahalan. Pumasok na rin siya sa loob ng kotse. Sa driver seat, syempre. Bumuntong hininga siya at bumaling sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. "We'll enroll in review center in Bicol." Then, pinasibad na niya ang kotse nang bumalik ang tingin niya sa daan. "What?!" Didn't I mention that I don't want to review for board exam? At ayokong magboard exam! Call me coward, but I am one. You're making me crazy, Darren! __ LadyMicadel @ 2020 __
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD