Chapter 13
Suplada
Kinabukasan ay talagang pumunta sa bahay si Eli para itanong ng itanong iyong tungkol sa napag usapan namin sa chat kagabi ni Bryan Manalo. Kinewento ko naman dahil hindi ako titigilan nitong babaeng ito.
"Ay! Naku!" Aniya matapos kong magkwento. "Delikado yang pa-kamusta kamusta nya."
Tinuktukan ko naman agad iyong ulo nya.
"Gaga. Baka naman, wala lang syang ma-ichat that time at natiyempuhan na ako lang iyong online?" Patanong kong sabi.
Nanliit naman ang mata ni Eli. At kapag ganito ito, alam na. May kung ano na naman ang tumatakbo sa isipan nito.
"Tigilan mo ko sa mga iniisip mo." Pairap kong sabi.
"Well, alam mo ba kung ano iyong iniisip ko?"
"Hindi."
Napabuga sya ng hangin. "Godness! Kaibigan ba kita? Dapat kapag ganun alam mo din ang nasa isip ko."
Natawa naman ako. "Alam ko no. Pero baka naman totoo nga?"
"Hays." Umiling iling sya. "Maybe yes na baka pinagpupustahan ka nila or maybe no?"
"Ewan ko. Ayokong mag isip. Bahala pati sya."
Sinundot nya iyong ilong ko.
"Asus. Pero iniisip nya pa din." May pagtapik pa sa balikat ko. "Kung ako sayo, huwag mo nalang silang pag papansinin. Iyang mga Lausingco at iyang si Bryan. Toxic sila sa buhay mo."
"Sinong Toxic?" Biglang sulpot ni Rain.
Ngumisi si Eli. "Edi yang bestfriend mo."
Napalingon sa akin si Rain. "Si Sinag? Toxic at ikaw?"
Napasapok ako sa noo ko. I know that she was joking.
"Ah! Si Earl? Toxic naman talaga yun." Aniya sabay sipsip sa dutchmilk na dala dala nya. "So, sino iyong toxic?"
"Si Bryan Manalo. Do you know him?" Sagot ni Eli.
"Bestfriend ni Eris Jon." Sagot naman ni Rain. "One of the asshole's, paano laging kasama ng mga Lausingco."
"I never believed that he's my cousin." Naiiling na sabi ni Eli.
Oh, I almost forgot that they are blood related. Bakit ba parang ang liit ng mundo?
"Why?" Tanong uli ni Rain. "Is he hitting on you?"
Mabilis akong napailing. "No, he's just ahm, chatting me? Maybe out of boredom."
Napataas ang kilay ni Rain.
"Hmm.. Such an assholes."
Hinampas naman ni Eli ang bibig ni Rain.
"What?" Asik ni Rain.
"You kept on saying bad words." Irap pa ni Eli.
"And you girls kept on mentioning bad people." Umirap din si Rain.
"And speaking of the devil... Bestfriend is here." Nginuso ko ang pwesto ni Earl.
Wearing a peach polo shirts and a white tokong pants. He's slowly walking towards us. Sabay naming siniko si Rain. Agad syang napairap sabay buga ng marahas na hangin.
"What are you doing here ha!"
"Bakit ang init init ng ulo mo?" Natatawang sabi ni Earl. Pabiro nya pang hinipo ang gilid ng noo ni Rain na parang napapaso.
Tinabing naman ni Rain iyon.
"Naiinis ako." Ani Rain.
"Kanino? Kay Shinubo? He's joking, you know that." Sabi ni Earl.
Humalukipkip si Rain.
"C'mon Strawberry. Tara nalang sa Baguio?" Aya ni Earl. "Sama kayo?"
Umiling si Eli. "Ay hindi ako pwede pero gusto ko."
"How bout you, Sinag?"
"I can't. Kayo nalang."
"Tara na!"
Wala nang nagawa si Rain nang hilahin sya ni Earl. Kumaway sila sa amin at pinanuod namin silang mawala sa paningin namin ni Eli.
"Hay." Lumumbaba si Eli. "Kailan kaya nila marerealize na ang lakas ng spark nila? Biruin mo, almost fifteen years na silang magbestfriend, kilala na nila ang isa't isa."
"Marerealize din nila iyon, in time." Natawa ako.
Hindi pa namin kilala si Rain noon, pero ang alam namin halos sabay na silang lumaki ni Earl at base sa nasagap kong impormasyon, talagang mahal na mahal sya ng mga Lausingco. At bilib din ako kay Rain, although puro asshole nga ang mga lalaking Lausingco at suplada naman ang mga babae ay napapaamo nya iyon. Well, she's a fiesty woman, you know.
Ilang saglit lang ay nag paalam na si Eli na uuwi na muna at inaantay na daw ng nanay nya. Talagang babaeng iyon , aga aga sa layasan hindi pa pala nakakapaglaba.
At para hindi ako mapagalitan ay ako na ang nagpresintang maglaba. Inayos ko ang suot kong cotton shorts at bahagyang binuhol ang dulo ng suot kong malaking tshirt. Bibili kasi ako ng sabon sa tindahan. Ipinuyod ko na din ang buhok ko at nilagyan ko pa ng headband para hindi malaglag ang bangs ko. Matapos kong humingi ng pera kay mama ay lumabas na ako.
"Ay! Ang sexy natin ah." Natawa ako sa pagbati ni Ate Annabelle sa akin. Iyong kaibigan na kapitbahay namin.
"Inborn yan teh."
"Aano ka?" Tanong nya.
"Lalaba."
"Sexy'ng labandera nito." Natatawa nyang sabi.
Umikot pa ako at umakto na parang model para ipakita ang itsura ko kay Ate Annabelle. Natawa sya. Pagharap ko sa tindahan ay saglit akong natigilan. Isang mababang tingin ang sumalubong sa akin, kitang kita ko sa mata nya ang aliw na naglalaro doon, marahil ay nasaksihan nya ang kagagahan ko.
Lihim kong pinagalitan ang sarili ko. Dahan dahan akong naglakad papunta doon sa tindahan binabalewala ang titig ni Bryan Manalo sa akin. Tumikhim pa ako.
"Isang sabong panlaba nga at powder tyaka fabcon." Casual kong sabi.
"Tig iisa ate?" Tanong ni Andre, iyong bantay na anak ni Ate Annabelle.
Tumango nalang ako at sinilip ang dala kong pera na singkwenta. Wala sa sariling napaangat ang tingin ko at agad na nagtama ang mata namin ni Bryan Manalo. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago kami sabay na natawa.
"Hi." Aniya.
Ngumiti ako. "Uy."
"Akala ko iisnabin mo ako." Medyo may pagkapaos ang boses nya.
Nanlaki ang mata ko. "Hindi ah! Hindi ako ganun."
Natawa sya.
"Ate oh."
Inabot ko ng mabilis iyong binili ko at inabot ang pera. Sinuklian naman ako.
"Dito na ko." Paalam ko. Tumango sya at ngumiti, nawala pa ng bahagya ang mata nya dahil medyo singkit itong si Bryan.
Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa bahay. Pinaypayan ko pa ang sarili ko. What? What is happening? Hays!
Matapos kong maglaba ng mga damit ay inaya ako ni Ate sa mall. May bibilhin daw sya, dahil wala naman akong gagawin ay pumayag na ako. Buti at kakatapos ko palang maligo that time.
Paalis na kami nang humabol iyong pinsan ko. Sasama daw at inaantok sya pero ayaw nyang matulog.
Mga abubut lang ni Ate ang binili nya at pasalubong kay Mama. Ako naman ay bumili na ng battery ng cellphone ko para hindi agad agad ma-lowbat. Nag uli lang kami saglit bago nagkaayaan na umuwi na.
Patuloy lang akong nagiiscroll sa news feed ko sa twitter. Miminsan ay nag iingay din ako. Puro walang kabulbulan naman iyong mga pinagtitweet ko.
***
Kinabukasan ay wala namang masyadong magandang nangyari. Wala pa sina Earl at Rain. Si Eli naman ay ang aga sa bahay. Inaasar nga sya ni Mama na baka daw hindi pa sya nakakapag paalam sa nanay nya.
Nagpatulong lang si Eli sa isang assignment nya na hindi nya masyadong maintindihan daw.
"Nak, may gagawin ka?" Silip ni Mama sa kwarto.
"Wala naman, Ma. Bakit?"
"Ano, makikisuyo naman nitong tahi sa tita mo."
Tumayo ako sa kama at inayos ang sarili ko. Hinayaan ko nalang iyong cellphone kong nag-cha-charge, patay naman iyong data connection kaya hindi iyan mag iinit.
Nagspray lang ako ng pabango at lumabas na ng bahay. Natatawa pa ako sa suot ko. Itim na tshirt iyon na may design na boobs at maroon na dolphin short. Pinagpagan ko pa iyon at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pa-sway sway pa iyong paper bag na hawak ko at tahimik akong naghuhumm ng kanta. Pagliko ko sa may kanto ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makilala ko iyong lalaking nakaupo sa may motor sa labas ng bahay nila. Tanging grey na boxer lang ang suot nya.
Napalunok ako. Kinalma ko ang sarili ko. Bumuga sya ng maraming usok mula sa vape nya.
Ngayon, nagtalo ang isip ko kung tutuloy pa ba ako o hindi na? Pero syempre hindi ako pabebe kaya dumiretso ako ng lakad. Umayos sya ng pagkakaupo sa ducati nya at napalingon sa pwesto ko. Nagtama ang mata namin. Ako ang unang umiwas ng tingin. Kakaibang intensidad ang nasa mata nya.
Tumibok ng mabilis ang puso ko. s**t! Hindi na ako magsisinungaling pa dahil talagang namiss ko sya. Namiss ko si Emoji. Tatlong buwan lang pero parang tatlong taon na. Oa na kung Oa pero iyon ang naramdaman ko.
Hindi ko sya matingnan sa mata nya habang dumadaan ako sa harap nya pero alam kong nakamasid sya sa akin. Ano ba!
"Psst. Psst."
Huwag kang lilingon, Sinag. May pangalan ka. Okay?
"Tss."
Ang bilis ng bawat hakbang ko para makalayo agad ako sa kanya. Sinapo ko ang dibdib ko at marahang tinapik iyon dahil walang humpay sa pagwawala. Ano ba ito! Ito ba talaga ang epekto nya sa akin?
Naibigay ko na kay Tita ang mga pinatahi nya. Nagtagal pa nga ako ng mga ilang segundo sa labas ng opisina ni Tita. Nang maging maayos na ako ay nagsimula na akong maglakad. Siguro naman ay wala na doon si Emoji, ano?
Dahan dahan ako at bahagyang sumilip pero napabuga ako ng hangin. Nandoon pa din sya. Shocks, huwag ka ngang paapekto, Sinag. Para kang baliw talaga.
Taas noo akong naglakad, binati pa ako nung mga security guard na nandoon. Nginitian ko sila at nagpatuloy na sa paglalakad. Malayo palang ako ay nasipat na agad ni Emoji ang pagdating ko dahil sumandal sya sa ducati nya at tumitig sa pagdaan ko.
I kept my poise. Hindi ko pinahalatang naaapektuhan ako sa paninitig nya. Utot nya!
"Pst." Muling sitsit nya.
Huwag kang lumingon. Huwag!
"Suplada oh." Aniya na natatawa.
Binilisan ko ang lakad dahil naramdaman ko ang paglapit nya sa akin na baka hilahin nya ako at hindi ako makapagpigil bigla at yakapin ko sya dahil miss na miss ko na sya.
"Tss. Suplada na." Pinarinig nya talaga iyon sa akin.
Nilingon ko sya at nagmake face bago nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko pa ang baritono nyang pagtawa. Nang makaliko ako ay agad akong sumandal sa pader na nandoon at pinaypayan ang sarili ko.
Jusko Emoji, ano bang ginawa mo sa akin at ganito nalang ako kung makapagreact sa simpleng pagkita ko lang sayo. Whut?