Chapter 2

1701 Words
Chapter 2 Mr. Snob Eat and run. Iyon talaga ang ginawa ko pagkatapos kong makikain sa birthday ng pinsan kong si Andrew. Tumakas na din ako sa inuman. Paniguradong raratratin ako ng mga pinsan ko sa ginawa kong pagtakas. Actually, hindi naman kasi ako tumakas talaga. May sisilipin lang ako. Napagpasyahan kong maupo sa may ilalim ng puno doon sa may tapat ng simbahan. Nilabas ko ang cellphone ko at sinilip kung may text ba akong natanggap. Mula sa cellphone ko ay inangat ko ang tingin ko sa maingay sa bandang kaliwa ko. Doon nakita ko iyong dalawang kaibigan ni Emoji. Dalawa silang nakaupo sa mga motor nila. Binagsak ko din agad iyong mata ko sa cellphone ko at binuksan ko ang data connection. Sunod sunod na tumunog ang messenger ko. Karamihan ay galing sa mga kaklase ko at iyong isa, galing kay Eli. Kung ano ano na naman kinekwento sa akin. Nakita ko ding online si Emoji, pero pusta kong hindi na magchachat iyon dahil sa hindi ko pagpansin kanina sa kanya. "Solo? Lagi ka nalang solo ah." Tinabihan ako ni Juday, isa sa mga pinsan ko. "Ha? Nagpapahangin lang saglit. Tyaka sanay naman na akong solo." "San si Elizabeth?" "Malay ko doon. Baka nasa boyfriend nya." Sagot ko. "Ikaw? San boyfriend mo?" "Papunta na, kaya nga lumabas ako saglit kina Andrew." "Ah." Sinabayan ko pa iyon ng pagtango. Tumunog ang cellphone nya. "Wait, sagutin ko lang." "Sure." Binagsak ko uli ang tingin ko sa cellphone ko at nakitang tahimik na ang messenger. Nireplyan ko lang si Eli na magkita kami now dito sa may simbahan bago ko pinatay ang data ng phone ko. Pinindot ko din ang lock button. "Sinag, okay ka na ba jan? Iwan na muna kita, nandyan na si Boyfie." Ani Juday sa akin. "Sige, okay lang ako." Kumaway sya at tumakbo na. Napailing nalang ako. Nasakto namang tumama ang mata ko sa labas ng subdivision ng tinitirhan namin. Suot ang isang plain v neck na kulay black at white tokong shorts ay nakita kong palabas si Emoji. Naka-cup sya na kulay black din at naka-tsinelas lang. Hindi naman pansin ang pwesto ko kaya malaya ko syang natititigan. Naglakad sya hanggang doon sa may tindahan. Naputol lamang ang pagtitig ko sa kanya ng tumunog ang cellphone ko. I had to catch my breath when I saw his name appeared in the screen. Emoji: Game? Tyaka ko lang naalala iyong pinagchat namin kagabi. He was asking me if I can join him to drink. Pero teka, ano bang sabi ko nga? Nasapo ko ang noo ko dahil ako pala mismo ang nagsabing ngayong nalang kami. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Hindi ko kasi alam kung papayagan ako ni Mama and what's worst, wala pati akong pera. Hays. Sabado kasi kaya walang allowance. Binalik ko ang tingin ko ang tingin ko sa kanya at nakitang nakikipag usap na sya doon sa bestfriend nyang nakasakay sa motor. May usok na namang umaaligid sa kanya dala marahil ng vape nya. Matapos nilang mag usap ay sumakay sya sa likod ng motor at umalis na sila. Tinago ko nalang ang cellphone ko kasi no use at wala naman akong load, bahala na. Ilang minuto pa bago ko nakita si Eli na tumatakbo palapit sa akin. Basa basa pa ang buhok ng bruha. "Sorry, ngayon ko lang nabasa iyong chat mo." Aniya hustong makarating sa pwesto ko. "So, what's up?" "Inom daw kami ni Emoji." Kibit balikat kong sabi. Pinaikot ni Eli ang buhok nya kaya tumalsik ang mga tubig. "Oh, kailan daw?" "Ngayon." Sagot ko. "Actually, iyon ang pinag usapan namin kagabi." "Naku teh, huwag kang sumama. Alam mo ba ang kasabihang, basta may alak may balak? May balak sayo yang masama!" Nanlalaki pa ang mata nya habang sinasabi sa akin iyon. May pagduro pa. "Ano ka ba! Ang nega mo na, ang judgemental mo pa!" "Nagsasabi lang ako ng totoo! Maanong ayain ka naman nyang kumain man lang, o kaya mamasyal. Pero inom talaga?" Hinawakan nya ang baba nya. "Unless, mukha kang lasinggera sa paningin nya." Humalakhak pa sya. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Magbebreak din kayo ng boyfriend mo." Sabi ko. Napailing sya at natawa uli. "Ay wit! Loves na loves ako noon." Inirapan ko nalang sya. Ilang saglit pa ay tumunog uli ang cellphone ko. Ito namang si Eli ay halos dumikit na ang mata sa screen ng cellphone ko. "Anong sabi daw?" Tinulak ko naman iyong noo nya palayo sa cellphone ko. "Mahadera ka teh." Reklamo nya pa. Hindi ko sya pinansin at binasa ang text na galing kay Eris Jon. Emoji: Are you coming or not? "Emoji. Pfft, kinareer mo pagpangalan sa kanya nun ah." Natatawang ani Eli. "So, anong sabi?" "Kung pupunta daw ako o hindi." "Huwag na. Ano sya kamo, sinesuwerte?" "Hindi ako pupunta?" Tanong ko pa sa kanya. "Gaga ka! Syempre hindi no! Tandaan, basta may alak, may balak." Pumalakpak pa sya. "Halika! Maglakad nalang tayo para madivert ang utak mo jan kay Emoji." Sumunod naman ako sa kanya sa paglalakad na madalas naming gawin nitong nakaraang araw. Panay ang daldal ni Eli habang ako naman ay lumilipad ang utak doon kay Emoji. Iniintay nya kaya ako? O baka naman hindi na. Tumunog uli ang cellphone ko. Busy naman si Eli sa pagbili ng stick o na strawberry. Emoji: Will I wait for you? May balance pa naman ako kaya pikit mata ko syang nireplyan. Ako: Can't come. Sorry. Nakasalubong namin si Juday nang papasok na kami sa sudivision. Inaya nya kaming samahan sya doon sa kaklase nyang broken hearted ngayon dahil sa jow. See? Nakikita nyo ba ang nangyayari kapag may jowa? Puro drama. Tumambay kami doon hanggang sa nagkatakutan na. May umaaligid daw kasi na killer dito sa may amin kaya halos mag unahan na kami pagtakbo. Mga loka loka talaga. "Huy, umupo muna tayo dito sa labas nyo." Hinila ako ni Eli palabas ng gate. "Baka makita tayo ng killer dito, bahala ka." "Asus. Suntukin ko pa sya kamo." Natawa ako sa sinabi nya at naupo na sa tabi nya. "Tapang natin ah. Baka nga kapag nakasalubong mo na iyon, kumaripas ka na ng takbo." "Ha! Try me! Igulok ko pa sya kamo." Sinilip ko ang cellphone ko at nanlaki ang mata ko ng makita kong may isang missed call galing kay Eris Jon. "Samahan daw natin sila Ate. Maglalakad." Biglang sulpot ni Juday. Tumayo na kami ni Eli at sumama kina Juday maglakad. In case daw na makasalubong namin iyong killer ay madami naman kami at makakatakbo agad. Panay pa din ang kwento ni Eli, mostly puro sa boyfriend nya. Nakisali pa itong si Juday, palibhasa mga relate sa isa't isa. Nauuna iyong ate ni Juday habang humihithit ng yosi. Nakarating kami doon sa bahay ng Tita namin lampas sa may simabahan. May kinuha lang si Jen bago kami naglakad uli pabalik sa amin. This time nahuhuli na ako dahil talagang binagalan ko ang lakad ko. Nakikita ko kasing sa may bandang labas ng subdivision ay may mga nakahilerang motor na alam kong mga kaibigan ni Emoji. So stupid, Sinag! Act cool. Wala silang pakialam sayo kaya dapat wala ka ding pakialam sa kanila! Got that? Sinubukan kong makisabay kina Eli sa paglalakad. Nagulat pa ako nung sikuhin nya ako at pinanlakihan ng mata. Noong una, hindi ko ma-gets pero kalaunan ay nakuha ko din. Binaling ko ang tingin ko sa harap at nakita ko doon si Eris Jon na nakatayo malapit sa gate nila. Nagtama ang paningin namin, bumuga sya ng usok mula sa vape nya at napangisi nalang. Napaayos ang tayo ko ng maglakad sya. At assuming na kung assuming pero akala ko talaga palapit sya sa akin pero hindi pala. Straight face lang sya nang lumampas sa may banda ko. Ni hindi sya sumulyap. Eh teka nga, ano bang pakialam ko? Dapat wala diba? Dapat wala! "Ay snob ka? Hindi mo kasi pinuntahan eh." Sinamaan ko ng tingin si Eli dahil sa pinagsasabi nya. "Tumahimik ka nga jan." Tinawanan lang ako ng bruha. Okay, ang galing talagang kaibigan ng isang to. Bumilang ako ng limang beses bago ako sumulyap sa likod. Nakatalikod si Emoji sa akin. Hays. Nagalit ba sya kasi hindi ako sumipot sa usapan namin? Nakapalumbaba ako habang nakatitig sa cellphone ko. Nakauwi na kaming lahat sa bahay. Halis malowbat na nga ang cellphone ko dahil sa data pero wala pa ding chat na dumadating galing kay Emoji. Nagalit nga ata. Ikaw naman kasi Sinag. Dapat hindi ka nagbibitaw ng salita kung hindi mo naman tutupadin. Marahas kong ginulo ang buhok ko. "Bahala na nga." Nagsend ako ng chat sa kanya kasi nakita ko syang online. Sinag Aguilar: Uy. Seen 11:30pm Aruy! Ang taray, sineen lang ako. Sinag Aguilar: Seen 11:33pm Atleast tinitingnan nya. Grabe! Ano bang nangyayari sa akin? Pinatay ko na ang data ng cellphone ko at nagtoothbrush muna bago matulog. Pinatay ko na din ang ilaw sa sala bago pumasok sa kwarto ko. Patalon akong nahiga sa kama ko saktong pagtunog ng cellphone ko. Emoji: Wer you? Kumalabog ng mabilis ang puso ko. Ako: Kwarto, patulog na. Y? Inabot ng limang minuto ang pagreply nya. Emoji: Wrong send. Sumimangot talaga ako matapos kong mabasa iyon. Ah! Ganun ha! Padapa akong nahiga sa kama at binuksan ang messenger ko. Pumunta ako sa conversation namin at pinalitan ang nickname nya. Mr. Snob Seen 12:00am Sinag Aguilar: Psh. Eris Jon Lausingco: Bakit? Sinag Aguilar: Wala. Eris Jon Lausingco: Ok. Napisil ko ang cellphone ko dahil sa inis. Hay naku! Matulog ka na nga Sinag! I was shocked in horror when I saw that I accidentaly send him a chat. Sinag Aguilar: Hay! Matulog ka na nga. Kapag dinelete ko to, hindi naman mabubura talaga lalo na't na-seen na nya. Oh god! Eris Jon Lausingco: Later. Wala ako sa bahay. Napataas ang kilay ko. At kahit anong pigil ko ay nakapagreply ako. Sinag Aguilar: Nasan ka? Past midnight na. Eris Jon Lausingco: Nasa bayan. Stop! Stop right there, Sinag! Huwag ka ng magreply pa! Matulog ka na! I exited on my messenger and open my twitter application and tweeted something. @_sunshine: What is happening to you, self? Napa-face palmed nalang ako. Godness!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD