“ALAM mo, Ati, kanina pa ako isip nang isip e. Pamilyar sa akin ang Liam na iyon. Sa iyo ba?”
Hindi pinansin ni Alexa ang assistant. Hinayaan niya lang ito sa pagsasalita habang siya ay nagpatuloy lang sa pagtipa ng nobelang kaniyang isinisulat. Kunwa ay hindi niya ito naririnig.
“Ati, uy!” untag ni Bugs sa kaniya.
“Ano ba? Can’t you see I’m having a deadline tonight?” iritado niyang sabi rito. “Mag-social media ka na lang at gawin mo ang trabaho mo.” Ang tinutukoy niya ay ang mga task na itinuro niya rito sa promotion at pagmi-maintian ng mga google sheets niya. Kahit paano ay nakatuntong naman sa kolehiyo si Bugs. Hindi lang ito mahusay sa communication skills pero matalino ito at maalam sa mga trabahong may kinalaman ang Internet.
“Mamaya na, Ati. Chicken feed na sa akin iyan. Interesado ako doon sa Liam. Bukod sa guwapo na, mukhang mayaman, matalino at mabango pa!”
Nilingon ito ni Alexa at saka nginisihan. “Alam mo, kung may babaeng m******s, ikaw iyon eh. Grabe ka.”
Nakapagtatakang hindi kinagat ng assistant ang joke niyang iyon. Sa halip ay lumapit ito sa kaniya. “Ati, yu nu da man, ano? Pa-Maritess naman diyan, uy! Sige na!” Marites ang usong terminology ngayon sa mga bagay na may kinalaman sa pakikipagtsismisan. Kapag tinawag na Maritess ang isang tao, ang ibig sabihin ay tsismosa ang taong tinutukoy nito.
“Tumigil ka nga diyan. Wala akong alam sa sinasabi mo,” maang-maangan niya. “Saka tigilan mo ang pagbanggit ng pangalang Marites to refer the chismakerz, okay. Sa mga nobela nga, hindi ko iyan ginagamit eh. Lakas kayang maka-discriminate!”
“Sauce! Nakikiuso lang naman eh. Iyon kaya ang trend.”
“Oo nga, pero hindi lahat ng trending sa soc med ay dapat mong gayahin. Nakakahiya sa mga kakilala natin na ganoon ang pangalan at hindi naman mga tsismosa pero na-generalize nang ganoon, hindi ba?”
“Sa bagay, Ati. May point ka nga. Kaya naman ako’y sa iyo eh. Hanga ako sa mga prinsipyo mo sa buhay.”
“Aba’y dapat lang!”
“Tsek! So, ano ang masasabi mo sa lalaking mayaman na ay guwapo pa, Ati? Hot, anu?”
Napatirik ang mga mata ni Alexa sa inis. Annoying talaga ang assistant niyang ito madalas kaysa hindi.
“Okay, sige, papatulan muna kita ng ten minutes diyan. Kunyari nasa beaty pageant tayo, tapos contenstant ka. Tatanungin kita tungkol sa topic na kanina mo pa ipinipilit sa akin. Okay sa’yo?”
“Wow, eksayting!” tili ni Bugs. “Gusto ko ‘yan, Ati!” Dumapa pa ito sa sofa set habang nakaunan sa isang throw pillow.
“Okay, let’s get started. Question number one, para sa iyo, pogi point ba ang pagiging isang mayaman?”
Saglit na nag-isip si Bugs, habang may patirik-tirik pa ang mga mata nito sa kisame. “Para mo nang tinanong ate kung hobby kung huminga. Natural, yes is di anser.”
Tumango-tango siya. “Okay, sige. Question number two, paano kung may isang lalaki kang nagustuhan at ang pakilala niya sa iyo ay mayaman, pero ang totoo pala ay mahirap lang siya, will that matter to you?”
“Opkors! A lat! Ayoko sa lahat ay sinungaling, lalo at kinukuwenta ko na sa isip ang mga puwede niyang isustento sa akin, sa oras na magkatuluyan kami, tapos ay bokya pala!”
“But that means you are just disappointed mainly because of your concerns with his money, not because you like the person, right?” komento niya sa sagot nito. Tumaas ang kamay nito na parang pinatitigil siya.
“Ay teka, Ati! Bakit may pagkomentong ganoon? I em da contestant, Ati. Not yu, rimember?”
“Okay, okay.”
“But to anser dat kweistyun, Ati, siyempre, by hart ay masasaktan ako nang totoo. Kasi parang inisip lang ng lalaki na kaya ko siya gusto ay dahil sa pera, kaya nagpanggap siyang madatung, hindi ba?”
Napatango siya sa sinabi nito. “What if it’s the other way around? Paano kung nagpanggap siyang mahirap para masubukan ka, pero ang totoo ay mayaman pala siyang talaga? Magagalit ka rin ba?”
Nag-isip ulit si Bugs and this time, mas matagal bago nito nagawang sumagot. Tumayo ito at nameywang habang kumakaway na tila isang Miss Universe. Nag-flying kiss pa ito sa kaniya.
“Tenk yu por dat wanderpul kweistyun, Ati. I tink yis. Kasi kahit alin sa dalawa, parehong panloloko iyon and dat is nat rayt! And I teynk yu!”
Pumalakpak siya habang natatawa. “Brava, brava! O sige na, at tapos na ang five minutes. I need to write now.” Pumuwesto na siya sa pagsusulat at akma nang titipa nang muling magsalita si Bugs.
“Kilala mo ‘yung Liam, ano, Ati? Aminin mo na kasi!”
Umiling siya at nagsimulang tumipa.
“Weh! Nakita ko kung paanong kumislap ang mga mata niyo ni Mr. Yabang kanina. I nu it, Ati! May samting ano! Emeneeeen!”
“Bugs, hindi ako makaka-focus dito sa ginagawa ko. Please naman. Ikaw ang ipanggo-groceries ko next month kapag hindi ako naka-quota!”
“Ex mo ba iyon, Ati?”
“Vibiana!”
“Sige na naman, please! Hindi baleng hindi mo ako pakainin bukas, pa-mosang lang ng isang scoop.”
Tumirik ang mga mata niya sa iritasyon sa makulit niyang assistant. Sa bagay ay natapos naman na niya ang required word count ng nobelang isinusulat para sa gabing iyon. Siguro ay puwede na siyang magpahinga at harapin ang makulit niyang personal assistant.
“Gusto mo ba talagang malaman kung sino ang lalaking iyon?” patakam niyang tanong kay Bugs. Sunod-sunod namang tango ang itinugon nito.
“Yes, yes, yes!” mabilis nitong sagot.
“Sa isang kondisyon!”
“Kahit ano pa ‘yan! Game!”
“Hindi mo ako tutuksuhin, at hindi mo na ulit babanggitin sa akin ang lalaking iyon pagkatapos ng ikukuwento ko sa’yo.”
Agad namang itinaas ni Bugs ang kanang kamay. “Pramis, Ati! Pramis!”
Napangiti na lang siya habang napapailing. Sa mga sumunod na sandali ay tahimik lang na nakinig si Bugs habang siya naman ay sinasariwa ang mga pangyayari, limang taon na rin ang nakararaan.