Chapter 17

1198 Words
ALAM ni Alexa, napakasimple lang nang pinag-ugatan ng inisan nila ni Liam pero kung bakit hindi matapos-tapos iyon ay hindi niya alam. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay kumukulo ang dugo niya lalo kapag naalala ang mga pang-iinis nito. She had never been humiliated in her whole life the way he did to her. Wala pang bumastos sa kanya na kagaya ng mga pinaggagawa nito kaya nagpuputok ang butse niya sa tuwing nakikita ito. Tuloy ay hindi siya mapakali. Palinga-linga siya sa paligid at baka mamaya ay naroon lang pala sa tabi-tabi si Liam. Kasalukuyan silang nanonood noon ni Jam ng Miss Gay contest sa maliit na entabladong itinayo sa isang bakanteng bukid. Habang nagkakaingay ang mga miron ay panay naman ang lingon niya sa mga taong naglilisawan. “Hinahanap mo na naman si Liam,” pakli ni Jam. “Naku ha, kung siya lang ay hindi na.” Ngumiti ito sa kanya. “So, sino pala ang hinahanap mo? Si Jolo?” Hindi niya nagawang tumugon nang mula sa kung saan ay sumulpot si Jolo. “Parang narinig ko ang pangalan ko ah,” nakangiti nitong sabi. “Ang lakas ng pandinig mo ha. Maingay pa nang lagay na iyan.” Nakipag-high five si Jam dito at isang tango naman ang ibinigay niya. “Siyempre. Pati pakiramdam ko, malakas din. Ikaw, Jam, malakas din ba ang pakiramdam mo?” Kunwa ay sumimangot ang kanyang kaibigan. “Oo na, gets ko na. Diyan muna kayo at pupuntahan ko lang si Bianca,” napapailing na sabi ni Jam. Iniwan nga sila ni Jam at napagsolo sila sa bahaging iyon ng tuyong bukid. Mula sa kinatatayuan ay malinaw nilang nakikita ang mga nasa entablado pero nakalayo iyon sa karamihan. Sapat iyon para maayos silang magkarinigan ni Jolo. “May sasabihin sana ako sa’yo, Alexa. Huwag ka sanang magagalit,” simula ng lalaki. “Ano iyon?” “Gusto ko sanang pasyalan ka sa Manila sa sembreak.” Muntik na siyang masamid. Kahit nang simula pa ay nararamdaman naman niyang may interes sa kanya si Jolo pero hindi niya akalaing didiga ito agad. Halos ay kakikilala lang nila. “Iyon ay kung okay lang naman sa’yo. Gusto ko sanang mas magkakilala pa tayo. I hope you get what I mean.” Sa kabila ng dilim ay nakita ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. She surely did. Hindi naman bago sa kanya ang mga ganitong hirit. Kahit sabihin pa ni Liam na kamukha niya si Manang Bola dahil sa makapal niyang salamin, alam naman niya ang totoo. Bukod sa maliit na bagay na iyon sa mga mata na anumang oras ay puwede naman niyang alisin, wala nang maipipintas pa sa kanya. She dressed well. She had a good fashion sense at bagaman hindi siya madalas mamili ng mga sosyal na damit, alam naman niya kung paano gawan iyon ng paraan. Nagagawa niyang i-design ang sariling mga gamit. Bumibili siya ng mga beads and other accessories para lagyan ng style ang mga damit at bag niya. Kaya kung sa mga manliligaw lang din, hindi naman siya pahuhuli. She had as many suitors as her other friends had. Iyon nga lang, pihikan talaga siya. Ang una kasing requirement niya ay parating wala sa kanyang mga manliligaw at iyon ay ang pagiging mayaman. Kung nagkataon lang siguro, matagal na siyang nagkanobyo. “Oo naman. Welcome naman lahat sa amin. You can visit our place anytime,” aniya rito. A certain smile broke her lips but it swiftly vanished as she saw Liam walking towards them. At hindi lang iyon, may kasama ito. “Melai,” bati niya sa babaeng kasama ni Liam. Nakahawak pa ito sa braso ng lalaki. “Hello, Alex. Where’s Jamela?” tanong nito habang nakangiti ang mga mata. Hindi na niya kailangang ituro ang kaibigan dahil paglinga niya ay nakita niyang papalapit na ito. Natanaw siguro nito ang pagdating ng dalawa kaya agad na lumapit. Agad nitong hinagkan sa pisngi si Melai. “Akala ko ba ay bukas ka pa makakapunta rito? Hindi ka ‘kamo natuloy kanina dahil may lakad ka?” tanong nito habang hawak sa braso ang kausap. “Naisip ko kasi, baka magbago pa ang isip ni Mama kapag ipinagpabukas ko pa ang pagpunta dito kaya tumuloy na ako.” “Bakit hindi ka naman nagsabi para nasundo kita?” “Hindi na kita inabala. Remember, nadala mo na ako rito noon kahit isang araw lang kaya kahit paano, natandaan ko naman ang daan pabalik.” Tumango si Jam, tila nasisiyahan. “I see, at paano naman kayo nagkakilala nitong bestfriend ko?” Bumaling ito kay Liam na ang pagkakangiti ay lampas-tainga na yata. “He was there at your house when I arrived so hayun, ipinakilala siya sa akin ni Tita.” “Susunduin ko sana kayo ni Alexa kaya ako naroon. Akalain ko ba namang may makikilala pala akong maganda pagpunta sa inyo,” sabad ni Liam na sa kanya na nakatingin. Inirapan niya ito. ‘Hmp, Alexa pala ha! Kahapon lang ay Alexa babe ang tawag mo sa akin, kung hindi man Manang Bola!’ Ipinakilala rin ni Jam si Jolo kay Melai at matapos ang ilang kumustahan ay nagsalita ang huli. “I-tour mo naman ako dito, Liam. May peryaan tayong nadaanan, ‘di ba? Dalin mo ‘ko doon.” Napairap siya sa lantarang flirtation ng kabaro. Tour? Ano ‘to, field trip? “Sige Liam, tatapusin lang namin ang contest at susunod na rin kami roon,” sabad naman ni Jam. “Kung manood muna kaya tayo ng contest, Mel? Masaya ‘yan, tiyak na mag-eenjoy ka,” pakli ni Liam. Pinukol ni Melai ng tingin ang entablado pero agad itong napasimangot. “Yuck, gay contest? Ang cheap!” “Cheap? Hindi ba at member ng pink federation ang brother mo, Melai?” aniyang hindi napigilan ang sarili. Tumalim ang tingin ni Melai sa kanya pero agad din iyong naglaho. “Mark is not gay, soft is more appropriate, Alexa .” Pinigilan niya ang sariling matawa. Hindi kasi iyon ang hantarang ipinakikita ni Mark sa buong campus. Ang alam ng lahat ay talagang bading ito. Porma pa lang at pilantik ng daliri nito ay hindi na nito maikakaila ang pagkatao sa madla. Ano’t hindi yata iyon tanggap ni Melai? “Whatever, guys. Actually, gusto ko lang talagang ma-experience ang mamerya kaya samahan mo na ako, Liam, please naman…” Malambing nitong ikinapit ang mga kamay sa braso ng katabi. “All right. O paano, una na kami roon,” ani Liam. Nang akmang sa kanya magpapaalam si Liam ay agad niyang binawi ang tingin dito. Kunwa ay abala siya at tawa pa nang tawa sa pinanood na contest gayong ang totoo, dahil sa mahinang sound system ay mas malakas pa ang tawanan ng crowd kaysa sa usapan ng mga hurado at contestant. Mula sa peripheral vision ay nakita niya ang pagtalikod ni Liam. Noon niya ito sinundan ng tingin at dahil hindi niya ito inaasahang lilingon ay huling-huli siya nitong nakasunod ang paningin dito. Napabuga na lang siya sa hangin nang pilyo itong kumindat.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD