Chapter 7

1404 Words
“SINO ba kasi ang tinutukoy mo?” inis na tanong ni Alexa sa kaibigang si Jamela, nilingon ang direksiyong tinitingnan nito. “’Yung naka-white, ano ka ba, Alex?!” anas nito na walang kaalis-alis ang tingin sa lalaking itinuturo. “Ah, naka-white ba? As if naman kasing mayroong hindi nakasuot ng puti sa mga ‘yan eh uniform nila ang white, hindi ba?” aniya nang nakangisi. Noon lang ito napalingon sa kanya at sa wari ay noon lang din napagtanto ang sinabi nito. Napangiti muna ito at saka muling nagsalita. “Sorry naman. Kasi naman Alex, everyday ko na lang na itinuturo sa’yo ang lalaking ‘yan. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin makita-kita!” Hinubad niya ang suot na eyeglasses, kunwa’y pinunasan iyon ng hawak na tissue at saka muling isinuot. “O hayan, ituro mo na ulit. Utang na loob Jam, magbigay ka ng eksaktong description ng lalaking sinasabi mo!” Pasimple nitong itinuro sa kanya ang estudyanteng araw-araw na lang nitong hinahabol. “Ah siya ba? O ano siya?” walang interes niyang tanong nang makilala ang taong malimit nitong ikuwento sa kanya. “Cute siya, ‘di ba?” kinikilig nitong sabi. Sa loob ng apat na taon nilang pag-aaral sa kursong Journalism ay ngayon lang nagkaroon ng interes sa isang lalaki si Jamela. Minsang galing sila ng kaibigan sa library ay nadaanan nila ang isang grupong nakaupo sa lilim ng acacia tree sa tapat ng mismong gusaling pinapasukan nila. Pilit nitong itinuturo sa kanya kung sino sa anim na estudyante ang crush nito pero dahil may kalayuan sa acacia tree ang lugar na pinagkukublihan nila ay hindi niya maaninag ang anyo ng lalaki. May kalabuan na kasi ang mga mata niya at hindi niya nakikita ang isang bagay kung lalampas ng sampung metro ang layo niyon mula sa kanya. “Cute? Mukhang luma ang polo niya eh,” pagkuwa’y sabi niya. “Grabe ka naman, Alex! Akala ko’y malabo ang mga mata mo? Bakit hindi mo siya nakikita pero alam mong luma ang damit na suot niya?” “Sensitive naman nito. Eh totoo naman eh! Kahit malayo ay madaling makita na madilaw ang suot niyang damit.” “Off white naman talaga ang shirt na suot nila,” nakalabi nitong sabi. “Ay, off white nang bigla?” nakatawa naman niyang tugon. Kinuha niya ang softdrink-in-can na nasa edge ng inuupuang bench at saka ininom ang natitirang laman niyon. “Gray ang name niya,” pagkuwa’y sabi niya saka itinapon sa ilalim ng mesa ang can. Pinanlakihan siya ni Jam ng mga mata at saka nito pinulot ang latang itinapon niya. “Ano ka ba naman? Mahuhuli tayo ni Manong Guard sa ginagawa mo eh,” wika nito saka isinupot ang lata. Saglit itong tumayo upang itapon ang basura sa pinakamalapit na trash bin at saka ito nagbalik sa bench na kanilang kinauupuan. “Teka, ano ulit ang sabi mo, Gray? Siya si Gray? Paano mong nalaman ang name niya?” “Hay naku, what are friends for? I have my ways, my friend,” kunwa’y balewalang  sabi niya. Hinawakan ni Jam at ipinagpag sa hangin ang mga braso niya. Tuwang-tuwa ito sa narinig. “Ano ang buo niyang pangalan, Alex?” “Pilitin mo muna ‘ko.” “Sige na naman, please! Kahit ano, gagawin ko, sabihin mo lang ang totoong name ng crush ko!” Nagbuntong-hininga siya at saka muling itinutok ang paningin sa grupo ng mga estudyante kung saan naroon ang mapalad na lalaking napansin ni Jam. Nang balingan niya ang kaibigan ay umaasam ang tingin nito sa kanya. “His complete name is…” “What? Ano, Alexa?!” tila nauubos na ang pasensiya ni Jam sa kanya. Higit nitong nilakasan ang pagyugyog sa mga braso niya kaya minabuti na niyang sabihin dito ang hinihintay nito. “His complete name is Gray…Gray Polo. Why? Because his polo is gray!” sabi niya sabay tawa nang malakas. Hinampas siya ni Jam sa braso. Agad niyang ininda ang sakit noon pero hindi pa rin napigilan ang pagtawa. “Nakakainis ka! Gray-gray ka pa diyan eh puro kalokohan lang pala ang mga sinasabi mo!” “Eh nakakatawa ka naman kasi! Paano ko namang malalaman ang name niya eh ni hindi ko nga siya nakikita nang malapitan? Saka bukod doon, hindi naman tayo naghihiwalay. Umaasa ka talagang kilala ko ang lalaking ‘yan?” “Naku Alexa Marie! Kapag ikaw ang tinamaan nitong gaya ng nararamdaman ko eh ewan ko na lang sa’yo!” “Nah-nah!” Umiling siya nang tila nagmamayabang. Look at him, mukhang hindi man lang kumakain three times a day sa kapayatan! Ano ang ibibigay mo sa kanyang gift kapag anniv ninyo, yakult? Yikes!” “Loka ka talaga!” “Never akong mai-inlab sa mga lalaking tulad niyan, my friend. Trust me,” napapailing pa niyang sabi. “And for the nth time ay sasabihin mo na naman sa akin na ang unang requirement mo sa paghahanap ng boyfriend ay ang pagiging mayaman?” “Ano pa nga ba? Hindi ako naniniwala sa mga crush-crush at love-love na ‘yan, Jamela. Alam mo kung bakit? Dahil lumilipad lang ‘yan sa labas ng bintana kapag wala nang laman ang sikmura!” “Alex, hindi naman lahat ng tao ay tulad ng parents mo.” “Lahat ng tao ay may evil closet, Jam. ‘Yan ang tatandaan mo. Walang taong hindi nagtatago ng sekreto. Maniwala ka sa akin dahil subok ko na ‘yan.” Nagkibit na lang ng balikat ang kaibigan niya. Tila nasawa na rin ito sa pakikipagtalo sa kanya at sa huli, marahil ay napagtantong may punto rin siya. Siya si Alexa Marie Rosalies. Alexa ang palayaw niya pero matunog na Alex lang ang itinatawag sa kanya ni Jamela, ang kaklase at kaibigan niya mula First Year College. Kapwa sila kumukuha ni Jam ng kursong Journalism. Salamat sa tiyahin at ninang niyang nagmamalasakit na pag-aralin siya, kung hindi ay malamang na isa na siya sa mga out of school youth ngayon. Si Jam naman ay may maayos na pamilyang siyang sumusustento sa mga pangangailangan nito sa pag-aaral. Malimit, ito rin ang nagpapahiram sa kanya ng ilang gamit na kailangan nila sa eskuwela na wala siyang kakayahang bilhin. Muli silang napatingin sa sinasabing crush ni Jam at saka niya nilingon ang kaibigan. “Friend, hindi sa nagmamarunong ako pero huwag mo sanang kalilimutan na pera ang pangunahing dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa. Look at me, my mother thought that my father was rich kaya umibig siya rito. Sino ba naman ang mag-iisip na ang isang American soldier na tulad niya ay walang pera, hindi ba? Pero ano? Saan ba kami pinulot ni Tatay Romy nang iwan kami ng sundalo kong ama? Suwerte na nga lang na sineryoso niya ang Nanay, kung hindi ay talagang walang-wala na siguro ang pamilya namin ngayon.” Kumilos ang isang kamay ni Jam at dumantay sa kanyang kanang palad. “Huwag mo ring kalimutan na totoo namang mayaman ang father mo, Alex. Kung nagkataong kayo lang ang pamilya niya ay malamang na buhay-reyna ka ngayon. Kung hindi hinarang ng bruhang asawa ng daddy mo ang perang dapat ay para sa iyo, eh ‘di sana ay mayaman na rin kayo ng Tita Amelia,” wika nito na ang tinutukoy ay ang kanyang ina. Napailing siya pagkaisip sa buhay nila. Daig pa nila ang miserable sa kabila ng kamiserablehan. Kung hindi dahil sa Ninang Malou niya na kapatid ng kanyang ina ay hindi siya makatutuntong sa kolehiyo. Baka nga ni hindi siya makapagtapos ng sekondarya. Naglalabada lang kasi ang nanay niya. Mabuti na lamang at nakilala nito ang pangalawang asawa, ang Tatay Romy niya, kung hindi ay hindi nila mararanasan ang magkaroon ng maayos na matutuluyan at marahil, tulad noong wala pa ang pangalawang ama ay puro tuyo at sardinas ang ulam nila araw-araw. “Naku, kalimutan na nga natin ang topic na ‘yan. Sige na, rich kung rich ang ideal man mo. Basta ako, crush ko ‘yang si Gray. Kahit gray o yellow man ang kulay ng kuwelyo niya ay totoong gusto ko siya,” natatawang sabi ni Jam sabay hatak sa kanya. “Yuck!” nakasimangot naman niyang tugon. Ilang saglit pa ay magkaagapay na nilang tinatahak ang daan papunta sa susunod na klase nila.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD