Chapter 20

1034 Words
PALAKAD-LAKAD si Liam sa kabuuan ng sala ng bahay nina Jam habang hinahaplos ang kanyang kanang pisngi. Nang makita ni Jolo na pangko niya si Alexa  ay hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Agad siya nitong sinuntok nang mailapag niya sa isang mahabang bench si Alex. Nahimasmasan lang ito nang lumapit ang dalawang tauhan ng horror train upang humingi ng paumanhin. It was his turn to get mad. Kung alam lang ng mga ito ang posibleng traumang dinanas ni Alex sa ginawa ng mga ito. Diumano ay napagkatuwaan silang takutin nang marinig na papasok sila sa kuweba. Inaasahan na pala ng mga ito ang pagbabalik nila para hanapin ang salamin. Nang iabot ng isa ang salamin sa kanya ay agad iyong kinuha ni Jolo. Aaminin niyang kasalanan niya dahil pinilit niya si Alex na balikan ang salamin nito pero hindi naman niya gusto ang nangyari. Kaya kahit magalit pa si Jolo ay ipinilit niyang sumama sa paghahatid kay Alex sa bahay nina Jamela. Nag-aalala siya sa kalagayan nito. Eksaktong sampung minuto na pero hindi pa rin lumalabas ang isa man sa mga nasa loob ng silid. Pinaiwan siya ni Jam sa sala kasama si Jolo. Mag-usap daw muna sila at ang mga ito na ang bahala kay Alexa. “Kasalanan mo ito, Liam! Sukat ba namang tangayin mo si Alexa nang walang paalam!” galit na wika ni Jolo habang tulad niya ay hindi rin mapakali. “Huwag kang magmalinis diyan dahil kaya ko naman nagawang ‘tangayin’ si Alex ay dahil iniwan mo—” “Dahil kailangan kong bumili ng pagkain para sa kanya—” “Kahit pa! Puwede mo naman siyang isama malapit sa binibilhan mo.” Huminto sa paglalakad si Jolo at hinarap siya. “Bakit ikaw?” Idinuro nito ang hintuturo sa kanyang dibdib. “Iniwan mo rin naman si Melai para kay Alex, ‘di ba? Sino sa atin ang mas pabaya?” “Si Alex ang pinag-uusapan natin at hindi si Melai,” pigil ang galit na sagot niya. How could he tell him he cared much about Alex then Melai? That he was just being nice to the latter? “Magkaliwanagan nga tayo, may gusto ka ba kay Alex?” Saglit siyang natigilan at hindi agad nakasagot sa tanong na iyon. “Whatever I feel for her is my own business, Pare. Hindi likas sa ating mga lalaki ang pakialamero.” Noon dumating si Melai. “Okay na si Alex. Huwag na kayong magtalong dalawa,” wika nitong may inis sa mga mata. “Liam, puwede mo ba akong samahang maglakad sa labas kahit saglit?” “Pasensiya ka na, Melai pero gusto ko sanang…” “Samahan mo na siya, Pare. Nakakahiya naman sa bisita natin kung tatanggi ka.” Nagsalubong ang tingin nila ni Jolo na tanging sila lang ang nagkakaintindihan. Makalipas ang ilang sandali ay nakakapit na sa isa niyang braso si Melai habang papalabas sila ng bahay.   “ARE you sure kaya mo na, friend?” nag-aalalang tanong ni Jam kay Alexa kinabukasan. “Oo naman, ano ka ba? Nahilo lang ako kagabi sa sobrang takot pero okay na ako ngayon.” “Oo nga pero hindi naman iyon lang ang ibig kong sabihin. I mean, kaya mo na bang harapin ang dalawa? Siguradong nasa plaza sila ngayon at nanonood din ng activities doon.” Nagbalik sa isip niya ang nangyari kagabi. She didn’t blame Liam at all. She couldn’t. Dahil para sa kanya ay ginawa lang nito ang dapat. Walang itong kasalanan sa ginawa sa kanila ng mga taong iyon sa peryaan. “Of course. Walang problema, Jam.” “How about your glasses? Iniwan ‘yan ni Jolo kagabi,” wika nito sabay sulyap sa kanyang salamin na nasa bedside table. “Actually, nakita ko na ‘yan kanina pa but I don’t feel like wearing it. Kagabi kasi ay ni hindi ko napansin na wala na pala ‘yan sa mga mata ko but see, I haven’t noticed the difference.” “That’s good news! You better visit Doc Pena one of these days, Alex. Sasamahan kita.” “Thanks. Nasaan nga pala si Melai? Alam ba niyang manonood tayo ng mga games ngayon?” “Yap pero ang sabi niya kagabi ay magja-jogging siya sa paligid. Nag-text na lang ako sa kanya na mauuna na tayo.” Napatango siya. Mabuti naman kung ganoon. “So paano? Let’s go?” “Let’s go! Here we go, Fiesta Fever! Yahoo!” Sabay silang nagkatawanan ni Jam bago lumabas ng silid.     FIESTA PAGDATING sa location ng ‘Fiesta Fever’ ay agad na nakaramdam ng excitement si Alexa. This was what she really expected. Napakasarap sa paningin ng kasiyahang pamprobinsiya. Naliligiran ng banderitas ang kabuuan ng dalawang malawak na bukid. Nahahati iyon sa apat na bahagi at ang bawat isa ay sabay-sabay na nagdaraos ng iba’t-ibang palaro. May palosebo, pukpok-palayok, mga relay games na hindi halos magkamayaw ang mga tao sa pagsali at marami pang iba. Ni hindi na niya alam kung saang bahagi ng lugar siya titingin para manood. Isa lang ang tangi niyang alam, she was happy. Everything about this two week vacation would surely be memorable. “Hello, Alex! Nandito na pala kayo!” Napalingon siya sa bagong dating na si Jolo. Kung bakit nanghinayang siya na ito at hindi si Liam ang naroon ay saglit niyang ipinagtaka. “Kadarating lang namin. Nag-iisa ka?” nakangiti niyang tugon dito. “Oo. Samahan mo ‘ko sa gawi roon, may softball exhibition.” She immediately felt excitement in her bones. Mula naman noon ay talagang mahilig siya sa mga ganoong klaseng sports. Tinawag niya si Jam na nakatingkayad pa sa panonood ng mga palaro upang isamang manood ng softball pero tumanggi ito. Darating daw sina Bianca kaya maghihintay na lang ito roon. Ilang sandali pa ay narating na nila ang pinagdarausan ng softball. Ayos na sana. Agad siyang nakaramdam ng kasiyahan sa dibdib nang makita ang mga manlalarong nagpa-practice sa pagpukol at pagsalo ng bola. Ang hindi lang nakakatuwa ay ang dinatnan niyang naroon—sina Melai at Liam habang magkasama at nagkakatuwaan pa sa panonood.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD