Chapter 23

1740 Words

PAGKATAPOS ng prosisyon ay pinag-alay ng bulaklak sa Mahal na Birhen ang bawat pareha ng sagala. Habang ginagawa iyon ay patuloy naman sa pagkanta ang choral group na nasa unahang hanay ng upuan. Tumagal iyon ng kulang dalawang oras kaya’t halos ay alas-dies na nang matapos ang okasyon. Hinihintay na lang ni Alexa si Jam para makauwi. Ang ilang sagala ay nakauwi na rin at ilan na lang ang naiwang naroon. Dahil pinapapak na siya ng mga lamok sa labas ng bisita ay muli siyang pumasok at naupo sa isang pew. Halos ay kauupo lang niya nang makita ang paparating na si Liam. Kulay puting panloob na t-shirt ang suot nito habang ang barong Tagalog ay nakalagay sa balikat nito. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong nito sa kanya. “Hinihintay ko lang si Jam. Ikaw, bakit hindi mo pa inihahatid si Melai?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD