Chapter 5

2193 Words
Chapter 5 Dinner So far, nag eenjoy naman ako sa OJT. Madami din akong nalaman sa Lausingco Hotels. Itinayo pala ito noong 1977, hindi pa ganitong kaganda ito. Pero ngayon, madami na silang branches sa iba't ibang parte ng pilipinas. Iyong mga pinsan ni Emoji ang naghahandle noon, courtsey of his Lola Yolanda Auriella Lausingco also known as Lola Yolly. I've never met his Lola pero ayun sa mga sabi sabi sa lugar namin, mabait daw iyon at talagang malapit ang mag pipinsang mga Lausingco doon. But I remembered one time na na-encounter ko si Lola Yolly, iyong time na nagorder sya ng apat na chiffon cake kay Mama noon. Masasabi kong mabait nga iyong Lola nila. "Paki-aarange naman ng mga ito, Sinag. Tapos kapag ayos na, pwedeng pakiabot kay Sir Eris?" Ani Dada, iyong secretary ni Sir Eris. "May ginagawa ka ba?" Actually, katatapos ko lang gawin iyong tasks ko. Pero... "Ayos lang ba? May report kasi akong tatapusin para kay Sir Earl." Gusto ko sanang sabihin na ako nalang iyong manggagawa ng report, ang kaso hindi naman ako marunong. Kaya. "Sige." Tinaggap ko na iyong folder na dala nya. Kulang nalang mapapalakpak sya at magtatalon dahil kitang kita ko na mababawasan na ang trabaho nya. "Salamat, hindi naman nagmamadali si Sir Eris jan so matatapos mo iyan bago mag three pm." Tumango nalang ako at iniwan na nya ako. Pumasok ako sa locker ng mga ojt's. May lamesa doon kaya doon ko nalang aayusin itong mga ito. Medyo mahirap pala, kaya halos maduling duling ako sa pag aayos. Saktong alas dos y medya ko natapos ang pag aayos ng mga finance paper na ito. Ayaw ko man pero automatikong kumilos ang mga kamay ko para kunin ang pouch bag ko at mag ayos ng sarili ko. s**t, really Sinag? Nang matapos ako ay binuhat ko na iyong folder at kinipkip sa may dibdib ko. Mahirap na baka magkalat na naman. Ang hirap kayang ayusin nito. Pinindot ko ang number ng floor ni Emoji este Sir Eris pala. I bit my inner cheeks to stop me from getting nervous. Panay din ang buntong hininga ko. Ting! Lalong dumamba ang kaba sa dibdib ko nang bumukas na ang pinto ng elevator. Paglabas ko, tahimik lang doon at nanayo ang balahibo ko dahil wala akong makita sa paligid. Kumunot ang noo ko at naglakad ng konti hanggang sa may nahagip akong silver double doors doon. Wow, so ang pinakang dulong floor ay buong opisina ni Emoji? Taray! Ang gara naman pala talaga ng mga Lausingco. Tumapat ako doon sa double doors. At agad na nagtalo ang utak ko kung kakatok ako o bubuksan ko nalang? Sa huli, ang ginawa ko ay binuksan ko nalang iyon. "Ayusin mo Ej! Hindi dapat palaging si Earl ang maghahandle nito, ipapaalala ko sayo, manager lang sya." Nakita ko doon ang pigura ng tatay ni Emoji. "Pa, maayos naman yan." Sagot ni Emoji. "Ej, anong maayos? Kung maayos di sana may pirma na!" Nabitawan ko ang pinto dahil sa pagsigaw ng tayay ni Emoji. Sabay silang napalingon sa akin dahil sa pagbagsak nung pinto. Yumuko naman ako. "Miss? What can we do for you?" Kalmado na ang boses ng tatay ni Emoji. Mabilis naman akong nag angat ng tingin. Xerox copy, iyon ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Kamukhang kamukha ni Emoji ang tatay nya, while Earl got most of his looks with his Mom. "M-may iaabot lang p-po k-kay Sir." God Sinag! Stop stammering. Umalingawngaw ang tunog na galing sa cellphone na hawak ng Tatay ni Emoji. "Excuse me, may meeting pa ako." Ani Mr. Lausingco. "Make sure to finished that deal, Ej?" Pagod na tumango tango si Emoji. "Yeah Pa." Umalis na si Mr. Lausingco. Humipan ang awkward na hangin sa pagitan namin ni Emoji. Pagbaling ko sa kanya, nakatayo na sya at nakahalukipkip sa gilid ng table nya. Wearing his white button down sleeve na bahagyang nakabukas ang tatlong butones kaya umultaw ang dibdib nya. "What can I do for you, Miss Aguilar?" He sound so formal. Para namang may magsnap sa harapan ko at humakbang ako palapit sa kanya. "Pinaayos po sa akin iyan ni Dada. Iabot ko daw po sainyo pagtapos ko na." Nilahad ko sa kanya iyong folder. Bahagya akong napatalon nang mahawakan nya ang kamay ko sa pagkuha nung folder. Ang lamig nung kamay ni Emoji, parang kamay ng bangkay. "Baba na po ako, Sir." Sabi ko pa. "Drop the po and stop being formal." Aniya sa napapaos na boses. Dang, why so hot, Emoji? Tumango nalang ako at pasimpleng kinagat ang pang ibaba kong labi. Pumihit na ako patalikod at handa nang maglakad kaya lang hinawakan nya ang braso ko. Napatalon ako at agad na nakaramda ng kuryente. "Can I ask you out later? Dinner perhaps?" "Po?" He let out a throaty chuckled. "So, it's yes? My treat don't worry." "Sir," "I said, stop with the formality. It's creeping me out." Natawa na naman sya. "Palagi mo nalang akong tinatanggihan." "Kasi po--" "I'll be waiting for you in the parking lot later. Okay? Have a nice day." Binitawan na nya ang braso ko. Wala sa sariling napatango nalang ako at nagmadali sa paglalakad para makalabas na ng opisina nya. Sumandal ako sa dingding sa elevator hustong makapasok ako. Tinapik tapik ko pa ang dibdib ko dahil walang tigil iyon sa pagtibok ng mabilis. Bakit ba palagi nya akong inaayang lumabas? What for? Lately, palagi kasi syang naka-chat or text na lumabas naman daw kami kaya nga as much as possible, iniiwasan ko sya dito sa Hotel ang kaso hindi naman pwede iyon kasi nga sya ang boss dito. Kaya hindi ko mahagap ang dahilan kung bakit nya ako inaaya palaging lumabas? Ayoko namang mag-assume na baka dahil gusto nya ako? O gusto nya lang akong masolo? Ay ewan ko! Bandang seven, tapos na ako sa shift ko. Nagpalit na ako ng damit at inayos ang sarili ko. Hindi ako excited, hindi talaga. Kinakabahan nga ako. s**t naman kasi. Paglabas ko sa locker room ay nakasalubong ko sina Eli at iyong iba pa naming kasama sa ojt. Mukhang tapos na din sila. Nginitian ko sila. "Bebe! Tapos ka na din! Oh great! Dinner tayo!" Ani Eli sa masayang boses. "Kasama natin sila, alam mo na. Weekends bukas, uuwi tayo sa atin diba?" Ay oo nga pala. Malapit na kasing magmahal araw. Kaya ganun. "Eh kasi may pu--" nanliit agad ang mata ni Eli sa akin. "San ka pupunta?" "Ano, sa..." "Nakuu, tyaka ka nalang pumunta doon. Miss na kita, palagi kasi tayong busy sa ojt." Niyakap pa ako sa baywang ni Eli. Kumurap kurap ako at hindi na nakaimik. Kasi si Emoji, baka naghihintay na sa akin? Matapos nilang magpalit ng damit ay lumabas na kami sa Hotel. Saktong nakasalubong pa namin si Emoji na kababa lang ng sasakyan nya. Nanlaki talaga iyong mata ko noong magtama ang paningin namin. Oh s**t! What should I do? Ngumisi lang sya matapos pasadahan ng tingin ang mga kasama ko. Naglakad sya at ramdam na ramdam ko ang disaapointment nang lumampas sya. Baka naman hindi nya talaga totoohanin iyong pag aaya nya kasi nga ilang beses ko na syang tinanggihan. "Where are you guys going?" Huminto sya mismo sa may gilid ko kaya amoy na amoy ko ang pabango nya. "Magdidinner kami Sir. Sama ka." Ani Ronald. "Oh yeah? Dinner?" Ani Emoji sabay baling sa akin. Syempre, nagpatay malisya ako. "Yes, Sir. Doon lang sa malapit dito sa Lausingco Hotels. Sama ka na, Sir." Ani Jeremiah. Napayuko sya at ngisi. Pag angat nya ng tingin ay malawak ang ngisi nya. "Sure bang pwede akong sumama?" Tanong nya pa. Hinigpitan ko ang hawak sa braso ni Eli. "Oo naman po," sagot ni Miley. "Alright, let's go. My treat." Agad na naghiyawan ang mga kasama ko. Anim lang naman kami lahat plus si Emoji. May sasakyan naman si Ronald kaya doon na kami sumakay ni Eli sina Miley ay doon na kay Emoji sumakay na sasakyan. "Si Emoji iyong kikitain mo no?" Bulong ni Eli sa akin. "Huwag kang magdedeny ha! Kita ko sa mga tingin ni Emoji sayo." "Nag aya uli eh." "At pumayag ka naman? Gaga ka, alam mo naman ang balak niyang si Emoji sayo." Kumunot ang noo ko kay Eli. "Ano namang ibig mong sabihin?" Umirap sya sa akin at bahagya pang sinabunutan ang buhok ko. "Duh! Syempre, after ng dinner, saan kayo pupunta? Sa movie house or something like that. Then, sa condo nya or sa apartment nya, then boom bye bataan." Sinapok ko nga. Kung ano ano nasa isip. Nakakaloka tong babaeng to. Ipaalala nyo nga kung ba't naging kaibigan ko to? "Sira! Bakit iyon agad ang pumasok sa isip mo?" Umirap na naman ang luka luka. "Radar ko lang." Sagot nya. "Kalat sa hotel na dakilang playboy si Emoji. At ang modus para makakuha ng babaeng tipo? Aayain magdinner and the rest will happen." Napapailing nalang ako sa mga pinagsasabi ng babaeng ito. Nakarating kami sa restaurant na hindi naman kalayuan doon sa hotel. Pagpasok namin ay may reservation na daw si Emoji kaya inulan sya ng tanong kung ba't may reservation na. Tinikom ko naman ang bibig ko. Ayoko nang magbigay ng comment. Parang korean style ang restaurant na ito. Sa pinakang gitna ng lamesa ang lutuan ng mga inorder na pagkain. Pabilog ang upo namin at nasa bandang kaliwa ko si Emoji at sa kanan si Eli. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng awkwardness though wala namang nakakaalam na kilala namin ni Emoji ang isa't isa personally bukod kay Eli na busy sa pagkain. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Di na kasi ako nakatiis. Nilingon ko pa sya ng bahagya. "I'm fine. So how's the food?" "Masarap naman. Fan ka pala ng korean restuarant?" Pabulong kong tanong. "What?" Tanong nya. Lumapit ako ng konti sa kanya at binulong uli ang sinabi ko. "Hm. Not really, dinala lang ako dito ng mga kapatid ko." Sagot nya. "Ah." Tumango ako at umayos na uli ng upuan. Pagharap ko sa pwesto ni Eli ay nanliliit ang mata nya at bahagya pa akong siniko. "Malandi ka!" Pabulong nyang sigaw sa tenga ko. Sinamaan ko sya ng tingin. "Inggetera." "Hmp. Mabilaukan ka sana." Natawa ako sa sinabi nya at pinagpatuloy na ang pagkain ko. Masarap naman pala ang mga pagkain dito, hindi lang siguro ako fan ng korean restaurant and such. "Waiter!" Ani Emoji sa tabi ko. He slowly leaned forward, naramdaman ko ang kamay nyang humawak sa baywang ko. "Can I have soju?" "Merong soju?" Ani Eli. "Yup. Do you want some?" Tanong ni Emoji sa kanya not minding his hand on the back of my waist. "Sige, Sir." "Five soju. Thanks." Napakurap ako at wala sa sariling nanguya ang nasa bibig ko nang marahan nyang pisilin ang baywang ko bago umayos sa pag upo. "Galante ni Emoji ah." Mahinang kumento ni Eli sa tabi ko. "Biruin mo, mahal daw ang soju." Naiiling pa sya. May dumaang waiter kaya hinabol ko iyon ng tawag. "Ay." Mahinang sambit ko kasi naglanding ako sa may dibdib ni Emoji. Kaagad akong nag ayos ng upo. "Sorry." He took a deep breath. "It's okay." Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. It was awkward though, lumanding iyong kamay ko sa ano nya. s**t naman eh. "Waiter, pengeng tissue." Tawag ko uli doon sa waiter na dumaan, this time sa gilid naman ni Eli. Matapos naming kumain lahat ay nagpasalamat sila kay Emoji dahil treat nga nya. Isa isa na silang umalis hanggang sa naiwan kami ni Eli. "Hatid ko na kayo." Ani Emoji. Sabay pa kaming napatalon sa gulat ni Eli. "Naku Sir. Huwag na po. Magtataxi nalang kami." Ani Eli. "Are you sure?" Paninigurado ni Emoji. Kinurot naman ni Eli iyong tagiliran ko sabay bulong. "Gusto mo bang sumabay kay Emoji? Okay lang naman sa akin, balitaan mo nalang ako kung anong mangyayari sain--" kaagad kong tinakpan iyong bibig nyang madaldal. "Okay lang po, Sir." Sagot ko kay Emoji. "Mag iingat po kayo." "Alright. Hintayin ko na kayong makasakay." Sumandal sya sa red hillux nyang sasakyan. Ang sexy ng sasakyan nya sa paningin ko. Kakainis. Pumara si Eli ng taxi at kumaway kay Emoji. Tumango lang sya at hindi inalis ang tingin sa akin. "Pwede ka pang bumaba, malapit lapit pa tayo sa pwesto ni Emoji." Sabi ni Eli sa tabi ko. Sinamaan ko sya ng tingin. Umayos ako ng upo bago ko narinig na tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko pa si Eli at busy sya sa pagtingin sa bintana. I press the lock button of my phone and swipe the screen. Emoji: Thank you for the dinner kahit may kasama tayo. Natawa ako. He really assume that dinner will be only the two of us. Maybe next time then? Ako: Thank you din. Mabilis na tumunog ang cellphone ko para sa reply nya. Emoji: I hope next time, it will be dinner between the two of us? Nagulat ako kasi inagaw ni Eli iyong phone. Inagaw ko naman pabalik sa akin. "Sus, huwag mo ng replyan. Konting pakipot naman sa pagrereply, be." Nakangising sabi ni Eli. "Napaghahalataan ka masyado."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD