Chapter 1
Emoji
Sinakbit ko na iyong bag sa balikat ko at pinagpagan ang suot kong mini skirt. Hinila ko pa iyon ng konti pababa. Medyo hindi kasi ako kumportable na maiksi sya. Ang kaso ganun ang school uniform ko.
Currently second year college, sa kursong HRM. Though hindi naman ako mahilig magluto pero ito kasi ang gusto ng Papa ko na kunin kong kurso. Bilang anak nila, susundin ko nalang.
Nang mapadaan ako sa bahay ng mga Lausingco ay tahimik. Tuesday kasi ngayon at alam kong wala si Emoji jan sa kanila ngayon. Tuwing weekends ko lang sya nasisilayan dahil kapag weekdays, nasa Manila sya for training. Ayun lang sa nasagap kong balita, sya na ang susunod na hahawak ng Lausingco Hotels. Indemand iyon dahil sya ang panganay na anak at nakatoka talagang sa kanya ipapasa ng Papa nya iyon.
"San ka mag aapply ng ojt?" Tanong ni Eli sa akin.
Sinubo ko ang carbonarang lunch ko para ngayon. Lunch time at magkasama kami ni Eli ngayon, actually lagi naman kaming magkasama.
"Syempre, sa Lausingco Hotels." Sagot ko.
Umirap naman sya. "Good Luck sayo. Alam mo namang medyo demanding ang Hotel na iyon diba?"
"Well atleast, I tried."
"Fuxk, love sick."
Hindi ko nalang pinansin ang kumento nya. "Eh ikaw. San ka?"
"Saan pa ba?"
Napangiti ako. Love na love talaga ako ni Eli kaya kahit ayaw nya, gugustuhin nyang magkasama pa din kami.
Bale next week daw kami magpapasa ng mga requirements para sa ojt. Sa ngayon ay puro activities ang ginagawa namin, at thesis.
"Kailan ang ojt nyo?" Tanong ni Mama.
"Next next week pa daw malalaman, Ma." Sagot ko.
Nakasakay na uli si Papa sa barko, good thing dahil noong nakaraang taon, pakiramdam ko down na down kami. Buti at natauhan.
"May mga babayaran nga pala, Ma."
"Nasabi na sakin ng prof mo noong nagbayad ako ng tuition mo." Tumango nalang ako.
Mabilis lumipas ang oras. Biyernes na nga agad. I stayed up late dahil tinatapos ko pa ang thesis ko. Sa monday ko na sya idedefense, though approved na naman sya ng prof ko. Nirereview ko nalang uli.
Nang mabagot ako kakabasa sa ginagawa ko ay huminto na muna ako. Dinampot ko ang cellphone ko at binuksan ang data connection. Kaagad na nag ingay ang group chat ng klase namin. Puro nagtatanungan lang kung may mga gagawin pa ba. Ang iba naman ay excited na sa ojt.
Ka-chat ko din si Eli, nagkekwento lang tungkol doon sa boyfriend nya. Boyfriend nyang imaginary lang. De, seryoso, hindi ko pa kasi nakikilala. Ang sabi nya, naka-chat nya lang daw iyon.
Tumahimik din naman agad iyong pag iingay ng messenger kaya sinarado ko muna iyon at binuksan naman ang twitter application ko.
@sunshine_
Thesis. Thesis. Aww.
I tweet something. Pagkatapos ay nagscroll nalang ako ng nagscroll. Halos mabitawan ko naman ang cellphone ko nang may sumulpot na chat heads at kitang kita ko ang picture ni Emoji. I never thought that we're friends in f*******:.
Eris Jon Lausingco:
Zup?
I had to take a deep breath as I read his message. Nagkipagtalo pa ako sa isip ko kung rereplyan ko ba o hindi.
Well, hindi ito ang first time na nag-chat sya sa akin. This is the second time. The first time happened, nireplyan ko naman sya. Pero na-guilty ako kasi alam kong sila pa ni Princess. At ngayon, may balitang kumalat sa akin na hiwalay na sila noon, last year pa.
Sakto namang nagchat din si Eli sa akin.
Elizabeth Perez:
Huy. Ba't nawala ka na?
Sinag Aguilar:
Oh my god! Chinat ako ni Emoji.
Kinagat kagat ko ang kuko para makalma ang sarili ko. Para akong tanga, actually. Chinat lang ako, hindi na ako makalma?
Elizabeth Perez:
Ano sabi? Replyan mo. Goooooo!
Pikit mata kong pinindot iyong conversation namin. Active now pa din. Huminga ako ng malalim bago tumipa.
Sinag Aguilar:
Okay lang. Ikaw?
Pabagsak kong nilagay iyong cellphone ko sa ibabaw ng makapal na thesis ko. I nervously tapped my fingers in the table.
Elizabeth Perez:
Ano na sabi ni Emoji.
Maybe you were wondering why Emoji! It's a pet name na kapag pinag uusapan namin sya. Mahirap na baka may makarinig na pinag uusapan namin ang susunod na CEO ng Lausingco Hotels.
Tumunog ang chat heads at nakita kong may dumating na chat galing sa kanya.
Eris Jon Lausingco:
Shot?
Napabuga ako ng hininga. Really?
Sinag Aguilar:
Sige, itagay mo nalang ako.
I didn't wait for long kasi nakapagreply agad sya.
Eris Jon Lausingco:
Palaging ganun.
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. True enough na kapag napapadaan ako sa may kanila noon ay palagi syang nakaalok ng tagay. Tumatanggi ako dahil nahihiya din naman ako sa mga kasamahan nya no.
Sinag Aguilar:
Hahahah. Hindi naman. Basta itagay mo nalang ako.
Well, civil naman kaming magturingan. Wala naman kasing naging gap, sa akin lang talaga dahil sya nga ang first kiss ko.
Eris Jon Lausingco:
Gusto kita maka-jam.
Sinag Aguilar:
Ha? Oh sige. Libre mo ba?
Kagat kagat ko ang pang ibaba kong labi habang nag hihintay ng reply mula sa kanya.
Eris Jon Lausingco:
Ge dale. Ngayon na ba?
Napasulyap ako sa wall clock, pasado alas diyes na pala. Paniguradong hahanapin ako ni Mama kapag lumabas pa ako.
Sinag Aguilar:
Gabi na. Tyaka may ginagawa akong thesis. Bukas?
Grabe! Gusto ko nalang sabunutan ang sarili ko ngayon! Ang landi mo, Sinag!
Eris Jon Lausingco:
Ngayon nalang.
Sinag Aguilar:
Hindi na ko pwede. Bukas, promise!
Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko. Naiimagine ko lang ang mukha nyang kamukha na ng Emoji.
Eris Jon Lausingco:
Osige. San tayo bukas?
Sinag Aguilar:
Hmm.. Leah's Bar? Ikaw na bahala.
Pinatong ko muna iyong cellphone ko sa lamesa at tumayo para magtimpla ng gatas. Pagbalik ko sa pwesto ko ay agad kong dinampot iyong cellphone.
Eris Jon Lausingco:
Ano number mo?
Uy?
Sumimsim muna ako sa baso ko bago tumipa ng sagot.
Sinag Aguilar:
0912****** regular twenty ha. Hahaha. ✌
Eris Jon Lausingco:
Tss.
Natawa nalang ako. Magtitipa pa sana ako ng reply ko ng tumunog ang cellphone ko para sa tawag na pumasok. Napalunok ako bago ko inislide iyong answer button.
[Hello.]
Napabuga ako ng hangin. Damn, hindi pa din nagbabago ang boses nya kapag sa cellphone.
"Hmm.. Kamusta?"
[Ayos lang. Shot?] Medyo paos paos pa ang boses nya.
"Sige, itagay mo na nga lang ako."
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa sa kabilang linya. Napakagat tuloy ako sa labi ko. Damn, Emoji.
[Nasan ka?]
Sumandal ako sa upuan at hinawakan ang mug ko. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi bago sumagot.
"Nasa bahay lang."
[Ano ginagawa mo?]
Bumuntong hininga ako at muling pinatong ang mug sa lamesa.
"Gumagawa ng thesis."
[Gusto mo puntahan kita?]
"Hala! Iiwan mo mga kainuman mo?"
[Ayaw mo ba?]
"Ano!" Natutup ko ang bibig ko dahil bahagyang napalakas ang boses ko. "Ang ibig kong sabihin, huwag na."
[Hmm.. Bakit naman?]
Shit! Bakit ba kailangan pang maging sexy ang pagkapaos ng boses nya? Bakit?
"Kasi baka may makakita sayo." Mahina kong sabi.
I heard him cleared his throat.
[What did you say?]
"Sabi ko baka may makakita sayo."
[Madali lang naman. Tss.]
Bumukas ang pinto ng kwarto ni Mama kaya mabilis kong pinatay ang tawag.
"Sinong kausap mo?" Tanong ni Mama.
"Ah, wala po Ma."
Kinusot ni Mama ang mata nya. Tumunog naman ang cellphone ko. Mabilis kong kinan-cel ang tawag.
"Matulog ka na, pagkatapos mo jan."
"Opo Ma."
Pagkapasok ni Mama sa kwarto nya ay saktong tumunog ang cellphone ko uli.
"Hmm.."
[Bakit mo pinatay?]
"Lumabas kasi si Mama. Ano, matutulog na ko."
[Mamaya na. Pupuntahan pa kita.]
Napalatak naman ako. "Seryoso ka ba?"
[Hmm.. Naglalakad na nga ako ngayon.]
Agad akong napatayo. Rinig na rinig ang patak ng ulan sa labas.
"Naulan ah! Umuwi ka na!"
[Malapit na ako sainyo.]
"Matutulog na ko. Bye."
Bago pa sya makapagsalita ay pinatay ko na ang tawag. Muli syang tumawag. Inimpis ko ang mga kalat ko at mabilis na sinikop iyon. Pinatay ko na din ang ilaw.
Emoji:
I'm outside your house.
Napalatak na talaga ako. At mabilis na pumasok sa kwarto ko. Nilapag ko lang sa study table ang mga dala ko at humiga na. Panay pa din ang tunog ng cellphone ko.
"Hello, matulog ka na. Lasing ka na ata."
[I'm not tipsy. I just wanted to see you.]
"Pero gabi na." Kagat kagat ko ang pang ibaba kong labi. "Umuwi ka na."
Isang mahabang katahimikan ang namuntawi sa kabilang linya. Tila paghinga nya lang ang naririnig ko.
"Huy."
[Tss. Nandito ako sa labas nyo.]
Mabilis akong napatayo uli mula sa pagkakahiga ko sa kama.
"Malakas na ang ulan diba. Umuwi ka na please."
Pinatay nya ang tawag. Napabuntong hininga ako at walang imik na nagtungo sa sala para sumilip sa bintanang nandoon.
Noong una ay hindi ko pa sya maaninag hanggang sa may nakita akong usok na alam kong galing sa vape nya.
Iiling iling akong bumalik sa kwarto ko at padapa na humiga.
Why all of the sudden ay bibigyan nya ako ng halaga ng ganito? To think na pumunta pa sya dito sa labas ng bahay? Anong gusto nya?
Nakatulugan ko na ang pag iisip tungkol doon. Pagkasilip ko sa cellphone ko ay may limang missedcall. Hindi ko nalang pinansin iyon at galing din naman kay Emoji.
Tinanghali na ko sa paggising kaya binungangaan ako ni Mama. Bakit daw sinasanay ko ang sarili kong gumising ng tanghali. Nawala tuloy ako ng gana mag agahan. Naghilamos lang ako at bumalik sa kwarto para magkulong, bahala sila sa buhay nila.
Bandang tanghali, kinatok ako ni Mama para pagalitan at bakit daw hindi ako lumalabas sa kwarto. Galit na naman sya.
Kinamot ko ang ulo ko at bumangon na. Pinatay ko muna ang data connection ng cellphone ko. Nagkibit balikat ako, hindi naman siguro tototohanin ni Emoji iyong sinasabi nya kagabi? Hello, alangan namang pagaksayahan nya ako ng oras. Sa pagkakaalam ko busy na tao iyon.
Napili ko nalang maglaba para mawala wala ang galit ni Mama sa akin. Isumbong pa ako nito kay Papa, mahaba habang sermon na naman iyon.
Bandang hapon, muli kong pinasadahan ng tingin ang thesis ko. Nang makumpleto ko na at makuntento na ako ay niligpit ko na iyon at tinabi sa study table ko.
Kakahiga ko palang sa kama ko nang marinig kong may kumatok.
"Oh?" Sagot ko.
"Birthday daw ni Andrew, punta tayo."
Sinilip ko ang wallclock ko. Pasado alas kwatro na pala.
"Huy Sinag!"
"Oo, mauna na kayo."
Sinilid ko lang iyong cellphone ko sa bulsa ng shorts ko at lumabas tyaka nagtungo sa banyo para magtoothbrush. Tahimik na sa bahay kaya baka nauna na sina Mama kina Andrew--pinsan ko.
Nagspray lang ako ng colonge at sinuklay ang buhok ko. Nilagyan ko ng pampula ang magkabilang pisngi ko bago lumabas ng bahay. Matapos kong ilock iyon ay naglakad na ako.
Hindi na gaano mainit kaya ayos lang na maglakad ako, tyaka malapit lang naman iyong bahay nina Andrew sa amin.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon para tignan kung sino ang nagtext. Si Elizabeth lang pala, tinatanong kung nasan ako.
Nireplyan ko sya habang dahan dahang naglalakad. Nang maisend ko iyon ay nilock ko tyaka hinawakang mabuti. Pagkaangat ko ng tingin ko ay syang pagsalubong ko sa malalalim na matang galing kay Emoji. Napalunok ako.
Kitang kita ko kung paano nyang pinasadahan ng tingin ang kabuunan ko bago umangat ang gilid ng labi nya. Napayuko ako at dire diretso na sa paglalakad. Rinig ko din ang pagbukas sara ng gate nila marahil ay hudyat iyon ng pagpasok nya sa loob.
Napabuga naman ako ng marahas na hininga. Tinapik tapik ko pa ang dibdib ko dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pagkatawid ko sa kabilang kalye ay syang pagtunog ng cellphone ko.
Emoji:
Suplada
Napapikit ako ng mariin at kinagat ang labi ko. Huminga ako ng malalim bago tinago ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko. Mukha talaga syang Emoji!