Chapter 10
Gift
"Nagseselos ka kaya kinekwento mo sa akin?" Ani Eli.
Nakaupo kami dito sa tindahan sa labas ng bahay nina Auntie. May tig isa kaming redhorse.
"Shinashare ko lang naman."
"Oh, ngayong alam mong may dinedate na sya. Siguro naman aawat ka na?" Tinaasan ako ng kilay ni Eli.
"Ewan."
Napailing sya at tumungga sa bote ng red horse nya. Lumumbaba naman ako at sumubo ng mani. Ilang saglit lang ay dumating si Rain. Bumili din sya ng red horse.
"So, anong atin?" Tanong nya agad.
"Iyan si Sinag, nagpapakagaga." Binato ko naman agad si Eli ng mga mani.
"Ano ba! Kaibigan mo kaya ako." Ngumuso ako.
"Bakit ba?" Singit uli ni Rain. "Wait, tungkol kay Emoji?"
Tumango ako na nakanguso pa din.
"Anyare ba?"
"Panay ang pahalik ng isang iyan eh halos alam na alam sa buong Hotel building na babaero naman si Emoji."
"Ohh!" Sagot ni Rain matapos nyang tumungga sa bote nya. "Diba sabi mo gusto ka nya?"
Tumungga muna ako sa bote ko. "Ewan ko ba! Parang gusto nya ako, ano? Gusto nya ako sa kama nya, ganun?"
Pumalakpak si Eli. "Tumpak! Nakuha mo!"
"Malay mo, gusto ka talaga nya?" Sabi pa uli ni Rain.
Umiling iling naman si Eli. "Hindi no. Kita mong dinedate nya si Shaira Madrigal. Kaya imposibleng gusto nya iyang friend natin. Mag isip ka nga, Rain."
"Wow!" Binatukan ni Rain si Eli. "Ang talino mo ha."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam gagawin ko. Pero tangina kasi. Hindi ko na mapigilan. Kapag nagchachat sya, ang bilis kong magreply. Kapag nakikita ko sya, naghaharumentado ang puso ko. Imposible namang mahal ko na sya? Teka, bakit mahal agad?
"We wouldn't know. Malay mo, past time nya lang si Shaira Madrigal. We all knew naman na pokpok sya diba?" Natatawang sabi ni Rain. "Let's see nalang kapag tinigilan na nya itong maganda nating friend. Oki? Go with the flow ka nalang, bebe."
Napailing ako dito sa dalawa.
"Eh pano kung inaya nang magsex si Sinag?" Si Eli na naman. "Besides nagmomol na sila."
Nanlaki ang mata ni Rain at hinigit ang buhok ko.
"Ano?" Inis kong sabi.
"Gaga ka! Ba't di ko alam na nagmomol na pala kayo ni Fafa Emoji."
"Ssh." Binawalan ko sya at masyado na silang maingay na dalawa.
"Shareeee!" Niyugyug nya pa ang balikat ko.
Napasapo ako sa noo ko. Ipaaalala nyo nga kung bakit naging kaibigan ko ang dalawang ito.
***
I acted so normal that day. Tinuon ko ang attensyon ko sa mga inuutos sa akin para wala namang masabi ang bagong handle namin na itago natin sa pangalang Sir Eris Jon "Emoji" Lausingco. Psh.
"Birthday ni Sir Eris ngayon. Anong regalo nyo sa kanya?" Rinig ko noong mapadaan ako sa reception desk.
"Simple lang uli." Sagot naman noong isa.
"Tulad ng dati, parang fans day na naman ni Sir kasi puro regalo na naman ang opisina nya."
Huminto ako at inabot ang cellphone ko sa gilid ng bra ko. Sinilip ko ang calendar at napanganga ako. Birthday nga ni Emoji ngayon. Waah, ba't nalimutan ko? At teka Sinag, obligado ba talagang dapat alam mo na birthday nya?
Pinagkibit balikat ko nalang iyon at tinuon ang attensyon ko sa ojt. Baka mamaya failing grade ang makuha ko dahil sa paglalandi. Naku Sinag, makukurot ka sa singit ng Mama mo.
Inabot kami ng alas siete ngayon. Madami kasing tao sa hotel at fully booked. Naririnig at nakikita ko ang ibang empleyado na binabati si Emoji. Napapaismid naman ako. Bahala pati sya.
Dumating nga si Ma'am Emsi iyong bunso nyang kapatid. Nagbigay iyon ng mga cake at iba pang pagkain kaya may meryenda kaming lahat.
Tapos na akong mag ayos ng gamit ko nang bigla akong hilahin ni Eli. Nakabusangot ako sa kanya.
"Ano na naman ba? Uuwi na ko."
"Nandyan si Sir Emoji sa intern locker."
Tumaas ang isang kilay ko. Bakit naman kayo?
"Happy Birthday po uli, Sir." Bati ng iilan.
Ngumisi si Emoji at nagpasalamat. Nakaputing longsleeve nalang sya ngayon na bukas na naman ang dalawang butones. Badtrip naman, bakit ba ang ganda ng katawan nito.
"May birthday treat ako para sa mga empleyado at sa mga inern tulad ng nakagawian tuwing birthday ko." Aniya. "So I do hope na pwede kayo? Nakapagpareserve na ako sa isang malapit na Resto Bar."
"Ay talaga sir!"
"Ngayon na po?"
"Wow! Bongga."
"Mag early out nalang iyong morning shift then iyong mga pang night shift, papadalhan ko nalang ng dinner dito sa Hotel." Pinasadahan nya ng tingin ang paligid. Nagtago naman ako kay Eli. "So, that's settle."
"Sige po sir. Thank you po."
"Hintayin ko kayo sa Resto Bar."
Nang makaalis si Sir Emoji ay napuno ng pag iingay ang buong paligid.
"Bongga naman. Sya ang may birthday pero sya ang may pa-treat. Sarap maging mayaman." Kumento ni Eli sa tabi ko.
"Uuwi na ko. Sasam ka ba?"
Napatingin sa akin si Eli na akala mo ay may nasabi akong hindi maganda.
"What?"
"Hindi ka sasama?!"
Nagmake face ako. "Hindi. Nitatamad ako."
"Ay gaga ka! Once in a lifetime chance lang tayo makasama sa mga ganitong gig!" Hysterical nyang sabi.
Umirap ako at kinuha ang cellphone ko para magpaalam kay Auntie na baka late ako makauwi. Kailangan kong bantayan si Eli at wild ito kapag nakakainom.
Weh? Si Eli nga ba ang babantayan mo o si Emoji? Ani ng isang bahagi sa isip ko.
Pinilig ko ang ulo ko. Si Eli naman talaga ang babantayan ko. Bahala na pati iyang si Emoji. Hmp.
Matapos kong magsend ng message kay Auntie ay binuksan ko muna ang wifi ng phone ko (libre wifi kasi dito sa Hotel) at binuksan ang messenger ko. Matapos magloading ay halos mabitawan ko iyon kasi biglang lumabas sa screen n tumatawag sa messenger si Emoji. Kitang kita ang profile pictue nyang nakangisi.
Lumunok lunok ako at hinintay na mawala ang tawag. Ang lakas lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Ayan, ayan na naman ako. Palagi namang ganito ang nagiging reaksyon ko kapag sya ang involve sa buhay ko. Nakakasura diba?
Eris Jon Lausingco:
Eris Jon Lausingco:
Hey.
Eris Jon Lausingco:
Can we have lunch?
Eris Jon Lausingco:
Are you busy?
Eris Jon Lausingco:
Where are you?
Eris Jon Lausingco:
Are you busy, can you come to my office for a while?
You missed a video call with Eri Jon.
Ano na naman bang gusto nitong Lalaking ito?
Eris Jon Lausingco:
Seen
Ilang segundo ko ding tinitigan iyong messages nya. Hanggang sa tinawag na ako ni Eli at aalis na daw.
Dito lang din naman iyong resto bar. Malaki iyon. Walang mga tao dahil ayon nga kay Sir Emoji ay nagpareserve na sya. Okay. Sya na rich kid.
May mga nakahanda nang pagkain sa lamesa pagpasok namin. May mild music na pumapaloob sa buong resto bar. Namangha ako sa feautures. Masasabi mong magaling talaga iyong designer nitong Hotel kung sino man sya.
May malaking couch na pabilog sa gitna doon. Kanya kanya na kaming pagkuha ng pagkain. Konti lang kinain ko kasi nagluto si Auntie ng adobo sa bahay. Doon nalang ako uupak ng lamon.
"Diet ka teh? Kailan pa?" Puna ni Eli nang makita ang plato kong kokonti lang ang laman.
"Wala ako sa mood kumain." Sagot ko nalang sabay subo sa lasagna.
"Wala sa mood my ass." Iirap irap pa tong bruhang to.
Napuno ng kwentuhan ang paligid. Bawat department ay kanya kanyang table. At ang mga intern ay may sarili ding table. Magkatabi kami ni Eli, lagi naman kaming magkatabi.
Madami syang kinuha na pagkain kaya noong nakita nyang wala nang laman iyong plato ko ay agad nyang nilagyan uli ng lasagna. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Kumain ka lang ng kumain. Minsan lang to, baliw ka." Aniya.
Nilapag ko ang tinidor sa plato ko matapos kong sumandok niyon at dinampot ang cellphone ko. Bukas pa pala ang wifi nito.
Eris Jon Lausingco:
Napili ko nalang na magscroll sa f*******:. Natempt akong magpunta sa wall nya kaya hindi ko na binawalan ang sarili ko.
Puro pagbati lang ang makikita doon. Mostly sa pamilya nya, kaibigan at mga iba pang tropa. Madami kasi talagang hatak na kaibigan si Emoji, I must say na madali syang makisama sa ibang tao.
Napahinto ang pagscroll ko nang mahagip ko ang pangalan ni Shaira Madrigal.
Shaira Madrigal To Eris Jon Lausingco
Happy birthday, miss you.
What the f! Miss you? Magjowa lang ang peg? Well, kung sa bagay. Dating sila diba? So wala na dapat akong pakialam. Shut up nalang ako. K!
"Are you guys having fun?" Bigla syang sumulpot sa table namin.
"Yes sir. Ang sarap ng mga pagkain."
"Si Tita Libby ang nag luto nan. Thank you sa appreciation." Tinapik nya iyong lalaking intern na malapit sa kanya. "Kain lang kayo. Mamaya may beer pa."
"Yown. The best pala si Sir Eris!" Pumalakpak si Carmelo.
Nagtawanan silang lahat. Humalukipkip naman si Emoji at kitang kita ko na napatingin sya sa pwesto ko. Binagsak ko naman ang cellphone ko sa bag ko at binalingan ang plato ko. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay kita ko naman sa gilid ng mata ko ang paninitig nya habang binibigyan sya ng bote ng alak ng waiter.
Marahas kong nalunok ang lasagnang kakasubo ko palang.
Naging busy ang ibang empleyado at nagkaroon ng kanya kanyang pagkakaabalahan.
"Ayos ka lang? Panay kang nasa cellphone mo." Binangga ni Eli ang balikat ko.
"Nainom naman ako ah."
Umirap pa. "Tss. Mamaya ka na nga magcellphone. Baka mamaya ka-chat mo pa si Emoji."
Ni-lock ko naman ang cellphone ko at tinabi na. "Happy?"
"Yes." Niyakap nya ang braso ko.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakaramdam ako ng pagka-ihi. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Eli at nagpaalam na tutungo lang ako sa banyo.
Pagkatayong pagkatayo ko ay syang pagtama agad ng mata namin ni Emoji. He's standing one of the tables, while holding a bottle of beer. Nagfreeze ang pagtawa nya sa kung ano man ang nakakatawang pinag uusapan nila.
Nainis ako na bakit kailangan pang dadaan sa pwesto nila bago marating ang cr? At teka, saan ba banda ang cr dito? Nakakalula kasi sa laki ang resto bar na ito.
Huminga ako ng malalim at lumakad na kahit pakiramdam ko lumulutang ako sa bawat titig nya sa akin. Jusko naman, Emoji. Pakitigilan na nga iyang paninitig mo.
Pinilit kong huwag mapalingon sa kanya noong madaan na ako sa table kung nasaan sya. Buti at may nakasalubong akong waiter.
"Yes, Ma'am?"
"Saan po ang cr?"
Ngumiti iyong waiter. "Diretso lang po, tapos kaliwa."
"Salamat."
Tumango sya at iniwan na ako. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang cr.
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako sa cubicle na nandoon. Bale tatlong cubicle lang ang nandoon. Paglabas ay malaking sink at salamin.
Pagkasarang pagkasara ko ng pinto noong cubicle ay halos mapatalon ako ng makita kong nakasandal si Emoji sa sink. Sinapo ko ng mabilis ang dibdib ko. Putangina talaga nitong lalaki na ito.
"Ano bang ginagawa mo dito? Nakakatakot ha!"
"I'm just checking you."
Nagpamulsa sya kaya mas nadepina ang braso nyang niyayakap ng longsleeve nya. Bahagya nya pang tinagilid ang ulo nya, dahilan para mapansin ko ang dibdib nya. Ano ba, Sinag! Kung saan saan ka nakatingin.
"This is a women's comfort room." Sabi ko sabay diretso sa sink sa dulo.
"I owned this building."
Napairap ako at tinapos na ang paghuhugas ng kama. Nagpatuyo na din ako ng kamay doon sa heater.
"Iniiwasan mo uli ako?" Napalingon ako dahil ang lapit lapit na ng boses nya. Doon ko lang napansin na malapit na nga sya sa akin.
"B-ba't naman kita iiw-wasan?" Nakuu! Napakatanga mo talaga, Sinag.
Yumuko sya at dinantay ang kanang braso nya para makulong ako sa pagitan nya at ng pader. Kitang kita ko ang paggalaw ng adam's apple nya habang nakatitig sa mukha ko.
"In what reason, again?" He huskily said.
Napaawang ang bibig ko para kumuha ng hangin. Because this guy literally caught my breath. Marahan nyang hinawakan ang baywang ko gamit ang kaliwang kamay nya na may pagpisil pa.
"I was waiting for your reply earlier. Pero sineen mo lang ako." Damang dama ko ang hininga nya na malapit sa mukha ko. "You didn't ever greet me? It's my birthday."
Nakakalasing ang pagkalalim ng boses nya dala na din ng medyo paos pa iyon. Puno ng ingat nya akong hinila palapit sa kanya kaya napasinghap ako nang madama ko ang init na nagmumula sa katawan nya.
"Can I kiss you? As my birthday gift?" Ilang inches nalang talaga at maglalapat na ang labi naming dalawa.
"E-ej.." Tanging naiusal ko matapos nyang halikan ng mababaw na halik ang labi ko.
"Hmm.." Aniya sabay bangga ng dulo ng ilong nya sa dulo ng ilong ko.
Pumungay ang mata ko at wala sa sariling naiyakap ko ang mga braso ko sa leeg nya. Agad naman nyang inabot ang labi ko para halikan.
I closed my eyes tightly as he deepened the kiss. I kiss him back without any hesitation. Mariin nya akong niyakap sa baywang ko.
Ramdam kong paunti unti syang naglalakad at pumasok kami sa isang cubicle doon. He locked the door and continue kissing me. Lunod na lunod na naman ako sa mga halik na binibigay nya sa akin. And I don't know if I wanted him to stop. I don't want to stop.
Bumaba ang halik nya sa panga ko pababa sa leegan ko. I catched my breath and bit my lower lip at he planted wet kisses on my neck. I gripped his polo when I felt him softly sucking my neck. He even lifted my right leg and wrapped them on his waist.
"Ej..." I moaned as he started grinding himself on mine.
He once again claimed my lips for a deep kiss again that will lose my sanity. Wala na. Lunod na naman ako sa halik nya sa akin.
After a few seconds, lumayo ako sa kanya para kumuha ng hangin. Pareho naming hinahabol ang hininga ng isa't isa. Nakatitig na naman sya sa akin kaya pakiramdam ko ang pula pula na ng magkabilang pisngi ko.
Kumalas sya sa akin at sinarado ang takip noong bowl sabay upo doon. He motioned me to sit in his lap. Umiling ako, hinila naman nya ang kamay ko kaya ang ending napaupo na nga ako sa lap nya.
"We should go back." Sabi ko.
Hinimas nya ang hita ko kaya ayun, napalunok na naman ako. Siguro kung nakikita ako ni Eli ngayon, sasabihin noon na ang landi landi ko.
"Just a seconds." He murmured before claiming my lips again. "It's my birthday, hmm.."
Automatikong sinagot ko agad ang mga halik na binibigay nya sakin. Naglumikot ang kamay nya na nasa hita ko paakyat sa gitnang bahagi nito. Mabilis kong hinawakan iyon dahilan ng pagkakatigil ng paghalik nya.
"Ano?" Paos na paos ang boses nya.
"Ej, ano.. Kasi.."
"Tiwala lang sakin." Aniya. Pinulupot nya ang mga braso ko sa batok nya at hinalikan uli ako.
Nilaliman nya ang ginawang paghalik nya sa akin. Muli na naman akong nalunod doon. Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang kamay nya uli doon. He softly squeez it. Nakagat ko ang labi nya.
Lumayo ako sa kanya at umiling.
"Okay. I'm sorry."
"Babalik ako dun." Tumango sya at hinayaan na akong lumabas ng banyo.
Pinaypayan ko ang sarili ko dahil ang init init ng pakiramdam ko ngayon. Tinapik tapik ko pa ang pisngi ko. Kung hindi ka umalis alam mo na kung anong mangyayari, Sinag.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay nagpapasalamat naman ako na hindi napansin ni Eli ang pagkawala ko ng matagal. Lasing na to malamang. Napainom ako doon sa bote ng alak sa harap ko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Emoji na kakabalik palang sa table nila. Sumulyap sya sa akin bago nag iwas ng tingin, may pagkagat pa ng labi.
Iyong puso ko, ayun. Naghaharumentado na naman ng walang humapay.