“ANO ang ginagawa ng dalawang asungot na ‘yan dito?” Bulong man iyon ay agad na nakarating sa pandinig ni Liam. Nang sulyapan niya ang tinutukoy ni Melai ay naiba ang timpla ng mood niya. Kanina, maaga pa ay nagpunta na siya sa bahay nina Jam para kausapin si Alexa pero si Melai lang ang humarap sa kanya. Pumanik itong muli para tawagin ang dalaga pero nag-iisa lang itong bumaba. Ayaw raw siyang kausapin ni Alex. Idinagdag pa nitong inis na inis sa kanya ang huli dahil sa ginawa niyang pangungulit dito nang nagdaang gabi. He was a bit disappointed. He was actually expecting she would understand. Alam naman nito ang totoong nangyari pero bakit ganoon? Naisip niya, marahil ay dahil iyon sa impression ng dalaga sa kanya. Hindi kasi maganda ang una nilang pagkikita. Wala kasi siyang ibang g

