Chapter 3
OJT
Finally, approved na ang ojt ko sa Lausingco Hotels. Syempre, excited ako. Sino bang hindi?
Sa sabado ako aalis para magtungo sa may Makati kung saan nandoon ang main branch ng Lausingco Hotels. Nag usap na din kami ni Mama na kay Auntie muna ako titira pansamantala. Habang si Elizabeth ay doon sa pinsan nya.
Thursday palang pero excited na excited na ako. Todo impake na nga ako, si Mama naman ay panay ang bilin sa akin. Panay nalang din ang tango ko sa kanya.
Matapos kong mag impake ay nahiga muna ako sa kama. Inabot ko iyong cellphone sa may drawer sa tabi ko.
"'Nak, alis muna ako." Katok ni Mama.
"San ka, Ma?"
"Sa palengke. May ipapabili ka pa ba?" Umiling nalang ako. "Osya, itext mo ako kung may problema ha."
Nagthumbs up ako sa kanya at kumaway na. Pagkaalis ni Mama ay tumayo ako para bumili ng makakain ko sa labasan. Nagutom ako bigla.
Paglabas ko ng kwarto namin ni Ate ay tahimik ang buong bahay. Wala kasi si Kuya, nasa trabaho nya. Si Ate naman, ayun naghahanap daw sya ng trabaho. If I know, nasa mga kaibigan nya iyon.
Kumuha ako ng trenta pesos sa tabihan ni Mama ng pera. Hindi naman nya bilang iyon kaya okay lang. Sinipat ko muna ang suot ko sa salamin namin sa sala bago ako lumabas. Inayos ko ang shorts ko at iyong pagkakatuck-in ng low back top ko.
Pagkalabas ko sa gate namin ay syang paghipan ng malakas na hangin kaya sumabog sa mukha ko ang nakalugay kong buhok. Sinikop ko iyon at nilagay sa kaliwang balikat ko.
Tinakip ko ang isang braso ko sa bandang ulo ko bilang panangga sa init ng araw. Pasado alas tres na, pero ang init ng araw ay tirik na tirik pa. Pagkaliko ko sa kanto ay syang biglang pagdahan dahan ng lakad ko.
Napakunot ang noo ko. Ano ba ngayon? Thursday? Teka, bakit nandito si Eris Jon? Palihim kong kinurot ang sarili ko. Eh, ano bang pakialam ko kung nandito sya? Wa akong kiber.
Dahan dahan talaga ang ginawa kong lakad. Huminga pa ako ng malalim at sinigurado kong wala akong pakialam sa presensya nya.
Hindi pa sya nalingon sa banda ko, nakatalikod sya at humihithit sa vape nya. From the looks of him habang nakatalikod ay hindi ko maiwasang punahin ang bulto ng katawan nya. Hindi ito sobrang taba, hindi din sobrang payat. Kumbaga, katamtaman lang. From his broad shoulders down to his bicpes na talagang nag uumigting kapag gagalaw sya. Ang buhok nyang medyo magulo gulo.
So far, gusto ko talaga ang itsura nya ngayon kesa noon na, mukhang hiphop na jeje. Natawa ako sa naisip ko dahilan ng pagsulyap nya sa bandang likod nya at nagtama nga ang paningin namin.
I harshly swallowed before avoiding his eyes gaze. Kahit hindi na ako nakatingin sa kanya I can almost feel him smirking. Gaaah!
Saktong tumapat ako sa kanya ay syang pagbuga nya ng usok mula sa paghithit ng vape nya. Sumabog ang amoy ng strawberry flavored sa akin. Agad ko syang sinamaan ng tingin dahil alam kong sinadya nya.
He softly chuckled after recieving my death sharp glare.
"Ang suplada talaga..." He murmured pero kinig na kinig ko.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa labasan. Tumawid ako at nagtungo sa stall kung saan nakakabili ng siopao or di kaya'y siomai.
Bumili ako ng isang malaking siopao at dalawang maliit. Pagkatapos kong bayaran iyon ay umamba na akong tatawid. Kinagatan ko muna iyong isang maliit na siopao bago tuluyang tumawid.
Pinaliguan ko ng sauce iyong kalahati nung isang siopao bago ko pinasok sa bibig ko. Doon ko muling nasalubong ang mata ni Ej na nakatingin sa akin. Biglang nakaramdam ako ng ilang dahil sa nakita nyang ginawa kong pagsubo sa siopao.
Nginuya ko iyon habang naglalakad na. Naglumikot ang mata ko, at pakiramdam ko ay namumula ang magkabila kong pisngi.
"Pst."
Nilingon ko sya saglit. Kitang kita ko ang amusement na naglalaro sa mata nya habang nakatingin sa akin.
"Hinay hinay sa pagkain." Aniya.
Inamba ko sa kanya iyong plastic kung nasaan iyong siopao.
"Gusto mo ba?"
He shooked his head. "No, thanks. Baka kulang pa sayo iyan."
Ngumuso ako at nagkibit balikat tyaka nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad na ako palayo, Pakiramdam ko pa ay mabubutas ang likod ko sa uri ng pagtitig nya sa akin. Wala sa sariling naisamual ko uli ang isang maliit na siopao.
--
"Mag iingat ka dun ha. Sinasabi ko sayo, Sinag." Bilin ni Mama.
"Si Mama baga. Opo, hindi na ko bata."
Inirapan ako ni Mama. "Binibilin ko lang."
Sinarado ko na ang maleta ko at nilapitan si Mama para yakapin ng mahigpit.
"Ma, mag iingat ko dun. Tyaka hindi ako tatanga tanga." Sinundan ko iyon ng tawa.
"Aba dapat lang." Pinulupot pa ni Mama ang mga braso nya sa baywang ko. "Mamimiss ko iyang kaingayan mo dito sa bahay."
"Si Mama ba! Nagdadrama pa." Hinalikan ko ang pisngi nya ng pinong pino.
"Osya at ika'y mag ayos na mamaya lang ay nandyan na si Elizabeth. Paghihintayin mo na naman iyon."
Tinulak ako ng mahina ni Mama papunta sa labas ng kwarto ko. Sinabit nya pa iyong towel ko sa leegan ko.
Natawa ako ng bahagya. Inabot nya pa ang shampoo at colgate sa akin. Ngumuso ako, ginulo naman ni Mama ang buhok ko.
Inabot ako ng halos kalahating oras sa banyo. Naririnig ko pa nga si Eli sa labas. Nagmumug na ako at naghilamos. Pinulupot ko sa katawa ko ang towel ko at bahagyang ginulo pa ang mamasa masa kong buhok.
"Finally! Akala ko jan ka na tutulog sa loob." Pagkalabas ko ay boses agad ni Eli ang narinig ko.
"OA ka." Irap ko.
"Sexy natin ah."
Nagkibit balikat ako at nagkagat labi sa kanya. Nakaupo sa sala si Eli habang kumakain ng chiffon cake na ginawa ni Mama.
"Inggit ka?"
"Asa." Aniya. "Pakibilisan ha! Tanghali na tayo."
Pinilantik ko sa kanya iyong buhok ko at Oa naman syang tumili ng mabasa. Napailing nalang ako at binilisan ang pagbibihis ko.
Isang polo shirt na parang maong ang sinuot ko at denim high waisted pants. Sinuot ko din ang white wrist watch ko at iyong silver ring ko sa index finger ko. Naglagay lang ako ng liptint at kaonting blushed on. I perfect my eyebrow bago pa kumatok si Eli sa kwarto.
"Oo na!"
Niligpit ko ang lahat ng gamit ko at nilagay sa make up pouch ko. Sinilid ko iyon doon sa shoulder bag ko. Nagspray na din ako ng pabango bago ko sinakbit ang shoulder bag ko.
"Ang tagal ha. Nagpaganda ka ba masyado?" Tinaasan ako ng kilay ni Eli.
"Sadyang maganda na ako."
Hinila ko na ang maleta ko at hinanap si Mama. Wala na naman iyong dalawang kapatid ko, busy sila sa mga buhay buhay nila.
"Ma aalis na kami."
"Oh! Di ko na ba kayo ihahatid?" Sumungaw ang ulo nya mula sa kusina.
"Huwag na, Ma. Magdedeliver ka pa ng mga cakes diba?" Nilapitan ko sya para halikan sa magkabilang pisngi
"Mag iingat kayo. Magtext ka agad sakin kapag nakarating na kayo dun ha."
Pabiro akong sumaludo kay Mama na ikinatawa nya. Humalik uli ako sa kanya, maging si Eli ay humalik kay Mama. Kumaway ako kay Mama bago kami tuluyang lumabas sa bahay.
Inabot ng apat at kalahating oras ang biyahe namin bago kami nakarating sa Manila. Naghiwalay kami ni Eli dahil pagod na daw sya at didiretso na sya sa bahay ng pinsan nya. Kumaway ako sa kanya at sumakay na ng jeep patungo sa bahay ni Auntie.
Pagkarating ko sa bahay ni Auntie, it's locked. Ugh!
Sinandal ko muna iyong maleta ko sa gilid ng gate doon at kinuha ang cellphone ko. Ititipa ko palang sana ang number ni Auntie nang biglang mag-appear ang pangalan ni Mama sa screen.
Hindi ko naiwasang mapairap. Itong si Mama, akala mo naman kung anong nangyari sa akin eh magkatext naman kami buong biyahe.
"Ma."
[Nasan ka na? You didn't reply.]
"Nandito na ko, Ma. Actually, tatawagan ko si Auntie kasi sarado sa bahay nya."
[Oh,]
Napanguso ako at nakita iyong anak ni Auntie na lalaki na bumababa sa tricycle.
"Ma, nandito na pala si Liam. Call you later."
I blew a kiss then hang up the call.
"Ate?" Lumapit sakin si Liam at hinalikan ako sa pisngi. "Ang akala namin sa monday ka pa?"
"Nagtext ako kay Auntie, sabi ko saturday nandito na ko."
"Hays. Alam mo naman iyon, busy." Natatawang ani Liam. "Let's go inside. I know your tired."
I batted my eyelashes at him.
"Oh, I'm more than that, Li."
Natawa sya at binuksan na ang bahay. Sya na ang nagbuhat ng maleta ko papasok.
"Where have you been?" Tanong ko pagkaupo ko sa sofa.
Tinapat nya ang electric fan sa akin.
"Jan lang."
Umayos ako ng upo sa sofa at ipinuyod ang buhok ko. I eyed him.
"Hmm.. Have you been on a date?"
"Ate naman!"
Humalakhak ako.
"Just kidding." Kinindatan ko sya.
"Ate talaga." Aniya. "Mag iinit lang ako ng pagkain."
"Ah! Yes! Thank you Li."
Hinubad ko ang sapatos ko at pinatong ang paa ko sa lamesa. Nakakapagod pala ngayon.
Nang matapos si Li na mag init ng pagkain ay tinawag na nya ako. Sabay kaming kumain, nagkwento din sya sa buhay buhay dito sa Manila kesa sa probinsya.
Sya na din ang naghugas ng mga pinggan at binilinan lang akong magpahinga na doon sa isang kwarto na hinanda talaga ni Auntie para sa akin.
Bandang alas syete ng umaga na ako nagising kinabukasan. Nagbawi lang ako sa tulog dahil kapag nagsimula na ang ojt ay tiyak na mahihirapan ako nito. Tinext ko si Eli na magkita kami sa Lausingco Hotels ngayon para iaabot namin ang mga requirements at sa Monday start na kami.
Bumaba na ako sa kusina pagkatapos kong mag ayos. Nakasalubong ko pa si Liam sa may bakuna ng kusina.
"Oh, gigisingin na sana kita." Aniya.
Pinisil ko ang pisngi nya. "Good Morning."
Tinabing naman nya iyong kamay kong nakapisil sa pisngi nya.
"Kakain na daw."
Ngumuso ako sa inakto ni Liam. Ayaw nya kasing pinipisil talaga sa pisngi nya. Nagmumukha daw siopao.
"Magandang umaga!" Bati ko.
Nilapitan ko si Uncle para magmano, hinalikan ko naman si Auntie sa pisngi nya. Pagkatapos ay naupo na ako sa tabi ni Liam.
"Kailan ba ang simula mo sa ojt?" Tanong ni Uncle matapos nyang sumimsim sa kape.
"Bale bukas pa po. Iaabot ko lang itong requirements sa Lausingco Hotels."
"Lausingco Hotels? Aba'y doon ka pala mag-o-ojt. Sikat na hotel iyon ah." Ani Auntie.
"Kaya nga po. Buti at pinalad akong matanggap doon."
Sabay sabay kaming kumain. At pagkatapos ay nagpaalam na ako kina Auntie para bumiyahe na.
Nasa jeep na ako nang matanggap ko ang text ni Eli na pasakay palang daw sya. Naku, pag aantayin na naman ako nito. Abot abot na kaba ang naramdaman ko ng marating ko na ang mismong Hotel. Talagang nakakalula iyong tignan dahil halos aabot ng tatlumpong palapag ang itaas noon.
Binati lamang ako nung guard na nandoon. Hindi ko na naman maiwasang malula nang makapasok na ako sa mismong hotel. Hindi ko maipagkakailang five star hotel nga ito at may nakikita pa akong ilang mga sikat na artista ang nagpapagala gala sa lobby.
Binawalan ko muna ang sarili ko sa pagkakatulala at tinungo ang reception desk.
"Hi. Good Mornig!" Bati ko doon sa babae. "Ako po iyong isa sa mga nagrequest ng ojt dito sa hotel."
"Ah. Okay, follow me please."
Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa opisina ng manager nila. Hindi ko na inantay si Eli, sumunod nalang sya.
"Good Morning, Sir Earl." Bati nung babae doon sa lalaking nakasalamin. "Ito na po iyong isa sa mga nag-apply ng ojt sa Hotel."
Lihim akong napasinghap nang mag angat ng tingin iyong lalaki. Sya iyong katapid ni Eris Jon. Jusko, hindi ko inaasahang makikita ko sya dito ngayon. Ang ganda ng araw ko.
"Alright. Have a seat." Iminuwestra nya ang upuan sa harapan nya. "May kasama ka pa ba? Para sabay ko na kayong kausapin."
Damn those baritone voice. Ay! Ang harot, Sinag! Behave.
"M-meron pa po."
Tumango sya at sumandal sa swivel chair nya.
"Okay. We'll wait."
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Eli. Bineso nya ako dahilan para matawa ako kasi tumikhim si Sir Earl sa harapan.
"Ay sorry po. Nakasanayan lang." Nag-peace sign pa ang loka.
"It's alright. So you two know each other?"
Sabay kaming tumango ni Eli. Umayos ng upo si Sir Earl at bahagyang tumagilid ang ulo nang may kinuha sa drawer nya. Sa parteng iyon, nakuha nya ang itsura ni Eris Jon. Magkamukha silang dalawa. Though Ej has a strong features, while Earl has the soft one. Parehong mukhang playboy, and I guess, It's run in their bloods. Mostly mga pinsan nila, makikita mong playboy dahil talagang habulin ng mga babae.
"So far, kayo na ang huli sa mga nag-apply ng ojt para sa hotel." Tumikhim sya. "I hope you do your jobs well. Okay, enjoy."
Inabot lang namin iyong mga requirements kay Sir Earl. Pagkatapos ay sinabihan na bukas ay magsisimula na kami.
Nagpasalamat kaming dalawa ni Eli sa kanya bago kami tuluyang lumabas sa pinto.
"Sinag?"
Nag-hang iyong paghakbang ko maging si Eli. Alangan ko syang hinarap.
"Po?"
Natawa sya. At tuluyan na nga akong nahimatay sa kinatatayuan ko. De joke. Ang pogi kasi.
"Paki-kamusta ako sa kuya mo." He chocky said.
Napangiti ako. "Ay sigesige. Mauna na kami."
"Alright, ingat."
Nang makalabas kami ng opisina ay agad agad na hinablot ni Eli ang buhok ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Problema mo?"
"Ganda mo kasi. Kilala ka din nung manager?"
Umikot ang mata ko sa ere. "Sabi ko naman sayo, barkada ni Kuya iyong magpipinsan na Lausingco."
"Ikaw na! Ginalingan mo."
"Ikr." Humalakhak pa ako.
Lumakad na kami at nagpasalamat sa reception desk.
"Sinag, hintayin mo nga ako. Naiihi na kasi ako."
"Oo na. Bilisan mo ha!"
Kumaway sya at tumakbo papasok doon sa restaurant na nasa ground floor ng hotel. Sinamantala ko naman iyon para ikutin ang kabuuan ng hotel. Partida at nasa ground floor palang ako, what more kung nalibot ko na itoooo! Waaah! Parang nasa heaven ako. I never expect that this would come.
Nangingiting kinuhaan ko ang sarili ko ng picture dito sa ground floor. Iinggitin ko lang naman si Rain, for sure nababagot iyon doon sa pinag-o-ojt-han nya.
Matapos kong isend sa kanya iyon ay nag-angat ako ng tingin. Saktong bumukas ang pinto ng elevator at nagtama ang mata namin ni Emoji. I hitched my breath upon recieving those deep eyes of him.
He's wearing a white buttondown longslevees na nakatupi hanggang siko, close neck at formal na formal ang itsura nya.
His eyes never leave mine. Napalunok ako. His eyebrow raise and even the side of his lips lifted for an amuse smirked.
Emoji waved not sure if it was for me. Kaya parang tanga na tinuro ko ang sarili ko. He softly chuckled na kinataka mg kasama nyang babae, probably his secretary.
Nang mahagilap ko ang sarili ko ay tumalikod ako at malalaking hakbang ang ginawa para makarating sa may labas. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Whut?
"Huy! Anyare sayo?" Tinulak ni Eli ang balikat ko.
"Wala."
"Ay may hint ako." Hinawakan nya ang baba nya at hinimas himas. "Nakita mo si Emoji no? Nakita ko sya eh, kausap iyong nasa reception desk."
Sa sinabing iyon ni Eli ay mabilis akong napabaling sa loob ng hotel. Nanlaki pa ang mata ko dahil nakadirekta dito sa pwesto ko ang mata ni Emoji. Mabilis na hinila ko na si Eli palayo doon.
Pasakay na kami ng jeep ng tumunog iyong cellphone ko. Pikit mata kong sinilip kung sino iyon. Napabuga nalang ako ng hangin right after kong mabasa iyong pangalan.
Emoji:
So you choose our hotel for your ojt?