-Paloma- Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ni Mr. Sandoval, dahil pauwi na rin kami ngayon ng Maynila. Ayoko pa sana sumabay sa kanila kaya lang ay may bigla daw flight ang boss ko kaya wala na rin ako nagawa ng makiusap ito na kailangan ko siyang samahan sa ibang bansa dahil ako pa rin naman ang secretary nito. Saka nag-aalala pa rin ako sa kung ano ang iisipin ng mga magulang ko sa aming dalawa lalo pa at boss ko pa rin naman ito. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa nasa tabi ko naman ang boss kong wala imosyon. Nasa ganon pa akong pag-iisip ng bigla na lang din tumunong ang phone ko at isang unknown number ang nakita ko, subalit sinagot ko pa rin ito at nagbabakasakaling baka ang kaibigan ko itong si Gina. “Hi! Paloma, si Kevin ‘to.” Pakilala nito sa kabilang linya. Nagulat

