Chapter 4

2089 Words
Chapter 4 Chat Heads Eight o'clock ang call time ng ojt ko. Alas sais palang gising na ko. Napangiti pa nga ako dahil nabungadan ko si Auntie sa kusina. Tumikhim ako. Nilingon nya ako at nginitian. "Magandang umaga!" Bati ko sa kanya. "Maupo ka na at malapit nang matapos na ito." Tumango ako at naupo na sa dinning table doon. Hindi nagtagal ay pumasok na din sa kusina si Uncle na kasunod si Liam. Sabay sabay kaming kumain ng almusal at pagkatapos ay si Auntie na din ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Agad naman akong nagready para sa pang-ojt ko. Ngayon palang ibibigay ang uniform namin para sa Hotel. Nagsuot lang ako ng denim skirt na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod ko, at isang dark green v neck na tshirt. Tinuck-in ko iyon at nilugay ang mamasa masa ko pang buhok. Seven thirty ay bumibiyahe na ako papunta sa Lausingco Hotels. Nakatanggap din ako ng text galing kay Eli na papunta na din daw sya. Hindi naman ako nahirapan at agad akong nakarating sa Lausingco Hotels. Tulad nung una kong punta dito ay talagang kulang nalang ay malaglag ang panga ko sa pagkamangha ng Hotel na ito. Sinalubong ako ng isang babae, iyong babae na nakita kong kasama ni Ej noong nakita ko sya kahapon. Nginitian nya ako at inabot ang magiging uniform ko. Base sa calculate ko, dapat alam at masterl namin ang ginagawa nilang lahat. Pinagpagan ko ang laylayan ng pencil cut skirt na suot ko. Umabot nang hanggang ibabaw ng tuhod ko -- one inch. Maroon ang kulay niyon at ang pang itaas naman ay simple lang na nay halong kulay itim sa may bandang butunes at sa may laylayan ng manggas. May maliit na handkerchief na kulay itim ang nakapulupot sa may bandang leegan ko. I tied my hair into a clean cut french twist. I took a deep breath right after fixing myself. Lumabas na ako ng locker room at nakita ko ang ibang intern dito na halos schoolmate ko ang lahat. Busy na sila sa ginagawanilang mga assign task. Inayos ko ang buhok ko at lumakad na papunta sa fifteen floor para sa gagawin ko. Sa ngayon, focus muna ako sa kung paano ang housekeeping ng bawat floor ng Hotel. "Sinag! Sinag!" Napahinto ako sa ginawang paghakbang nang maulingan ko ang pagtawag ni Capri sa akin. Isa sa mga kaklase ko na intern din dito. "Oh, bakit?" "Ano, nakalimutan kong sabihin sayo na iyong name plate mo ay nasa opisina pa ni Sir Earl. Hindi ko na nakuha kasi nagmamadali na din ako." Sinaluduhan ko sya. "Ako na ang kukuha. Salamat." "Oh sya. Magtutungo na ako sa Restaurant." Pinagmasdan ko sya. Hindi na tuloy ako makapag intay na sa Restaurant naman mapunta. Kung bakit ba naman kasi na ang nakuha kong una ay sa house keeping more like room keeping service. Ganito ba kahirap ang ojt? Inayos ko ang postura ko at pinagpatuloy na ang paglalakad. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang mismong opisina ni Sir Earl. Pagkatunog ng elevator ay lumabas na agad ako at tinungo ang double doors doon. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Nakayuko pa ako, dala ng paggalang. "Ahm.." Tumikhim ako saglit. "Sir Earl, iyong ano po.. iyong.." "Iyong ano, Miss Aguilar?" Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng tubig na maraming yelo nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. Parang tanga na sinarado ko ang pinto sa likod ko. Mas niyuko ko pa ang ulo ko, nagtatalo kung haharapin ko ba sya o hindi. "Si S-sir Earl po?" God Sinag! Ano bang nangyayari sayo? "Ganyan ka ba makipagusap sa mga boss? Naka-yuko?" Ramdam ko ang nanguuyam nyang boses. Huminga ako ng malalim at inangat ang ulo ko. Kaagad na nagsalubong ang mata naming dalawa dahilan para magwala ang puso ko. "What can I do for you, Miss Aguilar?" He crossed his arms. Nakasandal sya sa table ni Sir Earl. Wearing his gray buttondown longsleeves na nakabukas ang dalawang butunes. Bahagyang magulo ang buhok nya. He looked formal and too sexy for my eyes. Whut? "I-iyong nameplate k-ko po sana." Damn, why do you have to stammer, ha self? Pinasadahan nya ng tingin ang kabuunan ko at hindi ko naiwasang mamula ng pisngi ko. I know, the unifrom doesn't fit me. "Hindi ko alam kung saan nakalagay. Let's just wait for Earl." Tumango ako at lihim na nagdasal na sana ay dumating na agad si Sir Earl. Kasi naman, nararamdaman ko na ang awkward air sa kabuunan ng opisina. "Have a seat first, Miss Aguilar." Itinupi nya ang sleeves hanggang sa may siko nya. "Or do you prefer me calling you, Sinag?" "Ahm, k-kahit ano po, S-sir." He chuckled and motion me to the sofa. "Take a seat, Sinag. And please, drop the Sir. It's too formal." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tahimik na naupo sa sofa na nandoon sa loob ng office. Panay ang likot ng mata ko dahil ayoko syang titigan. At base sa init ng titig nya ay pakiramdam ko pa mabubutas ang pisngi ko. I heard him cleared his throat. Pinisil ko naman ang mga daliri ko. "Sinag--" Naghang ang kung ano man ang sasabihin nya ng bumukas ang pinto at niluwa noon si Sir Earl. Napa-thank god talaga ako. "Ow, Sinag?" Gulat nyang tugon ng makita ako dahil sa mabilisang pagtayo ko. "Sir Earl, k-kukunin ko lang p-po iyong n-nameplate ko." I bit my inner cheek to stop me from stammering. Damn it. "Yeah. Nalimutan kong isama sa plastic ng uniform mo." Ani Sir Earl. "Wait a second." Tinapik nya lang ang balikat ng kapatid nya at nagtungo sa lamesa nya. Yumuko at may kinuha. Matapos niyon ay inabot nya sa akin ang nameplate ko. "Here you go, Sinag. Nice and clean." Nakangiting sabi ni Sir Earl. "Thank you, Sir. And sorry for disturbing." Alangan kong sabi kasi naman nakatitig pa din si Emoji. "No. No worries. Have a great day, Sinag." Tumango nalang ako at tumalikod na. Nang makalabas ako ng mismong opisina ay bumagsak ang balikat ko. Pero hindi naman mapuknat ang ngiti sa labi ko. Can you imagine that? Nakasama ko lang naman ang dalaw akong crush sa isang kwartooooo! Waaah! This is heaven! Magdidiwang palang sana ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Earl. At base sa naamoy kong pabango, I know who it is. I kept my posture and walked against the elevator. Naramdaman ko na sya sa tabi ko kaya nag abala akong kinabit ang nameplate ko sa bandang kaliwang dibdib ko. Bumukas ang elevator at agad akong pumasok doon. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nya habang pumapasok din. Kumurap kurap naman ako nang sumara na ang pinto. Tila parang baliw ang butas ng ilong ko dahil nagpiyesta sila sa amoy ni Emoji sa tabi ko. "What floor?" Napalingon ako sa kanya, wala sa sarili. Nakita kong may pinindot sya sa mga numbers doon. "Ah, ano po, fifteen." Pinindot nya ang fifteen at pagkatapos ay tumayo ng tuwid. I would never imagine that Eris Jon will be like this? Mula sa dating Ej na nakakainis, maluwang magdamit, panay na nagloloko sa pag aaral. Papalit palit ng girlfriend, at palaging nasasangkot sa away ay magiging ganito kagalang galang? Well, siguro naisip nya na wala naman syang mapapala sa mga ginagawa nya dati kaya might as well ay naisipan nyang ayusin nalang ang buhay nya. Ganern. Tahimik kami sa loob ng elevator. Pero ang puso ko, walang humapay ang pagtambol sa loob ng dibdib ko. Tinigasan ko ang leeg ko para hindi sya masulyapan pero hindi ko din natiis at agad akong sumulyap sa kanya. Halos mapatalon ako dahil saktong paglingon ko ay nasalubong ko ang mata nya. Nakatitig na naman si Emoji sa akin, unti unti ay namula ang pisngi ko. He softly chuckled again. "Ang cute mo." Aniya. Mas lalong namula ang pisngi ko kaya tinapik ko iyon. "How are you by the way?" "O-okay lang." "Hmm.. You never considered my invites." "B-busy sa school eh." Tumango sya. Sinilip ko naman kung ano na ang number ng floor. Fourteen na. Kaya umayos na ako ng tayo. "When is your free time?" Tanong nya pa uli. Tumunog ang elevator hudyat na nasa fifteen floor na kami. "I have to go, Sir. Have a good day." Tumango ako at ngumiti bago lumabas ng elevator. Walang lingon na naglakad ako sa storage room. Panay ang buntong hininga ko. Whut? Whut? Iyong puso ko! Damn! Emoji! Eight to Eight ang oras ko sa ojt. Nakita ko nga si Eli, pero hindi kami magkasama sa grupo. Sabay naman kaming maglunch kanina. "Thank you." Ani noong huling kwarto na pinuntahan ko. Naghummed ako at inayos ang mga gamit na dala ko. Doon ko na daw ito ididiretso sa ground floor sabi ni Ma'am Debra--iyong nag aasist sa amin. Buti nalang at hindi ko na naka-encounter pa uli si Emoji. Though, panay ang silip ko sa kanya. Seryoso sya sa trabaho nya, at makikita mong desidido talaga. Matapos kong maayos iyong mga gamit ay nagtungo na ako sa locker room para magpalit. Una kong sinilip ay iyong cellphone ko. Wala namang bago. Binuksan ko din ang messenger ko para ichat si Eli, alam kong dala naman nito ang cellphone nya, nakasingit sa bra nya. Nagpadala lang ako ng message na mauuna na akong umuwi sa kanya. Pagkatapos ay pinatong ko iyon sa loob ng locker ko at kinuha na ang damit ko kanina tyaka nagtungo sa banyo para magpalit. Pagbalik ko ay maingat kong sinilid sa shoulder bag ko iyong tiniklop kong uniform, kailangan kong labhan iyon dahil napawisan naman ng konti. Sinarado ko na ang locker ko at sinakbit ang bag sa balikat ko. Inilugay ko ang buhok ko at sinuklay gamit ang daliri ko. May nakasalubong pa ako sa mga kagrupo ko. Nagpaalam ako sa kanila at binigyan pansin ang cellphone ko. May chat galing kay Eli, oh diba, sabi ko sayo dala dala nya ang cellphone nya. Elizabeth Perez: Oo na. Sabay naman tayo bukas, palagi mo kong iniiwan eh. Natawa ako dahil naiimagine ko ang itsura nya habang tinitipa iyon. Sinag Aguilar: Bilisan mo kasi kumilos minsan no? Ang bilis na na-seen ni Eli iyon at agad na nagtipa ng sagot. Elizabeth Perez: Palibhasa, gustong gusto na makita si Emoji. Ay naku, huwag ako, Sinag! Natawa ako at napailing sa reply nya. Tinanggal ko ang chat heads nya sa screen at ang laking sagabal. Pinindot ko naman ang twitter application at hinintay nagloading. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa hindi kalayuan si Emoji na may kausap ata na guest. Hay. Okay na, umuwi ka na, nakita mo na ang Emoji. Tumunog ang messenger ko at may lumabas na chat heads. Kaso sa bagal ng data ko ay wala pang picture na nalabas doon sa bilog. "Huy, out ka na? Buti ka pa!" Ani noong isa pang kaklase ko sa akin. "Ilang oras ka nalang diba? Waiting mo na iyon." "Antok na akooo!" Natawa ako sa reklamo nya. Nagpaalam na din sya agad. Nagvibrate ang cellphone ko at may dumating na naman na chat galing pa din doon sa chat heads na hanggang ngayon ay wala pang picture. Pinindot ko iyon at hinintay magloading. Lumakad na din ako palabas ng hotel at tumambay sa may labas para maghintay ng tricycle kung may papasok sa loob. Pagbagsak ko ng mata ko sa cellphone ko ay nabasa ko ang pangalan agad ni Emoji na sya pala iyong nasa chat heads. Eris Jon Lausingco: Are you done? Need a ride? Seen. Agad kong inuli ang paningin ko at nakita ko syang nakatayo na may gitna ng looby habang nakatitig sa akin. Winagayway nya ang cellphone nya nang mapansin ang pagtingin ko sa pwesto nya. Eris Jon Lausingco: Ano na? Umiling ako at mabilis na naglakad palayo sa hotel. Ayoko, ayokong magpahatid sa kanya. Ayokong makulong na naman kami sa isang lugar na kami lang. Baka this time mahimatay na ako sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Tinanggal ko na ang chat heads pero umultaw pa din iyon dahil may dumating na chat uli galing sa kanya. Eris Jon Lausingco: Tss. I'll take you home. Sinag Aguilar: Huwag na. I can manage. Pinatay ko ang data connection ng phone ko at pinindot ang lock button tyaka sinilid sa bag ko. Tuluyan na akong nakalabas ng area ng Lausingco Hotels. Pumara ako ng tricycle at agad na sumakay. Woh! That was close!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD