SHOJIN'S POV
"Ang cute at ang linis ng unit mo ha."
"Ang aga mo yatang pumasyal dito?"
"8 pm mamaya, sa Whirayi's bar, nandun ang barkada. Please Jin, pumunta ka... Hwag mo nalang pansinin ang best friend ko kung makita mo man sya."
"Hindi na issue s'kin si sabuya, matagal na kaming wala, at nakapag move on na ako sa kanya."
"So pupunta ka?"
Dumungaw ako sa veranda ko, at nakita ko syang nakatingin s'kin. Naiinis ako sa kanya kapag na aalala ko iyong kagabi.
Hindi ko sya pinansin at pumasok na ako sa loob.
"Sige, pupunta ako."
"Promise iyan ha??? Jin, si yanri iyon di ba?"
Hindi ko na malayan ang pag punta ni clinx sa veranda ko.
"Oo." tipid kong sagot.
"Pupuntahan ko sya." at nag madali syang lumabas.
Dahil sa na iinis ako kay engot, iniwasan ko na muna na makita sya.
Umuwi ako sa house n'min, naabutan ko pa ang papa ko na palabas palang ng gate, at gamit na nya ang bago nyang kotse.
Paparahin ko sana sya, pero huminto na sya sa tabi ko, at bumaba.
"Buti na alala mo pa na may bahay kang dapat uwian."
"Kayo kase!!!!!! Palagi nyo nalang akong ikinukumpara kay klinan."
"Ang gusto ko lang ay maging responsable ka, sana naman maintindihan mo iyon. Hindi kana bata anak."
"Okay."
"Mis na mis kana ng mama mo at ng kapatid mo. Pumasok kana sa loob."
"Gagawin ko talaga iyon, sila lang naman ang ipinunta ko dito at hindi ho kayo!!!!"
"Shojin, anak nga talaga kita."
"Bakit, duda ho ba kayo?"
"Loko loko kang bata ka, alis na ako."
"Pa, sandali ho...."
"Bakit???"
"Pa, sorry ho....." sabay takbo ko, at pinuntahan ko si dandas.
Isa syang puting labrador at napakalaking aso, kumakaway ang buntot nya ng makita ako.
"Ang gwapo natin lalo ngayon, Dandas." sabay himas ko sa kanya.
"Sir shojin, welcome back po." bati s'kin ni manong gazpal ang gardener namin.
Nginitian ko nalang sya bilang sagot ko.
Sa mga maids namin na nakaka salubong ko, iisa lang ang mga sinasabi nila s'kin, kagaya lang din ng bati s'kin ng gardener namin.
"S......Sir shojin, welcome back po..." na uutal na sinabi s'kin ni macsi. Isa sya sa mga maid namin na patay na patay s'kin.
Paano ko nalaman??? Nabasa ko iyong diary nya na naiwan nya sa rooftop ng bahay namin.
Well, she's not my type.
Hindi ko sya pinansin, at hinanap ko nalang ang kapatid ko at ang mama ko.
Nang makita ako ng kapatid ko, agad nya akong sinalubong at binigyan ko sya ng isang mahigpit na yakap.
"How's you my little princess???" sabay buhat ko sa kanya.
"Kuya jin ko... Na mis kita so much..."
"Namis din kita asurie...."
"Son....." sabay yakap s'kin ng mama ko.
Nakakatuwa, ang buong akala ko, sesermunan nya ako at pagagalitan, pero nag kamali pala ako, dahil hindi iyon nang yari.
Nag kwentuhan kaming dalawa, at naikwento ko rin sa kanya ang break up namin ni sabuya. Nalungkot sya para s'min, pero natuwa sya ng si engot na ang ikwento ko sa kanya.
Ang relasyon namin ni mama, parang mag kabarkada lang kami. Open ako sa kanya, kaya kapag may mali ako, sinesermunan na agad nya ako.
Siguro madali akong maoffend kaya, sumasama agad ang loob ko.
Nang mag 7 pm, nag paalam na ako, kinuha ko ang motor ko sa garahe, at pinaharurot ko agad ito ng mabilis. Sa madaling salita, byaheng impyerno ang ginawa kong pag mamaneho.
Huminto ako sa tapat ng shop nina engot, pero sarado na ito.
Dumiretso nalang ako sa bar na sinasabi ni Clinx.
Nakita ko sa labas iyong iba, at nagulat ako ng makita kong naka akbay si Clinx kay engot.
Si engot na gumaganda sa paningin ko, dahil nag muka syang angel sa suot nyang fit na fit na black dress.
Huminto ako sa tapat nila at hindi ko na muna inalis ang suot kong helmet.
"Tarana sa loob, nandyan na ang pahulihin." parinig ni ellion s'kin.
"Wala pa kaya si sabuya." kontra ni Clinx.
"Baka itinanan na ni jin." epal ng gagong si zeruwi.
Hinubad ko iyong helmet ko at ibinato ko sa kanya.
Swerte ng gago dahil nasalo nya.
"I.....ikaw pala iyan jin, akala ko ibang tao na nag pa papansin lang"
"Umuwi ka ba sa mansion, kaya nakuha mo iyang motor mo?" tanong s'kin ni sapiel.
"Oo." tipid kong sagot.
"Jin, yosi oh." alok s'kin ni loran.
"Sige ba!!!" sabay lapit ko sa kanya.
"Sesermunan ka ni sabuya, kapag nakita ka nyang nag yoyosi." sabi ni Chiwa na nasa kanan ni engot.
Lumapit ako sa kanya.
"Matagal na kaming wala."
"Ang playboy mo kase!!!!!"
Binugahan ko ng usok si engot.
"Hindi ko na kasalanan iyon." sagot ko.
"Hwag ka kayang bastos, binubugahan mo ng usok si yanri!!!!!" sigaw ni cherie.
"Close ba kayo??? Hwag kang mag alala, sanay na sya sa usok, dahil kahoy ang ginagamit nya sa tuwing mag luluto sya."
[END OF POV]