Chapter 11
Tanga
I tried avoiding Emoji. But who am I kidding, right? Kahit anong sabi kong iiwasan ko na sya, ako pa din si Tanga na parang hilong talilong kapag nakikita sya.
Gigil na nga si Eli sa akin pero ang gulo nya din at the same time. Ipupush ako kay Emoji dahil kinikilig daw sya, kapag naman hindi nakikita si Ej, kung ano ano sinasabi. Ang gulo lang no?
Hindi ako umuwi nung weekends dahil may plano kaming gig nina Rain. Nagpaalam naman ako kay Mama at buti pumayag sya.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Auntie sa akin.
"Kakain lang po sa labas."
"Kayong tatlo lang? Walang ibang lalaki?"
Tumango ako at tinapos na ang kilay ko dahil kapag si Rain ang kasama, dapat kilay is life. Daming arte.
"Mag iingat kayo doon. Magtext ka kung makakauwi ka para aabangan kita sa labas."
"Opo, thank you Auntie."
"Sige na."
Hinalikan ko ang magkabilang pisngi nya bago dinampot ang bag ko. Humabol pa si Liam ng halik sa pisngi ko.
"Ssh, ate. Bawal uminom ng madami." Aniya. Natawa naman ako doon.
Lumabas na ako dahil nagtext na sina Rain at Eli na nasa gate na sila ng subdivision. Nagmadali na ako at baka iwan pa ako ng dalawang yun.
Si Rain ang pumili ng lugar dahil madalas naman siya doon kasama ang iba nyang ka-ojt. Kumain na muna kaming tatlo sa SnR, gusto daw ni Eli doon at malaki ang chicken.
Matapos namin kumain ay agad kaming dumiretso sa Revel Bar. Ayon kay Rain, sikat na sikat daw ang bar na ito dito sa Manila. Nag alinlangan kami ni Eli nung una dahil baka mahal, pero sasagutin daw lahat ni Rain. Yayamanin kasi talaga itong babaitang ito.
Pagbaba namin ng taxi halos hindi pa kami nakakapasok mismo sa bar pero rinig na rinig na ang music dito. Wish ko lang na sana hindi mabasag ang eardrums ko. Inakaya kami ni Rain sa loob. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, marahil gawa siguro iyon ng kasabikan ko dahil first time kong makakapunta sa ganitong bar.
Panay ang bati ng ibang madadaanan namin kay Rain, sabi nya iyong iba daw ang mga ka-ojt nya at iyong iba naman ay nakilala nya lang dito sa bar.
Kaming tatlo lang iyong nakaupo sa piniling table ni Rain at hindi ko na tinanong kung magkano iyon dahil baka malula lang ako sa presyo. Si Eli naman ang pumili ng maiinom namin at pagkain na din.
"Saya dito no?" Tanong ni Rain.
"Super. Madalas ka dito?" Tanong ko matapos kong lumagok ng alak.
Di ko kilala iyong alak pero masarap na mapakla na mapait na medyo gumuguhit sa lalamunan pero ayos na yun.
"Yep. Mostly, libre lang ako. Kaya ngayon, gusto kong ilibre din kayo ni Elizabeth dahil miss na miss ko na kayo."
Kunwaring napaiyak si Eli at niyakap si Rain. Natawa naman ako at uminom nalang uli.
"Sayaw tayo!" Aya bigla ni Eli.
"Walang bantay dito?" Sabi ko.
"Ako nalang. Sige na, enjoy nyo. Tapos mamaya ako naman. Okay?" Pinagtulakan pa kami ni Rain.
Wala na akong nagawa kundi ang sumama kay Eli patungo sa dance floor. Nagsimula na kaming sumayaw ni Eli, panay nga ang tawa ko sa kanya dahil sa mga moves nya. Literal na baliw talaga tong si Eli.
Sinabayan ko ang paggiling nya, akala nya ba sya lang yung magaling? Aba hindi ata ako papatalo. I closed my eyes and throw my hands up in the air as I sway my hips sensually. Kinagat ko pa ang labi ko para mas madama ko ang pagsayaw ko.
Narinig ko ang reklamo ni Eli dahil sa ginawa kong sayaw. Siniko nya ako ng bahagya dahilan para mapamulat ako. When I opened my eyes, a pair of deep set of eyes caught me off guard. Kinabahan agad ako nang matanto ko kung kaninong mga mata iyong nasalubong ko.
The intensity of his stare literally took my breath away. Hininto ko ang paggiling ko at binalingan si Eli. Busy pa din sya sa pakikipagsayaw. Wala sa sariling binalik ko ang tingin ko sa kanya. Nakasandal sya sa may counter bar doon habang ang suot ay isang grey v neck and a rugged jeans. Hawak nya ang kopita at sumisimsim doon. Lumunok ako. Coincedence lang ba na nandito din sya?
"Eli, upo na tayo. Pagod na ako." Hinila ko ang braso ni Eli.
"Mauna ka na doon. Tapos papuntahin mo si Rain dito para ma-enjoy naman nya to."
Mabilis akong tumango sa kanya. Habang naglalakad ako pabalik sa table namin, pakiramdam ko nakalutang ako o di kaya'y nabubutas na ang tagiliran kong mukha dahil sa paninitig na ginagawa nya.
"Oh, pagod ka na agad?" Tanong ni Rain.
"Oo, punta ka na doon. Ako na bahala dito." Naupo na ako at agad lumagok ng alak. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Sure? Mabilis lang kami para may kasama ka."
"It's okay Rain. Go on, enjoy."
Hinalikan nya ang pisngi ko bago patakbo na pumunta sa dance floor. Inabala ko naman ang sarili ko sa paglingon sa paligid. This is really a huge bar so far na napuntahan ko.
Muli akong lumagok ng alak bago ko inayos ang buhok ko na nagulo. I tied it in a messy bun. Inayos ko din ng bahagya ang laylayan ng dress na suot ko, abot hanggang sa ibabaw ng tuhod ko ang haba noon. Longsleeve sya pero revealing ang likod. Pinahiram sa akin ni Rain para nga daw bongga ang suot ko ngayon. Noong una hindi ako komportable pero ayos naman na.
Sumubo ako ng letuce doon bago ako nag angat ng tingin. Only way for me to find out na nasa harapan ko na pala si Emoji, kasama iyong pinsan nyang si Shinubo.
"Hi, it was nice seeing you again." Lumapit sa akin ni Shinubo at binigyan ako ng halik sa pisngi.
Hilaw na ngiti ang binigay ko sa kanya. I known him since day one. Mabait naman ito, half japanese half filipino. Iyong Mama nya ang japanese I think?
"Shi." Mariing sabi ni Emoji.
Shinubo chuckled. "Chill men. Kinakamusta ko lang."
Naupo si Shinubo sa harapan at halos mahimatay ako dahil nakaupo si Emoji sa tabi ko. Lately, he's being clingy for I don't know why. Or nagiging assuming lang ako?
"Where are your friends?" Tanong pa ni Shinubo.
"Nasa dance floor." Sagot ko. "Kayong dalawa lang?"
"Kaming magpipinsan actually, pero may kanya kanyang mundo iyon." Kibit balikat na sagot ni Shinubo.
Tumango naman ako bago ko inabot ang baso na may lamang alak. Nilagok ko uli iyon.
"Don't drink too much." He whisphered using his husky voice.
"I can take care of myself, don't worry." Ngumisi pa ako. Yan, dapat hindi ka pa-apekto sa kanya, Sinag. Kaya mo yan.
"Oh yeah? How sure are you?" Bulong nya uli.
His breath is mixed with some alcohol drink and his signature strawberry vape.
Pumulupot ang braso nya sa baywang ko at hinila ako ng bahagya palapit sa kanya. Napalunok ako. Here we go again.
"Hey, I'll just check that chick. Be righg back." Paalam ni Shinubo at parang flash na nawala bigla sa harapan namin.
Now, it's just Emoji and me, alone again.
Namahinga ang malapad nyang kamay sa kaliwang bahagi ng tiyan ko. It was big and a bit warm.
"Ej."
"Hmm.." Sagot nya at dinikit ang noo nya sa pisngi ko.
Sinubukan kong lumayo ng konti dahil natatakot akong baka marinig nya ang puso kong nagwawala na sa loob ng dibdib ko ngunit hindi nya ako pinayagan. Mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa akin.
"Ej, Rain and Eli might saw you. Bumalik ka na sa mga pinsan mo."
"What if I don't like?" Paos na paos na ang boses nya. "I want to be here with you. Mamaya, lapitan ka pa dito at mabastos."
"Pero..." Kinagat ko ang pangibaba kong labi.
"Aalis ako kapag dumating ang mga kaibigan mo."
Hindi nalang ako umimik. We stayed like that for about five minutes bago ko naramdamang gumalaw ang kamay nya pababa sa hita ko. He started kissing my cheeks. Hinawakan ko ng mabilis ang kamay nyang papasok na dapat sa laylayan ng dress ko.
"Don't fight it, walang makakakita sa atin." He murmured before claiming my lips for a firey kiss.
True enough dahil medyo madilim sa lugar namin at busy ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa. Animo'y para akong tanga na nawala sa sarili at pinulupot ang isang braso sa batok nya upang suklian ang halik na binibigay nya sa akin.
"Ay pusong nagtukaan!"
Mabilis akong humiwalay kay Emoji at nakita ko ang dalawa kong kaibigan sa harapan namin. Nakangisi sila pareho.
"Ah, sige Ituloy nyo lang. Kukunin ko lang itong cellphone ko." Ani Rain.
Pakiramdam ko, pulampula na ng pisngi ko. Humigpit ang pagkakahawak nya sa baywang ko at parang wala lang na ipinagpatuloy ang pagsimsim sa kopita nya.
"Oy, saan na kayo?" Pigil ko kina Eli.
"Babalik na doon. Dito ka na muna." Sagot ni Eli sabay nguso sa katabi ko.
"Sama ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay naramdaman kong pinisil ni Emoji ang tagiliran ng baywang ko.
"Dito ka nalang. You have company, remember?" Tumaas pa ang sulok ng bibig ni Rain.
Wala na akong nagawa kundi ang tignan ang bulto nilang papalayo na sa akin. I took a deep breath.
"Hanggang anong oras ka?" I heard Ej asked me.
"Kahit ano, sunday naman bukas." Sagot ko. Nagsalin na din ako ng bagong alak sa baso ko.
He was eyeing me. Matapos kong mailagok ang ininom kong alak ay parang biglang umikot ang paningin ko. But I have to keep myself up, lalo na't katabi ko si Emoji.
"I'll take you home." Bulong nya.
Napalingon ako sa kanya, baka kasi mamaya nabingi ako. Hinaplos nya ang hita ko.
"Ayoko pa umuwi." I pouted. God, I'mma bit tipsy na.
"You're drunk already." He whisphered.
"Ano ba! Umuwi ka kung gusto mo." Umirap ako at kinalas ang braso nya sa baywang ko.
He let out a sexy f*****g chuckled.
"Alright! Don't be such a hot damn chick." Natatawa nya pa ding sabi.
Umirap akong uli sa kanya. Kinalma ko ang pangingin ko dahil talagang pakiramdam ko ay umiikot na sya o ano?
"Hi Ej!"
May grupo ng mga babae ang mapadaan sa table namin. Kahit pala medyo madilim ay kitang kita ang kagwapuhan ng Emoji na ito.
Kinikilig iyong mga babae at hustong lumapit pa. Pinigilan ko ang sarili kong mapairap sa sobrang inis. Hello, hindi ba nila alam na may kasama iyong tao?
Nang hindi ko na maatim ang landian nila ay tumayo ako at walang lingong naglakad patungo sa dance floor. Hindi ko mahanap sila Eli kaya pinili kong magsayaw nalang mag isa. I don't care kung iisa lang ako sa gitna ng dance floor. What now?
I gave my best shot. Tinaas kong muli ang dalawa kong kamay at walang pakundakang giniling ko ang baywang ko. Napahinto lang ako ng may humawak sa akin.
I looked around to see a foriegner man beside me. He was smirking as hell. Gwapo naman pero may bakas sa mukha na hindi dapat pagkatiwalaan.
"Oh, why did you stop?"
"I-I need to go."
Nanlaki ang mata ko nang hilahin nya ako palapit sa kanya. Buti at agad kong naitungkod ang mga braso ko sa dibdib nung lalaki.
"Can you please let go of me."
"I don't want. Let's just dance, Missy."
Kumawala ako, at thankful naman ako na nagawa ko sya. Hinawakan uli ako nung lalaki sa braso bago ko naramdamang may tumulak sa akin.
"Watch out! This is my man you're flirting with."
"I didn't flirt with your man."
"Oh yeah? Siguro nilandi mo kaya lumapit sayo."
"Aba't! Hoy, iyang lalaking iyan ang lumapit sa akin."
Pinukol ako ng nakakatakot na tingin nung babae bago hinarap ang jowa nya daw.
"Is that true?"
Umiling iyong kano. "She's the one who seduced me, Honey."
Napantig ang tenga ko. What? What did he just say?
I was about to speak for myself when I felt a strong arm wrapped around my waist.
"What did I heard from you?" Mababa ang boses nya. "My girl sedueced you?"
I gasped. Umigting ang panga ni Emoji.
"You heard me right." Anang nung kano.
Mapaklang matawa si Emoji. "How did she do that? For all I know, sa akin nya lang pwedeng gawin iyon. So don't mess up with my girl. Hindi nyo ko kilala."
Tinuro nya lang iyong dalawa bago ako hinila palayo doon. Nakarating kami sa kabilang parte ng dance floor. Nakita ko sa hindi kalayuan sina Eli at Rain na busy sa pagsayaw.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Emoji na nakatayo sa harapan ko.
"What? San pa ba ako pwedeng pumunta?"
"Doon sa mga pinsan mo. Why are you sticking with me?" Humalukipkip ako.
"It's because you might get into trouble like that."
"Kaya ko ang sarili ko. Thank you, by the way."
Lumayo akong uli sa kanya at nagsimula na sa pagsayaw. Not a second passed by, I feel him beside me, grinding like a wild animal. Nakagat ko ang pangibaba kong labi.
"Gave your best shot again, Sinag. The one that I saw earlier." Hinawakan nya ng marahan ang balakang ko at hinila palapit sa kanya.
"Ej, stop!" Inis kong sabi dahil naapektuhan na talaga ako.
"What? Wala pa akong ginagawa na magugustuhan mo, Sinag."
"Just please, stop." Sabi ko.
Nagmartsa ako pabalik sa table namin. Nandoon na bigla iyong dalawa, even Shinubo is there with a girl.
"Oh, uuwi na us?" Tanong ni Eli kasi kinuha ko na iyong bag ko.
"Oo. Kaya kumilos na kayong dalawa."
"Hoy Sir Eris, anong ginawa mo sa kaibigan namin?" Tanong ni Eli kay Emoji na nasa likod ko.
"I'll take you guys home." Sagot ni Emoji.
Pumalakpak si Rain. "Ay bongga, hindi na tayo mamamasahe sa taxi." Tumayo na si Rain at kinuha ang bag nya.
"Alright, let's go." Si Eli. "Bye Shinubo."
"Bye girls. Ingat kayo." Kaway pa ni Shinubo.
"Ako na magbabayad ng pamasahe sa taxi." Sabi ko pa.
Tinaasan ako ng kilay ni Emoji sabay tinagilid nya ang ulo nya.
"You're friends agreed to this." Aniya. Lumapit sya sa akin at hinawakan na ako sa baywang. "Let's go, it's getting late.
"Ej."
"Hmm." He answered. "Come on, let's go."
Pagdating sa parking lot ay agad na pinatunog ni Emoji ang sasakyan nya. Walang hiya hiyang sumakay iyong dalawa sa likod. Pinanlakihan ko sila ng mata. Ngumisi lang naman sila sa akin.
Emoji opened the door for me. I murmured thank you before climbing in. Nagulat pa ako kasi sya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko.
"Ako ang una, pwede?" Sabi ni Rain nang magsimula nang umandar ang sasakyan.
"Sure."
Sinabi lang ni Rain kung saan ang eksaktong lugar ng apartment na tinitirhan nya. Hindi naman nagtagal ay agad kaming nakarating doon.
"Ako na muna sunod. I'm sleepy na talaga." Ani Eli.
Nilingon ko sya at kita kong pikit na sya. Ako na ang nagsabi kay Emoji kung saan ang bahay ni Elizabeth.
"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko." Bigla kong sabi nang marealize ko kung anong ginawa ng mga kaibigan ko.
"It's okay."
Tumango naman ako at umayos ng pag upo. Hindi din naman nagtagal at nakarating din kami sa bahay nina Eli. Nakasilip na agad ang Ate nya sa gate pagdating namin. Si Emoji na ang bumaba at umalalay kay Eli.
"Ate, pasensya na po."
"Ayos lang, basta't safe sya nakauwi. Salamat, mag iingat kayo."
Tumango ako at ngumiti. Kumaway pa ako kay Ate bago tuluyang nakalayo ang sasakyan.
"Can I get ourselves a coffee first?" Tanong nya.
Sinilip ko ang wristwatch ko. Past twelve midnight na.
"Ano kasi, kailngan ko nag umuwi."
"I see."
Tinuro ko ang daan patungo sa amin. Nagtext na ako kay Auntie na pauwi na ako. Nagreply lang sya na bukas ang pinto dahil nannunuod pa sya ng kdrama.
"Dito nalang."
Hininto nya ang sasakyan. Kinalas ko naman ang seatbelt ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang higitin nya ako paharap sa kanya.
I felt his softlips on mine. It's just a brief kiss, pero halos maging tanga na naman ako.
He licked his lips. Inayos ko naman ang sarili ko.
"Thank you for the ride." Hinawakan ko na ang pinto.
"Go on. Baka kapag tumagal ka pa ng isang minuto dito, hindi na kita palabasin." Humigpit ang hawak nya sa manibela.
Napalunok ako at binuksan na ang pinto. I hate him for being blunt about what he wants.
"Mag iingat ka sa pagdadrive." He just nodded.
Pagkasara ko ng pinto ay agad nyang pinaandar palayo ang sasakyan nya. Napabuntong hininga ako.