Chapter 18

1380 Words
HINDI maintindihan ni Alexa ang totoong dahilan ng ipinagsisintir niya. Ang pagsunod ba ni Melai doon o ang pagpapamalas ng kakaibang pag-aasikaso ni Liam dito. Naiinis kasi siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Come to think of it, she used to hate Melai during their early years in college. Maybe she didn’t like the way she talk. Kung magsalita kasi ito ay daig pa ang Binibining Pilipinas candidate at kulang na lang ay ang pamatay na catwalk. She used to crave for attention. Parang lagi na lang itong nagmamakaawa kung makatingin sa mga lalaki samantalang sa kapwa babae naman ay hindi ito ganoon kagiliw. Kakatwa ngang nakagaanan ito ng loob ni Jam sa kabila ng ugali nitong iyon. Kung hindi lang mao-offend ang kaibigan, sasabihin niya rito ang hinalang kaya lang nakikipaglapit dito si Melai ay dahil mayaman ito. Of course, she was not sure about it. It was just her speculation but she could feel in her bones she was right. Pasasaan ba at matutuklasan din ni Jam iyon kahit hindi pa sa kanya manggaling. Naramdaman niya ang pagsiko ni Jolo sa kanyang braso. Nang mga sandaling iyon ay nasa peryaan na sila. Doon sila dumiretso nang matapos ang talent portion ng Miss Gay. “Gusto mong mag-try?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang isang laro kung saan may tatayaang kulay. Sa oras na tumapat ang bola sa kulay na napili ay madodoble ang halaga ng perang itinaya. Nakadama siya ng excitement kaya agad siyang tumango. Naglabas ng barya si Jolo at tinanong siya kung anong kulay ang gusto niyang tayaan. Napasulyap siya kay Liam na kasalukuyan namang katabi ni Melai at tumataya rin sa kabilang kubol. Nasulyapan niya ang kulay ng suot nitong damit. “Blue,” aniya sa katabi. Tumaya nga si Jolo sa kulay blue at laking tuwa niya nang ang kulay na iyon ang lumabas. Nadoble ang limang piso nitong itinaya kaya nawili silang umulit. Nang ilang beses pa silang nanalo ay wala nang pagsidlan ang excitement niya. Ganoon pala ang pakiramdam nang nananalo sa sugal, aniya sa sarili. “Let’s stop from here. Mahirap na at baka mabawi pa,” nakangiting sabi ni Jolo sabay akbay sa kanya. Lihim silang nagkatawanan nang mapansing masama ang tingin ng namamahala sa patayaang iyon. “Saan mo pa gustong tumaya? Heto, may intrega na ‘ko sa’yo,” dagdag nitong biro. Nakaakbay pa rin sa kanya si Jolo hanggang igiya siya nito sa isang kubol kung saan maaaring manalo ng mga stuff toys. Simple lang ang gagawin. Kailangan lang na matamaan ang mga bibeng naka-display sa isang shelf. Huminto siya roon at inaya itong sumubok. Nagulat siya nang kasabay nilang lumapit sa kubol sina Melai at Liam. “Oh hi, nariyan na pala kayo?” Melai smiled which she knew was fake. Alam niyang nakita na rin sila ni Liam kanina roon. Alin sa dalawa, hindi sinabi ni Liam dito na naroon sila sa peryaan o naman ay likas lang itong artista. Sabay na nanghingi ng pellet g*n sina Liam at Jolo sa babaeng bantay ng kubol. “Magkakapareha kayo, mga Sir? Magbo-boyfriend?” nakangiting tanong ng babae. “Magdilang-anghel ka sana,” nakangiting tugon ni Jolo. Bahagya niya itong siniko. “Bagay ba kami, Ate?” Todo naman ang ngiti ni Melai. Ngali-ngaling agawin niya ang pellet g*n kay Liam at itutok sa noo ng babae. Inis na inis siya sa style ni Melai na iyon. She was obviously flirting with Liam! Ano naman sa’yo kung ganoon nga? Nagseselos ka? Inis siyang napailing sa sarili. Bakit ba ganoon ang takbo ng isip niya? At bakit naman ako magseselos sa bruhang ito? Kung hindi pa siya maskulado, hmp! “What did you say, Alex? Sino ang maskulado?” Mabilis siyang napalingon kay Jolo. Nang sulyapan niya ang dalawa ay nakatingin din sa kanya ang mga ito. Did she just speak her mind? Agad na namula ang kanyang mga pisngi. “Ang ibig kong sabihin…” Napahaplos siya sa leeg sa kawalan nang maisasagot. “…maskulado ka naman Jolo, kaya kayang-kaya mong itumba ang mga bibe na ‘yan.” Humawak pa siya sa isang braso ng katabi para maging kapani-paniwala ang sinabi niya. Napangiti naman ang lalaki. Nang tingnan niya si Liam ay may iritasyon siyang nakita sa mga mata nito. Nahahalata kaya nito ang inis niya kay Melai at nakikisimpatya ito para sa babae kaya ganoon na lang ito kung makatingin? “Gusto mong maunang mag-try, Mel?” mayamaya ay narinig niyang tanong ni Liam sa babae. Natural ay alam niyang papayag ito at ganoon nga ang nangyari. Ngayon ay si Melai na ang may hawak ng b***l habang nasa likod naman nito si Liam at hawak ang b***l na nasa mga kamay ng dalaga. Sa ganoong posisyon ay nakayakap na rin ito kay Melai. Ipinutok nito ang b***l at hindi iyon tumama sa target. Natawa siya pero agad ding tumahimik nang pukulin ng masamang tingin ni Liam. Nang muling magpaputok si Melai habang hawak pa rin ng lalaki ang mga kamay nito ay nasapol na niyon ang isang bibe. Tuwang-tuwang nagtatalon ang babae at halos ay mayakap na nito si Liam. Siyempre ay abot-abot din naman ang ngiti ng huli. Napaka-cheap! At isiping ngayon lang nagkakilala ang dalawang ito! “Ako naman ang susubok,” untag niya kay Jolo sabay kapit sa braso nito. Nagulat pa siya nang iabot nito ang dalawang bibe sa kanya. Napahiya siya rito. Sa halip kasing ito ay sina Liam at Melai ang pinanonood niya. Hindi tuloy niya namalayang nakapagpatumba na pala ito nang dalawang beses. “Asintado ka talaga,” aniya bilang pantakip sa pagkapahiya rito. Ngumiti lang si Jolo sabay abot ng pellet g*n sa kanya. Ginaya nito si Liam at niyakap din siya nito habang hawak ang mga kamay niyang may b***l. She wanted to tell him she was a sharp shooter but she just let him embraced her from the back, instead. Sinulyapan niya si Liam pero hindi naman ito nakatingin sa kanya. Sa wari niya ay nakatutok ang konsentrasyon nito kay Melai. Nang muli niyang tingnan ang isang kulay pulang bibe ay tila lumaki iyon sa paningin niya. Tinitigan niya ang pinakasentro niyon. Isang siguradong putok ang pinawalan niya at agad na tumilapon ang bibe. Binitiwan siya ni Jolo at tuwang-tuwa ito. Ngumiti lang siya at agad nang isinunod ang berdeng target. Tulad nang una ay tumilapon din iyon. Nakadalawang bibe pa siyang naasinta nang walang kahirap-hirap bago niya pinatilapon nang malakas ang isang asul na bibe. Ang tingin niya sa target na iyon ay walang iba kundi si Liam. “Wow! You are very good!” bulalas ni Jolo. Nakangiti niyang inabot ang pellet g*n dito. “Hindi naman.” “Magaling talaga ‘yang si Alex. Mahilig nga ‘yan sa sports eh. Mga panlalaking sports ang gusto niya at kahit basketball ay kaya niyang gawin, ‘di ba, Alex?” “Oo naman. Hindi ako katulad nang iba diyan na simpleng laro lang ay hindi kayang gawin. Lampa kasi, ‘di ba Melai,” ganti naman niyang sabi sa tinuran ni Melai. She knew what she was up to. Gusto lang siya nitong siraan sa dalawang lalaki. “Guys! Sakay naman tayo sa horror train!” Napalingon silang apat sa bagong dating na si Jam. Kasama nito ang grupo ni Bianca at tulad nila ay naglilibot din sa peryaan. “Ayokong sumakay doon,” aniya. Wala siyang hilig sa ganoong rides. Kahit kasi mukha siyang siga kung umasta, ang totoo ay duwag siya. “Bakit? Huwag mong sabihing natatakot ka?” Nakangisi na naman si Liam. Bakit ganoon? Kay Melai ay napakagiliw nito, bakit sa kanya ay tila asar na asar ang lalaki? Sa bagay, simula pa lang naman ay hindi na sila magkasundo nito. “Excuse me, wala po akong inuurungan.” Umirap siya rito. “Kung ganoon, bakit ayaw mong sumakay sa horror train?” “Pabayaan na natin siya, Liam. Huwag ninyo siyang pilitin kung ayaw niya.” Si Melai. “Sasama na ako.” Hindi niya bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kahit munting kasiyahan ang babaeng ito. Kung ayaw siya nitong makasama ay sorry na lang ito dahil mas lalo niya itong iinisin sa presensiya niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD