Napasinghap ako. Muling nangatog ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ito na ang katapusin. Nailing ako sabay sulyap sa lalaking nakaupo habang nakangisi sa harap ko. Kulang na lang ay mapa-Sign of the Cross ako dahil sa sobrang kaba.
Ano nga ba kasing ginagawa ko rito? Bakit ba ako napadpad sa ganito?
Napadakot ang palad ko. Kasalanan ito ni Kuya Pier, e.
"Long time no see, Ms. Low Class." Ganoon pa rin ang boses niya. Nakaka-intimidate na tipong hindi ko maihakbang paalis ang mga paa ko. Kung gayuma man ang maitatawag sa nangyayari sa akin, siguro nga ginamitan ako ng lalaking ito.
He has that masculine hair over his upper lips and around his chin straight to his jaw. The squared jaw line that every girl would want to touch. The fierce eyes of his. Na sa tuwing titingnan ko siya, kaba lang ang palaging nararamdaman ko.
Lumaki na rin ng bahagya ang katawan niya. Sa anim na buwang hindi ko siya nakita, pakiramdam ko mas naging ibang tao siya sa harap ko. Na kapag pagmamasdan ko siya, nandoon pa rin ang Darren Chua na mayabang, impokrita, matapobre at walang singyabang (ulit) na naging kaklase ko noong college. Pero nadagdagan na ang pwede kong mailarawan sa kanya. Mukha na siyang professional sa suot niyang polo with neck tie at slacks pants sa ibaba ng desk niyang iyon. Ibang-iba rin ang mga tingin niya. Natatakot akong titigan siya dahil pakiramdam ko, aanurin ako niyon sa malayong ilog at hindi ko na makakayanang makabalik pa. Nandoon ang pang-aalipusta pero...
Huminga ako nang malalim. Masyado ko naman yata siyang ilarawan para sa isang taong tinapakan niya at hindi man lang kinaibigan.
"Hindi sinabi ni Kuya Pier na dito ako magtatrabaho. Kung alam ko lang sana hindi na ako pumunta." Hindi ako naupo sa harap niya. Minabuti kong tumayo para maipakita ko man lang na hindi na ako isang talunan na iniisip niya katulad noon.
Graduate student ako. May karapatan naman siguro ako para mamili ng kumpanyang gusto kong pasukan, hindi ba?
"Oh. Engr. Valdez, I guess." Iyon lang ang sinabi niya.
Engr. Valdez? Ganyan niya lang i-consider ang senior niya? Ibang klase talaga. Porque ba siya ang may-ari ng company na ito, ganyan na siya kung umasta?
Sila nga ang may-ari ng kumpanyang ito pero magulang pa rin niya ang naghirap nito. Sabit laman siya. Kung makaasta siya akala mo siya ang founder.
Bumuntong hininga ulit ako. Kalma lang. Ito ang isa sa mga natutunan ko. Ang pahabain ang pasensya ko lalo sa mga taong katulad niya. Bumabalik ang takot ko na kapag hinayaan ko siyang gawin ang nakaraan, masasaktan akong muli at tuluyang magiging talunan.
"Sa totoo lang, hindi ko kayang magtrabaho kasama ka." Napaangat ang kilay ko nang mag-iba ang ekspresiyon ng mukha niya. Marahil gulat? Hindi ko alam. Masyado akong kinakabahan para alamin pa iyon. "Kaya kung hindi mo mamasamain, aalis na lang ako."
Tumalikod ako matapos niyon. Hindi ko na kaya pang makipag-usap sa kanya. Sino bang gusto siyang kausapin?
"Hindi mo man lang ba ako na-miss?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Naging bato na parang hindi ko na kaya pa siyang harapin. Teka anong sinasabi niya? Sira ulo ba siya? Anong pakialam ko sa kanya? Sino nga pala siya ulit? Ah, si Darren Khen Montero Chua na hunghang at walang pasintabi kung masaktan ang iba.
At ano? Na-miss ko siya? Baliw na ba siya at naisip niya ang ganoong bagay? Paano naman masasagi sa isip ko iyon kung alam na alam niyang hindi ko siya gusto? Anino pa lamang niya ay malansa na sa pang amoy ko.
"Tinatanong ko kung hindi mo ba ako na-miss," pag-uulit niya.
Pero ang mas ikinagulat ko ay nang sabihin niya iyon nang nasa likod ko na siya. Dikit ang mga labi niya sa tainga ko at nakasandil ang dibdib niya sa likod ko. His breath was fanning me against my ears. Nakakakilabot. Nakakatakot. Pero teka, bakit lumalabot ang tuhod ko?
Lumakad ako paabante at hinarap siya nang tuluyan. Pagpihit ng katawan ko ay siya namang hawak niya sa braso ko. Itinulak niya ako sa likod ng pinto at dinikit ang katawan niya sa akin.
Hindi ako makakilos. Pakiramdam ko may isang maletang puno ng gamit sa loob ang nakadagan sa dibdib ko. Ang hirap huminga. Nang iangat ko pa ang mukha ko, saktong pagdampi ng mga labi ni Darren sa labi ko.
He's forcing me to open my lips. Too harsh. Too aggressive. I tried to push him away but the more I do, he was just so eager twisting his body perfectly over mine. I felt so numb.
Nanlalambot na ang binti ko. I can't stand it anymore. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Gusto kong kumawala pero masyado siyang malakas para pigilan. Parang hayop na kayang-kaya akong saktan at pahirapan.
Napaiyak na lamang ako. Katulad ng dati, talunan na naman ako pagdating sa kanya. Katulad ng dati, isa lang akong low class na karaniwan niyang ihalintulad sa mga politikong corrupt sa bansa.
Kahit kailan hindi ako magiging isang simpleng Gianne Carla Lazaro Guevarra na kayang gawin ang mga nagagawa niya. Isang babaeng may pusong nasasaktan at damdaming dapat pahalagahan. Kahit kailan...
Nagulat ako nang tumigil siya. Napagod ako sa ginawa niya. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kawalan. Wala na akong pakialam basta ang mahalaga ay makaalis na lang ako dito.
He cupped my face and wiped my tears flowing over it.
"Hush. Don't cry," he said with so much care with his voice.
Napapitlag ako sa ginawa niya. Pero kasabay niyon ang pagtampal ko sa mga kamay niya kaya siya napaatras.
Ano bang ginagawa niya? One second, he harrased me. Then another second, he looked so concern and sincere wiping my tears away! Moron!
Marahas kong pinahid ang mga luhang hindi ko namalayang tumutulo na pala. Ang sakit sa dibdib. Para akong basura sa ginagawa niyang ito sa akin.
Damn you, Darren Khen Chua!
"You'll pay for this, moron. You'll pay for this." I remarked.
I stomped out of the room. This will be the start of your doom day, Darren. And this will be the last time na gaganituhin mo ang isang tulad ko.
__
LadyMicadel @ 2020