Chapter 12
Missing in action
Maaga akong pumasok sa ojt that day. Well, I'm a bit excited to see Emoji, at hindi ko na ipagkakaila iyon. Nakapagpalit na ako ng unifrom ko pang ojt.
Then I started my daily routine. It was quite a busy day today but I won't mind.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Pagkabukas niyon ay agad akong lumabas at lumakad. Patapos na ang shift ko kaya't hahanapin ko na si Eli at magpapaalam na sa kanya.
Nahinto lang ako sa paglalakad ng makita ko si Emoji. Patapos na ang araw pero ngayon ko palang syang nakita. May mga kausap syang sa tingin ko ay mabibigat na tao, at sa tabi nya ay iyong secretary nyang aligaga na sa mga gagawin.
He was too busy to notice me. Hanggang sa magsara na ang pintuan ng elevator ay nakatingin pa din ako doon. Kundi lang ako sadyang binangga ni Eli, hindi pa ako matatauhan.
Inirapan ko sya. Tinawanan lang ako ng bruha at inaya ng magpalit ng damit. Sabay kaming umuwi nang gabing iyon.
Nagpapahinga na ako pero ang isipan ko ay tila parang lumilipad. Paulit ulit din akong sumisilip sa cellphone ko kasi hindi nag oonline si Emoji. Maybe he's really busy, thou?
Kinabukasan ay maaga uli akong pumasok. Panay nga ang asar sa akin ni Eli. Hindi ko nalang sya binigyan ng pansin.
Pinanuod ko ang mala-model na paglalakad ni Shaira papasok sa hotel. Suot ang pulang dress na umabot hanggang sa gitna ng hita nya ang haba at ang baba ng neck line na halos lumuwa ang s**o nya. Naningkit ang mata ko, bakit nandito na naman ang haliparot na ito?
Dumiretso sya sa reception desk. At talagang binatayan ko ang pagkilos nya. Tumango sya at ngumiti doon sa babae pagkatapos ay umalis na.
Namilog ang mata ko, bakit umalis na sya? Hindi ba sya tataas para landiin si Emoji? Teka, bakit?
"Talagang binantayan mo si Shaira no?" Rinig ko si Eli sa tabi ko.
"Hindi."
"Asus. Ano daw? Nagtaas na ba?"
"Umalis na." Sagot ko. Ngumisi naman si Eli.
"Hindi daw binabantayan." Humalakhak pa ang bruha.
"Tss. Bumalik ka na nga sa ginagawa mo."
"So, hindi umakyat? Ibig sabihin wala si Sir Emoji sa opisina nya?"
Kumibit balikat ako. "Malay ko ba."
Tumawa na naman ang bruha kaya iniwan ko nalang sya doon at nagpakabusy nalang baka mamaya ay masita pa ako.
Aaminin kong buong maghapon akong naghintay kay Emoji. At nakakainis kasi hindi ko dapat sya pinaghihintay ng ganito. Ang kaso hindi ko na sya nakita pa uli, baka may pinuntahang meeting sa Makati? Ewan.
"Kanin pa neng."
Natawa na umiling ako kay Uncle.
"Ayoko na. Medyo lumulobo na ako."
"Aba, eh ganito talaga dito."
"Sasabihin sayo pag uwi mo ate," ani Liam. "Sinag, bakit ang taba mo na?"
"Uy grabe! Tumaba ba talaga ako?"
"Tinatanong pa ba yan, Pamangkin?"
Ngumuso ako kay Auntie. Matapos namin kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng pinggan.
Humiga na ako sa kama ko pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin. Pumikit ako at nagpasyang matulog nalang pero agad din akong napamulat at natuksong buksan ang cellphone ko. Nagscroll lang naman ako sa wall ko sa f*******:. Walang bago.
I was about to exit my way pero may nakakuha ng attensyon ko. It was a picture of Emoji, he was fixing his luggage. Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga ko.
"Good Luck on your journey, kapatid. Ingat palagi doon."
Binasa ko ang caption post ni Emsi--iyong kapatid nya. Napanguso ako. Posted sya kagabi pa, so ibig sabihin kagabi pa sya nakaalis? Pero teka, saan naman sya papunta?
Sinubukan kong pumunta sa timeline nya kaso agad ko ding naalala na inunfriend ko nga pala sya. Ano ba! Bakit ba may pag-unfriend ka pa, Sinag? Ayan! Paano mo ka makakakuha ng impormasyon ngayon?
Three months. Three months ang tinagal ni Emoji kung nasaan man sya ngayon. Ayun lang ang nabasa ko sa mga comments doon sa post ni Emsi. I have no idea kung saan sya nagpunta pero baka business meeting lang. Tyaka dapat hindi ko na sya concern, at dapat isipin ko ay iyong pag aaral ko.
Malungkot man isipin pero baka huminto muna ako kasi mula nang makauwi si Papa galing sa barko ay hindi pa sya nakakasakay pang muli. Malaki ang babayaran namin ngayon sa school dahil ipagpapatuloy ko pa din ang ojt ko sa Lausingco Hotels pero naiintindihan ko naman na hihinto muna ako pansamantala hanggang hindi pa uli nakakasakay si Papa.
"Auntie, baka po hindi pa ako makabalik jan."
[Bakit naman?]
"Stop po muna ako sa pag aaral. Hindi pa po kasi nakakasakay uli si Papa sa barko."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Auntie sa kabilang linya.
[Sayang naman.]
"Babalikan ko nalang po iyong mga iba ko pang damit jan."
[Sige lang. Wait, bakit hindi mo try magtrabaho dito? May alam ako.]
"Tanong ko po muna kay Mama."
[Nakuuu. Huwag mo nang itanong, ako bahala sayo.]
I spent my vacation in our house. Nag iisip ako kung tatanggapin ko ba iyong alok ni Auntie sa akin o hindi. Nasabi ko na kay Mama iyon, sabi nya ako nalang daw bahala tutal kaya ko na naman daw.
"Psst!"
Nakalumbaba akong sumulyap sa gate. Nakatayo doon si Rain at Eli. Napairap ako. Mambubulabog na naman sila.
"Parang lungkot ata natin ah!" Kumento ni Rain.
"Paano, wala pa si Emoji." Singit ni Eli.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Halika. Punta nalang us sa bayan?" Hinila ako patayo ni Rain. "Dadbod tayo, libre ni Elizabeth. Diba?"
Nanlaki mata ni Eli. "Hoy! Kkb! Ano kayo? Chicks?"
Natawa ako at hinawakan na sila sa kanilang braso. Nagpaalam kami kay Mama at lumabas na. Pasimple akong sumulyap sa pwesto ng bahay nina Emoji. Sabay naman akong siniko noong dalawa.
"Wala jan, huwag mo nang sulyapan."
Umirap ako. Saktong bumukas ang gate nila at niluwa noon si Earl. Sabay sabay kaming napaainghap. Sino ba naman ang hindi? Ang gwapo kaya ni Earl ngayon.
"Oh, Hi Girls." Ngumiti sya kaya ayan lumabas ang biloy nya.
"May date ka?" Tanong ni Rain sa kanya.
"Yup. Samahan mo nga pala ako, Strawberry."
"Huwag mo nga akong tawaging Strawberry." Inis na sambit ni Rain.
Napatawa kami ni Eli kasi ang totoong pangalan ni Rain ay Strawberry Rain. Oh diba? Ang unique masyado. Mahal na mahal kasi sya ng nanay nya.
"Bakit?" Natatawang ani Earl. "Dali na, samahan mo ako."
"Date mo pero kasama si Rain?" Singit ko.
"Idedespatsya na nya iyong babae kaya isasama nya ako." Bakit parang dama ko ang pait sa tono ng boses ni Strawberry Rain?
"Oh! May lakad kami, Sir Earl." Madiing sabi naman ni Eli. "Next time nalang."
"Sama nalang ako sa pupuntahan nyo."
"Hep!" Hinarang ni Rain ang palad nya sa mukha ni Earl. "Girlthing ito! Hindi ka belong."
Napakamot si Earl sa batok nya.
"Halina kayo." Hinila na kami ni Rain palayo kay Earl. Kumaway nalang kami sa kanya hanggang sa makalayo na kami.
"Samahan mo nalang kaya si Earl." Sabi ko pa habang nagsisimula na kaming kumain.
"Pabayaan mo nga sya. Kailangan mo kami ngayon kasi nalulungkot ka ngayon." Ani Rain.
Napanguso ako sa sinabi nya. Ayoko nga kasing maalala na nalulungkot ako ngayon. Pinitik naman ni Eli ang mga daliri nya sa harapan ko.
"Cheer up. Makakapag antay naman ang edukasyon be. Sinabayan pa talaga ng pagka-missing in action ni Emoji kaya lungkot na lungkot ka."
Mabilis naman syang siniko ni Rain at pinandilatan ng mata. Napailing nalang ako at kumain na.
Matapos noon ay namasyal pa kami ng konti bago nagpasyang umuwi na. Dumiretso ako sa kwarto ko at dumamba sa kama ko. Naiwan ko pala ang cellphone ko kaya parang kulang ako kanina.
Dinampot ko iyon at binuhay ang data connection. Wala namang dumating na mga message, puro notification sa twitter at f*******:. Napabuntong hininga ako.
Papatayin ko nalang sana ang data nang biglang tumunog ang messenger ko at nag-pop out iyong message na galing kay Bryan Manalo.
Bryan Manalo: Hello.
Automatikong napataas ang kilay ko. What does this mean?
Ang alam ko, he was a friend of Emoji. Cold sa ibang tao mostly kapag hindi nya naman talaga kilala. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa message nya.
Rereplyan ko ba? O hindi?
Pero natetempt na akong magtipa kaya ang ending nireplyan ko nalang din.
Sinag Aguilar: Hi.
Pabagsak kong nilapag sa kama ko iyong cellphone ko at tumayo. Tumunog naman agad iyong messenger.
Bryan Manalo: Musta?
This time, sobra na sa pagkakakunot ang noo ko. Out of the blue, nagchat sya bigla sa akin. What for?
Sinag Aguilar: Ayos lang po. Ikaw?
Bryan Manalo: Mabuti. Hehe.
Agad akong nagchat kay Eli para ibalita ito.
Bryan Manalo: wala ka ata sa labas nyo ngayon?
Nahigit ko ang hininga ko. So napapansin nya akong palaboy laboy sa labas namin?
Sinag Aguilar: ah, nakakatamad eh.
Agad ko din namang chinat si Eli. Panay pa din akong nag iisip kung ano ang dahilan nya para ichat ako out of no where!
Elizabeth Perez: Anong sabi? Bakit daw?
Sinag Aguilar: Nangangamusta lang. Pero nagulat ako, ba't sya mangangamusta bigla?
Elizabeth Perez: Baka naman pinababantayan ka kay Emoji.
Napairap ako. As if naman gagawin talaga ni Emoji yun. Pinagloloko lang ako ng babaeng ito.
Sinag Aguilar: Baka nga. *manonglook*
Elizabeth Perez: why not? Diba bestfriend sila? Oh!
Bryan Manalo: Pati pagtambay kinatamad mo na din?
Sinag Aguilar: Hindi naman. Gabi na din kasi. Ang pangit naman tignan kung nasa labas pa ako.
Elizabeth Perez: uy! Busy syang ka-chat si Bryan.
Sinag Aguilar: Hindi ah. Napapaisip lang ako.
Bryan Manalo: Kungsabagay. Hahaha.
Napakamot ako sa sentido ko. Hindi kaya?
Elizabeth Perez: Napapaisip ng ano?
Sinag Aguilar: Hindi kaya pinagpupustahan nila ako?
Elizabeth Perez: Anong pinagpupustahan!? Gaga ka. Kung malapit lang ako sayo nasapak na kita.
Sinag Aguilar: Eli, may posibilidad din kasi.
Matagal tagal sya bago nakapagreply. Nilapag ko muna ang cellphone ko sa tabi ko at napatitig sa kisame.
What if lang pinagpupustahan nila ako? Or baka naman nagiging assuming lang ako?
Elizabeth Perez: Ay assumera ka. Baka naman nakikipagkaibigan lang talaga?
Nagulo ko na ang buhok ko. Ewan? Baka? May posibilidad? Ayokong magconclude!
Bryan Manalo: Tulog ka na?
Napaayos ako sa pagkakahiga ko at huminga ng malalim.
Relax Sinag, hindi naman siguro nila magagawa ang pagpustahan ka. Okay?
Sinag Aguilar: Patulog na. Y?
Bryan Manalo: Ah, wala. Sige tulog ka na.
Sinag Aguilar: Oryt. Salamat sa time.
Matapos kong isend iyon ay mabilis kong pinatay ang data at nilock ang phone ko. Buset! Ayoko na magisip.