Chapter 3: Damn

1520 Words
Marahas kong pinalis ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. Patuloy lang ako sa paghakbang. Wala akong pakialam kung may makabangga man ako o may matabig na dumadaan. O may makakita man na umiiyak ako. Ang sakit kasi sa dibdib. Ang sakit na hindi ko nakuhang lumaban. Na hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko at ipakitang hindi ako iyaking talunan. Nagawa na naman niya. Napahiya na naman ako at hinamak ng isang lalaking... argh. "Baby bunso." Natigilan ako sa paglalakad nang may isang kamay na humatak sa akin at isandal ako sa dibdib. Sa tawag pa lang niya, alam ko nang kilala ko siya. Niyakap ako ni Kuya Pier at inalo sa pamamagitan ng paghimas niya sa ulo ko. Sa ganoong gesture niya, gumaan ang loob ko. Kumalma ako at unti-unting tumahan. Wala siyang pakialam kung nasa gitna kami ng hallway papuntang opisina ni Darren o may makakita man sa amin sa ganitong posisyon. "Kuya Pier..." nang mahimasmasan ako, kumawala ako sa yakap niya at tiningala siya. "Anong ginawa niya sa'yo?" may bahid ng galit ang pananalita niya. Na marahil kung nasa tabi lang si Darren, baka nasuntok na niya ito at nasaktan. Kuya Pier know all my sufferings. Alam niya kung paano ako gawing clown ng mga kaklase ko noong nag-aaral pa lamang dahil na rin sa pasisimuno ni Darren. Alam ni Kuya Pier na tuwing gabi, umiiyak ako para maglabas ng sama ng loob, at humarap na matapang kinabukasan. Para hindi maipon lahat ng sakit dito sa dibdib ko. Pero nang umalis na siya at maka-graduate, nawalan na ako ng kakampi. Kasama niya si Kuya Liam na nagtatanggol sa akin laban kay Darren. Sinisita nila ito at sinasabihan pero parang wala lang naman kay Darren at patuloy lang. Simula nang mawala sila, naging mag-isa na naman ako. Walang kaibigan at kung kausapin ay parang walang alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko noon. Gusto ko lang namang mag-aral at magkaroon ng simpleng pamumuhay sa paaralan. Pero hindi nangyari. Masasabi kong hindi ko talaga na-enjoy ang college life ko. Walang ibang may kasalanan, kundi si Darren Khen Chua. Siya lang at wala nang iba. Hinatak ako ni Kuya Pier sa cafeteria at pinaupo sa isang table doon sa bahagyang sulok. "Dito ka lang. Ako na bibili ng order mo," nakangiti niyang sabi. Tumango na lang ako. Sinundan ko siya nang tingin. Iba na talaga si Kuya Pier. Ang cute niya sa navy blue polo shirt na iyon at sa mala-military cut niyang hairdo. Akala ko nga hindi siya iyon nang makita ko at salubungin kanina nang dumating ako dito sa building nila. Siya ang nagturo ng office ni Darren. Sinabi rin niyang hihintayin niya ako sa labas kaya huwag daw akong mag-alala. Hindi ko talaga alam na si Darren ang makikita ko kanina. All of a sudden, bumalik lahat ng sakit at galit na ipinilit kong itago. Minabuti kong kalimutan ang lahat ng paghihirap na nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang ginawa niya noon. Siguro sasabihin ng iba na overreacting naman ako at ginawang big deal ang mga nangyari. Pero hindi kasi nila naranasan ang ma-bully. They've never know how hard it was for bullied people. Nakakababa ng self-esteem at confidence. Nakakawala ng tiwala sa ibang tao na hindi naman nila ako kayang ipagtanggol kaya mas mabuting mag-isa na lang at magsumikap sa sariling pamamaraan. Hindi kasi nila naranasan kung gaano kasakit ang masabihan na low class kahit na ipangalandakan kong nakakapasa ako sa exams at quizzes. Napabuntong hininga ako. Pumilig ako para maalis kahit papaano ang mga alalahanin ko. Pinagmamasdan ko lang muli si Kuya Pier habang nakapila at binabayaran na ang pagkaing inorder niya. Pasalamat talaga ako sa Diyos na nakilala ko siya. Same goes to kuya Liam at Ate Nadine. Nasa Bangkok daw si kuya Liam. Family out of the country kaya naka-leave ng isang linggo. Inaamin ko namang crush ko si Kuya Pier. Napakabait naman kasi niya talaga. Wala na akong nakilalang kasing bait niya. Magalang rin siya at palakaibigan. 'Yung ngiti niya sa akin, parang araw na nako-convert na solar energy at nagiging source of power ko. Napangiti ako. Ang cute ni Kuya Pier. "Oh, sabi na nga ba crush mo pa rin ako, e. Makatitig ka naman baby bunso. Kulang na lang tumulo laway mo," tinapik niya ako sa balikat kaya nalaglag ang nakapatong kong mukha sa palad ko. Nakapangalumbaba kasi ako kanina habang pinagmamasdan siya. Umismid na lang ako sa pag-aakalang uulanin niya na naman ako ng biro. Ang awkward kasi ng dating na alam naman talaga niyang crush ko siya. And that explains everything, kaya magaan rin ang loob namin sa isa't-isa. Iba si Kuya Pier. Kahit alam niyang gusto ko siya, hindi siya naiilang na kausapin ako o lapitan man lang. Kung ituring niya rin ako ay parang kapatid. Siguro kaya nagustuhan ko siya agad dahil sa ganoong attitude niya. Hindi rin naman ako nababagabag na alam niya na may pagtingin ako sa kanya. Pero mas matimbang na mas gusto ko siya bilang isang kapatid at wala nang mas hihigit pa doon. Naupo ako nang tuwid at pinagmasdan siya. Lumapit ako sa table at nag-cross ng braso. Sinino ko ang tingin niya. Nakipagtitigan ako nang walang kurap. "Hindi kaya Kuya Pier ikaw ang may gusto sa akin?" pabiro akong kumindat. Kapag talaga siya ang kasama ko, nakakalimutan ko ang mga problema. That's also one of the reasons why I like Kuya Pier. Oo na. Gusto ko siya. Hindi naman masama iyon, hindi ba? Siya naman ang umatras ngayon at napalunok. "Hi-hindi ka naman mabiro baby bunso." Natuwa ako sa naging reaksyon niya. Kapagkuwa'y inabot niya na lang sa akin ang burger, fries at baso ng coke na binili niya kanina. Ginalaw ko na ang pagkain. Nakayuko lang ako. Iniiwasang magtanong si Kuya Pier ng mga bagay na nangyari kanina. "Anong nangyari sa inyo sa office ni Darren?" Napaangat ang ulo ko sa tanong niya. Natagpuan ko siyang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang mga emosyong nasa mata niya. Disappointment? Sakit? Lungkot? Hindi ko alam. Napalunok ako. Pakiramdam ko ay si Big Brother ang nagtatanong sa akin at pinapaamin sa kasalanang ginawa ko sa loob ng bahay niya. Yumuko akong muli. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Ano naman ang sasabihin ko? Babanggitin ko ba na hinarassed ako ni Darren sa loob ng opisina niya at wala akong nagawa kaya umiyak na lang at mag-walk out? O sasabihin ko kung paano niya ako tinawag na low class? Bakit nga ba niya ako pinapunta rito kung alam na alam niyang mainit ang dugo namin ni Darren sa isa't-isa? Anong reason niya para gawin iyon? Gusto ko sana siyang tanungin pero sa tingin ko huwag na lang muna. "I think we should set aside that talk. Kamusta ka na? Balita ko mag-aabroad ka talaga. Anong nangyari?" Pag-iiba ng topic ni Kuya Pier. He really know how to make me feel better. "Hmm," tumikhim ako bago magsalita. "Iyon naman talaga ang plano ko. Pero kailangan ko pa raw ng one year experience para makapasa 'yung resume ko. Hindi kasi sila tumatanggap ng fresh grads e," paliwanag ko. "So, after 1 year aalis ka na dito?" "Dito? Bakit? Sino ba nagsabing magtatrabaho ako dito?" nakataas na kilay kong sabi. "Ako," isang boses lalaki ang nagsalita hindi kalayuan sa amin. Nang tingalain ko siya, pinagsisihan ko lang dahil mas humanga ako sa pigura niyang halos perpekto na. He's wearing eye glasses and both his hands were locked in his pocket. He looked so masculine. Kung tititigan siyang mabuti, halatang bata pa siya pero kakaiba lang talaga ang dating niya sa professional suit niyang iyon. Ewan ko ba. Pero sa bawat pagkurap ng mga mata niya, pagkumpas ng mga kamay niya, paghakbang ng mga paa niya papalapit sa amin-- pakiramdam ko unti-unti akong lumulubog sa kinauupuan ko. Bakit ako nagkakaganito? Napalunok ako nang kumuha siya ng upuan at nakisalo sa lamesa namin. Magkapantay na ang mga mukha namin at nakatitig siya sa akin. Nai-intimidate na naman ako. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa labi niya na kanina lang nakadampi sa akin at masiglang sinakop ang second kiss ko. Fuck you, Darren! How dare the hell of you! "Hindi ka na aalis sa company na ito dahil dito ka na magtatrabaho," malumanay ang boses niya na parang walang nangyari kanina. Umiling ako. Ginawa ko iyon para maalis ang mga lumilipad na imahinasyon sa isip ko. Grabe. Paano ko naaatim isipan siya ng mga kakaibang bagay na iyon. How could I imagine myself kissing him again? Wait, I didn't kiss him back! He was the only one moving freely awhile ago! And I hate the fact that I did not have the guts to punch him or to push him away. I tried, but I can't. "You don't want?" he asked. "I don't need it," I rephrased. "Tell me, Darren. What happened awhile ago?" Kuya Pier asked innocently. He was just busy putting ketchup on his burger-- his mannerism. "I kissed her," he replied without even leaving my eyes away from him. He did it again. Go to hell, Darren. __ LadyMicadel @ 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD