Chapter 19

1258 Words
MAGKATABI sina Jolo at Alexa sa likod nang kinauupuan nina Liam at Melai sa horror train. Sa likod naman nila naroon ang grupo ni Jam.  Nang unti-unti nang umandar ang tren ay naghiyawan ang grupo. Siya naman ay humugot ng buntong-hininga. Nanlalamig na siya at pilit niyang itinatago ang takot na nagsisimula nang tumubo sa kanyang dibdib. Malabong liwanag na nagmumula sa mga ilaw na kulay violet ang tumatanglaw sa loob ng kuweba. Sa dingding naman ay mayroon ding mga nakasabit na mumunting sulo. Napalilibutan rin ng sapot, talahib at dayami ang ilang sulok ng kuweba habang ang mga patay na ibon naman ay nagkalat. Gayunman ay wala namang kakaibang pangyayari sa loob. Ni walang lumabas na kahit isang mananakot. Ganoon din sa ikalawang ikot ng tren kaya kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Nang umusad ang tren para sa ikatlong ikot ay nasanay na ang kanyang mga mata sa dilim. Mapapanatag na sana siya nang biglang bumagal ang takbo ng tren hanggang sa tuluyan iyong huminto. Malakas siyang napatili nang biglang tumalon sa gilid niya ang isang itim na nilalang na inakala niyang estatwa lang kanina. Ang iba pang nananakot ay nag-akyatan din sa gawi nina Jam. Nagkaingay ang mga sakay ng tren. Nang tingalain niya ang taong itim ay nagliliwanag ang buong mukha nito at malinaw niyang nakita ang tila nag-aapoy nitong mga mata. Alam niyang hindi siya dapat matakot pero hindi niya mapigil ang sarili. Naaninaw niyang sumigaw rin si Melai at agad na yumakap kay Liam pero nilagom lang ng pagtili niya ang sigaw nito. Naramdaman niya ang pagyakap ni Jolo at dahil sa takot ay nagsumiksik rin siya sa dibdib nito. Lalo na siyang napatili nang maramdaman ang pagyugyog ng taong itim sa katawan niya. Nang mapalingon siya ay kitang-kita niya nang itulak ito ni Liam. Muling sumakay sa tren ang nananakot pero tuluyan nang tumayo ang lalaki at itinaboy ito. Bigla ay nakadama siya ng tuwa sa ginawa nito. Tila isang super hero ngayon ang tingin niya rito at bigla ay nalimutan niya ang inisan nilang dalawa.   ILANG sandali nang nakababa ng tren ang grupo pero hindi pa rin maka-recover si Alexa. Hindi niya magawang salubungin ng tingin ang mga pagsulyap ni Liam. Hindi niya gustong makita ang pang-iinis sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay madi-disappoint siya oras na mangyari iyon. Nagulat siya nang mayamaya ay lumapit ito habang bumibili ng popcorn si Jolo at ang ilan nilang kasama. “Alex, okay ka lang ba?” tanong nito. Hindi siya agad nakapagsalita. Parang hindi siya sanay nang ganitong ‘nice’ si Liam sa kanya. Hindi niya alam ang isasagot dito. “Alex?” Napilitan siyang tingalain ito. “Oo. Salamat nga pala sa ginawa mo.” Noon ito ngumiti. “Ayos lang iyon. Napansin kasi noong tao na takot na takot ka kaya ikaw ang pilit na tinatabihan.” Wala na siyang maisagot dito. Nang masulyapan niya si Melai ay nakatingin ito sa kanila ni Liam. “Alex, parang…parang may nabago sa’yo,” mayamaya ay sabi nito habang titig na titig sa kanya. Umangat ang isang kamay ni Liam at hinaplos ang pisngi niya. Pakiramdam niya ay napaso siya sa ginawang iyon ng lalaki kaya hindi niya nagawang kumilos. “A-ano naman iyon?” Sinikap niyang hindi pumiyok ang boses niya. “May nagbago talaga…wait.” Pinakatitigan ni Liam ang mukha niya kaya on instinct ay itinaas niya ang kamay para ayusin ang kanyang salamin. Salamin…wala na pala siyang suot na salamin! “Oh my, nalaglag ang salamin ko sa loob ng tren!” bulalas niya. “Ha? Kaya pala.” Hindi niya alam kung bakit biglang nagliwanag ang mukha ni Liam sa pagkakatitig sa kanya. Sa paningin niya ay may nagbago rin dito. “Halika, hanapin natin saglit sa loob.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinatak siya pabalik sa tren. “Sandali lang, paano si Jolo—” “Sandali lang naman tayo. Baka hindi na natin abutang buo ang salamin mo kung hihintayin pa natin siya.” Nang muli niyang sulyapan ang kinaroroonan ni Jolo kanina ay hindi na niya ito matanaw. Marami kasing bumibili ng pop corn at posibleng nakapila pa ito. Maging si Melai ay nakita niyang nakapila na rin. Hindi na siya nakatanggi nang muling hatakin ni Liam. Nang marating nila ang horror train ay naghihintay pa iyon ng pasahero. Kung gayon ay may posibilidad na nasa upuan pa ang kanyang salamin. Nagulat siya nang muling gagapin ni Liam ang kanyang isang kamay at saka siya hinatak papasok. Saglit silang nagkaproblema sa bantay ng tren dahil iginigiit nitong kailangan muna nilang magbayad ng etrance fee at makipila sa mga taong nauna sa kanila kaya para wala nang problema ay inabutan ito ni Liam ng isang dadaaning papel. Napangiti naman ang pandak na lalaki at saka sila pinapasok. “Wala dito,” aniya nang tingnan ang upuan kung saan sila nakapuwesto ni Jolo kanina. “Wala din dito,” sagot naman ni Liam. Maging ang mga upuang imposible nang marating ng salamin ay binisita pa rin nito. “Tara sa loob,” bigla ay sabi nito habang hatak na naman siya sa isang kamay. Hindi na siya tumanggi at umagapay na lang dito. “Liam, natatakot akong pumasok,” aniya rito nang nasa bungad na ng kuweba. “Huwag kang matakot, nandito lang ako.” She looked at him and was surprised with the sincerity on his face. Walang bakas ng pang-iinis ang mga mata nito. Nakakapanibago talaga. “Hello, mga pare, may hahanapin lang sana kami ng kasama ko! Yuhoo!” sigaw ni Liam nang makapasok na sila sa loob ng tren. Magkahawak-kamay sila habang palinga-linga sa loob ng kuweba. “Liam, tara na kaya…baka masamain nila ang pagpasok natin dito, malagot pa tayo!” “Saglit lang tayo, Alexa babe. Kailangang makita natin ang salamin mo.” Ang balak na pagpigil sa ginagawa nito ay napigil sa lalamunan niya sa narinig dito. He just called her ‘Alexa babe’ again. Kakatwang hindi na pang-iinis ang dating ng paraan ng pagtawag na iyon ni Liam. Parang may lambing na iyon, sa pakiwari niya. Ipinagpatuloy nila ang paglakad habang diretso sa pagsasalita si Liam. Halos ay palabas na sila ng kuweba nang biglang bumagsak mula sa kung saan ang isang ulong may mahabang buhok. Napatalon siya sa takot at napasigaw rin si Liam. Ang pahamak na ulo ay nakatali pala kaya nang itulak niya ito ay lumayo lang itong saglit at muli na namang bumalik sa kanya. Noon na siya napayakap nang mahigpit kay Liam. “Easy, Alex…nananakot lang sila,” bulong ni Liam sa tainga niya. Agad na nanindig ang mga balahibo niya sa braso sa ginawa nito. Hinawakan ng lalaki ang ulo at saka ini-steady iyon. Muli siya nitong inalalayan upang ipagpatuloy ang paglalakad. “Liam, I guess we need to back out. Okay lang kahit mawala na ang salamin ko. Tutal, hindi na rin natin iyon makikita dahil madilim dito.” “Alex, gustuhin man nating bumalik ay hindi na rin natin magagawa. Mas malapit na tayo sa exit kaysa sa pinasukan natin kanina.” Ganoon nga ang nangyari. Ipinagpatuloy na lang nila ang paglalakad pero laking gulat nila kapwa nang biglang kumilos ang isang higanteng punong nasa sulok ng kuweba. Mabilis ang paglapit niyon sa kanila. Napatili siya nang malakas at nanginig na mabuti ang kanyang buong katawan dala ng takot nang tumayo ang higanteng puno sa harap niya. She passed out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD